Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Filipino

I-LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang.

A. Nababatid ang mensahe ng tula.

B. Nabibigyang halaga ang saloobin ng mga mag-aaral.

C. Natutukoy ang mga pang-uri na ginamit sa tula.

D. Naisasadula ang mahahalagang pangyayari sa tula.

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: Ayos Lang ang Buhay sa Manila.

Genre: Tula

Wika: Lantay na Pang-uri

Oras: 1

B. Sangunian:

C. Kagamitan: pentouch, cartolina, visual aid, larawan, kopya ng tula.

D. Saloobin: pagkakaroon ng pakialam sa kapwa at sa paligid.

III- ISTRATEHIYA
Gawain ng Guro Gawaing Mag aaral

A- PAGHAHANDA

Balik-Aral
Panuto: Pumili ng isang katanungan mula sa
kahon at sagutan.

1. Magbigay ng tatlong kagamitan na Sagot:


makikita sa silid aralan.
2. Magbigay ng tatlong pangalan ng iyong 1. upuan, blackboard, papel
matalik na kaibigan.
3. Magbigay ng tatlong bansa na matatagpuan 2. Andeng, Marvie, Nicca
sa kontenente ng ASIA.
4. Magbigay ng tatlong tatlong pangalan ng
tao. 3. Thailand, Hongkong, Korea
5. Magbigay ng tatlong lugar na hindi mo
4. Lyzza, Nadine, Kathryn
malilimutan.
5. Manila, Tagytay, Boracay
Napakahusay!
Tanong:
Ngayon ano ang napansin ninyo sa inyong mga
kasagutan?

 Pangalan po.

Mahusay! Ito ay mga pangalan. Ano nga ulit ang


dalawang aspeto ng pangalan?

-Ang pangalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao,


bagay, pook, at pangyayare. At ang dalawang
aspeto nito ay Pantangi at Pangalang Pambalana.

B- PAGTUKLAS
1. Pagganyak
Panuto: Ngayon meron ako ditong mga larawan na
may kaugnayan sa ating aralin at nais kung bigyan
ninyo ito ng sariling interpretasyon.
Tanong: Sagot:
1. Ano ang nakikita nyo sa larawan?
• Ang nakikita po namin sa larawan ay mga
nagtataasang gusali na kung saan ay
matatagpuan sa manila.
2. Sa inyong palagay ano kaya ang kaugnayan ng • Siguro po ay tungkol sa buhay sa
larawan ito sa babasahing tula natin ngayon? manila.

2. Paghahawan ng Sagabal
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita at
gamitin ito sa pangungusap.
Sagot:
1. entreswelo • Kwarto
2. nakatanghod • Nakapanuod
3. nagtitiris • Nagpipisa
4. salbahe • Masama
paghigop Pagsipsip
IV-PAGLINANG
Unang pagbasa ng guro aa tula.
Mga pamantayan sa pagbasa.
• Makinig ng maayos.
• Maupo ng tuwid
Unawain ang binasa

V- PAGPAPALALIM
A. Pagtalakay Pangkaisipan

Sagot:
1. Sino ang persona sa tula? • Ang persona po sa tula ay ang
karaniwang tao na nainirahan sa manila.

• Noong nabasa ko po ang tula ang


2. Ano ang larawan na nabuo sa inyong isipan larawan na pumasok sa aking isipan ay
matapos ninyong mabasa ang tula? kung gaano kahirap ang buhay sa
manila.
3. Ano ang ibig ipahiwatig ng pangalawang
• Ang nais ipahiwatig po ng pangalawang
saknong?
saknong ay patungkol sa mga
pangyayari o insedenteng nagaganap sa
maynila ngunit walang pakialam ang
mga tao.

4. Sa iyong palagay ano ang pananaw ng may akda • Sa palagay kop o nais niyang
bakit niya naisipang isulat ang tula? ipahiwatig sa mga mambabasa ang
tunay na realidad ng buhay sa maynila.
5. Kung ikaw ay papapiliin saan mo nais
manirahan? Sa maynila ba o sa probinsya? At
bakit? • Kung ako po ay papapiliin mas nanaisin
ko pa rin pong manirahan sa probinsya
sapagkat mas malinis ang hangin, hindi
masyadong mahal ang mga bilihin at
higit sa lahat may mga pakiaalam ang
mga tao sa kapwa niya at uso parin ang
bayanihan.
B. Pagtalakay Pangkagandahan

