Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

“ EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA KOMUNIKASYON ”

Isang Sulating Pananaliksik na Inihaharap sa Kaguruan ng


Dapdap High School-Senior High School
Dapdap, Bamban, Tarlac

Bilang Bahagi ng Pagtugon sa mga


Pangangailangan para sa Asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

IGNACIO, PATRISHA MAE S.


TAMAYO, JESLEE ANN D.
MACALINO, ROXANE G.
SANGGALANG, KENNETH M.
LUCENO, JOHN YURI B.

FEBRERO 2023
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina
PAHINA NG TITULO …………………………………. i
TALAAN NG MGA NILALAMAN …………………………………. ii
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN …………………………………. iii
TALAAN NG MGA FIGYUR …………………………………. iv

Kabanata

1 ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Kaligiran ng Pag-aaral ………………………………… 1-2


Paglalahad ng Suliranin ………………………………… 3
Kahalagahan ng Pag-aaral ………………………………… 4-5
Saklaw at Delimitasyon ………………………………… 6
Rebyu ng mga Kaugnay na ………………………………… 7-9
Literatura at Pag-aaral
Konseptuwal na Balangkas ………………………………… 10-11

2 PAMAMARAAN AT PINAGMULAN NG MGA DATOS

Disenyo ng Pag-aaral ………………………………… 12


Lokal ng Pag-aaral ………………………………… 13
Mga Kalahok sa Pag-aaral ………………………………… 14
Disenyo ng Sampling 15
Instrumento ng Pananaliksik ………………………………… 16
Paraan ng Pangangalap ng …………………………………
mga Datos
Pag-aanalisa ng Datos ………………………………… 17
Etikal na Pagsasaalang- ………………………………… 18
alang
19-20
TALASANGGUNIAN …………………………………

APENDIKS

A. Talatanungan ………………………………… 21-22


B. Dokyumentasyon ………………………………… 23

BIONOTE ………………………………… 24-28


TALAAN NG MGA TALAHANAYAN

Talahanayan Titulo Pahina

1
TALAAN NG MGA FIGYUR

Figyur Titulo Pahina

1 Paradim ng Pag-aaral 29
Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa patuloy na pagpasok sa modernong panahon mula sa simpleng komunikasyon,


hanggang sa pag-usbong ng mga ibat-ibang teknolohiya sa pakikipagkomunikasyon. Sa
paglipas at pagdaan ng panahon tila nilamon tayo ng mundo ng teknolohiya. May mga
tao na rin ang nagsasabing hindi nila kayang mabuhay ng walang teknolohiya katulad ng
internet , cellphone , computer at iba pa. Parami nang parami at palawak nang palawak
ang mga bagong naiimbento sa panahon natin ngayon. Anon nga ba ang teknolohiya? At
anon nga ba ang koneksyon nito sa komunikasyon? Ang salitang griyegong “
technologia” na ang ibig sabihin “ kasanayan sa sining. ” Cellphone, laptop, ipad at
computer, ilan lamang ito sa mga gadgets na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng
mga tao araw-araw. Facebook, messenger, telegram, twitter at viber, mga application na
ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga tao sa ibat-ibang lugar. Ginagamit ang mga
application na ito upang maging daan sa mga mahahalagang impormasyon. Ito ang
naging daan para mas mapadali at mapabilis ang komunikasyon sa isa’t isa.

Malaki ang kahalagahan ng teknolohiya sa pakikipagkomunikasyon lalo na sa mga taong


malayo sa atin dahil sa makabagong teknolohiya mas mapapadali ang mga nais natin
iparating sa bawat isa. Ngunit marami rin itong masamang dulot lalo na sa mga kabataan
na nahuhumaling sa teknolohiya dahil sa maling pag gamit nila rito. Dahil nagbabago na
ang ating modernisasyon sa ating mundo, marami na ang pagbabago na nangyayari.
Kabilang na dito ang pananaw ng mga estudyante sa makabagong paraan sa kanilang
pakikisalamuha sa kanilang mga kapwa tao.

