Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

December 06, 2022

Ngayong araw, kami’y naatasan ng aming guro sa esp na sumulat ng isang talaarawan o
diary. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ba ang isusulat ko kasi, hindi rin naman
talaga ako mahilig magsulat ng mga ganito bagay, mas gusto ko yung binabahagi ito ng
harap-harapan sa isang tao. Sa pagsusulat ng diary ko na to sana naman may kabuluhan rin
ang aking maitatala.

Ang araw ko ay mabilis ang rin lumipas. Matapos naming gumawa ng iilang aktibidad sa
paaralan ay umuwi na kami. Sa bahay, nakalimutan ko palang maghugas ng pinggan bago
lumisan noong umaga kaya’t heto, naghugas ako agad bago pa ako mapagalitan ng aking
inang umiiba na ang timpla haha. Ang sabi ko nga pagkatapos ko maghugas ay aaralin ko
muna ang mga leksiyong tinalakay namin sa araw na ito ngunit dahil sa aking kapaguran,
minabuti ko na lamang na matulog at napagdesisyonan ko na rin na gumising na lamang
bukas ng 3 o 4 ng umaga para sa pagrereview at pagsagot ng aking takdang aralin. Iyon
lamang sa araw na ito! Oo nga pala! Birthday na bukas ng isa sa aking mga kaibigan, sana
maimbitahan ako hahaha keyk na rin yon haha.

December 07, 2022

Ang aga ko kanina nagising, mga 3:40 palang nakabangon na ako. Dahil maaga pa rin naman
hindi na muna ako nagalmusal at nanatili nalamang sa aking silid at nag selpon haha.
Makalipas ang ilang oras nag asikaso na ako at pumasok na sa paaralan. Napasabak ako
ngayon sa public speaking na kinailangang tanggalin ang aking facemask hahah as usual
nahihiya ako. Pero ang pinaka highlight talaga ng araw ko ay ‘yong nagkaroon ng election ng
mga opisyales para sa Barkada Kontra Droga, at ako ang nanalo bilang presidente, akalain
mo ‘yon? Sa totoo lang masaya ako kasi hindi ko akalaing maraming susuporta maliban sa
mga kaklase kong parang ano haha. Thankful pa rin talaga ako na may kunting inis sa mga
kaklase ko kasi hindi ko alam kung paano ko gagampanan ang aking mga responsibilidad eh
kadalasan ginugugol ko lamang ang aking oras sa pagiisip ng mga bagay na wala nasang
kabuluhan at ngayon biglang magiging lider ako ng isang organisaysyon? Sana lang talaga
gabayan nawa ako ng Poong Maykapal pati na rin ng mga kapwa ko opisyales ng BKD. Wala
din kami masyado naging klase, pero ang galing lang kasi na enjoy ko talaga yong math haha.
December 08, 2022
Holiday ngayon, yehey hahahah. Feast of Immaculate Concepcion Day kasi kaya ‘yon.
Dapat nga magsisimba ako ngayon kaso, tanghali na ako nagising kaya nagdasal nalang ako.
Nagising lang ako sa tawag ng kapitbahay namin, paglabas ko sabi ni tita baka raw naakyat
bahay kami kasi bukas yung bintana namin. Nung umaga, ginugol lang namin ang oras namin
para irepair yung nasirang bintana na tinangkang lusotan ng mga magnanakaw. Ngayong
hapon naman, tinapos ko lang yong aking project sa science at tinulungang magsampay si
mama ng nilabhan niyang mga damit. So basically, pagod po talaga ako ngayong maghapon,
pero hindi rin pwede na matulog agad ako kasi andami ko pang kailangang araling mga
leksiyon na malabo pa rin para saakin. Kahit na holiday at walang pasok bukas kailangan ko
na talagang mag-aral ng mabuti at bumawi ngayong second grading.

