Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

ISKRIP

[paunang tunog - umaalinsunod sa magsasalita - sampung segundo bago ang tagapagsalays


ay]

Audio 1: Tagapagsalaysay (Christian Dave): Nangunguna sa Pilipinas~~… ISU-BAC Bro


adcasting Company~~… Dramarama sa Tanghalian~. Members: Kapisanan ng mga Brodkast
er sa Pilipinas~~

[sound effect]

Audio 2: Tagapagsalaysay (Christian Dave): Himpilang Pangkasaysayan 107.9 ISU Radio


Station~… Iba’t ibang suliranin sa lipunan. Mga kasaysayang hango sa tunay na buhay. Mga
kwentong kapupulutan ng gintong aral. Dito lang ‘yan sa himpilang pangkasaysayan 107.9 IS
U Radio Station... Radyo-Klasiko

[sisingit ang lumang awiting - lalakas ang musiko at hihina kapag magsasalita na ang tagap
agsalaysay - sampung segundo]

Audio 3: Tagapagsalaysay (Christian Dave): Sa Direksyon nina Christian Dave Andres at J


ireh-el Camacam… Sa paglalapat ng musika ni Josh Carlo Padilla. At sa pangkalahatang prod
uksyon ng ISU BAC Broadcasting Company

[lalakas muli ang musika - dalawampung segundo]

Audio 4: Tagapagsalaysay (Christian Dave): At ngayon, sa isinadulang buhay dito sa himp


ilang pangkasaysayan 107.9 ISU Radio Station.... kuwentong hango sa tunay na buhay… isin
ulat ni Reynaldo Mendoza… Nasa linya… Jireh-el Camacam…

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[pagsingit ng awitin para sa pag-uumpisa ng kuwento - alinsunod ang musika bilang backgr
ound]
Audio 5: Tagapagsalaysay (Jireh-el): Isang ulirang magsasaka. Masipag at matiyaga sa gaw
aing bukid. Nakasanayan na ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga binhi sa palayan sa ilalim n
g mainit at tirik na araw. Subalit sa likod ng pakikipagbuno sa hirap ng gawain - hindi alintan
a ng pawis ang bawat kapaguran, makapagbigay lamang ng makakain sa pamilya.

[Insert plowing sound effect].

Audio 6: Tagapagsalaysay (Jireh-el): Siya si Mang Pedro. Isang masigasig na magsasaka n


a mayroong maliksi at masipag na anak na si Martin, na malugod siyang tinutulungan sa gaw
aing bukid.

[lalakas ang awiting at mangingibabaw ng tatlumpung segundo]

Audio 7: Tagapagsalaysay (Christian Dave): At ngayon mga kaibigan, mag-uumpisa na an


g madulang kwentong pinamagatang “Bago Pumatak ang Susunod na Luha” dito lang ‘yan sa
himpilang pangkasaysayan 107.9 ISU Radio Station

[Panibagong awitin klasiko natumutgma sa pangyayarihan ng eksena]

Audio 8: Batang Martin (Josh Carlo): Itay… Itay… kakain na ho! (sumisigaw habang kum
akaway)

[Tunog/Ingay - naglalakad, uupo, ilalabas ang kaldero at kakalansing ang takip nito, magsa
salita si Pedro]

Audio 9: Pedro (Agan): Oh, Martin anak, bakit nga pala ikaw ang nagdala ng pananghalian
ko ngayong araw? Nasaan si Inang mo at si Neneng?

Audio 10: Batang Martin (Josh Carlo): Ahhh… Eh ‘tay, may sakit ho si Inang, medyo nila
lagnat ho kaya ako na ho ang nagdala ng inyong makakain ngayon. Si Neneng po kasi ang na
g-aalaga kay Inang ngayon. Atsaka Itay, gusto ko rin hong tumulong ulit sainyo dito sa sakah
an kaya ho ako ang nagpunta rito ngayon.

