Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ARALING PANLIPUNAN PERFORMANCE TASK

WEEK 1-2 QUARTER 3

Ang aking iginuhit ay may temang “ang mga tugon at kung


paano ipinagtangol ng mga Pilipino ang kanilang sariling
laban sa mga mapang-abusong Espanyol”. Sa aking iginuhit
ay matatanaw natin ang watawat ng Pilipinas. Sa kanang
bahagi naman nito ay makikita natin si José Protacio Rizal
Mercado y Alonso Realonda o mas kilalang Jose Rizal, isang
bayani na sumulat ng Noli me Tangere at El Fulibusterismo.
Ginamit niya ang kanyang lakas sa panunulat laban sa mga
Espanyol. Masisilayan din natin dito ang mga letrang “KKK”
na ngangahulugan na Kataas-taasang, Kagalang-galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Mayroon din dito na mga
katutubong Pilipino na gustong mag-alsa dahil hindi nila
hinayaan na sila ay maging sunud-sunuran na lamang sa mga
kautusan ng mga Espanyol. Ngunit ang ibang mga katutubong
Pilipino ay mas piniling manatili na lamang sakanilang
sitwasyon kaysa sila ay sumuway sa mga kautusan at
maparusahan. Sa tingin ko, nanahimik na lamang sila at
nagtiis sa hirap dahil para nalang din ito sa kanilang sariling
kaligtasan.

Inihanda Ni: Alyzza A. Medina

You might also like