EPP4 - ICTENTREP - Q1 - Module7 - WEEK7 (15pages)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

EDUKASYON 4

PANGTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN

ICT & ENTREPRENEURSHIP


PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA
PAGGANAP
Naipakikita ang kaalaman at
kasanayan sa paggamit ng email. Nakagagamit ng email.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat : Lady Twinkle B. Bonga – T-1 / Floridablanca West District


Editor : Anna Liza Intal Pineda / Public School District Supervisor
Tagalapat : Alzien S. Malonzo – MT-1 / Senior High School in Apalit (Stand Alone 1)
Cristopher P. Trajano – T-1 / Guillermo D. Mendoza NHS
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen M. Evangelista – EPS – EPP/TLE/TVL/EsP
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator
Guide Card

Kamusta? Ako si Lappy. Narito ako


upang samahan kang matuto tungkol sa
komunikasyon at kolaborasyon gamit ang ICT.
Tutulungan tayo ng aking mga kaibigan na
sina Isabel, Tony at Carol.

Tara! Kilalanin natin sila.

At ako naman si
Carol, ang
Hello! Ako si Isabel, Hi! Ako si Tony, ang makakasama mo
ang magtuturo magtuturo sa’yo sa pagpapadala
sa’yo kung paano kung paano ng email na may
makapagpadala makasagot sa email kalakip na
ng sariling email. ng iba. dokumento o iba
pang media file.
Nakapaloob ito sa Nakapaloob ito sa
EPP4IE0h-16. EPP4IE0h-17. Nakapaloob ito sa
EPP4IE0h-18.

Bago tayo magsimula, sagutin muna natin ang mga


katanungan ni Lappy. Isulat lamang sa patlang ang iyong
sagot. Handa ka na ba?
Alamin Natin

1. Nakapagpadala ka na ba ng sulat sa isang kaibigan o kamag-


anak sa malayong lugar? _________________

2. Gaano katagal natanggap ng iyong sinulatan ang iyong liham?


______________________________________________________________

3. Paano ipinadadala ang mga sulat o mensahe noong nakaraang


panahon? Sa kasalukuyan?
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

Sa kasalukuyan, ang email o


eletctronic mail ang pinakamabilis
na paraan ng pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe gamit
ang internet.

Ngayon ay narito na si Isabel Korek ka dyan Lappy!


upang turuan kang Narito ang mga
makapagpadala ng sariling hakbang kung paano
email. ang pagpapadala ng
sariling email.
MGA HAKBANG SA PAGPAPADALA NG SARILING EMAIL

1. Para makagawa ng
mensahe sa email, i-
click ang Compose
Mail.

2. I-type ang address


ng account na
padadalhan ng
mensahe sa kahon
ng To: Siguraduhing
tama ang nai-type
na email address
upang maipadala ito
nang maayos at
mabilis.

3. I-type ang paksa


ng iyong email sa
kahon na Subject:

4. Gamitin ang iyong


mouse at itapat ang
cursor sa puting
kahon sa ilalim. Ito
ang tinatawag na
Message Box. Maaari
mo nang i-type ang
iyong mensahe rito.
5. Matapos i-type ang
mensahe, maaari nang
i-click ang Send.

Iyan ang mga simpleng hakbang upang


makapagpadala ng sariling email. Tandaan
lamang ang Compose, To, Subject, Message
box, at Send.

Dumako naman tayo sa mga


hakbang kung paano sumagot sa
email na galing sa iba.

MGA HAKBANG SA PAGSAGOT SA


E-MAIL NG IBA

1. I-click ang Inbox.


Buksan ang iyong
email mula sa iba
na naglalaman ng
mensahe.

Maaring
mensaheng mula
sa guro, kamag-
aral, kamag-anak,
at iba pa.
2. I-click ang Reply
matapos basahin ang
mensahe.

I-type sa lumitaw na
message box ang
tugon sa mensahe.

3. I-click ang Send


matapos i-type ang
sagot sa naunang
mensahe.

O di ba? Ganon lamang kadali ang


pagsagot sa email ng iba. Tandaan mo
lang ang inbox, reply, at send.

Ngayon ay tutulungan ka na ni Carol


kung paano ang magpadala ng email na
may kalakip na dokumento o iba pang
media file.