Audio 11: Pedro (Agan): Ganoon ba?~ o siya sige, kumain ka na’t marami pa tayong aasika
suhin sa bukid.

[masayang musiko at bibiglain ng malungkot na musiko]


Audio 12: Tagapagsalaysay (Jireh-el): Subalit minsa’y talaga namang mapagbiro ang tadha
na. Minsan, sa hindi inaasahang pagkakataon, inatake si Mang Pedro ng kanyang sakit at nap
ulmunya [dadagundong ang awitin]. Hindi na kinaya ng kanyang katawan ang karamdaman
hanggang sa bumigay na ito… At binawian na ng buhay.

[insert music pagluluksa]

Audio 13: Nanay (Leymelynn): Pedro… Pedro! (hahagulgol)... Bakit mo kami iniwan (haha
bulin ang hininga)... Paano na kami ng mga anak mo… Pedro naman, gumising ka! (lalakas a
ng daing ng puso)... Huwag mo kaming iiwan!..

[musikang may halong daing ng pagkalumo’t kapighatian]

Audio 14: Tagapagsalaysay (Jireh-el): Dahil sa pagkamatay ni Mang Pedro, nasadlak sa hi


nagpis at pagkabagabag ang buhay nina Martin. Nawala ang haligi ng tahanang nagbibigay n
g pang-araw-araw na pagkain. Dinamdam ni Martin ang pagkawala ng ama subalit hindi nagi
ng hadlang ito upang sumuko siya sa buhay. Sa murang edad, mas pinagtibay ni Martin ang k
anyang kalooban at nagtrabaho sa bukid gaya ng kanyang ama. Pinagbuti ni Martin ang kahu
sayan na minana’t itinuro ng kanyang itay sa kanya upang matustusan at maibigay ang panga
ngailangan ng pamilya.

[limang segundong katahimikan]

Audio 15: Nanay (Leymelynn): Maraming salamat sa Maykapal at biniyayaan ka ng masipa


g at maarugang kapatid Neneng. Kung wala ang iyong kapatid, marahil, hindi ko na alam kun
g saan tayo kukuha ng makakain (nangangarag at nangangatal ang boses, medyo maluluha).

[Classic Music, First Verse]

Audio 16: Tagapagsalaysay (Jireh-el): Makalipas ang ilang taon at nagpatuloy ang kasagan
aan ng buhay-pamilya ni Martin. Sa pagsapit ng edad labing siyam (19) ay ang siya ring pagp
apakasal nito sa nakababatang si Lumen na matagal na niyang iniirog sa kabalintunaan ng p
agkabata. Naging masaya ang pagsasama ng dalawang magkasintahan hanggang sa pagkaraa
n ng siyam na buwan ay nagluwal at nagsilang si Lumen ng isang malusog na sanggol sa sina
pupunan. Sa kadahilanang ito, mas lalong ginanahan si Martin na kumayod ng husto.

Audio 17: Binatang Martin (Agan): Salamat sa Diyos at malulusog ang aking mga itinanim
na talong. Panigurado akong magiging masagana ang ani ko ngayong darating na buwan.

[inset music]

Audio 18: Tagapagsalaysay (Jireh-el): May mga gabing “hapi-hapi” si Martin na dumaratin
g sa puntong pag-inom ng serbesa kasama ang mga kanyang kaibigan.

Audio 19: Binatang Martin (Agan): Mga kaibigan, uminom tayo. TAGAY! (medyo lasing
ang boses).

Audio 20: Unang Kaibigan (Josh Carlo): Mukhang nagsisipag ka yata ngayon kaibigang M
artin. Ibahagi mo namang ang iyong kasiyahan (nasa ulirat pa).

Audio 21: Binatang Martin (Agan): Oo eh, nanganak na kasi si Misis, kaya heto, kailangan
ko pang mag-doble kayod at magsikap (susubuking ituwid ang boses)

Audio 22: Ikalawang Kaibigan (Christian): Ganun talaga pare (pagsang-ayon).

