Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 1

I. LAYUNIN: Nailalarawan ang damdamin ng isang tauhan sa kuwentong napakinggan o nabasa

A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita


Pangnilalaman at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan , karanasan at damdamin.

B. Pamantayan sa
Pagganap

C. Pinakamahalagang Nailalarawan ang damdamin ng isang tauhan sa kuwentong napakinggan o nabasa


Kasanayan F1PN-II-1-1
sa Pagkatuto(MELC)

II. NILALAMAN: Paglalarawan ng Damdamin ng Tauhan sa Kuwento

III. KAGAMITANG PANTURO


a. Mga Pahina sa Gabay ng Filipino Teacher’s Guide, pp. 63 - 66
Guro

b. Mga Pahina sa Kagamitang Filipino 1 Kagamitan ng Mag-aaral. pp.


Mag-aaral PIVOT Learner’s Material Filipino 1 pp. 24-27

c. Mga Pahina sa Teksbuk


d. Karagdagang Kagamitang
Mula sa Portal ng Learning
Resources.
e. Integration (Pagsasanib) ESP, Matematika at Arts
f. Strategy: DRTA Approach, Collaborative Approach
IV.PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


IV.Introduction (Panimulang Gawain)
Panalangin
Bago tayo magsimula, inanyayahan ko ang lahat na iyuko ang mga Ang mga bata ay magsitayo para
ulo para sa ating Panalangin. sa panalangin

Pagbati
 Magandang umaga mga bata! Kumusta kayong lahat?
 Naihanda niyo naba ang mga bagay na kailangan para sa Magandang araw naman po
ating aralin ngayon? Teacher Robelyn!

Pagtsek sa attendance ng klase: Opo Teacher!


Kamustahan:

Kumusta ang iyong pakiramdam? Ikaw ba ay masaya, malungkot


galit,pagod o nag-alala? Nailalarawan ang damdamin ng
isang tauhan sa kuwentong
napakinggan
Pagpapakita ng Slides ng mga dapat tandan sa klase

Paglahad ng layunin

Balik-aral

Panuto : Ipakita ang masayang mukha kung tama ang babay ng may
salungguhit na salita at malungkot na mukha kung hindi.
1.Kami ay pupunta sa palengke para bumili ng mga protas.
2. Binigyan ako ni kuya ng bagong laruan.
3. Tinutupi ko ngayon ang aking mga damet.
4. Kame ay pupunta ng Boracay.
5. Ang manga bata ay naglalaro sa parke.
Ang mga bata ay aktibong
nakilahok
Pangganyak

PAGGAMIT NG LARO
Tatawag ng bata ang guro at pupunta sa harapan. Ihahagis ang dice,
kung ano ang matatapat na damdamin o emosyon sa itaas ng dice
ay gagayahin ng bata sa pagpapakita ng facial expressions.

Ipa-ulit sa susunod na bata, hanggang magaya lahat ng feelings na


nasa dice.

Pagkatapos ng gawain, itatanong ng guro kung ano ang mga


aktibidad na ginagawa ng mga bata kapag sila ay masaya,
malungkot, natatakot, at galit.

Paglalahad

Masining na Pagkukwento
Pamantayan sa Pakikinig

1.Umupo nang maayos


2.Pakinggan at intindihin ng mabuti ang kuwento
3.Maging handa sa pagsagot sa kuwento.

Paghawan sa Balakid:

Salita Larawan Kahulugan Pangungusap


natuwa kasiyahan Natuwa siya sa mga
bulaklak na may iba’t
ibang kulay.
natakot kabado Natakot si Kuting na
hindi na siya
makauwi.
galit pagkamuhi Galit si Aso dahil hindi
alam ni Kuting ang
daan pauwi sa bahay
nila.
namangha Nagulat si Kuting sa
magandang tanawin
Nagulat na kanyang nakita.

paghihinayang
nagsisisi Lola, patawarin nyo
ako.. Nagsisisi na po
ako sa nagyari.
nakatihaya Nakaharap Mahilig matulog na
nakatihaya si Juan.

