Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Talambuhay ni Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio ay isinilang noong Noyembre 30, 1863 sa Tondo, Maynila.


Panganay siya sa limang anak nina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Maaga
silang naulila sa mga magulang kaya kinailangan ni Andres na magtrabaho para sa
kaniyang mga kapatid. Nagtinda siya ng pamaypay at nagtrabaho bilang clerk, ahente,
mensahero, at bodegista. Sa kabila nito ay patuloy siyang nahilig sa pagbabasa ng iba't
ibang libro. Katunayan, nabasa niya ang Bibliya, Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni
Rizal, Les Miserables ni Hugo, mga libro tungkol sa mga batas, at libro tungkol sa
buhay ng mga naging pangulo ng Estados Unidos.

Lumahok siya sa La Liga Filipina nang itatag ito ni Jose Rizal noong 1892. Tinangka pa
niyang buhayin ito, kasama si Apolinario Mabini, nang mabuwag ito sa pagkadakip kay
Rizal. Makaraan ang ilang buwan, noong Hulyo 2, 1892, ay nakibahagi naman siya sa
pagtatatag ng Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan
(KKK) o mas kilala sa tawag na Katipunan. Taong 1895 nang mahalal si Andres
Bonifacio bilang Supremo ng Katipunan at pinangunahan niya ang pagpunit ng cedula
ng mga Katipunero bilang hudyat sa pagsisimula ng himagsikang Pilipino laban sa mga
Espanyol.

Taong 1987 nang pumunta siya sa Cavite para dumalo sa Kombensyon sa Tejeros.
Doon ay nagkaroon ng halalan para sa itatatag na pamahalaang reboluyonaryo, kung
saan natalo siya ni Aguinaldo sa pagkapangulo. Nahalal naman si Bonifacio bilang
Tagapangasiwang Panloob. Gayunpaman, nagkaroon ng kaguluhan nang punahin ni
Daniel Tirona ang pagkahalal ni Bonifacio. Galit na umalis si Bonifacio at ipinahayag na
walang bisa ang naganap na halalan. Makaraan ang ilang araw ay ipinadakip siya ni
Aguinaldo sa salang sedisyon o pagtataksil sa pamahalaang rebolusyonaryo. Hinatulan
siya ng kamatayan sa pamamagitn ng pagbaril, kasama ang kaniyang kapatid a si
Procopio sa Bundok Buntis noong Mayo 10, 1897.

Mga Gabay na Tanong:

1. Tungkol kanino ang tekstong binasa?

2. Paano inilahad ang mga pangyayari sa teksto?

3. Sa iyong palagay, anong uri ng teksto ang binasa? Magbigay ng patunay.

You might also like