Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANG EPIKO NG MGA BISAYA NA

PINAMAGATANG “HINILAWOD”

I. Inaasahang pagkatuto
A. Natatalakay ang buod ng epikong Hinilawod
B. Nasusuri ang katangian ng mga tauhan sa epiko

Panimula
 Ang Hinilawod ay isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng
Kanlurang Bisaya. Ito’y nagsasaad ng kaunlaran at kultura ng Panay
noong unang panahon.Ito ay inaawit nang tatlong linggo, isa o dalawang
oras gabi-gabi.
 Ang Hinilawod ay hinango sa dalawang salita na “Hini” na ang ibig
sabihin ay “tunog o himig” at ang “Lawod” ay nangangahulugan ng
“dagat”. Sa madaling salita, ito ay nangangahulugang “Himig ng Dagat”
o sa matalinhagang salin ay katumbas ng “Himig mula sa Dagat”.

 Ang Hinilawod ay literal na nangangahulugang “Tales from the mouth


of the Halawod River” na inirekord 50 taon na ang nakalipas. Isang
bahagi lamang ito sa narekord na epiko na pinakamahabang epiko sa
Sulod, “ mga grupo ng tao sa kabundukan ng Gitnang Panay”.
 Dagdag pa ni Jocano, hindi lamang ito isang piyesang pampanitikan
kundi ibahagi ng ritwal pangrelihiyon ng mga Sulod. Kapansin-pansin sa
pagbabasa ng teksto ang mga bahaging nagtataglay ng mga Sagrado at
bahagi ng kanilang ritwal sa panggagamot.

 Binubuo ito ng 8340 na taludtod na may apat na episode o sugidanon:


 Nahahati ang epiko sa apat(4) na mahahalagang bahagi.
1.Ang Kuwento nina Alunsina at Datu Paubari
2.Ang Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon
3. Ang Pakikipagsapalaran ni Humadhapon
4. Ang Pakikipagsapalaran ni Dumalapdap

Nilalaman
Buod
Nagsimula ang lahat nang may isang Dyosa ng kalangitan na
nagngangalang “Alunsina”, sa takot na di na makapag asawa ay iminungkahi
ng hari ng mga Diyos na si “Kaptan” na sya ay mag asawa na. Maraming Diyos
ang dumating makadaupang palad lamang si Alunsina. Ngunit ang lahat ay
bigo sapagkat ang pinili ni Alunsina ay isang mortal na nagngangalang
“Paubari”.
Si Paubari ay isang datu na namumuno sa Halawod. Ang desisyon ni Alunsina
ay lubos na ikinagalit ng ilang nabigong diyos. Kaya napagkasunduan ng ilan
sa kanila sa pangunguna ni ‘Maklium-sa-t’wan” na magkaroon nang
pagpupulong upang maudlot ang kasal ni Alunsina at Paubari sa
pamamagitan ng isang baha sa Halawod.
Ngunit si Alunsina at Paubari ay nakaligtas sa kapahamakan sa tulong ni
Suklang Malayon, ang kapatid ni Alunsina. Natunugan ni Malayon ang plano
ng ilang diyos kayat sinabbi nitong magpunta sa mataas na lugar sina Paubari
at Alunsina. Pagkatapos humupa ang baha ay palihim na bumalik sila sa
Halawod.
Matapos ang ilang buwan ay nagsilang si Alunsina ng tatlong lalaki at
pinangalanang Labaw Donggon, Humadapnon at Humadapdap. Pagkatapos
isilang ay agad na ipinatawag ni Alunsina ang paring si Bungot- Banwa para
gawin ang ritwal upang maging malakas ang mga kambal. Matapos ang ritwal
ay naging malalakas at makisig sina Labaw Donggon, Humadapnon at
Dumalapdap.
Ang tatlong magkakapatid ay kapwa nagkaroon ng kanya kanayang
pakikipagsapalaran katulad na lamang ni Labaw Donggon na nakipaglaban
kay Sarangnayan ngunit ito’y bigo at ibinilanggo ni Saragnayan.
Dahil dito ay naghiganti ang anak ni Labaw Donggon at agad na kinalaban si
Saragnayan. Kalauna’y nagtagumpay ang anak ni Labaw Donggon at sila’y
parehong bumalik sa kanilang lugar. Dahil din sa pagkabilanggo ni Labaw
Donggon ay lubos na nagalit si Humadapnon at Dumalapdap. Nangako si
Humadapnon na ipaghiganti niya ang kapatid hanggang sa kaapu-apuhan ni
Saragnayan.
Pagkatapos umalis si Humadapnon upang maghiganti ay umalis din si
Dumalapdap upang makipagpalaran at pakasalan si “Lubay Lubyok
Mahanginun si Mahuyokhuyokan”. Nakipaglaban si Dumalapdap sa nilalang
na may dalawang ulo na kung tawagin ay “Balanakon”.
Pagkatapos nito ay nilabanan din ni Dumalapdap ang nilalang na “Uyutang”
na kawangis ng isang paningi na may malaking mga pangil at makamandag na
kuko. Nilabanan ni Dumalapdap ang Uyutang sa loob ng pitong buwan.
Naging matagumpay si Dumalapdap at kasama na niyang umuwi si “Lubay-
Lubyok Hanginun si Mahuyokhuyokan” upang pakasalan.

