Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG BANTA NG PERSIA

Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran.Kung kaya sinalakay ni Cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor.

DARIUS THE GREAT – ang taga pagmana ng trono ni Cyrus at ipinagpatuloy nito ang layunin nilang magpalawak ng imperyo. Noong
499 BCE, sinlakay niya ang mga kalapait na kolonyang Greek.

ATHENS –nagpadala ito ng tulong ngunit natalo ang mga kolonyang Greek sa labanang pandagat sa Miletus.

Bagama’t natalo ang Athens ay nais na parusahan ni Darius ang lungsod at gawin itong hakbang upang sakupin ang buong Greece.
Bilang paghahanda sa pagsalakay ng Persia ay nagpasimulang gumawa isang plota o fleet na pandigma ang Athens.

ANG DIGMAANG GRAECO-PERSIA ( 499-479 BCE)

490 BCE- naganap ang unang pagsalakay ng Persia sa ilalim ni Darius.

MARATHON- isang kapatagan sa hilagang silangan ng Athens. Dito unang bumaba ang pwersa ng Persia na tumawid sa Agean Sea
upang sakupin ang Athens.Dito rin nangyari ang labanan sa pagitan ng Athens at Persia

Tinalo ng 10,000 pwersa ng Athens ang mahigit 25,000 na pwersa ng Persia sa kanilang naging laban.

PLUTARCH – Isang manunulat na Greek, ayon sa kanya , isang tagapagbalita ang madaliang tumakbo patungong Athens upang ihatid
ang balita na nanalo ang Athens sa laban. Ito ang kauna-unahang takbong Marathon. Subalit pagkatapos niyang maibalita ay bumagsak
siya at namatay.

XERXES –Siya ay anak ni Darius, ipinagpatuloy nito ang tangkang pagpapabagsak sa mg Athens.

THERMOPYLAE – Isa itong makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central ng Greece. At noong 480
BCE, dito naganap ang madugong labanan sa pagitan ng Sparta at Persia.

LEONIDAS – Pinamunuan niya ang 300 spartan sa pakikipaglaban sa 7,000 na Persian sa pamumuno naman ni Xerxes.

Inkala ni Xerxes na madali niyang mapapabagsak ang mga Spartan. Hindi niya inasahan ang katapangan at kahusayan ng mga Spartan sa
pakikipagdigma. Sa loob ng tatlong araw, dumanak ang dugo ng mga taga Persia.

Sa kasamaang palad, mayroong nag traydor sa pangkat ng Sparta, ipinagkanulo niya ang isang lihim na daanan patungo sa kampo ng
Greek. Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na lumikas habang ipinagtatanggol ng kaniyang pwersa ang Thermopylae.Sa harap ng
higit na pwersa ni Xerxes, namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas.

Sinakop at sinalakay ni Xerxes ang Athens subalit dinala ni Themistocles, isang Athenian ang labanan sa dalampasigan ng pulo ng
Salamis kung saan ang dagat ay sobrang makipot.Nahirapang iwasan ng malalaking barko ni Xerxes ang maliliit na barko ng Athens na
pilit na binabangga ng mga ito at kalaunan ay nabutas hanngang isa-isang lumubog ang plota ng Persia. Ang nalalabing hukbo ni Xerxes
ay tinalo ng alyansa ng mga Lungsod-estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanians ng Sparta.kabilang sa alyansang ito ang Athens,
Sparta, Corinth at Megara.

PANAHON NI PERICLES

PERICLES (461-429 BCE)- isang pinuno ng Athens na nagkaroon ng malaking impluwensya sa buhay ng Athens sa loob ng 32 taon
kung kaya ito ay tinawag na Panahon ni Pericles.