December 09, 2022

Wala pa ring pasok ngayon, may meeting/orientation ang mga teachers kaya hayahay
nanaman? Nope not really, alam mo kung bakit? Kasi kailangan pa rin naming pumunta ng
school para mag practice sa english-revo. Bago siguro mag 12, pumunta na ako sa bahay nila
rala para doon muna mag palipas ng ilang oras bago pumunta ng school. Nagkaroon kami ng
kunting jamming, dancing session at syempre ‘di mawawala ang chismisan (opo isa akong
chismoso). Buong maghapon nag practice kami at pagkatapos pumunta uli sa kanila tala at
nagpahinga ng saglit at dumiretso na ako sa bahay. Paguwi, nakabibiglang hindi ako
sinermonan ni mama, pero thank you hahahah.

December 10, 2022

Supposedly may practice kami ngayon, pero hindi na ako pinayagan ni mama. Siguro kaya
hindi na siya nagalit kahapon kasi ‘di niya ako papayagan ngayong umalis ng bahay haha.
Syempre kunwari nagtampo ako pero deep inside masaya rin talaga kasi ayaw ko na ring mag
practice, kasi di rin naman ako makakasama sa program. Buong araw ginugol ko nalang sa
pagtulog at pagbasa ng mga web comics.
December 11, 2022

Kagabi, napagdesisyonan ko at sinabi ko na rin kay mama na ngayong araw nalang kami
pumunta ng Puerto, tutal hindi niya rin naman ako payagan lumaag-laag kaya ‘yon. Nasa
bandang San Vicente na kami ngayon at umiral nanaman ang pagkasimp ko. Hindi ko na rin
talaga ‘yon kasalanan na ang cool niya, pero hahaha hinampas lang ako ni mama.

Maayos naman ang byahe, nakarating din kami sa bahay namin, ang kaso lang dahil hindi
alam nila kuya na dadating kami, hindi sila nakapagsaing kaya ‘yon ‘ansarap manapak.

December 12, 2022

Kahapon, humingi ako ng panload kay daddy kasi wala na ditong wifi sa ppc kaya ‘yon, pero
dahil papansin ang mga tindahang malapit saamin at walang load, ngayon pa lang ako
magpapaload. Buti nalang nga ihahatid ninkuya si ate at naoasabay ko na yung ipapaload ko,
nagpabili na rin ako ng pandesal.

Pag-uwi ni kuya, diretso register at syempre backread sa gc, at ang astig lang kasi noong
umalis na ako ng taytay andami ng ganap na argh. Sabi ko ngayon maglalaag kami, pero
dahip tinatamad ako, bukas nalang. Kaya buong araw ginugol ko nalang sa paggawa ng page
ng BKD at proud ako sa mini achievement ko na ‘yon.

December 13, 2022


Buti nalang ginising ako ni mama kanina, kung hindi hindi ako makakasama sa paglaag nila.
So pumunta kami ng NCCC Mall, may bibilhin daw sila kasing cooler para sa pagpunta ng
beach, at habang sila ay naghahanap, ako naman at naglilibot at naghanap ng aking masusuot.
Matapos ang mahaba-habang paglilibot at pagpipili, isang pink na tank top at cargo pants
(para pag nag picrure taking kami), isang pair ng panligo, at isa na ring slippers ang
napagdesisyonan kong bilhin. Binigyan naman ako ni daddy at mama ng pera, pero kasi sabi
nila early pamasko nila ‘yon kaya hindi ko muna ginastos at sinaman ko nalang sa cart yung
mga napili ko at ipinasama nalang bayad, nagbigay nalang ako ng 150 pesos para atleast
hahah.

Paguwi ng bahay, pag open ko ng messenger, inaamin ko, i was a bit jealous at i felt left out
kasi hindi ako nakasama sa parade at performance ng section namin, sayang yung experience
pero okay na rin ‘yon, atleast more time sa pamilya ko, diba?

December 14, 2022

Ang aga ko nagising ngayon, okay hindi talaga ako natulog, siguro sobrang excited lang oara
pumunta ng magura beach? At magovernight?

Pero dahil may pasok pa si ate, 12 na kami nakaalis. Ang astig naman ng byahe namin kasi sa
kabilang daanan kami dumaan, ang ganda pa ng mga nadaanan naming resorts. Palagi lang
din akong natatawa kasi sa tuwing may pupuntahan kaming buong pamilya, halimbawa
outing, sila kuya palaging nasa likod pati si bibigurl, kaso nga lang palagi silang nababasa ng
ulan, katulad nalang ngayon, kawawa si bibigurl.

