Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabanata 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at
paglalarawan sa mga hakbang. Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik, pamamaraan
ng pagpili ng respondente, intrumento, pamamaraan ng pagkalap ng mga datos at istatistikal
na pagssusuri ng mga datos.

A. DESINYO NG PANANALIKSIK
Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng
pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik ngunit napili ng mananaliksik na
gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”, na gumagamit ng talatanungan sa
pamamagitan ng pakikipanayam para makalikom ng datos. Naniniwala ang mananaliksik na
angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng
datos.
Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na
magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging
epektibo sa pananaliksik.

B. PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE


Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang
“Coversational code switching ng mga guro at estudyante ng Central Mindanao University”
ginamit ang simple random sampling at focused group discussion kung saan ang pagpili ng
respondente ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo.
Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral at guro na nasa
Language Education Department. Mayroong walong (8) gurong respondente at sampung (10)
respondente naman na mag-aaral.

C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang mananaliksik ay gumamit ng google meet interview o pakikipanayam bilang
pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral.

D.PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS


Ang mananaliksik ang mismong nagkalap ng mga impormasyon upang lubos na
maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng
ipipresentang datos.

You might also like