Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Gabay sa Pagtuturo ng Filipino

Baitang 10
Taong Panuruan 2017- 2018

Aralin 3.3

ARALIN 3 - Pahayag ni Nelson Mandela

Talumpati mula sa Africa


Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
Paggamit ng Tuwiran at Di-Tuwirang Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe

Pamantayang Pangnilalaman

 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sanaysay mula sa


Timog-Africa at kaalaman sa paggamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid
ng mensahe

Mga Pokus na Tanong

 Panitikan: Mabisa bang paraan ang sanaysay sa pagpapahayag ng kultura ng ibang


bansa tulad ng Africa?

 Gramatika at Retorika: Paano mkatutulong ang angkop na mga tuwira at di-tuwiran na


pahayag sa paglalahad ng impormasyon?

Mahalagang Pag-unawa

 Oo, mabisang paraan ang sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa


kultura ng isang bansa tulad ng Africa na naghahangad ng kalayaan, karapatan at
katarungan.

 Nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paglalahad ng


impormasyon sa pamamagian ng paghahatid ng malinaw na mensahe.

Inaasahang Pagganap

 Nakagagawa ng balanagkas ng mga impormasyon sa napakinggang talumpati.


Mga Kasanayang Pampagkatuto sa Bawat Domain

 Pag-unawa sa Napakinggan

 Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan

 Paglinang ng Talasalitaan

 Nagbibigay ng katambal na salita kaugnay ng ginawang analohiya

 Pagsasalita

 Naisasagawa ang isang radyong pangtanghalan tungkol sa SONA ng Pangulo ng Pilipinas

 Pagsulat

 Nakasusulat ng balangkas tungkol sa napakinggang talumpati

 Pag-unawa sa Binasa

 Naihahambing ang pagkakaulad at pagkakaiba ng sanaysay sa ibang akda

 Wika at Gramatika

 Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa pagsulat ng sanaysay

 Estratehiya sa Pag-aaral

 Nakapangangalap ng mga kaalaman tungkol sa balangkas


BAITANG 10 – Abad BAITANG 10 – De BAITANG 10 –
Santos Jesus Lakan Dula
BAITANG 10 – BAITANG 10 – BAITANG 10 –
Mabini Lim Ponce
UNANG ARAW

TUKLA
SIN
I. Mga Kasanayang Pampagkatuto

A. Naibibigay ang kaisipang nais ipabatid ng nilalaman ng tekstong binasa

B. Nakabubuo ng pangungusap mula sa piling salita na makapagbibigay impormasyon sa paksa

C. Natutukoy ang maling pahayag at naiwawasto ito

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

 Pagbabahaginan ng mga kaalaman ukol sa bansang Africa sa tulong ng larawan.

 Ibigay ang nais ipabatid ng larawan ukol sa bansang Africa.

B. Pangkatang Gawain

Pangkat 3 - Pagbasa at pagbibigay kaisipan sa nilalaman ng teksto

KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG, KARAPATAN AT RESPONSIBILIDAD


Bawat tao ay may kalayaan. Kalayaang kumilos, gawin ang nais niyang gawin at

magsalita. Ngunit kaakibat ng kalayaan at karapatang ito ay ang responsibilidad

na nakaatang sa balikat ng bawat isa. Ang isang mamamahayag, maging ang

isang indibidwal ay binigyan ng kalayaan. Kalayaang kumilos at magsalita

kung kaniyang ninanais. Siya ay malayang magbitiw ng mga salitang

makapangyarihang pahayag kung maisisiwalat nito ang katotohanan.

Pagbuo ng kaisipan kaugnay ng mga salitang nakasulat.

KALAYAAN KARAPATAN RESPONSIBILIDAD

Pangkat 4 - Pagsulat sa kabilang pahina ng aklat ang hindi kabilang sa pangkat ng mga
salita. Pagkatapos, bubuo ng pangungusap kaugnay ng mga salitang magkakaugnay
upang makapagbigay ng mga impormasyon.

Talumpati pinagmulan
Tuwirang pahayag
Kathambuhay sanaysay
Damdamin balakid
Isyu karanasan
Kuro-kuro mambabasa
di- tuwirang pahayag
pangyayari

Ang Alam Ko…


1. ______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. ______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. ______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Pangkat 1 - Pagsulat kung tama ang pagkakabuo ng pahayag. Kung mali, iwasto ito.
_______1. Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan ang sabi ko.
_______2. Ayon kay Pangulong Aquino, dapat na tahakin natin ang tamang landas.
_______3. Sa ganang akin, “Kailangan ng magandang programa para sa mga batang.”
_______4. Pinaniniwalaan kong dapat pagtuunan ng pamahalaan ang lumalalang
suliranin sa kalikasan.
_______5. Ayon sa tauhang si Simoun sa El Fili, “Habang may sariling wika ang isang
bayan, taglay niya ang kalayaan.”