Audio 23: Tagapagsalaysay (Jireh-el): Upang mas mapabilis ang kwarta at kita ay nangontr
ata siya bilang “sprayer” sa iba’t ibang bukirin. Madalas ay mula alas-onse (11) ng umaga an
g umpisa ng kanyang pagtatrabaho at nagtatapos ng dapithapon na.

[insert music]
Audio 24: Tagapagsalaysay (Jireh-el): Tanghalian, ni hindi man lamang naghugas ng mga
kamay si Martin pagkatapos magtrabaho bago kumain.

Audio 25: Lumen (Leymelynn): Martin! Taong ito, OO… Maghugas ka naman muna ng ka
may bago ka kumain para maalis ang mga kemikal na kumapit sa mga kamay mo (inis ang bo
ses na may dalang awtoridad sa boses).

[insert music]

Audio 26: Lumen (Leymelynn): Martin, ‘di ba dapat ay may mga sapat kang pananggalang
laban sa gamot na ginagamit mo? Ako ang kinakabahan sayo. Baka mapano ka (nag-aalala ng
unit buo ang boses). At tignan mo, tignan mo ‘yang suot mong damit, napaka nipis, baka map
ano ka talaga n’yan.

Audio 27: Binatang Martin (Agan): Eh, mahal, alam mo namang mas komportable ako sa g
anitong damit. Atsaka, kung maaari n ga ay wala akong saplot pang itaas… tutal guwapo’t m
acho naman ang mister mo, hindi naman masama ang gan’to, hindi ba mahal? (tonong pabir
o)

Audio 28: Tagapagsalaysay (Jireh-el): Hindi natinag sa inis at babala si Martin sa kanyang
asawa at nagpatuloy lang sa pagtatrabaho sa pag-i-spray. Naging matigas ang ulo ni Martin al
ang-alang sa maibibigay sa kanyang pamilya. Subalit, pagkalipas ng ilang buwan ay bumigay
ang katawan ni Martin at nawalan ng malay.

Audio 29: Binatang Martin (Agan): Para… parang nahihilo ako (babasak).

Audio 30: Unang Nakakita Babae (Jireh-el): Naku po, santa marya ina ng awa, natumba si
Martin! (humahangos, tatakbo, at sisigaw).

([insert music, bubuhatin si Martin, ilalapat ang tunog ng mga dahong natapakan at tunog isas
alpak sa lilim ng Mangga)
Audio 31: Ikalawang Nakakita Lalaki (Josh Carlo): Nahihilo si Martin, dali, kumuha kay
o ng mainit na tubig at lagyan ninyo ng asukal (hindi mapakali)

[insert music, nakakakaba]

Audio 32: Ikalawang Nakakita Lalaki (Josh Carlo): Naku po! bumubula na ang bibig ni
Martin! Delikado na ‘to, dali-dali, itakbo na natin siya sa ospital.

[sabay-sabay na boses na nag-aalala]

[wang-wang ng ambulansya]

Audio 33: Lumen (Leymelynn): Martin (imiiyak)... Sinabi ko na nga ba, eh. Masama ang pe
stisidyo sa katawan ng tao… Martin naman kasi (iiyak).

[kakatok, bubukas ang pinto sa kaliwang bahagi sa loob ng ospital, maglalakad ang doktor (tu
nog ng takong), susuriin ang pintig ng pulso.]

Audio 34: Doktor (Christian): Misis, kumalat na sa kanyang katawan ang lason ng pesticide,
wala na akong magagawa.

[magigimbal si Lumen]

Audio 35: Lumen (Leymelynn): Dok, ano’ng ibig ninyong sabihin?

