Ang Pulang Sapatos

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DANDUAN, ELLA BELLE P.

BBED 1A FILIPINO 1

Ang Pulang Sapatos


May nakatirang bata na ang ngalan ay Karen sa isang maliit na kubo sa isang bayan
kasama ang kanyang ina. Isang sapatos lamang ang meron si karen at gawa lamang ito ng
kaniyang ina mula sa kahoy, ito lamang ang kayang ibigay ng kanyang ina dahil sa sila ay
walang pera at isang mahirap lamang. Di nagtagal ay nagkasakit na malubha ang ina ni Karen,
kaya siya ang nag-alaga sa kaniyang ina magdamag.
Isang araw habang dumadaan si karen sa isang kalsada ay may nakita siyang isang
kahon na ang laman ay isang pares ng pulang sapatos, at alam niyang gustong gusto niya ang
sapatos na iyon. Iniuwi niya ito at ipinakita sa kanyang ina. Ang ina niya ay hindi natuwa sa
ginawa ni karen at ito’y pinagsabihan “hindi ka basta-basta kumukuha ng mga bagay na alam
mong hindi iyo, pagnanakaw ang ginawa mo, paano kung may naghahanap ng sapatos na
iyan?.” Saad naman ni Karen na “kung inilagay na ito sa gilid ng kalsada, ay sa malamang hindi
na ito ginagamit o mahalaga sa may-ari.” Alam kong mahirap lang tao anak pero hindi yun
basehan para gumawa ka ng mga ganyang bagay na nakakasama, ipangako mo sa akin na
hindi mo susuotin ang pulang sapatos na iyan“, sabi ng nanay ni Karen.
Mahal ni Karen ang kaniyang ina at ayaw niya itong nakikitang malungkot, kaya hindi na
niya inisuot ang pulang sapatos at ipinangako niya ito sa kaniyang ina. Pero kahit ilang araw na
lumipas hindi pa rin makalimutan ni Karen ang pulang sapatos.
Paglipas ng ilang araw ay tuloyan ng namaalam ang ina ni Karen, labis na kalungkutan
ang kaniyang naramdaman sa pangyayari. Sa araw ng paglibing ng kaniyang ina ay isinuot ni
Karen ang pulang sapatos na ipinagbabawal ng kaniyang ina. Lahat ng mga bisita ay
napapatingin sa kaniya at sa kaniyang pulang sapatos pero balewala lamang ito kay Karen.
Sa libing ng nanay ni karen ay may napadaan na matandang babae sakay ng kalesa.
Bumaba ito at pumunta kay karen dahil napagalaman ng matandang babae na ulila na ang
batang si Karen. Ngunit nagulat ang matandang babae dahil sa suot ni Karen na pulang
sapatos ito’y agad-agad niyang ipinahubad dahil ito daw ay nakakawala ng respeto sa patay.
Sa kabila ng lahat ng yon inampon ng matandang babae si Karen. At binigyan ng
bagong matitirahan, bagong mga damit at sapatos , at mapag-aaral niya ito para sa
kinabukasan ni Karen. Ito naman ay tinanggap ng lubos ni Karen.
Sa paglipas ng mahabang panahon at nagdalaga na nga si Karen at lalong gumada
ngunit isa sa hindi nagbago ay kaniyang katigasan ng ulo at sa pagsuway palagi sa utos.
Dahil sa dalaga na nga si Karen, ang kaniyang sapatos at damit maliliit na sa kanya,
napansin ito ng matanda, kaya namili sila ng sapatos. Sa tindahan ng sapatos ay may nakita si
karen ng kagaya ng pulang sapatos noong bata pa siya, kaya naman ito ang napili niyang
bilhin. Pero hindi sangayon ang matanda dito, pinapapili lamang siya ng isa dahil sakto lamang
ang pera ng matandang babae kaya dapat yung magagamit ni Karen sa araw-araw at sa pwede
niyang suotin sa panglibing, bawal ang pulang sapatos dahil nakakawala ng respeto yon. Pero
dahil sa matigas ang ulo ni Karen ang pulang sapatos pa rin ang kanyang pinili at binili.
DANDUAN, ELLA BELLE P. BBED 1A FILIPINO 1

Naubos na lamang ang pera ng matanda babae dahil sa dalawa ang biniling sapatos
para kay Karen. Kaya naman naglakad na lang sila pauwi kahit alam ni karen na masakit na
ang paa ng matandang babae. Habang naglalakad napasabi nalang sa hangin ang matandang
babae na “wag na sanang matigas ang ulo mo Karen at baka magsisi ka sa huli.”
Kinabukasan ay may pupuntahang libing ang matandang babae at nais niyang isama si
Karen. Kaya naman nagbihis na si Karen ngunit isinuot niya ay ang pulang sapatos. Habang
naroon sila sa libing ay pinagtitinginan si Karen ng mga tao. May isang tao nakapagsabi sa
matandang babae tungkol sa pulang sapatos na suot ni Karen. Nang makita ito ng matanda ay
agad siya nitong hinila palayo sa labas ng sementeryo.
Sa labas ng semetryo ay pinagsabihan si Karen ng matandang babae. Sa kanilang pag-
uusap ay may isang sundalo na nakasaksi sa nangyari, ito ay lumapit at lumuhod at tila’y may
ibinulong sa sapatos ni Karen. “maging sutil ka kagaya ng may-ari sayo, sumayaw ka ng
sumayaw” sabi ng sundalo sa sapatos ni Karen sabay tapik dito. Pinuri ng sundalo ang
kaniyang pulang sapatos “nabighani ako sa pula mong sapatos siguro ko magaling kang
sumayaw, binibini?” sabi ng sundalo. Napatango si Karen at lubos na natuwa sa sinabi ng
sundalo. Dahil sa katuwaan ni Karen ay nagpakita ito ng isang sayaw, ngunit sa kaniyang pag
sayaw ay napansin niyang hindi na mahinto ang kaniyang paa, hanggang sa papalayo na siya
ng palayo at hanggang sa makaramdam na siya ng labis na kapaguran, sakit, gutom at tila hindi
pa rin siya humihinto sa pagsasayaw.
Napunta na siya sa isang gubat at doon siya nagmakaawa at nangako na hindi na siya
magiging pasaway at makikinig na sa mga utos. Nang tuloyan ng matanggal ang sapatos ay
sugat-sugat na ang kaniyang paa, at labis na pagod at gutom ang dinanas ni Karen. Sa mga
nangyari napagtanto ni Karen ang dulot ng kaniyang katigasan ng ulo at hindi pagsunod sa
utos, kaya labis ang kaniyang pagsisi. Hindi na siya makalabas ng bahay dahil nakikita niya ang
pulang sapatos na sumasayaw.
Payo sa kanya ng matandang babae na magdasal parati upang humingi ng patawad sa
nagawa at papakinggan siya ng panginoon. Kinuha na ng sundalo ang sumasayaw na pulang
sapatos dahil nakita nito ang pagbabagong ginawa ni Karen.
Simula noon naging mabait, masunurin na si Karen. Naging maganda na ang kaniyang
buhay at tuluyan na niyang nakalimutang ang pulang sapatos.

You might also like