Pangkat 2 – Score Mo! Ishow Ko!

DIMENSYON NAPAKAHUSAY ( 3 ) MAHUSAY ( 2 ) KATAMTAMAN ( 1 )


Akibong nakilahok ang lahat Aktibong nakilahok ang Aktibong nakilahok
Pagkakaisa ng kasapi. nakararami ang ian

Lubhang malinaw ang Naging malinaw ang Di-gaanong malinaw


Pagsasalita at
pagbigkas at paghatid ng paghatid ng mensahe ang mensahe
Pagbigkas
mensahe
Lubos na nagpamalas ng Naging malikhain sa Di-gaanong naging
Pagkamalikhain pagkamalijhain at paghahanda malikhain sa
paghahanda paghahanda

C. Pagbabahaginan ng bawat pangkat

D. Pagbibigay-feedback at pagmamarka ng bawat pangkat

E. Sintesis

Tatlong mahahalagang pagtuunan mo ng pansin-sanaysay, tuwirang pahayag at di-


tuwirang pahayag, isulat mo ang mga kaugnay na salita sa bawat salitang nasa loob ng
bilog.

SANAYSAY TUWIRANG
PAHAYAG

DI- TUWIRANG
PAHAYAG

III. Kasunduan

A. Sino si Nelson Mandela?


B. Bakit siya iniidolo ng kapwa niya Afrikano?
BAITANG 10 – Abad BAITANG 10 – De BAITANG 10 –
Santos Jesus Lakan Dula
BAITANG 10 – BAITANG 10 – BAITANG 10 –
Mabini Lim Ponce

IKALAWANG ARAW

LINAN
GIN
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

A. Naibibigay ang katambal na salita ng ikalawang pares


B. Naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalwang uri ng sanaysay
C. Nagagamit ang angkop na tuwiran at di -tuwirang pahayag

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

 Naging daan ang sanaysay at talumpati bilang bahagi ng panitikan sa


pagpapahayag ng kalayaan ng timog Africa

 Sino si Nelson Mandella?


 Ano ang nilalaman ng kanyang talumpati
B. Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Piliin sa kahon ang katambal na salita ng ikalawang pares. Ibatay ang sagot sa
unang pares ng mga salita.

1. demokrasya : pagkakapantay-pantay: : _______________: pagtatangi-tangi ng lahi

2. panata : sumpa : : misyon : _________________

3. relihiyoso : pari : : _____________________ : tulisan

4. kalayaan : ibon : : alipin : ________________

5. espiritwal : kaluluwa : : pisikal : _________________

tungkulin obligasyon kadena bilangguan bandido bakasyon katawan

C. Pagbasa sa akda

Nelson Mandela: Bayani ng Africa


Talumpai mula sa South Africa
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
LM sa Filipino 10 pp. 263

D. Pagtalakay sa akda

1. Batay sa binasang talumpati, bakit ganoon na lamang ang kaligayahang nadama ni


Nelson Mandella a ng sambayanan ng Timog Africa?
2. Ilarawan ang pang-aaliping nangyari sa bayan at sa mamamayan.
3. Paano ipinakita ni Nelson Mandella ang kaniyang pagtanaw ng utang na loob sa
mamamayang naniniwala sa kaniya?
4. Patunayang maganda ang pangarap ni Nelson Mandella para sa kaniyang bayan.
5. Sa iyong palagay, ano ang iyong maiaambag sa pagpapanatili ng kalayaan ng sarili
mong bansa?
E. Pagbibigay-input ng guro

Alamin mo…
Ang sanaysay ay anyong tuluyan na naglalaman ng matalinong pagkukuro ng
sumulat na inilahad sa isang makatuwiran at nakahihikayat na paraan. Pinapaksa nito ang
tungkol sa kaugalian o tradisyon, kilusan, kabutihang-asal o ano mang may kinalaman sa uri at
halaga ng buhay na maaaring lapatan ng sariling palagay, opinyon at damdamin ng sumulat.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y pagsasalaysay ng isang “sanay”. Ito ay anyo
ng sulating hiram. Noong 1580, isinilang ito sa France at si Mitchel de Montaigne ang
tinaguriang ama nito. Ito ay tinawag niyang “essai” na nangangahulugang isang pagtatangka,
isang pagsubok, isang pagtuklas sa anyo ng pagsulat.

May dalawa itong uri, ang pormal at di-pormal.