Kadalasan naman , nawawalan nang ang ganang making sa itinuturo ng mga guro dahil
kahit sa oras na talakayan ay hawak-hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa pagbisita
ng kanilang account sa ibang sites, ang iba naman, dahil sa mga impormasyon na
kanilang nasasagap o nakukuha mula sa binisitang sites, alam na ang tinuro kaya hindi na
nakikinig at nakikipag komunikasyon sa mga kaklase at Guro.

Maraming dulot ang teknolohiya sa komunikasyon. Ayon kay Cueva (2014), mas
napapabilis na ang proseso ng pakikipag komunikasyon. Kung dati ang paraan ng
pakikipagkomunikasyon ay ang pagpapadala ng liham at telegrapo, ngayon ay mayroon
nang cellphone, na maaring dalhin kung saan ka man pupunta. At kung makikipag usap
naman sa kamag-anak na nasa ibang bansa ay maari mo na silang maka-usap sa tulong ng
kompyuter at internet. Mayroon din naman tinatawag na mga applications sa mga
smartphones katulad na lamang ng skype, we chat, at viber. Sa pamamagitan ng mga ito
ay matatawagan mo na ang iyong kamag-anak na nasa ibang bansa. Ayon sa Filipino
Juanbee (2014) inilahad nila ang mga Positibo at negatibong epekto ng Teknolohiya. Sa
panahon ngayon, nagkalat ang iba’t ibang makabagong teknolohiya sa ating mundong
patuloy na umuunlad katulad ng kompyuter ang isa sa mga teknolohiya na sikat sa mga
mag-aaral dahil sa pamamagitan ng kompyuter ay makakagawa sila ng isang account sa
anomang social networking sites tulad ng facebook, twitter at iba pa at ditto din
napapadali ang mga gawain ng mga mag-aaral.

Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan,
pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng
magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Isa sa mga positibong epekto ng
teknolohiya ay ang Pag-unlad ng antas ng libangan, Mas mapapadali ang pagresponde sa
mga kaganapan, Mas mapapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa, at mas
mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang teknolohiya.

Ang mga negatibong epekto naman nito ay nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao,
Maaaring gamitin sa karahasan, Nakakasira ng kalikasan at lalo na ang makabagong
teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access ay maaaring makasira o maka-
apekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Kaya dapat ang paggamit ng teknolohiya ay nililimitahan at wag inaabuso dahil Malaki
talaga ang naitutulong nito sa isang mag-aaral ngunit kung aabusuhin mo ito ay madami
itong magiging masamang epekto lalo na sa kalusugan.
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng teknolohiya sa

magaaral sa ikalabing-isang baitang sa Dapdap High school- Senior High School sa

pakikipagkomunikasyon.

Layunin ng pag-aaral na ito na masagot ang sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang mga karanasan ang naranasan ng mga mag-aaral sa Grade 11 sa Dapdap

High School Senior High School na naging epekto ng teknolohiya sa kanilang pakikipag

komunikayon?

2. Ano-ano ang mga bagong epekto ng teknolohiya ang maaaring maranasan pa ng mga

mag-aaral ng Grade 11 sa Dapdap High School- Senior High School?

3. Ano-ano ang mga paraan ng mga mag-aaral ng Grade 11 sa Dapdap High School-

Senior High School upang masolosyusnan ang suliranin sa pag- aaral sa epekto

ngteknolohiya sa pakikipag komunikasyon?


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay upang makatulong sa mga


sumusunod:

Trabahador.

malaki ang maitutulong ng pananaliksik na ito sa mga trabahador para malaman ang

wastong paggamit ng teknolohiya sa loob at labas o oras ng kanilang trabaho.

Guro.

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga guro para malaman nila ang mabuti at

masamang epekto ng teknolohiya sa kanilang mga estudyante.

Studyante.

Makakatulong ang pananaliksik na ito lalo na sa mga estudyante para malaman nila kung

paano maibabalanse ang teknolohiya at pag-aaral.

Magulang.

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga magulang para malaman nila kung ano ang

magandang maidudulot ng teknolohiya sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Tagapangasiwa ng Paaralan.

Makakatulong ang pananaliksik na ito upang malaman ang epekto ng teknolohiya sa

kanilang mga mag-aaral at guro at kung paano nila ito masosolusyonan.


Mananaliksik.

