Bantugan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bantugan (Buod ng Bantugan - Epiko ng Mindanao)

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang


prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya’t maraming dalaga ang naaakit sa
kanya. Dahil dito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na
ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang
sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan.

Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya’y naglagalag. Siya’y nagkasakit at


namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng
Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay
naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga
tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa
bangkay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe
Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay
Haring Madali.

Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang


bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang
kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman
ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan.
Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring
Madali.

Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si


Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal
niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng
Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata
pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya’y iginapos,
subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang
gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw.

Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang


pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni
Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niya ang
lahat at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod
at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.

Ang halimbawa ng epiko sa Pilipinas na pinamagatang, "Bantugan," ay mula sa


tagaloglang.com.

You might also like