Pagdating sa resort, dahil pababa yung daanan, pahirapan magbuhat, lalo na’t naatasan saakin
yung cooler at water jug haha. Pagdating sa cottage namin, imbes na tumulong sa pag
prepare, dahil ansakit ng mga braso ko, kaldag nalang ang inambag ko sa pamilya ko.
Naligo kami hanggang mag alas sinko, at noong dumilim na, naisipan naming mag campfire
kaya nagpaalam kami kay daddy, pero bigla nakang umambon. Naisipan namin ni ate na mag
latag nalang sa tabing dagat at kuhain ‘yong parang malaking payong na katulad sa mga
nagtitinda ng dirty ice cream. Maayos na sana ‘yong set-up namin ni ate kaso, papansin yong
mga college students na dumating, kaya napilitan kami ni ate na pumasok nalang sa cottage at
matulog nalang.

December 15, 2022

Maaga uli akong nagising, at dahil birthday na ni mama, akin siyang binati at hinalikan sa
pisnge. Katulad ng kahapon, nagenjoy kaming byong pamilya sa pag tampisaw sa tubig
dagat. Pero ang pinakahighlight ng araw na ito na ‘yong muntikan na akong malumos dahil sa
sobrang lakas ng alon at hinigop ako, pero ang pinaka delikadong part ay ‘yong hinampas ako
ng alon sa batuhan banda. Salamat naman sa Diyos buhay pa ako, kaso nga lang ang dami
kong sugat at yung mga daliri ko, specifically mga kuko ay mapudpod sa sobrang kapit sa
mga bato.

Bago pa mag ala-una ay nagbyahe na kami pauwi, at pagkauwi sa bahay diretso sa banyo,
naligo at diretso tulog ako dahil ansakit ng aking katawan.

December 16, 2022

Sasama ako ngayon pabalik sa Taytay, para naman may bantay ‘yonh bahay baka kasi
akyatin nanamn ng mga magnanakaw.

Wala namang masyadong espesyal na nangyari ngayon, nagbyahe lang kami at pagdating sa
bahay ng linis ng saglit at nanood ng tv kasama si mama at nag selpon, natulog, the usual.
December 17, 2022

Wala namang masyadong ganap sa araw na ito. Basta ang alam ko tinamad lang ako kumilos
buong araw at wala akong natapos na kahit anong gawain. Basically i just procrastinated.
Pero kahit wala na akong natapos na mga gawaing bahay at nagkulong lang sa aking silid
buong maghapon, marami pa rin akong oras ng tulog na nabawi at mga new info’s na nakalap
sa pagscroll ko ng ilang oras sa internet. Pero sa totoo lang, di ko sure kung bakit, pero kahit
na wala naman akong naachieve or wala naman akong ginawa talaga, parang pagod na pagod
ako, kasi ngayon habang sinusulat ko ito, pumipikit pikit na ako haha.

December 18, 2022

Nagising ako ngayon ng maaga, not by choice, kung hindi dahil kay mama na ang aga aga
pinapabili ako ng breading mix sa tindahan. Alam ko na naenjoy ko naman ang pagkain sa
niluto ni mama na fried chicken, pero still, dapat mamaya pa akong alas nuebe magigising.
Pero hahaha joke lang po iyon. Anyways, wala rin talaga akong masyadong nagawa ngayon
kasi sinusulit ko lang ang mga natitirang araw para mag save ng energy, lalo na bukas na
maghapon ang leadership training.

