Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Philippine Normal University Visayas

The National Center for Teacher Education


The Environmental and Green Technology Education Hub
City of Cadiz

BANGHAY ARALIN SA ARALING


PANLIPUNAN 7

Inihanda ni:

Bb. SOFIA M. ALMAQUER


Gurong Mag-aaral

Ipinasa kay:

Gng. RICHELLE A. DELMO


Gurong Tagapatnubay

Taong Pang-akademiko
2022-2023
I. LAYUNIN
Sa loob ng isang oras na talakayan, 75 porsyento ng mag-aaral sa ikapitong baitang ay
inaasahang:

a. matatalakay ang pamumuhay ng mga tao sa Panahong Paleolithic, Panahong


Mesolithic, Panahong Neolithic, at Panahong Metal,
b. maipapaliwanag ang kahalagahan ng bawat panahon sa pagbabago ng pamumuhay ng
tao; at
c. maipapahayag ang damdamin sa pamamagitan ng pagpili sa pinakamahalagang
kontribusyon o kagamitan na bahagi sa pamumuhay ng mga tao sa mga panahong ito.

II. NILALAMAN

a. Paksa: Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya

b. Konsepto: Sa pagdaan ng panahon ay kasabay din sa pagbabago ng pamumuhay ng


bawat tao. Ang Panahong Paleolithic ay ang panahong nagsimulang mamuhay ang mga
tao gamita ang bato at graba na itinatapon agad pagkatapos gamitin. Ang Panahong
Mesolithic ay ang panahong naging mas malikhain ang mga tao. Sa Panahong Neolithic
nagsimula ang pamumuno at pamahalaan. Sa Panahong Metal o ang kasalukuyang
panahon nagsimula ang paggamit ng metal na materyal para sa kagamitan. Ang mga
panahong ito ay ang mga panahong humubog sa bawat tao at sa kanilang pamumuhay.

c. Sanggunian: Aklat sa Araling Asyano; pp. 129-134

d. Kagamitan: Mga larawan, Kartolina, Clay, at mga materyales sa pagsulat.

d. Balyu Pokus: Naipapakita ang pagkamapamaraan at pagkamalikhain ng mga tao.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paunang Gawain

1. Pambungad

Magandang umaga, Grade 7! Magandang hapon po, Maam.

Tayo muna ay manalangin. (Nakapikit at nananalangin ng mataimtim ang


mga bata.)
Pwede nang umupo ang lahat.
Salamat po, maam.
May mga lumiban ba ngayon sa klase?
Wala po, maam.
1. Balik Aral

Bago tayo magsimula sa panibagong paksa,


nais ko muna nating balikan kung ano ang
inyong napag-aralan noong isang araw.
Ito ay may kaugnayan sa mga Kababaihan sa
Asya na inyong napag-aralan.

Simple lang naman ang ating maikling


aktibidad na may pamagat na Maria Clara o
Klay. May sasabihin akong pangungusap o
talata at sasabihin niyo kung ito ba ay si Maria
Clara na ang sinisimbolo ay ang mga
sinaunang kababaihan o si Klay na
sumisimbolo sa modernong kababaihan.
Naintindihan po, maam.
Naintindihan ba, Grade 7?
Handa na po, maam.
Handa na ba kayo?

Ako ay may karapatang bumuto.


Si Klay po.
Sino ako?
Tama!

Nakasalalay sa desisyon ng aking asawa at ama


ang aking buhay.at hinaharap. Si Maria Clara po.
Sino ako?
Tama!

Ako ay may sariling trabaho at nakapag-aral. Si Klay po.

Sino ako?

Tama!

Ako ay walang karapatang makapag-aral. Si Maria Clara po.

Sino ako?

Tama!

Ang positibong katangian po ni Maria Clara ay


Ano sa tingin niyo ang positibong katangian ni ang kanyang pagiging maka-diyos at pino kung
Maria Clara? kumilos.

Magaling! Ang positibong katangian ni Klay po ay ang


kanyang pagiging matapang.
Ano naman ang katangian ni Klay?

Mahusay!
Si Maria Clara po.
Kung pipili kayo sa isa, sino ang gusto niyo, si
Klay o Maria Clara? Si Klay po.

