Rehas NG Kaisipan (-)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DRAFT OF THE SCRIPT

(FAILING GRADES SCENE)

Ara : (papasok sa pinto)

NANAY: ( kay teacher) e wala naman akong magagawa diyan sa bata na yan! Ginawa ko na nag lahat para jan,
halos subuan ko na nga ynan e. Tsaka bakit pa? mag aasawa din naman yan at di na mapapakinabangan

Teacher: Hindi ho iyon nanay, ang akin lang-

Nanay: wag nyo na problemahin yung bata nayaon, nag ddrama lang yun. Stress stress, mental health. Kaartehan
lang naman niya yan, ganyan naman na yang mga kabataan ngyon mga maarte, wala namang ganayn nung araw
ah, kayo mga titser kinukunsin—

Ara: Nandito na ho ako. (lakad palayo)

Maam, gabi napo, hatid ko napo kayo sa labasan.

Teacher:

(Ang buhay ay parang puno. Pwedeng maganda, maaliwalas, mayabong. Lahat tayo ay may ibat ibang “purpose” sa
mundo at ang puno ang siyang hinahangaan ko salahat. Sa tindig at tikas, siyang siya pero may mga puno na
minsan rin napuputol, nalalagasan ng sanga, nalalantahan ng dahon, nabubuwal lalo na kung malakas ang bagyong
sumasalunga sa kanya daanan.) NARRATION
(PROBLEM NIYA SA FAM SCENE)

Nanay: nak, kalam ko namang matatalino kayo at maiintindihan nyo. Pero wala na talaga kami ng papa nyo, hindi ko
na kaya ang ugali ng ama nyo, pero pangako hindi naman magkukulang si mama, kaya ko rin ang ginagawa ng papa
nyo para sa inyo

Ara: (umiiyak) bat ang bilis-? a-anong nangyare? paano na? s-si maris?-Yung pamilya natin? Ang b-bilis ma!

Nanay: si maris? Kukunin siya ng papa mo pero ayos lang yun nandito naman ako

Ara: h-hindi kasi ma-, si m-maris, yung a-ano-

NAnay: hayaan mona anak, ang desisyon ng matatanda ay sa matatanda na lamang.

Ara: M-ma… ano bang nangyare kasi…ang ano..ang bilis naman di niyo man lang kami tinanong, or di niyo man
lang kami kinausap. Anong klaseng desisyon ba yan?! Bakit ganyan kayo?!

Nanay: Magtigil kana Ara! Umakyat kana sa kwarto mo at tumahan kana, walang magagawa yang kaka ngulngol mo.
Nagdesisyon na kami ng sumail mo ama, at iyon nay un. Wala nang opinion niyo ang kailangan. Magkikita pa anman
kayo ni maris pero hindi ngayon kaya wag kang magtaas ng boses dyan. Pasok na don!

Ara: o-PO

--------- SCENES NA NAIYAK OR SOMETHING NA PATAGO------

(NAG AAAWAY SILA/ PINAPAGALITAN SIYA , DI NIYA MASABE SIDE NIYA )

Pumasok sa pinto

NANAY: Aba Ara buti naman nandito kanang bata ka. Ano tong sinasabi ng anak ni marisa ? Ha?! Hindi k aba
talaga magtitino? Wala ka na ngang magawang matino ditto sa bahay, wala ka nangang maitulong e, mag aaral ka
nalang, kakain, tutulog. Ang sarap sarap ng buhay mo! Pero ano? Magaling galling kang bat aka, nakipag-away ka
pa sa school at sa anak pa ng kumare ko?! Nag iisip ka pa ba?

ARA: Ma, H-hindi nman ho ako yung nagsimula nung gulo, siya yung nagpun- -

NANAY: Sinungaling! Hindi moba inisip na baka pati kami mag away ng kumare ko? Mabait na bata yun pano siya
ang nauna? Sgurado ako kasalanan mo yun, ikaw pa basang basa ko na yang ugali mo e, manang mana ka sa ama
mo! Pareho kayo pahirap sakin.

ARA: Ma, kahit ipagtanong nyo pa yung nangyare hindi ho ako yun. Makinig ho kasi muna kayo sa akin, puro kayo
bintang eh. Kaya umalis si papa say-!

( Sinampal)

NANAY: Sumusobra na ang ugali mo! Sino ba ang nakipag away dito? Ako ba?

You might also like