Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Isang Asteroid Pinangalan sa

Filipinong Neurosurgeon
Si Dr. Jose “Jett” Aguilar, isang Filipino neurosurgeon, ay pinarangalan ng
pandaigdigang komunidad ng astronomiya at may isang asteroid na ipinangalan
sa kanya. Si Dr. Aguilar, isang pediatric neurosurgeon na nakabase sa Maynila, ay
isa ring baguhang astronomer. Ang asteroid ay may sukat na humigit-kumulang
8km ang lapad at umiikot sa pagitan ng Mars at Jupiter.

Opisyal na pinangalanan ng International Astronomical Union (IAU) ang asteroid


1993 FN41 bilang "7431 Jettaguilar" sa isang bulletin na inilabas ng Small Body
Nomenclature Working Groups ng IAU.

Si Dr. Aguilar ay pinarangalan bilang "Isang Filipino neurosurgeon na nagligtas ng


mahigit 1,000 bata sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagboboluntaryo ng kanyang
oras at surgical expertise para gamutin ang kanilang congenital malformations at
brain tumors."

"Siya rin ay isang baguhang astronomer at nagsisilbing bise presidente ng


Astronomical League of the Philippines," base sa bulletin.

Si Dr. Aguilar ay dating pangulo ng Academy of Filipino Neurosurgeons. Siya ay


kasalukuyang nagtatrabaho sa Philippine Children’s Medical Center, Philippine
General Hospital, at Cardinal Santos Medical Center.

You might also like