Ang pambansang badyet ay ang kabuuang planong maaaring
pagkagastusan ng pamahalaan sa loob ng isang taon. Ito rin ang nagpapakita kung magkano ang inilalaang pondo ng pamahalaan sa bawat sektor ng ekonomiya.
Tandaan:
Kung ang revenue o kita ng pamahalaan ay pantay sa gastusin nito
sa isang taon, masasabing balanse ang badyet. Ibig sabihin, ang salaping pumapasok sa kaban ng bayan ay kaparehong halaga ng ginastos ng pamahalaan.
Samantala, nagkakaroon ng depisit sa badyet (budget deficit) kapag
mas malaking halaga ng salapi ang lumalabas kaysa pumapasok sa kaban ng bayan.
Kung mas maliit naman ang paggasta kaysa sa pondo ng
pamahalaan, nagkakaroon ng surplus sa badyet (budget surplus). Nangangahulugan ito na mas malaking halaga ng salapi ang pumapasok sa kaban ng bayan kaysa sa lumalabas.
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalaga ang paghahanda ng pambansang badyet sa isang taon?
Answer:
Mahalaga ang paghahanda ng pambansang badyet sa isang taon dahil sa
pagbabayet nalalaman kung saan gagamitin ang pera ng bansa at kung magkano ang ilalaan para sa partikular na panggagamitan. Mahalaga ito sa pagpapatupad at pagkakaroon ng katiyakan sa magiging kaunlaran ng bansa sa pamamagitan ng pagsiguro ng mga namamahala nito na wasto at magiging sapat ang bawat alokasyon ng budget sa kaukulang programa ng kasalukuyang pamahalaan ng bansa,
Ilan sa mga gastusin ng pambasang budget ay ang mga sumusunod:
a. Serbisyo pampubliko tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura, agrikultura at iba pa. b. Pambayad utang ng bansa; c. Kaukulang bahagi na nagsisilbing emergency fund ng bans ana maaring gamitin sa matinding pangangailangan.
2. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa paghahanda ng badyet?
ANSWER:
Ang mga bagay na dapat isaalang alang ay ang mga sumusunod:
a. Kita b. Mga Gastusin c. Hawak na pondo d. Mga Balanse.