Mga Katangian ng Pormal na Sanaysay

- Naghahatid ng mahahalagang kaalaman o impormasyon at kaisipan sa maka-agham at


lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya
- Maingat na pinipili ang mga salitang ginagamit
- Maanyo ang pagkakasulat
- Pampanitikan din ang ganitong uri, makahulugan, matalinghaga
- Ang tono ay seryoso at di nagbibiro

Mga Katangian ng Di-Pormal na Sanaysay

- Nagbibigay-kasiyahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan at pang-araw-


araw na paksa
- Pamilyar ang ganitong uri
- Gumagamit ng mga salitang sinasambit sa araw-araw na pakikipag-ugnayan
- Palakaibigan ang tono sapagkat pumapanig sa damdamin ng may-akda ang pananaw nito

F. Pagbasa at pag-unawa sa nilalaman ng talata sa bawat hanay.

Ang K to 12 Basic Education Program


“Naninindigan ako sa ipinangako nating pagbabago sa edukasyon,” ang wika ng
Pangulong Benigno S. Aquino. Bilang patunay, inilunsad ang K to 12, na magbibigay-lakas kay Juan
dela Cruz upang mapaunlad ang sarili, pamilya at buong bansa.
Ayon kay Kalihim Bro. Armin A. Luistro ang programang ito ang kasagutan upang
mapataas ang kalidad ng edukasyon ng mga kabataang Pilipinong magtatapos sa haiskul. Batay sa
pag-aaral, ang Pilipinas ang bukod tanging bansa sa Asyang may pinakamababang bilang ng taon
(10) Basic Education. “Sa K to 12, malilinang ang batayang kasanayan upang makapagtrabaho,” ang
sabi ng Kalihim. Sa katunayan, basta matugunan ang mga pangangailangan ng Tesda, may
competency level 1 sa Junior High School at Level 2 sa Senior High School kaya maaari nang
magtrabaho.
“K to 12 ang kasagutan sa mga suliraning pang-edukasyon!” ang sigaw ng mga
magulang.
 Pagtalakay sa teksto

1. Ipaliwanag ang mensaheng nais iparating ng mga impormasyon

2. Isa-isahin ang mga nais ipabatid ng mga impormasyon.

G. Pagsusuring Gramatikal

1. Bigyang-pansin ang mga sinalungguhitan mga salita, ano-ano ang mga nais ipabatid
ng bawat pahayag?
2. Isulat ang mga hinihinging mga kasagutan sa bawat hanay.
3. Bakit masasabing kawili-wili itong basahin?

Bilang ng mga Pangungusap na may tiyak na Bilang ng mga Pangungusap na Batay sa


Pahayag Opinyon ngunit Nakahihikayat

H. Pagbibigay ng Input ng guro

Tandaan mo…
Ang tuwirang pahayag ay o tiyak na ipinahahayag ng isang tao. Ito ay ginagamitan ng
bantas na panipi (“ “) upang ipakita ang eksaktong sinasabi ng isang partikular na tao.
Nagtataglay ito ng mga batayan at ebidensya kaya’t kapani-paniwala.

Halimbawa:

1. “Kayo ang boss ko. Sama-sama tayo sa tuwid na daan.” Ang pahayag ng
Pangulong Aquino.
2. “Ang edukasyon ay pinakamakapangyarihang pananggalang upang mabago
ang mundo,” ang binitawang mga salita ni Nelson Mandella.

Ang di-tuwirang pahayag ay binabanggit lamang muli kung ano ang tuwiran o sinabi ng
isang tao. Ginagamitan ito ng mga pariralang pang-ukol-alinsunod sa/kay, batay sa/kay,
iminungkahi ni/ipinahayag ni. Batay sa huling opinion, nakahihikayat naman ito sa mga
tagapakinig o tagabasa.

Halimbawa:

1. Ipinahayag ng Pangulong Aquino na tayo ang boss niya kaya sama-sama sa


tuwid na daan.
2. Ayon sa isang pag-aaral higit na magiging maganda ang kinabukasan ng mga
taong nakapag-aral.
I. Pagsagot sa Pagsasanay

Sagutan sa hiwalay na papel ang pagsasanay 1 - 3 Modyul sa Filipino 10 pp. 271

Pagwawasto sa ginawang pagsasanay.

J. Sintesis

Isulat ang hinihinging kasagutan sa grapik organayser.

SALITANG HIMIG/TONO PARAAN NG


GINAMIT PAGKAKASALITA

III. Kasunduan

Magsaliksik ng isang talumpati mula sa isang lider o pangulo ng isang bansa. Humandang
magsagawa ng balangkas ng mga impormasyon sa nasaliksik na talumpati.

Pangkat 4 – Celebrity Bluff

Ilahad ang kahalagahan ng sanaysay sa kultura ng bansang Timog Africa

Pangkat 1 - State of the Nation Address

Magsaga ng field reporting tungkol sa SONA ng Pangulong Benigno Aquino,


gamitin ang tuwiran a di-tuwirang pahayag sa pagkuha ng mahalagang
impormasyon.

