Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Unang Taon Bilang Isang

pharmacy student
Tungkol sa
BS PHARMACY
Ang Bachelor of Science in Pharmacy ay bahagi ng allied health
program at ito ay apat na taong programa sa kolehiyo. Ito ang
programang kinukuha ng mga indibidwal na ninanais na
magkaroon ng trabaho sa industriya ng parmasyutiko. Bilang isang
estudyante sa parmasya, ang ilan sa mga pinag-aaralan ang iba't
ibang bahagi ng mga gamot, kanilang mga side effects, kung ano
ang ginagawa ng gamot sa katawan at kung ano ang ginagawa ng
katawan sa mga gamot. Bukod dito, pinag-aaralan din kung paano
ang tamang pag bigay ng mga gamot sa mga pasyente
(finduniversity, 2022).
Imahe ni: Micaella Abedejos

Unang Taon sa Kolehiyo


Iba na ang mundo sa kolehiyo
Hindi maikakaila na masyadong malaki ang pinagkaiba ng
kolehiyo sa highschool. Ang setup ng pag aaral ay mas
mahirap sa kolehiyo dahil sa iba't-ibang kadahilanan isa
rason kabinang na ang mga mas komplikadong mga paksa
na dapat pag-aralan, iba't-ibang uri ng mga propesor na
may ibang nagbibigay ng kumpletong impormasyon
tungkol sa pinag-aaralan at may ibang propesor na
nagbibigay lamang ng mga materyales ngunit hindi
nagtuturo ng maayos. Isa pang dahilan sa mahirap na pag-
adjust ay ang komplikado at hectic na iskedyul.

Ayon kay studyquill sa kanyang vlog, ang mga pinag-


aaralan sa kolehiyo ay mas mahirap kumpara sa
highschool. Mas maraming kailangan basahin at pag-
aralan. Mas maraming pagsaulo ng mga impormasyon at
marami pang pagsusuri ang kailangan. Isang bagay na
dapat mong malaman ay kapag nasa kolehiyo ka na ay
hindi na ibibigay ng mga guro ang lahat ng kailangan mong
malaman.
Imahe ni: Micaella Abedejos

Bagong hanay ng mga kaibigan


Yung mga naging kaibigan natin noong highschool ay mayroong sari-sariling plano para sa
kanilang mga kinabukasan katulad ko. Hindi maiiwasan na iba-iba na ang mga patutunguhan ng
iba sa atin kaya't kailangan nating makihalubilo sa ibang tao dahil kinakailangan din natin ang
karamay sa ating pagdadaanan sa kolehiyo. Hindi man ito totoo para sa lahat, ngunit base sa aking
personal na karanasan mahirap makipag halubilo sa ibang tao kaya't nahihirapan akong
makahanap ng bagong makakaramay.

Batay sa karanasan ni studyquill, mas mahirap makahanap ng kaibigan sa kolehiyo lalo na sa


online class. Ayon sa kanya "bihira kang makasalubong ng dalawang beses ang mga tao maliban
kung gumawa ka ng pagsisikap na kumonekta sa kanila". Isang tip na kanyang binigay ay ang
pagsali sa mga mga club at organisasyon upang regular na makita ang parehong mga tao na may
parehong interes sayo.

Bisitahin si studyquill sa Youtube para sa mas marami pang tips.


I-click ang litrato sa ibaba para sa video
Pag-aaral ng parmasya
Marami kang dapat isaulo
Ang mga pangunahin asignatura na pinag-aaralan ay
tungkol sa chemistry. Lahat ng subject o asignatura na
pinag-aaralan ay tungkol sa kemika. Pumupunta kami
sa laboratory para pag-aralan ang iba't ibang kemikal
ang mga reaksyon nito sa isa't isa. Maraming iba't ibang
uri ng kemikal kaya't dapat namin itong isaulo lahat.
Hindi lamang ang mga pangalan ng kemikal o elemento
pati na rin ang kanilang mga symbolo, mga gamit nito,
kung ano ang kayang gawin nito sa ibang kemikal o ang
kanilang reaksyon, at ano importansya ng mga ito sa
industriya ng parmasyutiko.