Magaling! Piliin niyo man si Maria Clara o


Klay ay may positibo parin silang mga
katangian na maipagmamalaki. Talagang
naintindihan niyo ang inyong napag-aralan.

2. Pagganyak

Ngayon naman ay may inihanda akong gawain


kung saan mahahati kayo sa tatlong pangkat at
kailangan niyong bubuin ang mga letrang
makikita niyo sa loob ng envelop na aking
ibibigay. Pag nabuo na ang salita ay itaas
lamang ito. Bibigyan ko lamang kayo ng
dalawang minuto. Maliwanag po, Maam.
.
Handa na po, Maam.
Maliwanag ba, Grade 7?
EBOLUSYON
Handa na ba ang lahat?
Ang ebolusyon po ay isang proseso ng
Ano ang nabuo niyong salita?
pagbabago ng pamumuhay at katangian ng tao.
Sa inyong palagay ano ba ang ebolusyon?
Ang halimbawa ng ebolusyon ay ang
pagbabago ng wika.

Magbigay ng halimbawa ng ebolusyon.


PANGANGASO
Magaling!
Ito ay ang paghahanap ng mga hayop sa
Ano naman ang pangalawang salita? kagubatan upang gawing pagkain.

Ano naman ang pangangaso?


YUNGIB
Tama!
Ang yungib o kuweba ay isang malaking butas
Ano ang panghuling nabuong salita? na matatagpuan minsan sa gitna ng kagubatan.

Ano ba ang ibig sabihin ng yungib?


.
Magaling!

Minsan din itong naging tirahan ng mga tao.

Ang ebolusyon, pangaangaso, at yungib ay


mga salitang napakahalaga sa ating paksang
tatalakayin.
3. Paglalahad Opo maam, ang ating paksa po ngayong hapon
ay tungkol po sa pamumuhay ng tao noong
Batay sa inyong nabuong salita, mayroon ba unang panahon.
kayong ideya kung ano ang ating paksa
ngayong hapon?

Kanina ay may mga binuo kayong salita. Ito ay


ang yungib, ebolusyon, at pangangaso na
makikita at maiintindihan niyo sa ating
tatalakayin na paksa.

Ang ating paksa ngayong hapon ay tungkol sa


Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya.

Ngunit bago ang lahat, sabay-sabay muna a. matatalakay ang pamumuhay ng


nating basahin ang ating layunin. mga tao sa Panahong Paleolithic,
Panahong Mesolithic, Panahong
Isa, dalawa, tatlo, basa! Neolithic, at Panahong Metal,
b. maipapaliwanag ang kahalagahan
ng bawat panahon sa pagbabago ng
pamumuhay ng tao; at
c. maipapahayag ang damdamin sa
pamamagitan ng pagpili sa
pinakamahalagang kontribusyon o
kagamitan na bahagi sa pamumuhay
ng mga tao sa mga panahong ito.

Grade 7, ngayong hapon ay mayroon tayong Makinig ng mabuti.


alituntunin na dapat sundin sa ating klase.
Itaas ang kamay kapag gustong sumagot o
Maaari bang magbigay kayo kung ano-anu ang magtanong.
mga ito?
Isulat ang mga importanteng detalye sa
Ano pa? leksyon.

Mag-enjoy habang natututo.


Ano pa ang iba?
Naintindihan po, Maam.

Ano pa?

Naintindihan lang ba, Grade 7?

B. Paglinang ng Gawain
1. Aktibidad

Malalaman ang kahalagahan at kaugnayan ng


tatlong salita na nabuo ninyo sa pamumuhay
ng mga tao noong unang panahon.

Hahatiin ko kayo sa apat na pangkat. Bibigyan


ko kayo ng mga kagamitan at mga katanungan
na kailangan niyong sagutan.
Pipili kayo nang inyong lider. Ang sekretarya
ang magsusulat ng lahat ng pangalan ng
miyembro ng pangkat, at ang taga-ulat ang
magsasalita sa harap.

Rubriks sa pag-uulat
Mahusay na Mahusay Hindi
pag-uulat, ang pag- kahusayan Opo, Maam.
malakas ang uulat, hindi ang pag-
boses, kalakasan uulat, Naintindihan po, Maam.
nakaharap sa ang boses, mahina ang
kaklase pag nahihiya sa boses,
nagsasalita, at kaklase, at nahihiya sa
naintindihan naintindihan pag-uulat, at
ang kanyang ang kanyang hindi
iniuulat. iniuulat. masyadong
naintindihan
ang iniuulat.
10 puntos 8 puntos 5 puntos

Nakuha ba, Grade 7?