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga susunod na mananaliksik upang

maisakatuparan ang kanilang proyekto at mapunan ang mga hinahanap na impormasyon

na may kaunayang sa paksang ito.


Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa mag-aaral na nasa ikalabing-isang baitang

ng Dapdap High School- Senior High School, pampublikong paaralan sa Brgy. San

Nicolas Dapdap, Bamban, Tarlac, taong panuruang 2021-2022. Ito ay nakatuon lamang sa

mga epekto ng teknolohiya sa komunikasyon.

Palarawang pamamaraan (descriptive method) ang ginamit ng mga mananaliksik

upang masuri ang epekto na nararanasan ng mga mag-aaral sa epekto ng teknolohiya sa

paggamit ng bahagi ng pananalita sa pamamagitan ng mga datos na makakalap. Sa tulong

ng pamamaraang ito ay mapadadali , mapapabilis at mauunawaang mabuti ang resulta ng

pag-aaral.

Naghanda ang mga mananaliksik ng pagsusulit na sasagutin ng mga mag-aaral sa

Google Form. Sa mga inihandang mga pangungusap ng mananaliksik ay sasagutan ng

mga mag-aaral . Ang kanilang pagsagot ay naka depend isa mga mag-aaral may mga pag

pipilian at sasagutan sa kanilang mga sariling opinion sa kanilang kaalaman. Ang mga

tanong na inihinda ng mananaliksik ay maaaring ipadala sa mga Gmail at messenger ng

mga mag-aaral.

Hindi sakop ng pananaliksik na ito ang mga iba’t-ibang paraan upang

makipagkomunikasyon, layunin lamang ng mga mananaliksik ay masuri ang mga epekto

at paraan ng mga mag-aaral sa epekto ng teknolohiya sa komunikasyon.


Rebyu ng mga Kaugnayang Literatura at Pag-aaral

Sa bahagi ng kabanatang ito ay nagpapakita ng mga kaugnay na pag-aaral at

literatura na ginagamit upang higit na makatulong sa pan-unawa sa pag-aaral.

Tunay na mahalaga ang teknolohiya sa bawat tao lalong-lalo na sa mga mag-aaral,

kaya nitong magbigay daan para magkaroon ng komunikasyon kahit na sa malayong

lugar. Kaya rin nitong matulungan ang bawat isa upang mapadali ang pag-aaral sa mga

mahihirap na paksa na kanilang kahaharapin. Isa pang tulong nito ay nagkakaroon ng

pampalipas oras ang mga tao na nakakaranas ng depresyon at mga pagsubok sa buhay.

Kahit na masasabi na maraming positibong dulot ang teknolohiya sa komunikasyon

kailangan parin itong gamitin na may limitasyon at sa tamang paraan upang maiwasan

ang mga masasamang dulot nito, gaya ng hindi na pakikipag-usap ng maayos sa mga

kaibigan dahil sa epekto ng teknolohiya.

Ayon kay, Joemer Marijuan (2022) ang epekto ng teknolohiya sa paggamit ng wika

ay nawawalang halaga ang ating pinag-aaralan sa eskwelahan at kawalan ng respeto sa

mga guro dahil sa napanood natin sa social media na mga bagong salita ngayon tulad ng

oumsim, eme, shesh, forda the person. Dahil sa maling paggamit ng mga mag-aaral sa

teknolohiya na kukuha nilang gayahin ang mga nakikita nila sa mga social media

flatforms at nasasabi nila ito, hindi nila alam ay may masamang dulot na ito sa kanilang

pakikipag komunikasyon.
At ayon naman kay, Buhia Mark Dave (2022) Sa makabagong henerasyon mababatid

natin ang mga epekto ng makabagong teknolohiya sa ating wika at kultura. At dahil sa

malikhaing pag-iisip at pananaliksik nakakatuklas ang ang mga tao ng mga bagong

kaalaman tungkol sa teknolohiya katulad na lamang ng mga "social media". Ang social

media ay isang sistema na nilikha para komunikasyon ng mga tao. Nagbibigay daan ito sa

paglikha ng at pakikipagpalitan ng kaisipan at kaalaman sa bawat mamamayan.