December 19, 2022

Ang aga ko nagising grabe, hindi kasi talaga ako natulog xhar lang talaga ‘yong maaga ako
matutulog kasi haha. Pero sa pagmumuni-muni hindi ko namalayan na 6:30 na pala kaya dali-
dali akong nag asikaso maligo para makaabang na ako ng tricycle kasi alam ko nanamang
matatagalan ako. 7:30 ng nakarating ako sa venue kahit na 8 pa ang simula. Pero alam mo,
ang cool lang sa part na hindi nagsimula sa appointed time tung orientation, grabe. Pero okay
lang din kasi nakaprovide naman sila ng snacks at lunch pati na rin ng para sa dinner haha.
‘Di ko ba alam, pero parang wala talagang pumasok sa isip ko sa lahat ng diniscuss, sorry po.
Nanominate at nahalal ako bilang isa sa mga officers or something sa may MYDC at
napressure ako bigla kasi dagdag nanaman sa responsibilidad ko, kahit na ‘di naman talaga
ako magaling maghandle ng mga responsibilities. Matapos ang buong maghapong
orientation, napagdesisyonan naming kainin ang binigay na food for dinner sa Fort Sta.
Isabel. Pag-uwi ko ng bahay, drained na drained talaga ako kaya diretso na ako ng higaan
para matulog pero haha si mama na parang hindi pamilya, after 2hrs ng pagtulog ko, ginising
ako haha. Mga 4hrs pa noon bago ako naantok at natulog uli.

December 20, 2022

9 na ako nagising at dahil mamayang 10 pupunta pa ako sa munisipyo, asikaso nanaman


akonng dali-dali. Kailangan kasi naming kumuha ng cedula para sa council kaya pumunta
kami ni Dj sa office ni sir na nakalimutan ko na ang pangalan para mabigyan kami ng pera
para sa cedula. Namg pumunta na kami sa treasury, aming nalaman na bawal pa pala kami
magissue ng cedula kasi hindi pa kami 18 at hindi rin talaga kami nainform kaya sayang lang
ang oras namin at binalik nalang namin ang pera. Pero ang cool kasi new experience rin ‘yon
tbh kasi first time ko mag ganoon-ganoon sa munisipyo kaya a bit ignorante ako haha. Dahil
ayaw namin ni dj na masayang lang ang oras namin napagisipan nalang namin na maglibot-
libot nalang sa bayan. Matapos ang ilang oras na paglibot-libot ay umuwi na kami dahil
hinahanap na si dj ng mama niya kaya ‘yon.

Nang makauwi ako ng bahay kumain muna ako at natulog lang ng ilang oras. Pagkagising ko
mga alas sinko, nagasikaso nanaman ako kasi aattend pa ako ng birthday ng lola ni mariah.
Overall ansaya ng experience namin ‘nong gabi, kasi other than sa pagkain na masarap,
ansaya lang namin talaga tas nakilala pa namin ang kapatid ni mariah na binigyan namin ng
nn na Marudo at ‘yon ansaya, buti nalang nga ng paguwi ko hindi nagalit si mama kasi alas
ochobna ako nakauwi haha, laagan talaga malala. Basta alam ko after lahat ng gawain ko
natulog nalang ako kasi kapagod na talaga.

December 21, 2022

Another day na wala akong ginawa kasi tinatamad na talaga ako kumilos. Hindi naman
nagalit si mama kasi natapos ko naman kahapon mga gawain kaya okay lang. Basta natulog
ako, nagselpon, at basically nagmuni-muni lang sa aking silid.
December 22, 2022

So ngayon, dahil sinapian yata ako naisipan ko na maging productive naman, and by
productive, i mean lumabas ng bahay para maging one with nature at pumasok din after
nagutom at nagluto nalang ako ng ulam para may makain kami at nakipag kwentuhan nalang
kay mama. Habang nanonood hindi ko matanggal sa isipan ko ang research ko kasi, hindi ko
pa talaga nasisimulan ang methodology ko, pero tinatamad pa rin talaga ako gawin kaya
pinabayaan ko nalang muna haha. Hindibko na namalayan pero siguro in the middle of
playing genshin nakatulog nalang ako.

December 23,2022

So pagkagising ko binungad ako ng picture ko noong grade 7 na apaka cringe sa gc namin,


grabe parang hindi kaibigan, kinalimutan ko na nga ‘yon eh. 1 am kasi ako nakagising grabe
no? Pero pagkatapos noon, natulog uli ako at nagising mga 11 pasado na kaya
nagalmusal/tanghalian na ako. Inutusan ako ni mama na maghugas daw ako mg plato, pero
dahil parang ‘di ko pa feel ang maghugas ng pinggan, sinabi ko nalang na mamaya na pag-
uwi natin galing bayan bago ako maghugas haha. So matagal tagal rin kami sa bayan kasi
nilakad lang talaga namin, well hindi naman talaga sa bayan, sa bandang kampo lang ng mga
pulis kasi may mapapit doon na mabibilhan ng karne. Dumaan na rin kami sa frozen mini
mart chuchu at sa talipapa, buti nalang nga nakasalubong namin sa talipapa ‘yong kapitbahay
namin, kaya imbes na maglakad kami pauwi, nakalibre pa kami ng sakay. Naghugas agad ako
ng pinggan after ni mama linisin mga binili namin at dumiretso na ako sa silid para mag
selpon at mag genshin nanaman hanggang sa may utos sa akin si mama.