Magandang hapon sa lahat, kami ang unang
Naintindihan ba ang lahat? pangkat. Ang aming iuulat ay tungkol sa
Panahong Paleolithic.
Bibigyan ko lamang kayo nang limang minuto
para masagutan ang mga katanungan. Pangangaso ang kanilang pangunahing
ikinabubuhay. Walang permanenting tirahan
Dito na nagtatapos ang inyong limang minuto. ang mga tao sa panahong ito dahil palipat-lipat
Ngayon, ito na ang oras para kayo naman ang sila ng lugar namamalagi lamang sila sa
nasa unahan at iulat ang inyong ginawa. Tapos kuweba o yungib. Ang kanilang mahalagang
o hindi tapos, bumalik na sa inyong mga tuklas ay ang gamit ng apoy sa pagluto ng
upuan. pagkain.

Ang unang pangkat ang mauuna.

Palipat-lipat po sila dahil ang kanilang


ikinabubuhay ay pangangaso kung kaya kapag
naubos na kahayupan sa kanilang lugar ay
lilipat na naman sila.

Pangangaso ang kanilang pangunahing


ikinabubuhay dahil maraming hayop sa
kagubatan na madali nilang makita.
Magaling, unang pangkat. Palakpakan ang
inyong mga kaklase.

Sa tingin niyo bakit palipat-lipat ang mga tao Magandang hapon sa lahat, kami ang
sa panahong Paleotlithic? pangalawang pangkat. Ang aming iuulat ay
ang Panahong Mesolithic.

Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa


Magaling! panahong Mesolithic ay ang pangangaso at
pag-iimbak ng prutas at gulay na kanilang
Bakit pangangaso ang kanilang naging makikita sa kagubatan. Ang kuweba ang
pangunahing ikinabubuhay? kanilang tirahan. Ang kanilang kontibusyon o
mahalagang tuklas ay ang pagbuo ng pamilya.
Mahusay!

Ang susunod naman ay ang pangalawang


pangkat. Ang pangunahing ikinabubuhay nila ay
pangangaso at pag-iimbak ng pagkain.
Naisipan nilang mag-imbak ng pagkain para
may makain parin sila kahit hindi sila araw-
araw maghanap ng pagkain.
Mahusay! Palakpakan sila.
Magandang hapon sa lahat. Ang aming iuulat
Ano nga ang pangunahing ikinabubuhay ng ay ang Panahong Neolithic.
mga tao sa panahong ito?
Ang pangunahing ikinabubuhay ng mgatao
Mahusay! dito ay pagsasaka at pag-aalaga ng hayop.
Nakatira sila sa permanenting lugar dahil narin
Sa tingin niyo bakit naisipang mag-imbak ng sa kanilang ikinabubuhay. Ang kanilang
pagkain ng mga tao sa panahong ito? mahalagang tuklas ay ang agrikultura.
.
Magaling!
Ang kanilang ikinabubuhay ay pagsasaka.
Ang susunod naman ay ang pangatlong
pangkat.

Opo, dahil may permanente na silang tirahan at


hanapbuhay.

Magaling! Palakpakan ang ikatlong pangkat. Magandang hapon sa lahat. Ang aming iuulat
ay tungkol sa Panahong Metal.
Ano ang kanilang ikinabubuhay?
Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa
Tama!
panahong ito ay ang paggawa ng kagamitang
Sa tingin niyo mas maayos ba ang kanilang yari sa metal o tanso. Naninirahan ang mga tao
pamumuhay sa panahong ito? sa kani-kanilang bahay sa iisang lugar. Ang
kanilang mahalagang tuklas ay ang paggamit
Mahusay! ng metal sa paggawa ng kagamitan tulad ng
espada, kutsilyo, at gamit pandigma.
Ang susunod na pangkat naman ay ang pang-
apat na pangkat.

Napalitan ang materyal na bato ng metal dahil


mas matibay ito.