Para naman kay, Rovermarie Palma (2022) Sa pag usbong ng makabagong

teknolohiya, hindi maipagkakaila na mas napapadali nito ang daloy ng komunikasyon sa

buong mundo. Mas napapabilis nito ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa mga

bagay- bagay. Malaking tulong rin ito sa paghahanap ng trabaho sa mas mabilis na

proseso. At nakapagbibigay-aliw rin sa mga tao, mapabata man ito o matanda. Sa

madaling salita, ang mundong sobrang lawak ay pinaliliit ng teknolohiya at social

mediya.

Kung atin mamarapatin hindi natin makakaila na Malaki ang tulong sa atin ng

makabagong teknolohiya at sa patuloy na pag-usbong nito. Marami ang natulungan nito

lalo na ang mga taong malayo sa atin dahil sa makabagong teknolohiya nakaka-usap natin

ang mga ito at nakaka sagap tayo ng mga mahalagang impormasyon.


Ayon naman kay, Janella D Hita (2022) mas naging madali ang lahat ng bagay sa

modernong panahon dahil sa teknolohiya maging komunikasyon man o iba pang

mahahalagang mga bagay ngunit sa kabila ng kagandahan ng naidudulot ng makabagong

teknolohiya ay mayroon din namang mga nakasasama. tulad ng mga scam at mga

impluwensya ng social media.

Ayon kay, Janella D Hita ( 2022 ) mas nagiging madali ang lahat dahil sa tulong ng

teknolohiya subalit sa kabila ng kagandahang dulot nito ay may kaakibat itong masamang

dulot sa mga gumagamit nito. Katulad na lamang ng mga scammer na ginagamit ang

teknolohiya upang mangloko ng mga tao at gamitin ang mga per anito.

Ayon kina Berdos, Montes, Po, Sebastian, (2014) Pinapabilis ng teknolohiya

angnakukuhang impormasyon ng mga mag aaral at ang mga makabagong teknolohiya ay

nagiging hadlang sapag aaral dahil ito ang nagiging distraksyon sa kanilang pag aaral.

Sinasaad dito na ang teknolohiya ay nakaktulong sa mga mag aaral subalit nakakasama

rin ito sap ag aaral ng mga magaaral.

Tunay na pinapabalis ng teknolohiya ang pagkuha ng impormasyon ng mga mag-aaral sa

kanilang pag-aaral ngunit nagiging hadlang din ang teknolohiya kapag ito ay hindi

nagagamit ng wasto at ginagamit sa mga walang kabuluhang bagay.


Konseptuwal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay may layuning mabatid ang epekto ng teknolohiya sa mga mag-

aaral sa ika-11 baitang Senior High School ng Dapdap High School sa pakikipag

komunikasyon nila sa araw-araw na pamumuhay.

Ang pagtatanong at pag-gamit ng mga talatanungan ang ginamit ng mga mananaliksik

upang matukoy ang epekto ng teknolohiya sa komunikasyon ng mga mag-aaral sa ika-11

baitang Senior High School ng Dapdap High School. Masusuri sap ag-aaral na ito ang

hinaharap na epekto ng teknolohiya sa mga mag-aaral.

Sa ginagawang pag-aaral ng mga mananaliksik ay makikita ang mabuti at masamang

epekto ng teknolohiya sa mga mag-aaral. Itong ginagawang pananaliksik ng mga

mananaliksik ang makaka tulong sa mga mag-aaral na nasa ika-11 na baitang ng Dapdap

High School- Senior High School upang magamit ng tama ang teknolohiya sa

pakikipagkomunikasyon. Sa pamamagitan ng sa pag-alam sa antas ng kanilang mga

naranasan gamit ang teknolohiya.


Mabuting epekto ng Mga balakid at masamang Solusyon sa mga epekto

teknolohiya sa epekto ng teknolohiya sa ng teknolohiya sa

komunikasyon ng mga komunikasyon ng mga komunikasyon ng mga

mag-aaral. mag-aaral. mag-aaral.


-Kawalan ng sapat na seguridad. - pag-iingat sa pagbabahagi ng personal na

impormasyon. maging mapanuri at huwag


-Napapadali ang pagpapalitan ng mensahe ng masyadong pagiging depende sa paggamit.
masyadong dumepende sa paggamit ng
mga taong magkakalayo ang lugar.
teknolohiya.