Audio 36: Doktor (Christian): Wala ng pag-asa ang inyong asawa misis. Ang kamandag ng
pestisidyo ay naipon na sa kanyang katawan. Sa palagay ko’y siyamnapu’t walang porsyento
ang kumalat sa kanyang sistema. Nakakalungkot mang isipin misis, pero… maaari na po niny
ong iuwi ang inyong asawa. Baka ho gusto ninyong doon na lamang sa inyong bahay siya ma
lagutan ng hininga.

[dadagundong ang musika, hahagulgol si misis, malakas at pahina ng pahina ang mga tuno
g]

Audio 37: Tagapagsalaysay (Jireh-el): Sayang na buhay, maagang binawian ng oras sa mun
do, dahil lamng sa kamandag.

[Music]

Audio 38: Tagapagsalaysay (Jireh-el): Ano kaya ang mangyayari sa buhay nina Lumen at n
g kanyang anak sa pagpanaw ni Martin… Mga kaibigan inyong narinig ang unang kabanata n
g kwentong buhay nina Martin at Lumen ngayong sabado na pinamagatang “Bago Pumatak a
ng Luha” dito lang ‘yan sa himpilang pangkasaysayan 107.9 ISU Radio Station~~~

[Outro music]

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Outro, Pagpapakilala sa mga gumanap]

Audio 39: Tagapagsalaysay (Christian Dave): Kasaysayang Panulat ni Reynaldo Mendoza


…. Mga nagsisipagganap…. Jireh-el Camacam bilang tagapagsalaysay, Christian Dave Andr
es bilang batang Martin at Doktor, Crucillo Agan bilang Binatang Martin, Leymelynn Lanuza
bilang Lumen at Josh Carlo Padilla bilang kaibigan. Naglapat ng musika’t awitin: Josh Carlo
Padilla; lumika iskrip: Christian Dave Andres; nagsalaysay ng kwento; Jireh-el Camacam. A
t sa kabuuang produksyon at direksyon ng ISU BAC Broadcasting Company.

[Bagong awitin, medyo masiglang awitin, ending 1 min]


Audio 40: Tagapagsalaysay (Christian Dave): Nangunguna sa Pilipinas. ISU-BAC Broadc
asting Company. Dramarama sa Tanghalian. Members: Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pili
pinas…

- ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Audio 41: Tagapagsalaysay (Christian Dave): Susunod na ang PG Files Lovers… Abanga
n

[Music 2 mins]

Audio 42: Tagapagsalaysay (Leymelyn): Kumusta mga ginigiliw naming tagapakinig? Nari
to na naman po kami sa pagsasadula ng mga pangyayaring lumikha ng mga suliranin at bagab
ag sa puso ng bawat tao. Ngayong ding araw na ito, ay muli naman kaming magbabahagi ng i
sang talaksang pag-ibig na maaring pumukaw sa damdamin ng ating mga puso. Sagayong nas
usuring mabuti ang bawat kuwento at talaga namang ibig naming mabigyan ng isang aral ang
bawat diwa ng tao ay muli na naman kaming maghahandog ng isang salaysay na pupunit sa d
amdamin ninyo sa katotohanan. Narito sina Adon at Estrel na magkasintahan. Nag-iibigan at
bumubuo ng plano at pangarap sa bisig ng bawat isa. Malayo ang gustong marating ng kanila
ng istorya subalit kaakibat naman ang mga suliranin at problema. Sa kuwentong pag-ibig, hin
di maiiwasan ang magselos at mamali ng akala. Madalas ay pinangungunahan tayo ng panga
mba at tamang hinala sa bawat kilos at galaw ng ating iniirog. Dumarating din sa panahong d
ahil sa pangamba’y nagiging miserable tayo subalit masisisi ba natin ang sarili kung ang puso
ang nagdidikta sa ating emosyon? Ngayon, ating tunghayan at pakinggan ang isasadulang ku
wento na pinamagatang Putok ng Butse na isinulat ni Pat V. Reyes.

