Araling Panlipunan: Kwarter 3-Modyul 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

6

Araling Panlipunan
Kwarter 3- Modyul 7
Mga Patakaran at Ambag ng Mga
Naging Pangulo ng Bansa (1946-1972)

Kagawaran ng Eukasyon ● Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan –Ika-anim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 3 -Modyul 7: Mga Patakaran at Ambag ng mga Naging Pangulo ng
Bansa (1946-1972)
Unang Edisyon 2020
Isinasaad ng Batas Pambansa Bilang 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ito ginawa kung may hangarin na ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.
Ang mga hiram na materyal (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.)
na ginamit sa aklat na ito ay pag-aari ng sinumang nagtataglay ng naturang
karapatang-ari. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng tagapaglathala (publisher) at ng mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Lanao del Norte


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 6


Mga Manunulat : Jessler N. Rolos, Irene Mae O. Mutia, Merafel B. Calasang
Illustrator and Layout Artist: Christine Melody Maramara
Proofreader, In-House Content and Language Editor: Marlon C. Apale

Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Rosemarie T. Macesar, Ph. D.
Assistant Schools Division Superintendent

Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief


Angelito D. Barazona, Ed.D., EPSvr –ArPan
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Ricardo S. Abalo, Principal I
Antonieta B. Epe, Ph.D. Principal II
Ma. Fe L. Mesias – Principal I
Ellen O. De Guzman, Ed.D. Principal II
Aida M. Alquilita, - Principal I
Ashlima L. Racmat – MT- II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com

ii
6
Araling Panlipunan
Kwarter 3- Modyul 7:
Mga Patakaran at Ambag ng mga
Naging Pangulo ng Bansa (1946-1972)

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga guro,


punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid ng programang pang-
edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng Lanao del Norte.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-
email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon-Sangay
ng Lanao del Norte sa lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this module are owned by their respective copyright holders. The publisher and authors
do not represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to those who have made
significant contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

iii
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina

COVER PAGE i
COPYRIGHT PAGE ii
TITLE PAGE iii
TALAAN NG MGA NILALAMAN iv

Aralin 1 – Mga Patakaran at Ambag ng mga Naging Pangulo 1


ng
Bansa (1946-1972)

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 2
Tuklasin 3
Suriin 4
Pagyamanin 6
Isaisip 7
Isagawa 8
Tayahin 9
Karagdagang Gawain 10
Susi ng Pagwawasto 11
Sanggunian 11

iv
Aralin Mga Patakaran at Ambag ng
mga Naging Pangulo ng
1 Bansa (1946-1972)

Alamin

Panimula

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Ika-anim na baitang nang pag-aaral sa


Araling Panlipunan! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong Kwarter,
Ikapitong Linggo at Unang Aralin. Ito ay ginawa upang magbigay ng
suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa
Araling Panlipunan VI.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa
pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at hamon
ng kasarinlan.

Pamantayan sa Pagganap
Nagpapakita ng pagmamalaki sa kontribusyon ng mga nagpunyaging mga
Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan.

Pamantayan sa Pagkatuto
Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa pamamahala ng mga nasabing
pangulo. (AP6SHK-IIIe-g-5)

Simulan na natin ang iyong paglalakbay. Halina’t tuklasin ang itinatagong ganda
ng modyul na ito!

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang T


kung Tama ang isinasaad ng pahayag at M naman kung Mali. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
1. Pinaigsi ang itinakdang taon ng pag-upa sa mga base-militar sa bansa
mula 99 na taon sa 25 na taon ni Pangulong Quirino.
2. Inilipat ang petsa ng Kalayaan ng Pilipinas mula Hulyo 4, 1946 sa Hunyo
12, 1898 ni Pangulong Macapagal.
3. Malawakan ang programang pang-imprastruktura sa panahon ng
pamumuno ni Pangulong Marcos.
4. Binigyan ng pantay na karapatan ang mga Amerikano sa paglinang ngating
likas na yaman sa pamamagitan ng Parity Rights.
5. Nakatuon sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng
industriyalisasyon sa pamumuno ni Pangulong Roxas.

1.
Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin


ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ilang pangulo ang namuno sa panahon ng Ikatlong Republika?