Ang mga kagamitan na gawa sa metal ay


espada o gamit pang-digma.
Magaling! Palakpakan ang panghuling
pangkat.
Ang nagpakita ng kahusayan sa pag-uulat ay
Maraming salamat sa lahat ng nag-ulat. ang pangalawang pangkat.

Bakit sa tingin niyo napalitan ang materyal na


bato ng metal?

Anu-anong mga kagamitan ang ginawa sa


materyal na metal?
Mahusay!
Sino sa tingin niyo ang pangkat na nagpakita
ng kahusayan sa pag-uulat? Nangyari ito dalawang milyon na ang
nakakaraan.
2. Analisis

Ngayon ay malalaman natin ang iba pang


importanteng detalye sa ating pagtatalakay ng
ating paksa. Mahalaga parin po ang apoy lalo na sa mga
Babalikan natin ang panahon kung saan liblib na lugar na kung saan ginagamit nila
nagsimula ang lahat. Ito ay ang panahon itong bilang ilaw at gamit sa pagluluto.
paleolithic.
Kailang nga ulit nangyari ang panahong
Paleolithic? Hindi po, sapagkat inuubos po nila ang
kahayupan sa kagubatan at iiwan lamang
Tama!
pagkatapos nilang pakinabangan.
Ang gamit ng apoy ay ang kanilang
mahalagang tuklas, sa tingin niyo ba ay
mahalaga parin ba sa ngayon ang apoy?

Tinatawag po ito bilang kulturang materyal


Magaling! dahil maraming gamit ang nalikha o nagawa sa
panahong ito.
Sa tingin niyo ba ay tama ang kanilang
ginagawa?

Mahusay! Napakahalaga po ng pagbuo ng pamilya dahil


sila ang ating makakasama sa araw-araw at
Ngayon naman ay babalikan at aalamin natin makakatuwang natin sa buhay.
ang panahong mesolithc.

Bakit tinatawag na kulturang materyal ang Opo maam, dahil mayroon naman pong
panahong Mesolithic? pinagkukunan ng pagkain at mayroon pong
tirahan.
Tama!

Sa inyong palagay, bakit napakahalaga ng


pagbuo ng pamilya?
Naganap po ito mahigit 10,000 na ang
Magaling! nakakaraan.

Sa tingin niyo ba ay mabubuhay kayo sa


panahong ito?
Mas napaunlad po nila ang kanilang pagiging
mailkhain dahil mas natuunan po nila ito ng
Mahusay! pansin at dahil narin may pirmihan na silang
lugar o bahay kung kaya’t nakakapag-isip sila
Dumako naman tayo sa panahong Neolithic. ng panibagong ideya o kagamitang pwede
nilang gawin.
Kailan nga ulit naganap ang panahong
Neolithic?

Tama! Opo, dahil mas organisado po sila at may


tirahan silang permanenti na hindi na nila
Sa tingin niyo, bakit mas napa-unlad nila ang kailangan pang magpalipat-lipat upang
kanilang pagiging malikhain sa panahong ito?
mabuhay.

Magaling! Napalitan po ito ng mga metal.

Sa tingin niyo ba mas maganda ang kanilang


pamumuhay keysa sa dalawa nating tinalakay?

Mahusay! Opo maam, dahil mayroon ng maayos na


pamahalaan at hanapbuhay ang mga tao.
Ngayon ay tatalakayin natin ang panghuling
panahon.

Ano ang ipinalit na materyal na bagay sa


kagamitang yari sa bato? Opo maam, dahil sa pagbabago ng panahon at
sa paglinang pa ng teknolohiya maaaring
Tama! mayroon pang panahon na uusbang na mas
maayos at kahanga-hanga.
Sa tingin niyo ba mas naging maayos ang
pamumuhay sa panahong ito?

Magaling!
Ang kahalagahan ng panahong Paleothic ay
Ang panahong metal ay ang panahon ngayon, ang kanilang pagkamaparaan upang mabuhay.
sa inyong palagay mayroon pa bang
panibagong panahon ang uusbong?

Mahusay!