-Napapadali o napapabilis ang kumunikasyon -Nagiging adik tayo sa paggamit nito.


- limitahan ang paggamit ng nito.
sa ating mga mahal sa buhay.

- Mas makakabuti kung magkakaroon ng


-Mas mapapadaling ipahiwatig sa sa sino man -Ang paggamit ng teknolohiya ay
limitasyon sa bawat tao ang paggamit dito
ang isang bagay na nais ipasabi o ipagawa sa nakakaapekto rin sa pisikal na kalusugan
upang hindi makasira sa isang relasyon ng
isang tao.
ng mga tao na nagiging sanhi ng mga
bawat-isa, pamilya, kaibigan o ng kahit na
problema sa paningin (vision problems),
-Malaki ang epekto ng teknolohiya sa sino man.
pagkawala ng pandinig (hearing loss), at neck
komunikasyon dahil dito mas napapadali ang
strain.
-Sa panahong ito nakatutulong ang mga
paghahatid ng mensahi kahit nasa malayo ang
teknolohiya sa atin. Ngunit mas na kakabuti
padadalhan nito. Kapag mahina ang
-Ang teknolohiya ay isa sa pinaka kung hindi ang teknolohiya ang ating gamit sa
komunikasyon maari mag karoon ng agwat
importanteng mapag kukuhaan ng pag -aaral dahil mas natututukan ang pag-
ang dalawang tao ngunit dahil sa makabagong
impormasyon ng mga mag aaral sa aaral.
teknolohiya napapadala nito ng maayos ang

mga mensahi ng bawat isa. panahon ngayon sa pamamagitan ng

cellphone,laptop,computer,at projectors at

sa pamamagitan ng pag research ay

makikita muna ang hinahanap mong -dapat natin kontrolin Ang pag gamit Ng

-Mas mapapabilis Ang paggawa Ng teknolohiya dahil nakakasama ito pag


impormasyon hindi katulad noon na nasobrahan Ang pag gamit nito.
Isang gawain, at mas mapapabilis Ang
kailangan pa ng libro upang mahanap ang
pakikipag komunikasyon sa iba.
mga kailangang impormasyon sa madaling

sabi ang teknolohiya ay makatutulong

satin dahil na papabilis nito ang ibat ibang

gawain ng tao sa kanilang araw araw na


pamumuhay.

-Nagiging hadlang Ang teknolohiya sa

pagaaral.
Kabanata 2

PAMAMARAAN AT PINAGMULAN NG MGA DATOS

Makikita sa bahaging ito ang ginamit na mga instrumento at disensyo na naging daan

sa paglikom at pagsusuri ng mga datos. Nakapaloob din sa kabanatang ito ang mga

paraang angkop na naging tulay para sa pag-aanalisa ng mga impormasyon na ginamit sa

pag-aaral.

Disenyo ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito ay gumamit ang mananaliksik ng palarawan na pamamaraan

(descriptive method) na isang uri ng Kwantitatobong pag-aaral bilang disenyo ng

pananaliksik sa pagkuha ng mga datos upang makakuha ng impormasyon sa kakayahan

ng mga mag-aaral na nasa Ika-11 baitang ng Senior High School sa epekto ng

teknolohiya sa komunikasyon.

Sa tulong ng mga tanong na inihanda ng mga mananaliksik ay malalaman at

makikita ang mabuti at hindi mabuting dulot ng teknolohiya sa mga mag-aaral.

Naghanda rin ang mga mananaliksik ng mga pagsasanay na higit na makatutulong sa sa

pangangalap ng mga datos.