A. 4 B. 5 C. 6 D. 7
2. Sino ang kauna-unahang pangulo ng Ikatlong Republika?
A. Ferdinand E. Marcos C. Carlos P. Garcia
B. Ramon F. Magsaysay D. Manuel A. Roxas
3. Sinong pangulo ng Ikatlong Republika ang tinaguriang “Kampeon ng
Masang Pilipino”?
A. Ramon F. Magsaysay C. Diosdado P. Macapagal
B. Manuel A. Roxas D. Ferdinand E. Marcos

2
4. Ano ang sanhi ng pagkamatay ni Pangulong Manuel A. Roxas?
A. sakit sa bato
B. atake sa puso
C. kanser sa buto
D. pagkamatay sanhi ng katandaan
5. Sinong pangulo ang kilala bilang “Ama ng Industriyalisasyon sa Pilipinas”?
A. Elpidio R. Quirino C. Diosdado P. Macapagal
B. Carlos P. Garcia D. Ramon F. Magsaysay

Tuklasin

Panuto: Sikaping ayusin ang mga titik upang mabuo ang kanilang pangalan.
Mayroon kang mababasang mga pangungusap tungkol sa kanila upang madali mo
silang makilala. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

__________1. LANUME SOXAR


Nagpatupad ng patakarang Pro-American, Anti Communist at Parity
Rights.

__________2. AMONR YSAGAMYSA


Ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang
tiwala ng mga Pilipino sa pamahalaan at ang tagapagligtas ng Demokrasya.

__________3. ODOSIDAD LAPGAMCAA


Siya ang naglipat ng petsa ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 mula
Hulyo 4.

__________4. LEIPIOD NOQUIRI


Pangulo ng Pilipinas na pinagtutuunan ang pagpapaunlad ng
ekonomiya sa pamamagitan ng industralisasyon.

__________5. LOSRAC ARGIAC


Nagpatupad ng Filipino First Policy para mataguyod at maprotektahan
ang produktong Pilipino.

3
Suriin

Balikan natin ang mga programa, ambag at kontribusyon ng mga pangulo sa


Ikatlong Republika.

Manuel A. Roxas (1946-1948)


Sa pamumuno ni Pangulong Roxas may matibay na pagkakasundo ang
Pilipinas at Estados Unidos kaya naipatupad ang Pro-American at Anti-Communist.
Sa kanyang pamumuno sinimulan niyang inayos ang mga imprastraktura,
elektripikasyon at mga industriyang nasira ng nakaraang digmaan. Ilan pa sa mga
mahahalagang ambag at patakaran sa kanyang pamumuno ay ang pagpapatayo ng
mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas na tatagal ng 99 taon,
pagpapaigting sa pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal at ipinagtibay ang Parity
Rights o mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Amerikano tulad ng mga
Pilipino na linangin at magamit ang mga likas na yaman ng bansa. Naipatupad din
ang Philippine Trade Act of 1946 o Bell Trade Act o ang batas na nagsasabing ang
Estados Unidos ay malayang makipagkalakalan sa Pilipinas. Sa batas na ito,
malayang nadadala ng Estados Unidos ang mga produkto nito sa Pilipinas ngunit
may limitasyon ang iniluluwas na produktong Pilipino papasok sa Estados Unidos.

Elpidio R. Quirino (1948-1953)


Binigyan diin ng pamunuan ni Pangulong Quirino ang pagpapaunlad ng
ekonomiya sa pamamagitan ng industriyalisasyon. Maraming ipinapatayong mga
bangkong rural sa panahon ng kanyang pamumuno at itinatag din ang Bangko
Sentral ng Pilipinas. Naisabatas din ang Magna Carta of Labor at Minimum Wage
Law upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Isa pa sa
pinagtuunan niya ng pansin ay ang usapin tungkol sa HUKBALAHAP (Hukbong
Bayan Laban sa Hapon). Unti-unting napasuko ang mga Huk sa pamamagitan ng
Economic Development Corps (EDCOR) na kung saan ang lahat na nagbalik ng
armas ay binigyan ng amnestiya at pagkakataong makapamuhay nang tahimik sa
pamamagitan ng pagbibigay ng lupang masasaka na sapat para makapagsimulang
muli ng mapayapang buhay. Sa huli, naging matagumpay ang usaping
pangkapayapaan sa administrasyon ni Pangulong Quirino ngunit nabigo ang
kanyang programang pangkaunlaran dahil laganap ang katiwalian sa pamahalaan.

