Markahang Pagsusulit Pagsusulit I. PAGPIPILIAN Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.
________1. Ano ang tumutukoy sa maunlad na antas ng kultura?
A. Arkeologo C. Sibilisasyon B. Kabisera D. Sosyalisayon ________2. Alin sa sumusunod ang kabihasnang umusbong sa pagitan ng dalawang ilog? A. Aryan C. Babylonian B. Assyrian D. Mesopotamia ________3. Ano ang tawag sa sagradong templo ng mga Sumerian kung saan nila sinasamba ang kanilang mga diyus-diyosan? A. Kapilya C. Piramide B. Kombento D. Ziggurat ________4. Ano ang ginagamit ng mga Sumerian na sistema ng pagsulat na binubuo ng 600 simbolo at kumakatawan sa mga ideya at iba pa? A. Alibaba C. Cuneiform B. Alpabeto D. Heiroglyphics ________5. Anong ilog ang tinaguriang daluyan ng buhay? A. Amazon C. Huang Ho B. Euphrates D. Nile ________6. Sino ang tumawag sa Egypt na “ang handog ng Ilog Nile”? A. Aristotle C. Herodotus B. Erastothenes D. Socrates ________7. Anong sistema ng pagsulat ang natuklasan at ginamit ng mga taga- Ehipto? A. Alibaba C. Cuneiform B. Alpabeto D. Heiroglyphics ________8. Ano ang ipinatayo ng mga Babylon upang magsilbing daan nila patungo kay Yahweh? A. Hanging Garden C. Tower of Babel B. Stonehenge D. Ziggurat ________9. Sinong pinuno ang nagpatupad ng kanyang mga batas sa pamamagitan ng pag-ukit sa mga stone tablet? A. Erastothenes C. Menes B. Hammurabi D. Tiglath-Pileser I ________10. Saang panahon naitayo ang makasaysayang Hanging Garden? A. Assyrian Empire C. Babylonian Empire B. Akkadian Empire D. Chaldean Empire ________11. Ano ang dalawang ilog na nakapaligid sa kabihasnang Mesopotamia? A. Euphrates at Tigris C. Nile at Amazon B. Mediterranian at Persian D. Yangtze at Zaire ________12. Gaano kahaba ang ilog Tigris at Euphrates na dumadaloy sa ngayo’y kilalang Iraq? A. 1250 kilometro C. 1550 kilometro B. 1400 kilometro D. 1600 kilometro ________13. Ano ang naimbento ng mga taga-Ehipto batay sa pagtantiya ng taunang pagbaha sa Ilog Nile? A. Alpabeto C. Kalsada B. Kalendaryo D. Mansyon ________14. Ano ang iniiwan ng pagbaha ng ilog sa Egypt at Mesopotamia na nagsisilbing pataba sa lupa at dahilan upang maging posible ang agrikultura sa lugar nila? A. Alikabok C. Lusak B. Banlik D. Tubig ________15. Ano ang itinayo ng taga-Mesopotamia upang mapigilan ang pagbaha ng ilog sa sakahan nila? A. Dam C. Irigasyon B. Dike D. Tulay
Pagsusulit II. BINAGONG TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay totoo at PALITAN NG TAMANG SAGOT ang nakasalungguhit na salita kung ang pahayag ay hindi totoo.
________16. Ang sibilisasyon ay hango sa salitang Latin na ang ibig-sabihin ay kabihasnan.
________17. Itinuturing ng mga historyador ang Ilog Nile bilang daluyan ng buhay. ________18. Ziggurat ang tawag sa palasyo na nagsisilbing tirahan ng pinuno ng Mohenjo-daro at Harappa. ________19. Sumerian ang mga lagalag na namuhay sa katimugan ng Mesopotamia. ________20. Kilalang mahusay na mandirigma ang mga Assyrian kaya madali nilang nasakop ang Babylonia. ________21. Tinawag na heiroglyphics ang sistemang panulat ng mga taga-Egypt. ________22. Agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng mga sinaunang kabihasnan. ________23. Pinaniniwalaang nilusob ng mga Assyrian ang sinaunang lungsod ng Mohejo-daro at Harappa na siyang naging dahilan ng pagwawakas nito. ________24. Ang kabihasnang Huang Ho ay napaliligiran ng matataas na bundok sa hilaga, timog at kanluran. ________25. Umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa Mesopotamia.
Pagsusulit III. PAGTUTUKOY
Panuto: Ibigay ang sagot na tinutukoy ng mga pahayag at isulat ito sa nakalaang kolum. 26. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ginawa niyang kabisera ng Mesopotamia ang Babylonia. 27. Kilala siya bilang pinakamaayos na pinuno ng Assyria ngunit sa kabilang banda ay tinagurian din siya bilang pinakamabagsik. 28. Siya ang nagbigay-daan sa pagkatatag ng bagong Babylonia sa pamamagitan ng pangunguna sa pag-aalsa laban sa mga Assyrian. 29. Siya ang pinuno ng Chaldean Empire na nagpagawa ng tinatawag na Hanging Garden bilang regalo niya sa kanyang asawa. 30 Itinatag niya ang pamahalaang sentral na siyang hudyat ng pag-uumpisa ng Lumang Kaharian sa Egypt. 31. Ito ang tawag ng mga Egyptians sa kanilang hari o pinuno bilang pagtanaw sa kadakilaan nito. 32. Itinatayo ito upang magsilbing libingan ng mga hari sa Egypt. 33. Ito ang kahariang naitatag pagkatapos bumagsak ang mga Hyksos sa tulong ni Ahmose. 34. Ito ang kahariang sumailalim sa malakas na dinastiya sa pamumuno ni Mentuhotep. 35. Isang magaling na Reyna na namuno sa Bagong Kaharian ng Egypt noong 1504 BCE.