Lokal ng Pag-aaral

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa mataas na paaralan ng Dapdap High School-

Senior High School (DHS-SHS) na bahagi ng Barangay San Nicolas Dapdap, Bamban,

Tarlac. Ang paaralan na ito ay nag-aalok ng iba’t ibang strands sa mga mag-aaral na

Senior High gaya na Accountancy, Business, and Management (ABM) at Humanities

and Social Sciences (HUMSS). Sa tulong ng mga mag-aaral ng DHS-SHS ay

naisakatuparan ang pag-aaral na ito lalo na’t halos sa mga mag-aaral ay gumagamit ng

teknolohiya.
Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na nasa Ika-11

baitang ng Senior High School ng Dapdap High School-Senior High School sa Taong

Panuruan 2022-2023 sa Unang Semestre. Binuo ang mga mag-aaral na nasa ika-11

baitang ng 697 na mag-aaral mula sa 14 na seksiyon: 2 seksyon sa STEM, 2 seksyon sa

ABM, 5 seksyon sa HUMSS, at 5 seksyon sa TVL.

Dulot na hinaharap na pandemya ng bansa at hindi lahat ng mga mag-aaral ay

mayroong mga gamit gaya ng selpon, internet at kompyuter ay pinasyahan ng mga

mananaliksik na ang mga unang 100 estudyante na lamang ang magiging kalahok sa pag-

aaral na ito bilang kabuuang respondate na sasagot sa inihandang talatanungan.


Disensyo ng Sampling

Gumamit ang mananaliksik ng “Accidental or Convenience Sampling”. Ito ang

ginamit na sampling ng mananaliksik sa pangangalap ng datos dahil sa nararanasang

pandemya ng bansa. Ang mga respondate ay handa sa araw na ginawa ang pagsasarbey

lalo na’t mayroon silang access sa internet at mayroong ginagamit na smartphone o laptop

upang makatugon sa mga tanong.

Binigyan ng pagkakataon ang mga 100 mag-aaral bilang respondate na sumagot sa

sarbey form ayon sa nararanasan nilang epekto ng teknolohiya sa komunikasyon. Sa

tulong ng talatanungan na ibinigay sa mga 100 respondate ay makukuha ng datos na

makatutulong sa pag-aaral na ito.


Instrumento ng Pananaliksik

Naghanda ang mananaliksik ng talatanungan na sasagutin ng mga mag-aaral. Ito

ang magiging intrumento upang masukat ang kaalaman ng mga respondante sa wastong

paggamit ng mga bahagi ng pananalita. Ang inihandang talatunungan ng mananaliksik ay

ipinasuri sa eksperto sa pakikipagkomunikasyon na isa ng ganap na Guro.

Ayon kay Precious (2020), ang talatanungan ay isang disenyo o metodo sa isang

pananaliksik na ginagamit ng mananaliksik kung saan sinusulat ang mga tanong at

pinapasagutan sa mga respondente nito. Ito ang pinakamadaling paraan ng pangangalap

ng datos. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng mga impormasyon upang makabuo ang

mananaliksik ng konklusyon base sa pinag-aaralan. Ito ay makatutulong upang maging

valid at reliable ang pananaliksik.

Ang ginawang talatanungan ay binubuo ng dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay

may bilang ng 10 aytem na maaring sagutin ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon. Ang

ikalawang bahagi naman ng talatanungan ay may bilang na 20 aytem na pagsusulit na

susuriin ng mga respondante ang nakasalungguhit na salita sa pangungusap at kanilang

tutukuyin kung alin sa mga bahagi ng pananalita ito nabibilang.


Sa tulong ng talatanungan bilang instrumento ng pananaliksik na ito, makalilikom

ng mga pangunahing impormasyon sa pagktuklas ng epekto ng teknolohiya sa mga mag-

aaral sa ika-11 baitang ng SHS sa pakikipag komunikasyon.

Paraan ng Pangangalap ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay gumawa na liham bilang paghingi ng pahintulot sa

punong-guro ng Dapdap High School maging sa Head Teacher ng Dapdap High School-

Senior High School sa pangangalap ng datos bilang bahagi ng pananaliksik. Sa

pamamagitan ng social media at aplikasyon na gingamit ng mga mag-aaral ay ipinadala

ng mananaliksik ang link ng sarbey na naglalaman ng mga tanong na sasagutin ng mga

mag-aaral. Naging tulay ang facebook messenger at gmail upang maisakatuparan ito.

