Alamat Lesson Plan 9 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XI
STA. ANA NATIONAL HIGH SCHOOL
D. SUAZO ST., DAVAO CITY
C. Y. 2022 – 2023
BANGHAY-ARALIN SA PAGSASANIB NG GRAMATIKA
FILIPINO 9
IKATLONG MARKAHAN

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay:


MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/di makatotohanan
(MELCS) ng mga bahagi ng akda (F9PB-IIIf-53)

Napapahalagahan ang teksto nagsasalaysay sa binasang


alamat.

Nailalahad ang sariling wakas sa binasang alamat.


II. NILALAMAN Aralin: Panitikan (Alamat)

III. KAGAMITANG PANTURO Google


A. Sanggunian (SLK) Libro 9 (Panitikang Asyano)
B. Karagdagang Modyul 9
Kagamitan
Cartolina, Marker, Masking tape, Mga larawan, Lapel, Laptop at
speaker.
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain Bago simulan ang panibangong aralin at talakayan ay
pangungunahan muna ito ng mataimtim na panalangin at
babatiin ang mga mag-aaral. Tatanungin ang mga mag-aaral
ang sino ang lumiban sa klase.

Magbibigay ang guro ng mga alituntunin at mga gabay na dapat


sundin sa loob ng klase.
1. Manatiling manahimik habang merong nagsasalita sa
harap
2. Itago ang mga telepono
3. Iwasang makipagusap sa tabi

Balik aral:
1. Ano ang tinalakay natin kahapon?
2. Ano ang pagpapasidhing damdamin?

WIKARAMBOL
Panuto: Ayusin ang mga titik na nakarambol sa Hanay A upang
makabuo ng mga makabuluhang salita. Pagkatapos, ihanay ito
sa larawang maka-ugnay o katumbas ng nabuong salita
makikita sa Hanay B.

Hanay A

1. SNII = INIS
2. TGINI = NGITI
3. KOTMAGNLU = MALUNGKOT
4. LITGA = GALIT
5. GNAHA = HANGA

Hanay B

1. 2.

3, 4.

5.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Babasahin ang layunin ng mga mag-aaral


Aralin B. Paglalarawan ng mga larawan sa pisara sa mga mag-
aaral

“Pinagmulan”

2. Sa mga larawan, ano ang paksa o mahihinuha ninyo na


salita tungkol sa mga nakitang larawan?
C. Pagtatalakay sa Aralin Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na
nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig.

Ang alamat ay mga kwentong bayan na isinasalin sa bawat


henerasyon sa pamamagitan ng bibig. Ang mga alamat ay
kapupulutang ng mga aral. Ang mga kwentong ito ay
nagsasalamin ng ating kultura.

Ang mga mag-aaral ay papanourin at napakinggan sa isang


Alamat na pinamamagatang “Alamat ng Buhangin” sa
Bansang Turkey. Pakinggan ito ng mabuti upang masagutan ng
mga mag-aaral ang mga katanungan pagkatapos ng pagbasa.

D. Pagatalakay ng Bagong Pangkatang gawain


Konsepto
Panuto: Hahatiin ang klase sa limang grupo, matapos nilang
mapanood ang bidyo. Bawat pangkat ay maglalahad ng
kanilang mga ginawang gawain.
A. Unang at Ikalawang Pangkat: (Graphic Organizer)
Ang dalawang pangkat ay gagawa ng isang graphic organizer
na sasagutin nila ang mga ito base sa alamat na binasa. Isulat
ito sa manila paper.

Saan?
Ano? Bakit?

Pamagat:
“Alamat ng
Buhangin”
Paano? Sino?