(insert music)

Audio 43: Tagapagsalaysay (Leymelynn): Malapit ng ikasal sina Adon at Estrel. Hindi map
igil ang bangayan sa pagpaplano sa pamilya.

(tatlong segundong katahimikan)

Audio 44: Adon (Agan): Mahal, gusto ko ng labindalawang anak. Satingin mo kaya natin ‘y
un?

Audio 45: Estrel (Jireh-el): Ha? Ano ako? Pabrika ng mga sanggol? Manahimik ka nga d’ya
an. Dalawa lang ang gusto kong anak. Isang babae at isang lalaki.

Audio 46: Adon (Agan): Hindi ba pwedeng labingdalawa? O sige, kahit na sampu nalang.

Audio 47: Estrel (Jireh-el): Adon naman eh, ayoko nga! Sabi kong dalawa lang. Atsaka, hin
di naman ikaw ang manganganak eh.
Audio 48: Adon (Agan): Ah ganon, eh bakit ba ayaw mong magkaroon ng maraming anak?
Gagawin ko naman ang lahat para maibigay ang pangangailangan ninyo kapag nagkataon. At
saka, masipag naman ako sa… alam mo na.

Audio 49: Estrel (Jireh-el): Eh, ayoko nga, gusto ko lang dalawa. At magpigil ka nga d’yaa
n. Uupakan na kita eh. Tigil-tigilan mo ako sa kapilyuhan mo ah.

Audio 50: Tagapagsalaysay (Leymelynn): Sa ganoong mga pag-uusap ay mabilis magkaro


on ng alitan at tampuhan ang dalawa. Hindi magkasundo sa mga kagustuhan at hindi magkau
nawaan ng maayos. Ilang araw ang lumipas at paulit-ulit parin ang kanilang eksena. At ng mi
nsang nagkaroon ng pag-aaway ang dalawa ay hindi mapigil ni Adon ang bugso ng puso dahi
l natapakan ang kanyang pagkalalaki.

Audio 51:Adon (Agan): Bakit ganoon? Lagi nalang ganito? Lagi nalang siyang gumagawa n
g dahilan para magkasira kami. At ano yun? Ikukumpara niya ako sa letseng bisugo na iyon.
Punyenta, eh mayaman lang naman iyon at may kotse. At kung pera lang din naman ang pag-
uusapan. Kayo kong gawin lahat para sa kanya at galing pa sa bulsa ko at hindi sa magulang
ko.

Audio 52:Tagapagsalaysay (Leymelynn): Hindi malunok ni Adon ang salitang naririnig ni


ya kay Estrel kung kaya’t napagpasyahan niyang maglasing kasama ang kanyang future biyen
an at nagsenti.

Audio 53:Adon (Agan): Ang sakit PUTANG INA! Ang sakit, sakit tangina talaga.

Audio 54:Biyenan (Christian): Adon (hik) hindi ko naman (hik) main… maintindihan ang
sinasabi mo anak. Masakit ka ng masakit. Ano bang masakit saiyo? May pigsa kaba? Kulane?
Ano?

Audio 55:Adon (Agan): E putang ina, masakit, hindi ko naman akalain na gusto niya yung g
agong mayaman na iyon.

(magwawala, magbabasag ng bote, iiyak ng malakas)

Audio 56:Biyenan (Christian): Naku po!

(sobrang mabibigla, susubuking awatin.)

Audio 57:Tagapagsalaysay (Leymelynn): Matapos ang gabing pagwawala ni Adon kasama


ang biyenan ay ang siya ring pagtanggap ng balita ni Estrel. Sinabi ito ng biyenan ni Estrel na
siya namang ikinalungkot nito.

Audio 58:Biyenan (Christian): Oh, Estrel. Kumusta ka anak? Bakit ka malungkot? Nag-aw
ay na naman ba kayo ni Adon?