B. Mga TAUHAN
1. Buyung (datu) paubari
-Mabuting pinuno ng Halawod
-Kabiyak ni Alunsina
-Ama ng tatlong prinsipe na sina Labaw Donggon, Humadapnon, at
Humalapdap
2. ALUNSINA
-Ang bathalang babaing napangasawa ni Datu Paubari
-Ina ng tatlong prinsipe
-Lubos na mahal ang kanyang pamilya at handing magsakripisyo

3. LABAW DONGGON
-Panganay na anak nila Paubari at Alunsina
- Mahilig sa mga magagandang dilag
- lumaki na matalino, malakas, at agad nakipagsapalaran
4. Humadapnon
5. Dumalapdap
6. Haring Kaptan
-Ang hari ng mga Bathala
-Nagnais na magpakasal na si Alunsina

7. SUKLANG MALAYON
-ang kapatid ni Alunsina na tumulong sa kanilang mag-asawa
8. UYUTANG
-Isang halimaw na nakatunggali ng isa sa mga prinsipe
9. MANALINTAD
- ang halimaw na Handug na ginapi ni Labaw Donggon bilang
kapalit ng pagpapakasal kay Angoy Gibintinan na anak ng pinuno ng
Handug.
10. BUNGOT- BANWA
-Isang ginagalang na pari na gumawa sa ritwal para lumakas ang mga
kambal na anak nina Alunsina at Paubari.
11. SARAGNAYAN
-Ang diyos ng kadiliman
12. ANGOY GINBITINAN
- Isa sa napangasawa ni Labaw Donggon
-Mula sa bayan ng Handug
13. ASU MANGGA
- Anak ni Labaw Donggon kay Angoy Ginbitinan
MENSAHE/ARAL
 Pag-ibig! Hahamakin ang lahat masunod ka lamang
- Makikita sa epiko na mas pinili ni abyang alunsina si Datu Paubari na
isang mortal sa halip na piliin ang kapwa na mga diyos.
 Isa para sa lahat at lahat para sa isa
- Masasalamin sa epiko ang pagtutulungan ng magkakapatid nang
makulong si Labaw Donggon ay hindi siya pinabayaan ng kanyang mga
kapatid.
 Dapat palaging maging handa at matatag
- Sa epikong ito naipapakita na ang buhay ay isang pakikipagsapalaran.
nararapat na maging handa palagi sa mga posibilidad na maaring
mangyari sapagkat isa itong pakikipaglaban, na may matatalo at may
mananalo sa huli

You might also like