MGA NAGAWA NI PERICLES SA KANIYANG PANAHON NG PAMUMUNO

1. Namayagpag ang Demokrasya sa kaniyang panahon sapagkat naniniwla siya na dapat ay may partisipasyon ang mga
mamamayan sa pamahalaan
2. Pinaganda niya ang Athens sa pamamagitan ng mga pagpapatayo ng mga magagandang gusali tulad ng Parthenon of Greece.
3. Naitatag ang imperyong komersiyal ng Athens sa paglikha niya ngmalakas na plota sa Mediterranean Sea na nagtanggol sa
kalakalan nito.

ANG DIGMAANG PELOPONNESIAN (431-404 BCE)

DELIAN LEAGUE – sinikap ni Pericles na pagbuklurin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng isang malawak na pederasyon
na tinawag niyang Delian League. Ang mga kasapi nito ay nag ambag ng mga barko, salapi at mga sundalo para sa kanilang tanggulan.
Noong una ay matiwasay ang ugnayan ng mga kasapi subalit ng mawala ang banta ng Persia, ang mga lungsod-estado ay hindi na
nagkasundo sa kanilang adhikain.Patuloy na humingi ng kontribusyong pera at barko ang Athens sa mga kasapi. Nais ng Athens ang
sukdulang kapangyarihan.Unti unti nitong ginawa ang Delian League na kanyang imperyo at pinamahalaan ang mga lungsod-
estado.Ginamit ng Athens ang salapi ng Delian League sa pagtatatag ng malakas na plota at pagpapatayo ng magagandang gusali.

PELOPONNESIAN LEAGUE – Sa pagiging imperyo ng Athens, nangamba ang ibang mga lungsod-estado.Nagsama-sama sila sa
Peloponnesus at itinatag ang Peloponnesian League upang labanan ang Athens.

MGA BUMUBUO SA PELOPONNESIAN LEAGUE

1. Sparta – Ang namuno sa Peloponnesian League


2. Argos
3. Corinth
4. Delphi
5. Thebes
6. Chaeronea
DIGMAANG PELOPONNESIAN – nauwi sa digmaan ang alitan sa pagitan ng Athens at Peloponnesian League sa pamumuno ng
Sparta. Pagkatapos ng mahaba, magastos,at mapinsala na labanan, tinalo ng Sparta ang Athens noong 404 BCE. Ngunit nagpatuloy ang
sigalot sa ibat-ibang lungsod-estado hanngang bumagsak ang pamumuno ng Sparta sa labanang Leuctra noong 371 BCE . Iniwan ng
Digmaang Peloponnesian ang Greek na mahina at hati.

IMPERYONG MACEDONIAN(336-263 BCE)

PHILIP -Siya ay hari ng Macedonia na naghangad na pag-isahin ang mga lungsod-estado sa Greeece sa ilalim ng kaniyang pamamahala.

- Upang matupad dito, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma.
- Bilang pagtatanggol sa kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib na pwersa ng Athens at Thebes ang Macedonia noong 338
BCE subalit mabilis silang tinalo ng hukbo ni Philip
- Ang pagkatalo ng Athens ay hudyat ng pagtatapos ng mga kapangyarihan ng mga lungsod-estado.
- Ang buong Greece, maliban sa Sparta ay napasailalim ng kapangyarihan ng Macedonia.

ALEXANDER THE GREAT

- Naging tanyag na pinuno ang anak ni Phlip na si Alexander. Noong bata pa lamang siya ay nagging guro na niya si Aristotle na
nagturo sa kanya ng pagmamahal sa kultura at kaunungan.Natutuhan rin niya ang kagalingan sa pakikipagdigma.
- Namatay ang kaniyang Ama at sa edad na 21 ay nagging hari siya ng Macedonia at Greece. Matalino at magaling na pinuno si
Alexander. Sinalakay niya ang Persia at Egypt at tumungo sa silangan at sinakop ang Afghanistan at hilagang India.
- Nagtatag siya ng isang Imperyo na sumakop sa kabuuan ng Kanlurang Asya, Egypt at India.Pinalaganap ang kaisipang Greek sa
Silangan
- Noong 323 BCE, namatay siya sa Babylon sa gulang na 32.

You might also like