6. Ano ang porma ng tula

7. May ilang saknong ang tula? • Ang porma po ng tula ay


Malaya.
• Meron po itong apat na
8. Ibigay ang mga salita na magkakatugma sa saknong.
bawat taludtod? • Maynila – pamilya, tama –
kusina Inyo – ano
9. Anong saknong ang naibigan mo at bakit?
• Para po sa akin ang huling
saknong ang aking naibigan sapagkat
ito ay nagpapakita ang pagiging maayos
ng maynila na kung tutuisin at titingnan
ay kabaliktaran ito ng salitang maayos
sapagkat ang mga tao ay walang
pakialam sa isat isa.
VI. Ikalawang Pagbasa ng Magaaral

VII- PAGPAPAYAMAN SA WIKA


Panuto: Salungguhitan ang mga lantay na salita na
naglalarawan sa tula?
-malalim
-singkipot

Tanong:
Ngayon ano ang napansin sa inyong mga
kasagutan?
Ito ay mga larawang nag lalarawan.

Magaling!
Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na
naglalarawan ng katangian ng tao, bagay, pook,
at pangyayari.

Hal: Masipag na bata si Gio.

Ang pang-uri ay may mga antas at isa sa mga


antas nito ay ang lantay na ating tatalakayin
ngayon. Ang Lantay ay naglalarawan ng isang
pangalan o panghalip na walang
pinaghahambingan.
Hal: Malamig ang hangin sa pook na ito.

VIII- PAGTATAYA O EBALWASYON


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang
pangungusap at piliin mula sa kahon ang wastong
sagot at punan ang bawat patlang. Sagot:

1. Ang ____ay naglalarawan ng katangian ng 1. Pang-uri


tao, bagay, pook, at pangyayari.
2. Maynila
2. Ang ____ ay ang lugar na tinutukoy sa
tulang binasa.
3. Nakatanghod
3. _____ ang dalawang batang, sa pagkagat
mo ng syopaw.
4.Lantay
4. Ang ay naglalarawan ng isang
pangalan, o panghalip na walang paghahambing.
5. Si ang sumulat ng tulang “Ayos 5. Bienvenido Lumbera
lang ang buhay sa maynila”

IX- PAGLILIPAT
Panuto: Hatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-
aaral at ipasadula ang mga importanteng
pangyayari sa tula.

Pamantayan:
Kahusayan sa pag arte – 25%
Kaugnayan sa paksa – 25%
Mensahe – 50%
Kabuan – 100%
X-TAKDANG ARALIN
Gumuhit ng larawang nagpapakita ng pagkakaiba
ng urban at rural na ginagamitan ng lantay na pang-
uri at isulat ito sa isang buong papel.

MECHA BALDERAMA
BSED-FILIPINO III-D
MR. VICTOR BOHOLANO

NAME: Mecha Balderama


YR & Section: BSED-Filipino III-D
Subject: Prof Ed 8
Instructor: Mr. Victor Boholano

Ayos lang ang Buhay sa Maynila Ni: Bienvenido Lumbera

Ayos lang ang buhay sa Maynila,


Wala kang paki sa hindi mo pami,
At ika’y pababayaan
Ng yong kapit-bahay.
Singkipot ng inuupahang entresuwelo
Ang mundo, tamang-tama: May banyo, may kusina

Ma’no kung mayroon man bendor


Na nasagasaan ng dyip sa España?
Hindi mo ba alam (di naperyodiko kasi)
Ng isang buntis ang naglunod sa pasig kahapon.
Mabalitaan mo ma’y di mo naman kilala.
Basta ligtas ang eskinitang patungo sa inyo,
Malalim man ang baha sa Sta. Cruz, ay ano?

Nakatanghod ang dalawang bata


Sa pagkagat mo ng siopao
O paghigop sa sabaw ng mami.
Puwedeng di mo pansinin,
Para nung weyter sa sulok
Na nagtitiris ng tagihawat.
Salabahe’ng mga bata ‘yan-
Malimit naaaksidente ka na’y
Ikaw pa’ng dudukutan.
Para sa’yo, ang pakikisama’y
Para nung gripo sa banyo-
Tantiyado mo kung kalian
Hangin lang ang ihahagok,
At kung anong oras naman May tutulong tubig
Pag kinabukasan.

You might also like