Sa lahat ng panahong ating tinalakay o Maliwanag po, maam.


nabanggit, pumili ng isa at magbigay ng
kahalagahan nito. Ang ating paksa ngayong hapon ay Ang mga
Sinaunang Kabihasnan sa Asya.
C. Abstraksyon

1. Paglalahat

Sa ngayon ay ibubuod natin ang ating mga Sa panahong paleolithic nagsimulang


napag-aralan ngayong hapon. May inihanda mamuhay ang mga tao.
akong mga katanungan sa inyo.
Mas naging malikhain ang mga tao sa
Maliwanag ba ang lahat? panahong Mesolithic kung kaya’t nakilala din
ito bilang kulturang materyal.
Ano ang paksa natin ngayong hapon?

Tama! Sa panahong Neolithic mas naging organisado


ang kanilang pamumuhay kung saan sila ay
Ano ang mga katangian ng mga panahong mayroon ng pamahalaan.
ating pinag-aralan?

Kailan mas naging malikhain ang mga tao? Ang panahong metal o ang kasalukuyang
panahon ay ang panahong gumamit ng metal
para sa mga kagamitan o nagbago ng materyal
Magaling! sa paggawa ng kagamitan.

Sa anong panahon naging organisado and


pamumuhay ng tao? Ito ang mga panahong humubog sa tao at sa
kanilang pamumuhay.

Mahusay!

Kailan napalitan ang paggamit ng bato sa


paggawa ng mga bagay?

Mahusay!

Ano ang nagawa ng mga panahong ito?

Magaling Grade 7!

D. Aplikasyon

Ang bawat panahon ay naiiba sa isa’t-isa


mapa-ikinabubuhay man, kagamitan, Napili ko ang espada sa panahong metal dahil
kontribusyon, at katangian. ito ay matibay at ginagamit upang
maprotektahan ang mga tao.
Sa ngayon ay mayroon kayong pangkatang
gawain na kung saan bibigyan ko ang bawat
pangkat ng luwad/clay na kung saan gagawa
kayo ng mga importanting kagamitan at Napili ko ang pagsasaka sa panahong Neolithic
kontribusyon na naging bahagi ng pamumuhay dahil ditto nanggagaling ang ating pagkain.
ng mga tao sa panahong ating itinalakay.
Bawat pangkat ay may isang panahon lamang
pumili kayo kung anong bagay ang inyong Napili ko ang apoy sa panahong Paleolithic
gagawin at ipaliwanag kung bakit ito ang dahil ito ginagamit sa pagluluto at ilaw sa mga
inyong napiling gawin. liblib na lugar.

Napili ko ang pamilya sa panahong Mesolithic


dahil dito nagsimula ang pagpapahalaga at
Magaling! pagmamahal sa kapwa tao. Ito rin ang
pinakamahalaga sa bawat tao.
Sino pa ang gustong ipahayag ang kanilang
kasagutan?

Magaling!

Sino pa?

Sino pa ang gustong magpahayag?

Magaling!
E. Pagtataya
B
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang
mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Sa anong panahon natuklasan ang gamit


ng apoy?

a. Panahong Paleolithic
b. Panahong Mesolithic C
c. Panahong Neolithic
d. Panahong Metal

2. Kailan natutunan ng mga tao ang


pagiimbak ng pagkain tulad ng gulay,
prutas, at iba?
B
a. Panahong Paleolithic
b. Panahong Mesolithic
c. Panahong Neolithic
d. Panahong Metal

3. Sa anong panahong natuto ang mga tao ng


ibang gawain tulad ng pagpapastol?

a. Panahong Paleolithic D
b. Panahong Mesolithic
c. Panahong Neolithic
d. Panahong Metal

4. Anong panahon ang tinatawag na


kulturang materyal dahil sa maraming
kagamitan ang nagawa sa panahong ito?

a. Panahong Paleolithic
b. Panahong Mesolithic
c. Panahong Neolithic
d. Panahong Metal

5. Sa anong panahon napalitan ang gawang


kagamitang bato sa mas matibay na bagay
o materyal?

a. Panahong Paleolithic
b. Panahong Mesolithic
c. Panahong Neolithic
d. Panahong Metal

F. Takdang Aralin
Magsaliksik ng isang gamit o natuklasan sa
panahong nais niyo na ating natalakay.
Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong
napiling bagay sa apat na panahon. Ilagay
sa bond paper.
Pamantayan sa pagbibigay puntos

Ideya…………………….5 puntos

Pagkamailikhain…………5 puntos

Kabuuang puntos……….10 puntos

You might also like