Q2 ESP8 Written Test 4 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Name: ________________________________ Grade/Section: ________ Score: _____


School: _______________________________ Teacher: __________________________

SECOND QUARTER
Written Test No. 4

PANUTO: Unawain ang mga pangungusap sa ibaba at piliin ang titik ng pinaka-
tamang sagot.

1. Ano ang kahalagahan ng pamumuno ng isang lider?


A. Pagkakaroon ng awtoridad sa mga tagasunod at pagbibigay ng direksiyon sa
nasasakupan.
B. Pagkakaroon ng isang mangunguna at dapat laging sundin ng mga
nasasakupan.
C. May tagasulong ng katuparan ng layunin ng iilan.
D. May gagawa ng plano para sa mga nasasakupan.

2. Paano mo maipamamalas ang pagiging isang mabuting tagasunod?


A. Aktibong makisali mula sa pagpaplano hanggang sa pagpapatupad ng
proyekto ng isang samahan.
B. Magbigay ng ideya kaugnay sa proyekto bilang pakikibahagi sa samahan.
C. Dumalo at makinig sa bawat pagpupulong ng samahan.
D. Alamin ang mga layunin ng samahang kinabibilangan.

3. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang


tagasunod?
A. Aktibo sa pagtulong sa paglalagay ng dekorasyon sa kanilang lugar si Allen
kahit siya ay may kapansanan.
B. Abala sa pagtulong sa tindahan nila si Andy kaya bihira siyang makasama
sa paggawa ng pangkatang proyekto.
C. Kilala ang pamilya nila Mira sa kanilang lugar kaya hindi na niya kailangan
pumila kapag may kailangan siya.
D. Masunurin si Maria sa mga patakaran sa kanilang purok kahit madalas
itong magreklamo.

4. Si Thea ay palakaibigan at madaling kausap kaya nakilala siya kaagad ng


kanyang mga kaklase at maraming magaan ang loob sa kanya. Anong kakayahan
ang taglay niya bilang tagasunod?
A. kakayahan sa sarili
B. kakayahan sa trabaho
C. kakayahan na mag-organisa
D. kakayahan sa pagpapahalaga

5. Paano maipakikita ang mapanagutang pamumuno ng isang lider?


A. Piliting ipatupad sa mga kasapi ang mga gawain upang makamit ang layunin
ng pangkat.
B. Pamunuan ang mga kasapi tungo sa maayos at payapang pagkamit sa
layunin ng pangkat.
C. Gamitin ang posisyon upang magkaroon ng kapangyarihan na mapakilos
ang pinamumunuan.
D. Impluwensiyahan ang mga pinamumunuan na kumilos tungo sa pagkamit
ng kanya-kanyang layunin.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
6. Alin sa sumusunod ang katangian ng mapanagutang lider?
A. May malawak na karanasan sa pagiging lider
B. May sapat na tiwala sa sarili upang manindigan
C. May kakayahang tumingin sa sariling kapakanan
D. May kakayahang makakita, makakilala at makalutas ng suliranin.

7. Masasabing ang isang tagasunod o kasapi ng pangkat ay nakikiisa sa mga


gawain kung siya ay nagpapakita ng________________________________________.
A. mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
B. mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
C. mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
D. mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi

8. Ano ang magiging bunga sa isang pangkat o pamayanan kung


mayroon itong maayos at magaling na lider?
A. Magiging maayos at organisado ang samahan.
B. Lahat ay susunod kahit hindi sumasang-ayon.
C. Mas uunlad pa ang kakayahan niya bilang lider.
D. May maayos na patakarang susundin ang mga kasapi.

9. Ano ang pinakamainam na hakbang upang matuto at malinang ang sarili bilang
mapanagutang tagasunod?
A. Paglahok sa mga gawaing pansibiko.
B. Pagsama sa mga mababait na kaibigan.
C. Pagtatanong sa nakatatanda kung ano ang dapat gawin.
D. Pagbabasa ng mga aklat kaugnay sa pagiging masunurin.

10. Alin sa mga sitwasyon ang higit na nagpapakita na may pagkakaisa sa isang
pangkat?
A. Pinakikinggan ang sinasabi ng lider.
B. Pinag-uusapan ng bawat kasapi ng pangkat ang dapat gawin.
C. Ginagawa ng lider ang lahat habang pinapanood ng mga kasapi.
D. Nagkakasundo ang mga kasapi at ginagawa ng buong husay ang kanya-
kanyang gampanin.

11. Paano natin masasabing ang isang lider ay may kahusayan?


A. Gumagawa ng tamang pagpapasya para sa lahat.
B. Minsan siyang naging isang mabuting tagasunod.
C. Kilala sa lipunan dahil laging nakikita sa social media.
D. Palaging laman ng balita sa radio, telebisyon at pahayagan.

12. Bilang isang lider, anong pinakamahalagang aspekto ang dapat isaalang-alang sa
pagpapasya tungo sa ikatatagumpay ng isang proyekto?
A. sapat na pondo
B. opinyon ng kasamahan
C. kagustuhan ng bawat isa
D. kapakanan ng nakararami

13. Anong kilos ang maaaring gawin ng isang tagasunod upang maging
matagumpay ang layunin ng pangkat? .
A. Hayaan na ang lider ang palaging nagsasalita.
B. Ipaubaya sa lider ang mga gawain dahil magaling naman siya.
C. Suportahan ang lider sa kanyang gagawing pasya para sa kabutihan ng
nakararami.

2
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
D. Pakinggan ang lider at iba pang kasamahan kahit hindi sang-ayon sa kanilang
sinasabi.

14. Sino sa sumusunod ang nagsagawa ng angkop na kilos sa pagpapaunlad ng


kakayahang maging lider?
A. Si Elen na may hangaring pumasa sa Grade 8 ang buong klase.
B. Si Lino na tumutulong sa kaklase sa pagsagot ng gawain sa modyul.
C. Si Lyn na ginagawa ang lahat para tumaas ang kanyang marka sa lahat ng
asignatura.
D. Si Eli na palaging pinaalalahanan ang mga kaklase na maging maagap sa
paggawa ng mga gawain sa lahat ng asignatura.

15. Bilang isang lider, ano ang nararapat mong gawin upang mahikayat ang
kasaping nawalan ng determinasyong ipagpatuloy ang nasimulang performance
task?
A. Payagan ang kasamahan na gawin ang kanilang gusto.
B. Imungkahi sa guro na ilipat na lamang sila sa ibang pangkat.
C. Palipasin muna ang ilang araw bago ipagpatuloy ang nasimulang
performance task.
D. Bigyan ng gawain na angkop sa kanilang hilig at interes kaugnay sa pagbuo
ng performance task.

Prepared by:

LEAH S. QUITAYEN
MT1, Rizal High School

Checked by:

CAROLINA Y. SAMPAGA
HTIII, Santolan High School

Noted by:

MARIETTA M. LIMBO
Public Schools District Supervisor - Cluster V

PERLITA M. IGNACIO
Education Program Supervisor 1

You might also like