Audio 59:Estrel (Jireh-el): Opo Itay. Hindi na naman po yata kami nagkaintindihan noong i
sang araw tapos kagabi, hindi ko man lang siya nakita.
Audio 60:Biyenan (Christian): Ah ganoon ba? Eh kasama kong nag-inom kagabi. Naikuwe
nto niya lahat ng mga nangyari sainyp.

Audio 61:Estrel (Jireh-el): Ganoon po ba Itay? (iiyak)

Audio 62:Biyenan (Christian): O, huwag ka ng umiyak. Normal lang iyon sa magkasintaha


n. Parang hindi ka naman nasanay. Nakikita mo naman kami ng mamang mo noon na ganoon
din dati. Ayusin nalang ninyo ‘yan. Sa pagkaka alam ko’y nasa bukid si Adon ngayon. Punta
han mo at dalhan mo ng makakain.

(tatakbo, maglalakad)

Audio 63:Estrel (Jireh-el): Adon!!! Adon mahal ko!!!

Audio 64:Adon (Agan): Ha? Bakit ka nandito? Umalis ka nga dito. Layuan mo nga ako. Do
on ka, tsupi!

Audio 65:Estrel (Jireh-el): (tatalon kay Adon at lalambingin) Adon, mahal ko, bakit ka nag
kakaganyan? Bigla-bigla mo nalang akong hindi kinakausap. Ano bang problema? May probl
ema, hmm? Sabihin mo sa akin at para malaman ko. Oh, tignan mo yung mukha mo oh, para
ng unggoy HAHA… (sisinghutin ang amoy ni adon) Hmmm… angbango-bango naman ng m
ahal ko. Pakiss nga ako… Muah

Audio 66:Adon (Agan): (Itutulak) kunwa-kunwari ka pang hindi mo alam. Tantanan mo nga
ako. Doon kana sa mayaman at may kotse mong kabit. Magsama kayo doon. Alis!

Audio 67:Estrel (Jireh-el): Asus! Ikaw talaga ang cute-cute mong magselos. Bakit? Nagsese
los kaba kay Ruben?

Audio 68:Adon (Agan): Ewan ko saiyo. Basta. Doon kana. Doon kana sa taong satingin mo
ay magbibigay saiyo ng magandang buhay at kaginahawaan. Kung tutuusin mas magarbo ang
lalaking iyon. Anong laban ko doon sa lampayatot na iyon? Mas guwapo pa ako doon eh.

Audio 69:Estrel (Jireh-el): Sigurado ka? Doon na ako? Hindi moa ko hahabulin kapag pum
unta ako doon? Bahala ka, hindi mo na ulit mararanasan ang ginhawa.

Audio 70:Adon (Agan): Anak ka ng tokwa. Eh ang sakit eh. Ang sakit na marinig na ibinibi
da mo yung bisugong yun.

Audio 71:Estrel (Jireh-el): Bahala ka. Pupunta na ako. Sayang at dinalhan paman din kita n
g makakain. Babye

Audio 72:Adon (Agan): E-Estrel, huy Estrel. Ano ba naman ‘yun, iniwan ako dito. Nagbibir
o lang naman ako eh.
Audio 73:Tagapagsalaysay (Leymelynn): Hindi maikakaila ang tunay at wagas na pag-ibig
ni Adon sa kanyang nobya. Mas lalo siyang nagsumikap para sa kanilang relasyon. Ipinagpat
uloy ni Adon ang lahat at ibinigay ang gusto ni Estrel. Ngunit, minsan, sa buhay ng tao, hindi
natin maiiwasan ang problema at pasakit. Sa pagtatrabaho ni Adon sa bukirin bilang sprayer a
y hindi niya alintana ang maaaring sakit na makukuha kaya’t patuloy lang ang kanyang parpu
pursigi ngunit ng minsang nagkasakit siya dahil sa pesticide na kanyang ginagamit ay ang siy
ang pagdating ng kanyang karibal…

Audio 74:Adon (Agan): ‘tang, kayo ho pala (uubo) wala na ho talaga akong pag-asa ‘tang (u
ubo at sisinghot) talagang mamamatay na ako! Wala na ring halaga ang buhay ko tatang. Ipak
asal niyo na lamang ho si Estrel doon sa bisugong taga-Maynila, total mas mabibigyan ng ma
gandang buhay ng tsonggong iyon si Estrel.