December 24, 2022

Noche buena na grabe, ambilis lang ng mga araw. Dahil dalawa lang kami ni mama dito sa
bahay, kunti lang din ang inihanda namin. Nagluto lang si mama ng spaghetti, ulam na
mechado or afritada o baka menudo, hindi ko rin talaga sure hahaa, may coke at cake. Dahil
antagal pa mag hating gabi, nag karaoke nalang kami ni mama, pampalipas lang ng oras.
Overall kahit dalawa lang kami ni mama at sila ate, kuya at daddy ay nasa puerto, masaya pa
rin naman.

December 25, 2022

Yehey pasko na ni Jesus, obviously 12 kanina gising na ako haha, pero mga 3 natulog na din
uli ako kasi inantok na ako pati si mama sa kakakanta. Nagising ako mga 1 pm na at guess
what, hindi ako binati ni crush, mayghad ha. Kaya sa buong maghapon, ginugol ko nalang
ang oras ko sa pagpaparinig kay crush sa twitter kasi hahaha. Pero natulog ako nitong bigo
pero masaya pa rin kasi, may kasiyahan din kami ni mama na ginawa, nag karaoke, nag
kwentuhan at basically nagenjoy lang kami ni mama.

December 26, 2022

Dahil bored ako at sawa na ako manood ng mga vid sa tiktok, yt, fb at twitch, naisipan ko na
magkaroon ako mg pictorial hahaa kasi why not? Syempre after mag picture picture ge story
ko rin ang iba at pagkatapos ginugol ko nanaman ang natitirang oras sa pag laro ng genshin
haha.

December 27, 2022

So ang cool lang sa part na naging productive ako ngayon. Hindi productive na linis bahay or
review yung type productive na wala naman talagang masyadong ambag sa buhay ko. Ganito
kasi ‘yon, habang nagscscroll ako sa tiktok I came across with the idea na gumawa ng parang
calendar para sa 2023, at hindi lang to basta basta na kalendaryo dahil maghahanap ako sa
canva ng template ng katulad sa mga endorsement ng liquor haha. So in short, ginugol ko ang
buong maghapon sa pagedit ng kalendaryo na may mukha ko at ng aking mga kaibigan.
December 28, 2022

Okay, pumunta ngayon si mama sa puerto, tbh akala ko hindi siya matutuloy, pero natuloy
siya kaya mag-isa na naman tayo sa bahay, yehey. Dahil wala ako magawa sa buhay ko,
minabuti ko nalang na maglinis nanaman ng bahay lalo na sa kwarto ko. Syempre hindi
mawawala sa paglinis at pag rearrange ng furniture sa bahay ‘yong constantly na nadidistract
ka sa mga bagay bagay, kaya instead na mabilis lang, hapon na ako natapos sa pagbali-
baliktad sa bahay. Sanay naman na ako na mag-isa nalang, lalo na noong iniwan niya ako,
xhar pero oo, mas gusto ko nga na mag-isa lang ako sa bahay kasi ang peaceful pag ganoon.
No offence sa pamilya ko ha, pero ang ingay din kasi talaga namin pag buo kami, although
masaya, kaingay pa rin talaga. As usual hindi nanaman ako makatulog kaya... genshin malala
na naman.

December 29, 2022

Nothing much really happened today, saktong higa-higa lang sa kwarto at manood ng anime.
Pero dahil nagutom ako, nagluto nalang ako ng pancake like ang sarap ng pagkaluto ko.
Alam kong magmumukhang self pleased lang pero legit naman kasi talaga. Hindi siya
masyadong matamis saks lang talaga. Buti nalang talaga nagiwan si mama ng harina at iba
pang sangkap para makaluto ako ng pancake. Actually dahil nagcrave rin ako ng Popple,
bumili na rin ako sa tindahan. So ‘yon tulog, kain at genshin lang talaga ako ngayong araw,
wala rin kasi talagang masyadong ganap.