Tama ka dyan Tony! Para sa huli


nating pag-aaralan, narito naman ang
mga hakbang kung paano magpadala
ng mensahe o email na may kalakip na
dokumento o iba pang media files.
PAGPAPADALA NG EMAIL NA MAY KALAKIP NA
DOKUMENTO O IBA PANG MEDIA FILES

1. Buksan ang
nagawang email sa
http://www.gmail.com

2. I-click ang Compose


Mail.

3. I-click ang Attach


a file.

4. I-click ang Browse


upang mahanap ang
Folder kung saan
nakalagay ang ilalakip
na file. Maaari mong
ilakip nang isa-isa ang
mga dokumento na
nais mong ipadala.
Ang kabuuang laki ng
files na maaari mong
ilakip sa email ay
hanggang sa 25MB.

I-click ang OK.

5. Kung ganap na
nailakip ang
dokumento, makikita
ito sa link ng
attachment names. I-
click ang Send.
Magaling! Ngayon ay marunong ka ng
magpadala ng email na may kalakip na
dokumento o media files.

Huwag mong kalimutan ang compose,


attach a file, browse, at send.

Wow! Mga bata, itinuro na sa atin


nina Isabel, Tony, at Carol kung paano
makapagpapadala ng sariling email,
makasagot sa email o mensahe ng iba
at gayundin ang pagpapadala ng
email na mayroong kalakip na dokumento
at iba pang media files.

Oras na para ikaw ay mag-sanay.


Taglay ang natutunan mo kina Isabel,
Tony, at Carol, sikaping masagot
nang tama ang mga
sumusunod.
Activity Card

Para sa Activity 1, punan ang mga


nawawalang titik upang mabuo ang
wastong sagot sa bawat bilang.

1. Aling button ang iki-click kung nais makita at mabasa ang bagong email na
ipinadala sa iyo?

I B X

2. Anong button ang iki-click kung nais mong sagutin ang isang email?

E L Y

3. Alin ang iki-click kung nais mong maglakip ng isang dokumento o iba pang
media files sa iyong email?

T A C

4. Ano ang iki-click kung tapos na ang paggawa ng email at handa na itong
ipadala?

5. Ano ang iki-click para mapili ang dokumentong ilalakip sa email?

R W S

Mahusay ang ipinakita mo!

Mahusay! Gawin naman ngayon ang inihanda


ni Tony upang masubok ang iyong
kaalaman.
Para sa Activity 2, isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

Basahin itong mabuti.

_______1. Saan ita-type ang paksa ng iyong email?

A. Compse B. To C. Subject

_______2. Alin sa mga sumusunod ang kailangang pindutin upang makita at


mabasa ang mga mensahe o email na galing sa iba?

A. Drafts B. Inbox C. Sent

_______3. Matapos basahin ang email ng iyong guro, kaibigan, o kamag-anak,


gusto mo itong sagutin. Ano ang dapat mong gawin?

A. Pipindutin ang reply button at ita-type ang aking sagot.


B. Pipindutin ko ang attach file.
C. Pipindutin ang OK button at close.

_______4. Nais mong maglakip ng litrato sa mensahe para sa iyong kaibigan.


Ano ang dapat mong gawin?

A. Kumopya ng dokumento o litrato gamit ang email.


B. Pipindutin lamang ang reply at send button.
C. Pipindutin ang attach a file at browse para makita ang nais ilakip
bago pindutin ang send.

_______5. Pagkatapos mai-type ang mensaheng ipapadala, ano ang dapat


pindutin?

A. Reply B. Send C. Attach

_______6. Ito ang pinakamabilis na paraan ng pagpapadala at pagtanggap ng


mensahe gamit ang internet.

A. Email B. Voice message C. Liham

Magaling! Maraming salamat sa


pakikinig nang mabuti. Gawin mo pa ang
susunod na pagsubok upang lubos
mong matandaan ang mga
natutunan mo.
Enrichment Card

Ngayon tingnan natin kung gaano


katalas ang iyong mga mata sa paghanap
sa mga sumusunod na salitang tungkol sa
ating pinag-aralan na makikita sa loob ng
puzzle.
Bilugan mo ang salita kapag nakita mo
na ito.