Maliban sa mga tanong na ipinadala ng mga mananaliksik sa facebook messenger

at gmail ng mga mag-aaral ay ipinaliwanag nang maayos ang panuto upang hindi maging

sagabal sa pagsagot ng mga respondate at maging maayos ang resulta ng pag-aaral. Ang

mananaliksik ay tumutugon sa mga tanong ng mga mag-aaral sa tuwing sila ay hindi

siguro sa kanilang ginagawa para maging magaan ang daloy ng kanilang pagsagot.

.
Pag-aanalisa ng Datos

Etikal na Pasasaalang-alang

Bago isinagawa ng mga mananaliksik ang pananaliksik na ito ay sinuring mabuti ang

mga talatanungan bago ito ipasagot sa mga respondante na mag-aaral sa Senior High

School Dapdap High School .

Ang pagsulat ng pangalan sa mga talatanungan ay opsyonal upang mapanatiling

pribado ang sagot ng mga respondantang mag-aaral. Ang mga nalikom na datos mula sa

bawat respondante ay tanging mga mananaliksik lamang ang nakaaalam. Tanging resulta

ng pangkabuuan lamang ang ibinahagi ng mananaliksik para sa kapakanan ng mga

respondante at manatiling pribado ang bawat mag-aaral lalo na’t karamihan ay wala pang

sapat na gulang at gustong protektahan ang kanilang mga kanya kanyang seguridad.
TALASANGGUNIAN

SANTOS, ZARINA JOY T. "Wika at Neoliberal na Edukasyon sa Pilipinas." Daluyan:

Journal ng Wikang Filipino 26 (2020).

Golloso, Christine Joy D., et al. "Kalamangan at Kawalan ng Social Media sa Mag-aaral

ng Senior Hayskul ng Gallanosa sa Panahon ng Pandemya." Research and Analysis

Journal 5.7 (2022): 01-04.

Golloso, C. J. D., Millares, K. R. S., Onesa, A. B., Pitalbo, V. F., & Toralba, C. J. G.

(2022). Kalamangan at Kawalan ng Social Media sa Mag-aaral ng Senior Hayskul ng

Gallanosa sa Panahon ng Pandemya. Research and Analysis Journal, 5(7), 01-04.

Yen, N. T. H., Adrien, B., Chat, T. T., Reynaldo, M., Arciaga, O., Garvacio, F., ... &

Vinh, N. V. MPA Pilot Project sang Hon Mun Bahin sa Pagdumala sang Dunang

Manggad nga Nakasandig sa Komunidad.


Tesauro Clustered, A. T. "3 Ang International Conference sa Systems Impormasyon at

Teknolohiya Pamamahala 3 º Congresso Internacional de Gestão da tecnologia e de

Sistemas Informação 11 ika-World patuloy na-awdit ng Conference."

OLIVAREZ COLLEGE TAGAYTAY E. Aguinaldo Highway, Crossing Silang,


Tagaytay City Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa mga Mag-aaral sa Baitang
XISeksyon ng Quartz ng ICT sa Olivarez College Tagaytay Taong Panuruan 2017-2018

Bacilio, A., et al. "Epekto ng Teknolohiya sa mga Mag-Aaral ng Ika-11 Baitang sa


Asignaturang Filipino ng Bestlink College of the Philippines." Ascendens Asia
Singapore–Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research 1.1
(2019).
\

APENDIKS
Apendiks A. Talatanungan

Epekto ng paggamit ng Teknolohiya ng mga Mag-aaral ng DHS-SHS sa Komunikasyon

Ang talatanungan na ito ay naglalayong mangalap ng datos tungkol sa Epekto ng


Paggamit ng Teknolohiya ng mga Mag-aaral ng DHS-SHS sa Komunikasyon.

Para sa bawat pahayag sa talatanungan, mangyaring ipahiwatig kung gaano ka sumasang-


ayon o hindi sumasang-ayon at mga ibang mga sagot na sa pahayag sa pamamagitan ng
pagbibilog sa iyong sagot sa bawat pahayag. Walang tama o maling sagot. May karapatan
ka ring tumanggi sa pagsagot ng talatanungan na ito. Ang iyong mga sagot ay mahigpit
na pananatiling kumpidensyal, at hindi ka makikilala.