December 30, 2022

Birthday ng aking ama ngayob kaya yehey! Masaya naman ako, paggising ko bati agad kay
daddy, pero shaks, nainggit lang ako sa part na sama-sama sila doon sa puerto mag celebrate,
tas ako wala, pero okay lang din, para atleast diba may bantay ang bahay. Actually
magtatampo na sana ako, kasi sadboi talaga ako, pero biglang tumwag si daddy tas nasa sm
sila, bigla ako tinanong kung ano ba raw size ng paa ko, tas pinapili ako kung saang sapatos
gusto ko. Akalain mo ‘yon? Birthday ni daddy tas siya pa ‘yong magbibigay ng regalo sa
amin? Kahit na mag-isa lang ako sa bahay, masaya naman ako, lalo na ng sinabi nila na
bukas ng tanghali, nandito na sila, at syempre may pasalubong ‘yan kaya yehey!
December 31, 2022

Nagising ako sa tawag ni mama, sabi niya mag asikaso na raw ako magbangon at kumain,
magsahod na rin daw ako ng tubig. Mga tanghali nakauwi na sila, at as usual ang dami
nanamn nilang dala, pero okay lang kasi marami ring pagkain, at bigla ko narealize, na oo
nga pala, new year na mamaya hahaha. Actually masaya talaga magluto-luto, kaya nga dati
pinangarap ko mag chef. Tinulungan ko si mama magluto ng spaghetti, salad, pati na rin sa
mga ulam, at sa iba pang handa, tinamad na ako tumulong. Sabi ko nga dapat mag sisimba
kami, kaso pagod daw sila sa byahe at pagod sa paghanda kaya napagdesisyonan na naming
bukas nalang ng umaga. Bago syempre mag 12 midnight, may pa vc pa kami ng mga
kaibigan ko, at habang nag cocountdown, syempre handa na, at pagsaktong patak ng 12 ang
cool kasi buong neighbourhood nagingay, kaming buong pamilya nag-ingay, tatalon talon
syempre, at hindi mawawala ang pagkain ng 12 na grapes sa ilalim ng lamesa. Sa totoo lang,
napaka saya.

January 01, 2023

Grabi ang bilis lang ng mga araw, 2023 na agad. Mga 2 na ako natulog kanina at 5 naman
nagising uli para mag asikaso na kasi magsisimba pa kami. Actually, dahil wala pang tao sa
Cathedral, minabuti nalang namin na sa Sta. Monica na lamang mqgsimba. As expected,
kunti lang ang nagsimba kasi mga puyat, at hungover pa ‘yong mga tao. Papunta at pauwi
napaka tahimik ng daan, napaka peaceful. Pagkauwing pagkauwi diretso karaoke agad
syempre kami, at mga tanghaling oras dumating na mga kamaganak namin. Habang sila
nagsasaya, nagkakantahan, nagiinoman, syempre kaming magkakapatid na mga introvert,
nagkulong nalang sa loob ng kwarto.

January 02, 2023

Grabe ang hangover ng mga nakataanda saaming pamilya #deserve hahahaha. Pero ‘wag ka
apaka strong ni daddy kasi kahit na ganoon, nagbyahe pa rin sila nila kuya at ate para
makauwi sa PPC. Syempre hindi mawawala ang damdaming pangungulila, xhar, pero legit
syempre nakaklungkot rin kasi ilang buwan nanaman bago uli kami magkita. Ansaya lang sa
part na bago man sila umalis, binigyan ako ni daddy ng pera, pati si ate rin may pa bigay
pocket money saakin, shakss i feel loved haha. Sa awa ng Diyos nakarating naman sila ng
matiwasay sa bahay. Tas basta byong mag araw wala na talaga akong napala kung hindu mag
tiktok, cellphone, sayaw-sayaw, and I basically just procrastinated.