Ramon F. Magsaysay (1953-1957)


Naniniwala si Pangulong Magsaysay na kung ano ang makabubuti sa
karaniwang tao ay makabubuti rin sa buong bansa. Sa pamunuan niya ipinagtibay
ang Land Tenure Reform Law, pagpapatayo ng mga poso sa mga baryo at
pagkakaroon ng pananaliksik tungkol sa mga makabagong sistema ng pagsasaka at
mga bagong uri ng mga binhi. Ipinatayo rin niya ang Agricultural Credit and
Cooperative Financing Administration (ACCFA) para matulungan ang mga
magsasaka sa pagbibili ng kanilang mga ani. Kasunod nito ipinatayo rin ang
Farmers Cooperative Marketing Association (FACOMA) upang ang mga kasapi ay

4
makakautang sa ACCFA na pambili ng sariling kalabaw at iba pang gamit sa
pagsasaka. Naitatag din ang Presidential Complaints and Action Commission
(PCAC) upang bigyang-pansin ang mga karaingan at kalagayan ng mga
mamamayan. Isa sa pinakamagandang ambag ni Pangulong Magsaysay ay ang
tuluyang pagsuko ng Supremo ng mga Huk na si Luis Taruc noong Mayo 16, 1954.

Carlos P. Garcia (1957-1961)


Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Garcia ay nagkaroon ng
pinakamaka-Pilipinong administrasyon sa larangan ng patakarang pang-ekonomiko
sa bansa. Binigyang pansin niya ang pagpapaunlad sa antas ng pamumuhay ng
mga Pilipino. Inilunsad ang NAMARCO o National Marketing Corporation upang
matustusan ang mga maliliit na Pilipinong mangangalakal. Kasabay din nitong
ipinatupad ang patakarang Filipino Retailer’s Fund Act na nagpapautang sa mga
Pilipino. Sa kanyang pamumuno, inilunsad ang Austerity Program o ang pagtitipid ng
pamahalaan at pamumuhay ng simple lamang. Ipinaiiral din niya ang Filipino First
Policy ang patakarang nagbibigay prayoridad sa mga Pilipino upang paunlarin ang
kayamanan ng bansa. Pinaiksi din niya mula 99 na taon ng pag-upa sa mga base
militar sa 25 na taon na lamang.

Diosdado P. Macapagal (1961-1965)


Tinuunan nang pansin ni Pangulong Macapagal ang paglutas ng suliranin sa
hanabuhay ng mga Pilipino. Pinagtibay niya ang Kodigo ng Reporma sa Lupa na
kung saan magbabayad na lamang ng 25% ng kabuuang ani ang mga kasama sa
may-ari ng lupa. Naglalayon din ang batas na ito na mapabuti ang katayuan ng mga
magsasaka. Sa kanyang termino,inilipat ang Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12
mula Hulyo 4 taon-taon at ang Hulyo 4 ay ginawang Philippine-American Friendship
Day. Ipinapalaganap din ang wikang Filipino bilang pambansang wika. Naitatag din
ang MAPHILINDO o ang samahan na binubuo ng mga bansang Malaysia, Pilipinas
at Indonesia. Nakasentro ang samahang ito sa pagpapatibay ng pakikiisa at
pagtugon sa mga prinsipyo ng pagkapantay-pantay at kapatiran ng mga bansa na
nakasaad sa batas ng United Nations.

Ferdinand E. Marcos (1965-1972)


Sa unang termino ni Pangulong Marcos naging malawakan ang programang
pang-imprastraktura gaya ng paggawa ng tulay, kalye, irigasyon o patubig at mga
paaralan. Naipalaganap din ang maayos na serbisyong pangkalusugan sa mga pook
rural. Lumaki din ang produksiyon ng bigas na naging sapat sa pangangailangan ng
bansa at nakapagluluwas pa sa ibang bansa dahil sa paggamit ng modernong
paraan ng irigasyon at pagsasaka. Itinatag ang Green Revolution na humuhikayat sa
mga mamamayan na magtanim at mag-alaga ng mga hayop upang matugunan ang
pangangailangan sa pagkain. Nabuo din ang ASEAN o Association of Southeast
Asian Nations sa panahon ni Pangulong Marcos na ang layunin ay matamo ang pag-
unlad na pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura ng rehiyon.