Mama, nag-alala na 3
nag-alala pagkabalisa ako kay lola, hindi na 2
siya makalakad
3

Subject Integration : Mathematics 4

Bilangin ang mga salita Pagsama-samahin ang mga 4


bilang ng mga pantig ng salita
natuwa Natuwa + galit 4
galit Natakot+ nagulat
natakot Nag alala + nagsisisi
nagulat
nag alala
Nag sisisi
Pagbabasa ng kuwento
Pakinggan ang pabulang pinamagatang “Ang Tunay na Kaibigan”
(Sa pagbasa ng guro gamit ang DRTA Approach . Magtanong pagkatapos
magbasa ng 1-2 pangungusap)

Tunay Na Kaibigan

May isang munting pagong na nakatuwaang paglaruan ng mga bata sa sapa. Iniwan nila
itong nakatihaya at kakawag kawag.

Sino ang nakatuwaang paglaruan ng mga bata? Anong nangyari kay Pagong?

Pagong : Tulungan niyo ako! Ibalik niyo ako sa sapa.Takot Na sabi ni Pagong

Aso: Naku! Anong nangyari sa iyo Pagong? gulat na sagot ni Aso

Gusto kitang tulungan ngunit nagmamadali ako.

Sino ang humingi ng tulong? Sino ang unang nakakita kay Pagong ? Tinulungan ba siya?
Ano ang ginawa sa kanya?

Pagong: Maawa kayo sa akin! Tulungan niyo ako!

Pusa: Bakit kita tutulungan? Ayaw kong makita kita! Galit na sagot ni pusa

Sino ang kasunod na nakakita kay Pagong ? Tinulungan ba siya? Ano ang sinabi at
ginawa sa kanya?

Pagong: wala yatang ibig tumulong sa akin. Mamamatay ako rito. Malungkot na sabi ni
pagong

Pato: Naku! Anong nangyari saiyo, kaibigang Pagong? Nag-alalang tanong ni pato

Sino ang pangatlong hayop ang nakakita kay pagong ? Ano ginawa sa kanya?

Pagong: Pinaglaruan ako ng mga bata. Iniwan nila akong nakatihaya. Maari bang tulungan
mo ako?

Ano ang sinabi ni Pagong kay pato?

Pato: aba, oo ! gagamitin ko ang aking paa.

Pagong: Yehey! Sa wakas may tumulong na sa akin! Maraming Salamat sayo. Marami nang
dumaang hayop dito. Ikaw lamang tumulong sa akin. Masayang sagot ni pagong.
Strategy:
TinulunganDRTA Approach
ba si Pagong ni pato? Anong bahagi ng katawan ang ginamit niya para

A. Developmental Activity
(Pagpapaunlad

Pagtatalakay
Balikan natin ang mga tauhan sa kuwento at subukan nating ilarawan ang
kanilang damdamin batay sa kanilang sinabi. Iguhit ito sa patlang.

Ang pagpapahayag ng damdamin, reaksiyon, at


ideya ay pagbibigay ng sariling isipan, saloobin. Maaaring
ipahayag ang damdamin ng pasalita o pasulat.

Ilan sa mga halimbawa ng pagpapahayag ng damdamin

pagkatuwa pagkagalit pagsisisi

pagkatakot pagkagulat pagkalungkot

pag alalala

Gawain sa Pagkatuto(Guided Practice)

Paggamit ng Laro (Interactive Game )


Subject Integration: ICT
Panuto: Ilarawan ang damdamin ng tauhan batay sa kanyang sinabi.

_______1. Wow! Ang ganda ng mga bulaklak dito!


_________2. Naku! Hindi ko na alam ang daan pauwi! Paano na kaya ako
makauwi nito”

_________3. Lumayas ka! Huwag ka ng magpapakita sa akin!


_________4.. Yehey! Makapasyal na ako sa Hardin
_________5. Sayang! Sana sumama na ako kay Pagong!

B. Engagement (Pakikipagpalihan)
Ang mga bata ay pipili nang gawain.
Ang guro ay magbibigay ng pamantayan at rubric sa Gawain
Ang guro ay magbibigay ng gantimpala sa grupo na sumusunod sa
panuto at may mataas na marka.