January 03, 2023

By now, siguro halata naman talaga na laagan akong tao, kaya ngayong araw bago pa man
magbalik ang pasok bukas, naisipan naming magkakaibigan na gumala. Oh diba imbes na
ireview ang mga lessons, laagan malala talaga. Pero sa totoo lang ang plano talaga namin ay
tapusin ang aming research kasi sa lunes pasahan na ang kaso syempre madali kaming
matukso kaya although na may nagawa naman kaming kunting parte ng aming research,
mostly talaga ay nag happy happy lang kami. Buti nalang nga noong pag-uwi ko ng bahay ay
hindi ako pinagalitan ng aking pinakamamahal na ina.

January 04, 2023

Ito na, shakss pasukan na naman, pero ang pinaka nakakastress ay hahah apaka early bird ko.
8:30 palang nasa school na ako kasi akala ko may enrichment, ‘yan kasi apaka pabibo. Kala
ko kunti lang ang magiging activities namin ngayon kasi syempre kakabalik palang ng klase
pero haha grabe na. Maraming mga lessons na sinimulan na agad namin, tulad ng sa science
at math na kinailangan ko talagang pag-aralan kasi wala akong naintindihan masyado, like
legit. Tas syempre hindi papahuli ang aking fav subject, grabe na ang english, pinapagawa
kami ni ma’am ng letter para sa aming “future self”, tbh wala naman akong problema kasi
madali lang, ang kaso kasi grabe na si Paleco, naubusan raw kasi ng kurudo kaya iyak malala.
Mostly kajejehan lang din ang laman ng aking liham pero still ang cool pa rin talaga pero
kakastress lang din dahil sa brownout, blackout rather.

January 05, 2023


Grabe, ang pinakamemorable na nangyari sa araw na ito ay ang dami ng assignments namin.
Grabe na si sir math haha xhar, pero kasi andami talaga, although nakaya ko naman sagutan,
pero still shakss andami ha. Nastress lang talaga ako maghapon kasi hindi ko pa talaga feel na
bumalik ang klase, bakit kasi hindi nalang ginawang 9 para sakto lunes grabe ka na Deped.
Pero xhar lang talaga yung na stress ako kasi tbh wala kaming inatupag sa school kung hindi
mag tawanan, kumain, kunwari studyhard pero ang aking utak panay kaldag shaks hahahah.

January 06, 2023

Ang cute talaga ng fidget ni ate Angel, like mukha siyang si toothless pero hindi siya si
toothless kasi isda siya na fidget pero kasi ang cute talaga lalo na pag pinipisil mo kasi
lumalaki na parang lumalabas ang mata niya, hahahah. Nakakaproud lang kasi naging
responsableng estudyante ang ng CTNHS, like tumulong po ako kay babess na mamulot ng
mga basura ng mga irrespinsableng mag-aaral, boom kabog. Pero legit ba talaga, high school
na sila pero mga asal elementary pa rin, para basura nalang, andaming basurahan sa paaralan
pero shakss grabe na. Pero okay na rin kasi, grave ang character development ko in the past
years, naenjoy ko talaga ang pagpupulot ng mga basura. At syempre, as you guessed it, hindi
mawawala ang aming pagka isip-bata habang nagdadamput ng basura.

January 07, 2023

Pagod, ‘di ko alam kung bakit, pero basta, ang alam ko ay pagod na pagod ako. Nagising ako,
syempre tanghali na, sabado ngayon eh kaya supposedly magpapahinga ako pero hindi ko
mapagtanto kung bakit parang pagod ako at ayaw kong kumilos, kaya ‘yon ang ginawa ko.
Buong maghapon wala akong inatupag kung hindi ang humiga sa aking silid. Nagalit si
mama, syempre kasi panay kulong nalang daw ako sa kwarto, pero tbh ano ang magagawa ko
kung ‘yon ang nais ng aking kalooban. Hindi ko rin ba alam pero napapadalas na ang
ganitong pagkakataon na palagi nalang akong napapagod kahit wala naman akong ginagawa,
palaging ayaw ko kumilos, palaging wala na akong nagagawa kung hindi ang tumingin sa
kesame ng aking silid.
January 08, 2023

Ngayon ay syempre sinipag ako, hahahha.

You might also like