5
Pagyamanin

Unang Gawain
Nasa loob ng kahon ang mga patakaran at mga organisasyong naipatupad sa
panahon ng Ikatlong Republika.
Panuto: Ihanay sa loob ng talahanayan ng mga pangulo ang kanilang naging
patakaran, ambag at organisasyong nabuo sa kanilang pamumuno. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.

Green Revolution Filipino First Policy Parity Rights


MAPHILINDO EDCOR Austerity Program
FACOMA Bell Trade Act ASEAN
ACCFA
Mga Pangulo ng Ikatlong Republika
Pangulong Pangulong Pangulong Pangulong Pangulong Pangulong
Roxas Quirino Magsaysay Garcia Macapagal Marcos

Ikalawang Gawain
Panuto: Kilalanin ang mga tinutukoy na batas, programa o organisasyon na
nabuo o naitatag sa panahon ng Ikatlong Republika. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
_______1. Ipinatayo ang programang ito para matulungan ang mga magsasaka sa
pagbibili ng kanilang mga ani.

_______2. Nakasentro ang samahang ito sa pagpapatibay ng pakikiisa at pagtugon


sa mga prinsipyo ng pagkapantay-pantay at kapatiran ng mga bansa na nakasaad
sa batas ng United Nations.

_______3. Naitatag ito upang bigyang-pansin ang mga karaingan at kalagayan ng


mga karaniwang tao.

_______4. Nailunsad ang programang ito upang hikayatin ang mga mamamayan na
magtanim at mag-alaga ng mga hayop upang matugunan ang pangangailangan sa
pagkain.

_______5. Ipinagtibay ito upang mabigyan ng pantay na karapatan ang mga


Amerikano tulad ng mga Pilipino na linangin at magamit ang mga likas na yaman

6
Isaisip

Panuto: Batay sa iyong napag-aralan, lagyan ng tamang sagot ang bawat


patlang sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Unang naging Pangulo ng Ikatlong Republika si (1)________, inilunsad niya


ang (2)________ na kung saan binigyan ng pantay na karapatan ang mga Amerikano
at Pilipino na linangin ang likas na yaman ng bansa.
Sunod na naging Pangulo si (3)________, na naglalayong paunlarin ang
Pilipinas sa pamamagitan ng industriyalisasyon.
Tinaguriang “Kampeon ng Masang Pilipino” naman ang sumunod na Pangulo
na si (4) ________. Isa sa pinakamagandang ambag niya ay ang tuluyang pagsuko
ng Supremo ng mga Hukbalahap na si (5)_________________.
Ika-apat na pangulo ng Ikatlong Republika ay si Carlos P. Garcia, inilunsad
niya ang (6)_______ o ang pagtitipid ng pamahalaan. Ipinaiiral din niya ang
(7)_______ ang patakarang nagbibigay prayoridad sa mga Pilipino upang paunlarin
ang kayamanan ng bansa.
Ang ikalimang pangulo ng Ikatlong Republika ay si (8) _______, tinuunan niya
ng pansin ang paglutas ng suliranin sa hanabuhay ng mga Pilipino. Sa kanyang
termino nilipat ang Araw ng Kalayaan sa (9)________at ang Hunyo 4 ay ginawang
Philippine-American Friendship Day.
Panghuling pangulo ng Ikatlong Republika si Ferdinand E. Marcos, sa
kanyang termino naging malawakan ang programang pang-imprastraktura gaya ng
tulay, kalye, irigasyon at mga paaralan. Nabuo din ang (10) _____________ na ang
layunin ay matamo ang pag-unlad na pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura ng
rehiyon.

7
Isagawa

Panuto: Sagutin ang katanungan. Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Sa lahat ng mga programa o patakaran ng mga pangulo sa Ikatlong
Republika alin sa mga ito ang pinaka-angkop na muling ipatupad sa panahon natin
ngayon?