Audio 75: ‘Tatang (Christian): Sira ka talagang bata ka oo, kung ano-anong iniisip mo. Ma
mamatay kana’t lahat selos pa rin ang nasa-isip mo. Mas mamamatay ka pa sa selos kaysa sa
kit mo. Susmaryosep!

(maglalakad at lalapit kay adon)

Audio 76:‘Tatang (Christian): Kita mo na, tignan mo ang katawan mo, ang putla mo na. Al
am mo ba ang dahilan? Syempre hindi mo alam. Eh hindi ka naman dumadalo sa mga pagpup
ulong. Lagi kang nasa sakahan. Trabaho ng trabaho. Atsaka, yun palang (mabubulol) istilo m
o ng paggamit ng pestisisyo, mali pala iyon. At karamihan sa ating magsasaka ay mali ang p
amamaraan.

Audio 77:Adon (Agan): Ano naman po ang relasyon ng lintik na pestisidyo nayan ‘Tang sa
sakit ng puso at nararamdaman ko? Si Estrel ang paksa tapos kung bigla-bigla ninyong ipapas
ok ang pesticide na ‘yan.

Audio 78:‘Tatang (Christian): Eh marapat lang! Dahil yung lalaking pinagpuputukan mo n


g butse eh ‘yun yung taong nagpupulong sa mga magsasaka dito sa atin upang turuan at tulun
gan sila. Atsaka hindi taga-Maynila iyon bungol! Taga-urlos iyon, atsaka, kaya palaging kasa
ma ni Estrel at dumadalaw iyon dito sa bahay eh dahil humihingi ng tulong sa akin.

(biglang may kakatok sa pintuan, magsasalita si Estrel)

Audio 79:Estrel (Jireh-el): Tang! Narito na ho ako. (papasok kasam si Ruben). Oh, sakto, R
uben, siya pala si Adon, ang natatanging lalaki sa buhay ko.

(MABIBIGLA SI ADON)

Audio 80:Ruben (Agan): Uy! Pare, congrats ah, malapit na pala kayong ikasal. Grabe ang s
uwerte mo naman at mayumi ang kagandahan ng taong mapapangasawa mo. At isa pa, napak
abait at matulungin. Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilalang talaga. Ako si Ruben, isa ako
ng Volunteer Scientist dito sa lugar Ninyo. Galing ako sa Department of Community and Env
ironmental Resource Planning. Nakapagtapos din ako ng kolehiyo sa Human Ecology. Luma
pit ako kay Estrel at Mang Kulas dahil sila ang makakatulong sa akin dito at barangay Captai
n si Mang Kulas dito. Sa pamamagitan niyon, mayayapos ko ang puso ng mga magsasaka dit
o at mapagtatagumpayan ang pagtuturo ng tamang paggamit ng pestisidyo na nakakaapekto s
a kalusugan ng tao.

Audio 81:Tagapagsalaysay (Leymelynn):

Mga minamahal, nararapat nating tandaan ng ang pag ibig ay may kaakibat na pagsubok at
lungkot, ngunit ang pinaka mabisang paraan upang malagpasan ito ay ang piliing mahalin
parin ang taong ito sa kabila ng pagsubok at di pag kaka unawan. ang mabuting
komunikasyon at pagkalap ng tamang impormasyon ay epektibo ring paraan upang kayo ay
umabot sa inyong ninanais. Ang sadulang ito ay nag papaala na maari tayong makaranas ng
tunay na pag ibig sa kabila ng mga suliranin at hadlang. Ito ang putok ng butse.

You might also like