Pangkat 2 - Sumulat ng isang sanaysay na nagpapakita ng mga katangiang dapat taglayin ng


isang pinuno ang string ang magiging hudyat ng haba ng sanaysay
BAITANG 10 –
Lakan Dula

BAITANG 10 – Abad BAITANG 10 – De


Santos Jesus
BAITANG 10 – BAITANG 10 – BAITANG 10 –
Mabini Lim Ponce

IKATLONG ARAW

PAGNILAY
AN AT
UNAWAIN/
ILIPAT

I. Mga Kasanayang Pampagkatuto:

A. NakAkukuha ng mga impormasyon tungkol sa aralin sanaysay, talumpati ni Nelson


Mandela
B. Nasusuri ang pahayag na tuwiran at di-tuwiran sa pagpapahayag ng kaisipan
C. Nakasusulat ng balangkas tungkol sa napakinggang/nabasang talumpati

II. Proseso ng Pagkatuto:

A. Panimulang Gawain

Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto

Ang K to 12 Basic Education Program

“Naninindigan ako sa ipinangako nating pagbabago sa edukasyon.” Ang wika ng


Pangulong B. Aquino. Bilang patunay, inilunsad ang K to 12 na nagbibigay - lakas kay
Juan dela Cruz upang mapaunlad ang sarili, pamilya at buong bansa..

 Ipaliwanag ang mensaheng nais iparating ng teksto.


 Isa-isahin ang mga nabatid na mga impormasyon.
B. Pangkatang Gawain

Pangkat 4 – Celebrity Bluff

Ilahad ang kahalagahan ng sanaysay sa kultura ng bansang Timog Africa

 Mabisa bang paraan ang sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang


impormasyon sa kultura ng Africa?

Pangkat 1 - State of the Nation Address

Magsagawa ng field reporting tungkol sa SONA ng Pangulong Benigno Aquino,


gamitin ang tuwiran at di-tuwirang pahayag sa pagkuha ng mahalagang
impormasyon.

 Paano nakatulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwiran sa pagkuha


ng mahahalagang impormasyon?

Pangkat 2 – Sumulat ng isang sanaysay na nagpapakita ng mga katangiang dapat


taglayin ng isang pinuno ang string ang magiging hudyat ng haba ng sanaysay

 Ano ang kahalagahan ng sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang


impormasyon?
Pangkat 3 – Score Mo! Ishow Ko!

DIMENSYON NAPAKAHUSAY ( 3 ) MAHUSAY ( 2 ) KATAMTAMAN ( 1 )


Akibong nakilahok ang lahat Aktibong nakilahok ang Aktibong nakilahok
Pagkakaisa ng kasapi. nakararami ang ian

Lubhang malinaw ang Naging malinaw ang Di-gaanong malinaw


Pagsasalita at
pagbigkas at paghatid ng paghatid ng mensahe ang mensahe
Pagbigkas
mensahe
Lubos na nagpamalas ng Naging malikhain sa Di-gaanong naging
Pagkamalikhain pagkamalijhain at paghahanda malikhain sa
paghahanda paghahanda

C. Pagbibigay ng input ng guro

Unawain mo….

Nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng


angkop na mga tuwiran att di-tuwirang pagpapahayag. Mahalaga ang mga ito sa
pagkuha ng mga impormasyong nais bigyang linaw. Nagiging mas malinaw ang isang
sanaysay/talumpati dahil sa mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag. Madaling
matukoy sa mga ito ang katotohanan at opinion.

May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang argumento


upang makahikayat. Kabilang ditto ang s katunayan, ang totoo, bilang pattunay at iba
pa.

D. Pagsulat/Paglikha

G - Makagawa ng balangkas ng isang talumpati


R - Stenographer ng pahayagan
A - Punong panutgot at manunulat
S - Naatasang gumawa ng balangkas ng mahahalagang imprmasyon ng isang
talumpati
P - Maiulat ang nabuong balangkas sa punong patnugot at mga manunulat ng
pahayagan
S - Tiyaking magagamit mo ang mga pamantayan

a. Nilalaman 5 puntos
b. Taglay ang wastong pagkakasunud-sunod
ng impormasyon 5 puntos
c. Wastong balangkas 5 puntos
d. Makatotohanan 5 puntos
Kabuuan 20 puntos
E. Pagpapabasa sa ilang natapos na sulatin

F. Paglilikom ng mga awtput

G. Sintesis

Ibigay ang iyong naramdaman mula sa natapos na gawain. Isulat sa loob ng


puso.

-----------------------
--------------------
--------------

III. Kasunduan

Mgbigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang Ina


Pakingggan ang awit na Sa Ugoy ng Duyan
- Ano ang nilalaman ng awiting ito?

You might also like