Paglalahad at pagpapakita ng pamantayan at rubric para sa


Gawain:
Pamantayan 5 4 3 2 1
Naintindihan ang panuto sa
napiling gawain
Malinis ang pagkaguhit at
maayos ang pagkulay sa
napiling gawain
Natapos sa takdang oras
Tama ang lahat ng sagot sa
napiling gawain.
Naipakita ang tamang
reaksyon o damdamin sa
napiling gawain.
Malinis at maayos ang
pagkakulay.
KABUUAN

Gawain 1: ILARAWAN AT IGUHIT MO AKO!


Panuto : Iguhit at ilarawan ang damdamin ng tauhan
batay sa kanyang sinasabi. Isulat ang sagot sa patlang.

_______1. Yehey !!Nakapasa ako sa pagsusulit.


_______2. Bakit mo sinira ang laruan ng kapatid mo?
_______3. Wow! Ang ganda-ganda mo ngayon.
_______4. Marami ang pumanaw sa taong 2020 dahil sa
lumaganap na sakit na COVID.
_______5. Naglulundag kami noong Bagong Taon para
tumangkad.

Gawain 2: IlARAWAN AT ISULAT MO AKO!

Panuto Ilarawan at isulat ang damdaminng tauhan


batay sa kanyang sinasabi. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
Isulat ang sagot sa patlang.

a. Pagkatuwa b. pagkatakot
c. Pag-alala d. paghihinayang
d. pagkagalit
______1. Naku! Baka masira ang bubong ng bahay natin! Ang lakas ng
ulan!
______2. Takbo! May humabol sa atin!
______3.Sayang! Hindi ako nanalo sa paligsahan!
______4. Ang ganda ng regalong manika ni lolo sa akin.
______5. Lumayas ka dito sa bahay! Hindi kita kailangan!

Gawain 3:ILARAWAN AT IARTE MO AKO!


Panuto : Basahin ang mga pangungusap na may
damdamin o reaksyon. Ilarawan kung anong damdamin o reaksyon ito.
Wow! Ang ganda ng bagong damit ni Ana!

Mommy, kawawa si Bingo ,walang pagkain!


\

Gawain 4 : KULAYAN AT ILARAWAN MO AKO!


Panuto : Kulayan ang larawan at
sabihin kung ano ang damdamin o
reaksyon ng mga tauhan sa larawan.

Pag-uulat ; ang bawat grupo ay pipili ng isang bata para iulat ang kanilang
ginawa.

C. Assimilation
(Paglalapat)

Paglalahat
Ano-ano ang iba’t ibang uri ng damdamin o reaksyon?
Paano mo mailarawan ang damdamin sa tauhan sa kuwento?

May katanungan ba kayo hinggil sa ating aralin?

Pagtataya

Panuto : Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na pangungusap.


Ilarawan kung anong damdamin ang maipakitang kilos o sinasabi ng
tauhan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
a. Pagkatuwa b. pag-alala
b. Pagkagalit d. pagkatakot

_______1.Rico, Ano ka ba hindi pa ako tapos sa paglinis eh!


_______2. Inay si Rico po, nabali yata ang kanyang braso!
_______3. Yehey ! May bago akong damit!
_______4. Ano kaya nangyari kay Ana? Bakit ang tagal niya
umuwi.
_______5. Naku! May sunog!

Takdang Aralin

Gumawa ng emotion puppet. Magpatulong sa iyong magulang o ibang


kasama sa bahay. Videohan ang sarili habang ginagawa ito.

V. REFLECTION
(Pagninilay)
Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng
kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na
prompt:

Naunawaan ko na
__________________________________________

Nabatid ko na ________________________________________
Inihanda ni:

ROBELYN D. VEGA

Grade 1-Teacher
c

You might also like