B. Ikatatlong pangkat: Sasagutin ang susunod na


tanong.
“Kapani-paniwala ba ang mga tagpuang ginagamit sa
alamat? Patunayan.”
C. Ikaapat na pangkat: Tukuyin ng mga mag-aaral kung
ang mga bahaging ito ay Makatotohanan o Di-
makatotohanan at ipaliwanag nila sa harapan. Isulat
ang kanilang mga kasagutan sa isang malines na bond
paper.
1. Sa kaunting oras ng paglagi ni Tonio, nadama ni
Behaang kakaibang pakiramdam, tila nga ba siya'y
nahulog na sa manlalayag ng minsang lang
napadpad sa kaniyang lugar.
2. Kung ikaw man ay magbalik sa hinaharap makita
mo sana ang mga maliliit na batong ito na tanda ng
aking wagas na pagmamahal tulad ng mga bituin sa
langit na wagas na nag niningning para sayo at sin
dami rin ng mga tala na patuloy na mag-aabang
sa'yong muling pagbabalik aking nag iisang Tonio ".

D. Ikalimang pangkat: Sasagutin ang susunod na


tanong. Gamit ang isang graphic organizer (Venn
diagram)

“Paano naiiba o nagkakatulad ang alamat at maikling kwento?”

E. Paglinang sa 1. Kung kayo ang may-akda, paano mo ito wawakasan?


Kabihasaan
Isalaysay.
2. Paano ipinakita na may akda ng kilos, gawi at karakter
ng mga tauhan.
3. Ilarawan ang tagpuan ng alamat.
F. Paglalapat ng Aralin sa
Pang-Araw araw na 1. Sa iyong palagay, kaya mo bang magawa ang ginawa ni
buhay Beha?

2. Naniniwala ka ba sa katagang “Ang pag-ibig ay


makapaghihintay”

G. Paglalahat 1. Ano ang aral o leksiyon ang nakuha mo sa araw na ito?

2. Gaano kahalaga ang tekstong nagsasalaysay sa pagbuo


ng alamat?

H. Pagtataya sa Aralin Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pahayag o


katanungan. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel (1/4 na
papel). Titik at tamang sagot ang isusulat.

1. Ano ang pangalan ng lalaking kapitan napadpad sa


isang isla?
A. Tonio C. Tonyo
B. Tomas D. Thomas
2. Saan bansa nanggaling ang lalaking napadpad sa isang
isla?
A. Europa C. Japan
B. Amerika D. Russia

3. Saan nangyari ang tagpuan sa alamat?


A. Siyudad C. Isla
B. Kubo D. Wala sa nabanggit
4. Ilang buwan ang pinangako ng kapitan na siya ay
babalik sa isla?
A. Tatlong buwan C. Apat na buwan
B. Dalawang buwan D. Limang buwan
5. Sa alamat na binasa ano ang nangyari kang Beha,
pagkatapos na hindi niya nakita muli ang lalaking
kapitan?
A. Naging malaking bato
B. Naging matarik na niyog
C. Naging pinong buhangin
D. Naging isang sirena

Mga sagot:
1. A
2. A
3. C
4. A
5. C

V: KARAGDAGANG GAWAIN Takdang Aralin: Isang Alamat, Aking Isusulat


PARA SA TAKDANG-ARALIN PANUTO: Sumulat ng sariling likhang Alamat. Gumamit ng ng
AT REMEDIATION mga pahayag na pahambing sa iyong pagsulat. Gawing
batayan ang rubriks na nasa ibaba. Gumamit ng isang boung
papel sa iyong pagsulat.

Mga pamantayan Puntos


Nakapukaw ng interes, may 20
orihinalidad at kakintalan.
Maayos ang pagkakasunod- 10
sunod ng balangkas o
banghay ng mga pangyayari.
Ang simula ay kawili-wili at 10
kaakit-akit basahin at ang
wakas ay may naikikintal o
nag-iiwan ng marka sa isipan
ng mambabasa.
Nakapupukaw ng kamalayan 10
at damdamin ng
mambabasa.
Kabuang puntos 50
VI: PAGNINILAY(BILANG NG
MGA MAG-AARAL NA
MAKAKUHA NG 80% SA
PAGTATAYA.
*Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng
remediation

Inihanda ni: Namasid at nabatid ni:

Ginoong. Abril L. Cinco GNG. Maribeth O. Novela


Pre-Service Teacher Teacher II
Cooperating Teacher

Miss. Kathy R. Ponferrada


Supervising Teacher

You might also like