Mga Patayong Salita Mga Pahigang Salita


REPLY EMAIL
ATTACH COMPOSE
INBOX SEND
BROWSE FILES
A E M A I L C

T R S E N D B

T E A T B A R

A P I N O T O

C L O G X A W

H Y F I L E S

C O M P O S E

Isa sa mga bunga ng pag-unlad


Tandaan! ng teknolohiya sa komunikasyon, ang
elektronikong liham o email. Ang email
o electronic mail ang pinakamabilis na
paraan ng pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe gamit ang
internet. Ang kaalaman at kasanayan
sa paggamit ng email ay malaking
tulong sa pagsasagawa ng pang araw-
araw mong gawain.
Assessment Card

Bago kami magpaalam sa iyo, tayahin muna natin ang


iyong mga natutunan tungkol sa komunikasyon at
kolaborasyon gamit ang ICT.

I. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pagpapadala ng sariling email.


Gamitin ang salitang UNA para sa unang hakbang hanggang IKA-LIMA
sa pagsagot.

_______ I-type ang address ng account na padadalhan ng


mensahe sa kahon ng To:

_______ I-type ang mensahe sa Message box.

_______ I-click ang Compose Mail.

_______ I-click ang Send button matapos ma-type ang mensahe


upang ito ay maipadala na.

_______ I-type ang paksa ng iyong email sa kahon na Subject:


II. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pagsagot sa email ng iba.
Gamitin ang titik A para sa unang hakbang hanggang E sa pagsagot.

_______ Pindutin ang mensaheng nais mong sagutin.

_______ Buksan ang iyong email sa http://www.gmail.com.

_______ I-click ang Reply button at i-type ang iyong nais na isagot sa
pinadalang mensahe.

_______ I-click ang Send button matapos ma-type ang mensahe


upang ito ay maipadala na.

_______ Pindutin and Inbox button upang makita ang mga


mensaheng galing sa iba.

III. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pagpapadala ng mensaheng


may kalakip na dokumento o iba pang media files.
Gamitin ang 1 para sa unang hakbang hanggang 5 sa pagsagot.

_______ Buksan ang iyong email sa http://www.gmail.com.

_______ I-click ang Browse upang mahanap ang Folder kung saan
nakalagay ang ilalakip na file.

_______ I-click ang Compose Mail.

_______ I-click ang Attach a file.

_______ Kung ganap na nailakip ang dokumento, i-click ang


Send button.

Binabati ka namin sa iyong mahusay na pag-aaral at pagsagot sa


mga pagsubok na aming ibinigay! Lagi mo lang tandaan at sundin
ang mga hakbang para sa tamang komunikasyon at kolaborasyon
gamit ang ICT. Makakatulong sa iyo ang ating napag-aralan dahil ito
ay magagamit mo sa makabagong paraan ng pag-aaral lalo na sa
panahon ng pandemya na katulad ng kinakaharap natin sa
kasalukuyan. Ingat tayo, hanggang sa muli. Paalam!
A E M A I L C
T R S E N D B
T E A T B A R
A P I N O T O
C L O G X A W
H Y F I L E S
C O M P O S E
Enrichment Card
Assessment Card – I Assessment Card - II Assessment Card - III
Ikalawa C 1
Ika-apat A 4
Una D 2
Ika-lima E 3
Ikatlo B 5
Activity Card – 2
1. c 2. b 3. a 4. c 5. b 6. a
Activity Card - 1
1.
I N B O X
2.
R E P L Y
3.
A T T A C H
4.
S E N D
5.
B R O W S E
Guide Card - Alamin Natin
Mga Posibleng Sagot:
1. Nakapagpadala na ng sulat/ Hindi pa nakapagpadala ng sulat.
2. Isang linggo/ Isang buwan/ at iba pa.
3. Naipapadala ang sulat o mensahe noong unang panahon gamit ang pagsulat sa papel at ipinapadala
ito sa kartero o taga hatid ng sulat. Gamit ang voice tape ay nagrerecord ng boses upang maihatid ang
nais na mensahe a kamag-anak o kaibigan. Sa kasalukuyan, gumamait tayo ng email, cellphone at
internet sa pagpapadala ng sulat o mensahe.
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like