Hindi lamang ang mga kemikal ang dapat isaulo ng mga


studyante sa parmasya, dapat din naming isaulo ang
mga abbreviation o mga salitang jargon na ginagamit sa
mdical na mundo. Ito ay ginagamit para sa
komunikasyon sa iba pang medikal na propesyonal lalo
na sa mga doktor na nagbibigay ng reseta sa mga
pasyente at ibinibigay naman sa mga pharmacist para
mabigyan ng tamang gamot ang mga pasyente.
Imahe ni: Micaella Abedejos

Pressure
Nung nag start ako mag pharmacy nakaramdam ako ng pressure na maging magalin dahil sa ako
naman ang panganay sa pamilya at ang unang med student. Hindi ko naman gugustuhin na
madismaya ang aking pamilya sa akin dahil na rin sa mahal ng tuition sa paaralan na pinasukan.
Similar na karanasan kay Jennie na ibinahagi nya sa vlog ni Arshie sa youtube. Ayon sa kanya,
sayang naman ang tuition kung hindi ko naman gagalingan. Ayon naman kay Arshie, hindi sya na
pressure dahil sa hindi naman gusto ng mga magulang niya ang matataas na marka basta't
makapasa lang at makatapos ng pag-aaral. At kung nape-pressure ka man dahil sa iyong mga
magulang, mas magandang kausapin sila na ibaba ang expektasyon dahil di maipagkakaila na
mahirap talaga ang pag-aaral sa parmasya.

Bisitahin si arshiLiFE sa Youtube para sa mas marami pang tips.


I-click ang litrato sa ibaba para sa video

Pag-aaral ng parmasya
Laboratory Classes
Bawat linggo meron kaming tinatawag na laboratory
classes at para rito, kailangan naming pumunta sa
unibersidad. At para sa akin na nakatira malayo sa
unibersidad at kailangan pang mag commute o
sumakay ng dalwang jeep para makarating sa paaralan
mahirap ito dahil sa madami kaming dapat dalhin.
Kabilang dito ang lab kit, isang pares ng sapatos,
hygiene kit, at laboratory gown para sa tinatawag na
PPE na kinakailangan sa laboratory. Mahirap mag
commute na dala-dala ang malaki at mabigat na bag.
May pa minsan pa na kinakailangan dalhin ang laptop
para sa online class at presentasyon pagkatapos.

Bagamat marami man ang pagsubok na kinakaharap,


masaya naman ang unang taon ng pagiging estudyante
sa parmasya. May mga bagong kaibigan na akong
nakilala, mga interesadong bagay na gigawa namin sa
laboratory, at mga paksa na kamanghamangha na
aking natuklasan. Imahe ni: Micaella Abedejos
Imahe ni: Micaella Abedejos

Masaya ang matuklasan ang mas maraming bagay sa larangan ng medisina. Nakakabighani na
matuklasan kung paano gumagana ang katawan, gamot, at kemikal. Ang mga bagay na iyong
natututuhan ay tiyak na ilalapat sa tunay na mundo. Kaya't tangkilikin ang mga bagay na
natututuhan mo ngayon. Mas madali mong matutunan ang mga bagay kung nasisiyahan ka sa
mga ito. Maglaan ng oras para mag enjoy sa mga bagay bagay at makakilala ng ibang tao.
Romanticize ang buhay. Okay lang na mag enjoy hindi sa lahat ng panahon ay kailangan mong
maging magaling. Mag-explore ka. Mas marami pang bagay sa buhay na hindi ko naranasan. Baka
maranasan mo pa ang mga bagay na hindi ko naranasan. Ang buhay ay hindi mahuhulaan,
tangkilikin ito.

Imahe ni: Micaella Abedejos

Hindi ko man nagustuhan ang disisyon na pumasok sa unibersidad bilang isang istudyante sa
parmasya, natututunan kong mahalin at nasisiyahan sa aking inaaral. Marami na akong
natutunan sa mula sa aking mga mababait at mahuhusay na propesor kaya't kinakaya ko ang
mga pagsubok na hinaharap at ihaharap sa aking ng parmasya.

Tips para sa mga pharmacy student


kagaya ko
Ang mga tips na ito ang mga payo na gusto ko ring sabihin
at i-apply sa aking sarili.

1. Pamamahala ng oras - kailangan ito lalo na maraming


kailangan gawin at ipasa na proekto sa iba't ibang
propesor. Hindi na ito katulad ng highschool na
madaling makahingi ng palugit sa oras.
2. Magpahinga ka - huwag masyadong pilitin ang sarili na
tapusin ang inaaral na asignatura sa isang gabi na hindi
natutulog. Kahit na anong aral mo kapag pagod ang
iyong katawan hindi gaanong gagana ang iyong utak
para sa pagsusulit na pinaghahandaan mo.
3. Ang isang failing grade ay hindi nangangahulugan na
ikaw ay isang kabiguan - Ako rin ay nagkaroon na ng
bagsak na marka sa isang pagsusulit ngunit hindi ibig
sabihin na susuko na ako. Hindi ibig sabihin na ako ay
sang kabiguan. Wag ka masyadong malupit sa sarili
mo, ayos lang ang madapa paminsan bumangon ka at
subukan muli. Kaya natin to!
Imahe ni: Micaella Abedejos

BY: MICAELLA ABEDEJOS

You might also like