Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

College of Teacher Education

Matina Campus, Davao City


Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

MASUSING BANGHAY ARALIN


Ika-9 na Baitang
Mataas na Paaralan ng Maa
Maa, Lungsod ng Dabaw

I. Layunin/Kasanayang Pampagkatuto
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga
sumusunod na layunin:

a. Natutukoy ang mga panandang pandiskursong ginamit sa pangungusap;


b. Nagagamit ang mga halimbawa ng panandang pandiskurso sa pagtatanghal ng
talk show;
c. Nagagamit ang angkop na panandang pandiskurso na hudyat ng pagsusunod-
sunod ng mga pangyayari sa lilikhaing kwento (F9WG-IIId-e-54); at

c. Naisusulat at naisasadula ang maikling kwento nang may pagbabago sa ilang


pangyayari at mga katangian ng sinuman sa mga tauhan (F9PU-IIId-e-54)

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Panandang Pandiskurso
B. Sanggunian:

Aklat: Pinagyamang Pluma 9 – Aklat 1, pahina 341-342

III. Mga Kagamitang Pampagtuturo


TV, Laptop, PowerPoint Presentation, Visual Aids

IV. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain 1. Pambungad na Panalangin
1. Pambungad na Panalangin Magsisitayo ang lahat bilang pagbibigay
2. Pagbati -galang sa maikling panalangin.
3. Pagpapaayos ng Upuan 2. Pagbati
4. Pagtala ng Liban “Magandang umaga po, Bb. Nicolle.
Ang kapayapaan ay sumasainyo at
mabuhay!”
College of Teacher Education
Matina Campus, Davao City
Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

3. Pagpapaayos ng Upuan
Aayusin ng mga mag-aaral ang
kanilang upuan.
4. Pagtala ng Liban
(Checking of attendance with a twist)
Isisigaw ang salitang “Darna!” sa halip
na “Narito po, Ma’am.”

B. Pagganyak Larawan na ipapakita sa mga mag-


 Use in a Sentence, Use it!
Magpapakita ng larawan at mula rito ay
bubuo ang mga mag-aaral ng
makabuluhang pangungusap gamit ang
mga sumusunod na mga parirala:

1. sa madaling sabi
2. tulad ng
3. kaya lamang
4. sa pamamagitan
5. sa dakong huli

Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na


sasagot sa pamamagitan ng larong aaral:
Pass the Ball at ang napiling mga mag-
aaral ang silang magbabahagi ng (Iba-iba ang mga inaasahang
kanilang mga kasagutan sa klase. pangungusap na mabubuo ng mga
mag-aaral sa bawat parirala.)
C. Pagtalakay sa Aralin
 Basahin at Suriin Mo!

Ipapabasa sa mga mag-aaral ang


sumusunod na talata:

Kahanga-hanga ang isang taong may


matibay na pananalig sa Diyos.
Anumang bagyo o problemang
dumating sa kanya ay hindi siya kayang
igupo nito dahil nananalig siyang may
Diyos na sa kanya ay gagabay upang
mapagtagumpayan ang mga unos ng
buhay. Naniniwala rin siya na anuman
ang ipinagkaloob ng Diyos ay
makakaya niyang balikatin dahil may
dahilan para sa lahat ng ito. Pansinin
mo ang mga taong matibay ang
pananamplataya, nanatili silang positibo
sa gitna ng matitinding suliranin sa
buhay. Tulad ng ikapitong prinsesa sa
maikling kwentong binasa, hindi kayang
College of Teacher Education
Matina Campus, Davao City
Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

bayaran ang kanyang paniniwalang


Diyos ang nagkakaloob ng lahat. Kung
tutuusin bilang isang prinsesa ay
maaari na siyang sumunod sa lahat ng
sasabihin ng kanyang ama upang
maging komportable ang kanyang
buhay, ngunit pinilit pa rin niyang
mabuhay nang tama. Kung ako ang
tatanungin isa siyang dakila. Ang
maganda niyan sa bandang huli ay
napatunayan niya ring Diyos nga ang
nagkakaloob ng lahat ng biyaya.

Pansinin mo ang mga salitang


nakasulat nang madiin. Ano ang
tungkulin o gamit ng mga ito sa talata?
Nakatutulong ba sila sa paglalahad ng
maayos at malinaw na pahayag? Ating
alamin at gamitin ang iba’t ibang
panandang diskurso.

Panandang Pandiskurso – mga


kataga, salita, o parirala na madalas na
ginagamit sa pagbibigay ng linaw sa
mga pahayag.