_________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_______.

Gabay sa Pagbibigay ng Puntos


Mga Krayterya at Kaukulang Puntos
Mahusay ang pagkakasunod sunod ng mga ideya sa kabuuan ng 5
sanaysay, mabisa ang panimula at malakas ang konklusyon
Maayos ang organisasyon at pagkakabuo ng talata na may angkop 4
na simula at konklusyon.
May lohikal na organisasyon ngunit hindi masyadong mabisa ang 3
panimula at konklusyon
Hindi maayos ang organisasyon ng mga ideya at walang panimula 2
at konklusyon
Walang patunay na organisado ang pagkakalahad ng sanaysay 1

8
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan.Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang naging epekto ng Filipino First Policy sa bansa?


A. Naging lubog sa utang ang Pilipinas
B. Naging laganap ang kurapsyon sa bansa
C. Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga produkto at serbisyo ng kapwa
Pilipino
D. Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga produkto at serbisyo galing sa
ibang bansa

2. Alin sa mga sumusunod na programa o batas ang ipinapatupad sa panahon


ng pamumuno ni Pangulong Marcos?
A. Green Revolution o ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop
upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain
B. Austerity Program o ang pagtitipid ng pamahalaan at pamumuhay ng
simple lamang
C. Kodigo ng Reporma sa Lupa na kung saan naiilipat sa mga
magsasaka ang lupaing kanilang sinasaka
D. Bell TradeAct ang batas na nagsasabing ang Estados Unidos ay
malayang makipagkalakalan sa Pilipinas.

3. Paano nilutas ni Pangulong Quirino ang problema sa mga Huk?


A. Pagbibigay ng bahay
B. Pagbibigay ng trabaho
C. Pagbibigay ng perang pangnegosyo
D. Pagbibigay ng amnestiya at lupa para masaka

4. Bakit masasabi nating hindi patas ang Philippine Trade Act of 1946 o Bell
Trade Act?
A. Walang produktong Pilipino ang makakapasok sa Estados Unidos
B. Walang produktong galing Estados Unidos ang makakapasok sa
Pilipinas
C. Pagkakaroon ng quota ng mga produktong galing Estados Unidos
papasok sa Pilipinas
D. Pagkakaroon ng quota ng mga produktong Pilipino na makapasok sa
Estados Unidos

9
5. Paano nakakatulong ang pagkatatag ng Presidential Complaint and Action
Commission (PCAC) ni Pangulong Magsaysay?
A. Nabigyan ng pagkakataon ang mga karaniwang tao na mabigyan ng
trabaho
B. Naipaaabot ng mga karaniwang tao ang kanilang hinaing at suliranin
sa pangulo
C. Natulungan ang mga karaniwang tao sa problemang may kinalaman
sa pananalapi
D. Wala sa nabanggit

Karagdagang Gawain

Sa iyong kuwaderno, isulat ang sagot sa tanong sa ibaba.

1. Alin sa mga katangiang ipinapakita ng mga pangulo sa Ikatlong Republika na


para sa iyo ay kahanga-hanga? Ipaliwanag.

Gabay sa Pagbibigay ng Puntos


Mga Krayterya at Kaukulang Puntos
Mahusay ang pagkakasunod sunod ng mga ideya sa kabuuan ng 5
sanaysay, mabisa ang panimula at malakas ang konklusyon
Maayos ang organisasyon at pagkakabuo ng talata na may angkop 4
na simula at konklusyon.
May lohikal na organisasyon ngunit hindi masyadong mabisa ang 3
panimula at konklusyon
Hindi maayos ang organisasyon ng mga ideya at walang panimula at 2
konklusyon
Walang patunay na organisado ang pagkakalahad ng sanaysay 1

10
Susi ng Pagwawasto

Sanggunian
Jamero,Elson,https://link.quipper.com/en/organizations/578deb40fd068838800017d7/
curriculum

Julian, A & Lontoc, N., Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino. Phoenix Publishing
House, Inc., 2019.
https://www.slideshare.net/mobile/PrincesSarah17/panahon-ng-ikatlong-republika-ng-
pilipinas

11
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address :lrmdsldn@gmail.com

12
13

You might also like