Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paraan ng pagkontrol sa mga maliliit na

bansa noon:
Imperyalismo - Ang Imperyalismo ay batas o paraan ng pamamahala kung saan
ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang
palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o
paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa
ibabaw ng ibang mga bansa. Ilang malalaki o malalakas na mga bansang
kumukontrol sa ibang mga rehiyon upang makalikha ng isang mas malaking
imperyo.

Ang imperyo ay tinutukoy bilang "isang samahan ng mga bansa o mga tao na
pinamamahalaan ng isang emperador o iba pang makapangyarihang pinuno o
pamahalaan.

Paraan ng pagkontrol sa mga maliliit na


bansa ngayon:
Kahit naman kaunti nalang ang ating mga nababasang balita tungkol sa
pagkontrol o pagsakop sa mga maliliit na bansa, hindi parin maiiwasan ang
Imperyalismo. Sa halip, ito ay karaniwang pangkultura o pang-ekonomiyang
imperyalismo. Ang makapangyarihang mga bansa ay may impluwensya sa mga
hindi gaanong makapangyarihan sa maraming paraan, kabilang ang paggamit ng
mga multinasyunal na korporasyon, mga pribadong korporasyong militar upang
impluwensyahan ang mga dayuhang pamahalaan, at mga banta na ipagbawal
ang tulong pang-ekonomiya.

You might also like