1. Mas napapabilis ba ang iyong pagkatuto sa paggamit ng mga teknolohiya?


A. Oo

B. Hindi

2. Sa iyong paggamit ng teknolohiya, nagagawa o natatapos mo ba ng maayos ang iyong


mga kailangang gawin sa bahay at paaralan?
A. Oo

B. Hindi

3. Naging hadlang ba ang paggamit ng teknolohiya sa iyong pag-aaral?


A.Oo

B. Hindi
4. Ano ang mas mabisang epekto ang iyong nakukuha sa paggamit ng teknolohiya sa
iyong pagkatuto?
A. Magandang epekto, na kung saan nakakakuha tayo ng iba't ibang impormasyon sa
ating pag-aaral at nagagawang libangan

B. Hindi magandang epekto, na kung saan ito ay nakakaapekto sa ating kalusugan at


nagiging sagabal sa mag-aaral

C. Depende sa taong nagamit ng teknolohiya

5. Malaki ba ang naitutulong ng teknolohiya sayo bilang mag-aaral?


A. Oo
B. Hindi

6. May naitutulong ba sa'yo ang teknolohiya sa komunikasyon?


A. Oo
B. Hindi

7. May mabuti bang epekto ang paggamit ng teknolohiya sa iyong pag-aaral?

A.00

B. Hindi

8. Gaano ka kadalas gumamit ng teknolohiya para sa iyong pag aaral?

A. 12 Oras

B. 3-4 Oras

C. 5-6 oras

D. 7-8 oras

9. Para sa iyo, ang paggamit ba ng teknolohiya sa iyong pag aaral ay epektibo?

A.00

B. Hindi

10. Gaano ka kadalas gumamit ng teknolohiya para sa iyong paglilibang?

A. 1-2 Oras

B. 3-4 Oras
C. 5-6 oras

D. 7-8 oras

Apendiks B. Dokyumentasyon
BIONOTE

Pangalan: Tamayo, Jeslee Ann D.


Kaarawan: Enero 29, 2006
Taas: 167cm
Timbang: 50kg
Tirahan: Virgen Delos Remedios (Pacalcal) Dapdap Bamban Tarlac
Nasyonalismo: Filipino
Relihiyon: Katoliko

Edukasyon

Elementarya: Dapdap Ressettlement Elementary School


Sekondarya: Dapdap High School

Pagkilala/Karangalan

___________________
Pangalan at Lagda

BIONOTE

Pangalan: Ignacio, Patrisha Mae S.

Kaarawan: Hulyo 09, 2006

Taas: 167cm

Timbang: 60kg

Tirahan: San Pedro Dapdap Bamban Tarlac

Nasyonalismo: Filipino

Relihiyon: Katoliko

Edukasyon
Elementarya: San Pedro Elementary School

Sekondarya: Dapdap High School

Pagkilala/Karangalan

Pangalan at Lagda

BIONOTE

Pangalan: Sangalang, Kenneth Brian M.


Kaarawan: Mayo 01, 2006
Taas: 171cm
Timbang: 51kg
Tirahan: Malonzo Dapdap Bamban Tarlac
Nasyonalismo: Filipino
Relihiyon: Katoliko

Edukasyon

Elementarya: San Pedro Elementary School

Sekondarya: Dapdap High School


Pagkilala/Karangalan

Pangalan at Lagda

BIONOTE

Pangalan: Macalino, Roxane G.


Kaarawan: Mayo 30, 2005
Taas: 154cm
Timbang: 45kg
Tirahan: San Roque Dapdap Bamban Tarlac
Nasyonalismo: Filipino
Relihiyon: Katoliko

Edukasyon

Elementarya: Bamban Central Elementary School

Sekondarya: Dapdap High School


Pagkilala/Karangalan

Pangalan at Lagda

BIONOTE

Pangalan: Luceno, John Yuri B.


Kaarawan: Hulyo 14, 2006
Taas: 152cm
Timbang: 38kg
Tirahan: Malonzo Dapdap Bamban Tarlac
Nasyonalismo: Filipino
Relihiyon: Katoliko

Edukasyon

Elementarya: Dapdap Ressettlement Elementary School

Sekondarya: Dapdap High School


Pagkilala/Karangalan

Pangalan at Lagda

You might also like