Mga Halimbawa ng mga Panandang


Pandiskurso:

1. Panandang naghuhudyat ng
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari
 sa bandang huli
 nang sumunod na araw

2. Panandang naghuhudyat ng
pagkakabuo ng diskurso
a. pagbabagong lahad
 kung tutuusin
 sa ibang salita
b. pagtitiyak
 kagaya ng
 tulad ng
c. paghahalimbawa
 halimbawa
 sa pamamagitan
d. paglalahat
 sa madaling sabi
 bilang paglalahat
e. pagbibigay-pokus
College of Teacher Education
Matina Campus, Davao City
Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

 pansinin na
 tungkol sa
f. pagkakasunod-sunod ng pangyayari
 ang sumunod
 ang katapusan

3. Panandang naghuhudyat ng
pananaw ng may-akda
 kung ako ang tatanungin
 sa tingin ko
D. Paglalapat/Paglalahat
 Pangkatang Gawain:
TalaKayan
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
Gamit ang mga halimbawa ng
panandang pandiskurso, ang bawat
pangkat ay magtatanghal ng isang talk
show na nakatuon batay sa temang
naitakda sa kanilang pangkat.

Unang Pangkat: Music


Ikalawang Pangkat: Travel
Ikatlong Pagkat: Education
Ikaapat na Pangkat: Entertainment

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng


marka batay sa sumusunod na
pamantayan:

Kaangkupan ng paksa/tema – 10
puntos
Paggamit ng mga panandang diskurso
–10 puntos
Hikayat sa mga manonood – 5 puntos
KABUUAN – 25 puntos
Panuto: Basahin ang sumusunod na Sagot:
pangungusap. Bilugan ang panandang
pandiskursong ginamit at tukuyin kung 1. Sa tingin ko – Panandang
anong uri ito ng halimbawa ng naghuhudyat ng pananaw ng may-akda
panandang pandiskurso 2. Kung tutuusin – Panandang
naghuhudyat ng pagkakabuo ng
1. Sa tingin ko ang mga Pilipino ay may diskurso (pagbabagong lahad)
matibay na pananampalataya sa Diyos. 3. kagaya – Panandang naghuhudyat
2. Kung tutuusin napakarami na nating ng pagkakabuo ng diskurso (pagtitiyak)
pinagdaanan bilang mamamayang 4. bagaman – Panandang naghuhudyat
Pilipino. ng pananaw ng may-akda
3. Ngunit nananatili pa rin tayong 5. Sa aking palagay – Panandang
matatag, kagaya ng punong kawayan naghuhudyat ng pananaw ng may-akda
na yumuyukod kapag may bagyo ngunit
College of Teacher Education
Matina Campus, Davao City
Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

tumatayong muli at hindi nababali.


4. Bagaman mahirap ay sinisikap nating
pagaanin ang buhay.
5. Sa aking palagay, hinuhugot natin
ang lakas na ito sa paniniwala nating
hindi tayo bibigyan ng isang
problemang hindi natin kakayanin.
V. Takdang Aralin: Gawaing Pagganap
Goal: Ikaw, sampu ng iyong mga pangkat ay magsasadula ng maikling kuwento.
Gagamitin ninyo ang inyong angking pagkamalikhain upang maging kaaya-ayang
panoorin ang inyong pagsasadula.
Role: Bahagi ka ng isang samahang pangkultura. Bawat isa sa inyong pangkat ay
may tungkuling dapat gampanan tulad ng pagiging writer o manunulat, o isa sa
production staff.
Audience: mga manonood sa teatro
Situation: Naanyayahan ang inyong samahan o pangkat na magtanghal ng isang
maikling kwento na tungkol sa buhay ng isang karaniwang mag-aaral na Pilipino.
Gamitan ito ng mga panandang pandiskurso. Mula sa maikling kuwentong naisulat
ng iyong pangkat, ayusin ang kuwento upang higit na umangkop sa dula.
Performance: Pagtatanghal ng isang dulang hango sa kuwentong isinulat ng isa sa
inyong kapangkat.
Standard and Criteria for Success: Gawing gabay ang rubrik sa ibaba.
Mga Pamantayan Laang Aking
Puntos Puntos
Sa kabuuan, ang pagtatanghal ay nakalilibang at 10
nakapupukaw ng atensiyon.
Ang alinmang papel na ginampanan ng bawat mag-aaral ay 5
naisagawa niya nang mahusay.
Ang bawat miyembro ng pangkat ay nabigyan ng trabahong 5
nagpalutang sa kanilang kakayahan.
Gumamit ng mga panandang diskurso na nakatutulong sa 10
pagbibigay-linaw at ayos ng pahayag sa dula.
Kabuuan 30

Inihanda ni: Sinuri:

KRISTINE NICOLLE E. DANA LEONISA J. ESCAMIS


Pre-Service Teacher, University of Teacher III
Mindanao
College of Teacher Education
Matina Campus, Davao City
Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

You might also like