Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tayo na sa Sapatos Festival!

Kapag sinabing ang sapatos ay "gawang Marikina," sigurado itong matibay at


maganda. Yari ang mga ito sa materyales na may mataas na kalidad. Dumaan ang
mga ito sa maiingat at mahuhusay na mga kamay ng mga sapatero. Mayroon din
itong iba't ibang kulay at disenyo na tiyak na babagay sa panlasa ninuman. Ang
mga ito ay iniluluwas at ipinagbibili sa ibang bansa. Patunay lamang na ang
"gawang Marikina" ay talagang maipagmamalaki.

Ipagdiwang natin ang husay ng mga sapatero ng Marikina!


Tangkilikin natin ang kanilang mga gawa. Halina, dumalo at makiisa
sa darating na Sapatos Festival sa Nobyembre 1 hanggang
Disyembre 15, 2016 sa Marikina Riverbanks. Sa halagang P199.00
pataas ay makabibili ka ng sapatos na angkop sa iyong panlasa!

Saan ka pa makabibili ng maganda at matibay na sapatos na abot-


kaya? Dito lang yan sa Marikina!

• Ano ang masasabi mo tungkol sa teksto?


• Ano ang nais nitong ipahayag sa mga mambabasa?
• Nakumbinsi ba kayong pumunta at makilahok sa gaganaping Sapatos Festival?

You might also like