SINESOS

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

FEBRUARY 12, 2023

AVATAR
DERICK NYL D.C. PASCUAL | BSN 4-A

ANO- ANONG URING PANLIPUNAN ANG PINAKITA


SA PELIKULA?
Ang umpisa ng pelikula, ipinakita dito ang makabagong siyudad ng mga tao. Ipinapakita
din dito ang mga antas sa lipunan katulad ng mayaman at mahirap, mahina at malakas.
Ang bidang si “jake” ay isang dating marino ngunit nagkaproblema siya sa kanyang buto sa
likod o spine at naging baldado. Dahil hindi na niya kayang tustusan ang kanyang pag
papa-gagamot, nag resulta ito sa permanenteng pagkaparalisa ng kanyang mga binti. At
dahil dito bumaba ang tingin ng tao sa kanya at nag mukhang mahina. Nabanggit niya na
“ang mayaman lamang ang may kakayahang mag pagamot ng problemang katulad ng
sakanya.” dahil naging paralisado ang kanyang mga binti at tila wala ng silbi. Sumunod na
naging eksena ay sa may lugar ng aliwan, ipinakita dito na ang malakas ay nang-aabuso sa
mas mahina sa kanya. Halimbawa nalang ng isang lalaki na sinasaktan ang isang babae.
Ito’y sinubukan ipagtanggol ni jake ang babae dahil alam niya ang pakiramdam na maging
mahina at walang kalaban laban sa lipunan, kahit na lumpo siya at pagkatapos nilang
awatin siya ay hinagis palabas ng bahay aliwan.

Sumunod na ipinakita dito ay ang paglapit ng mga may antas na tao at si jake ay inalok na
sumali sa isang misyon at humalili sa kanyang kapatid, sa labas ng mundo. Kapalit nito ang
malaking halaga at ang kanyang kinabukasan.

Ito ang mga taktikang ginagamit ng mga nakakalamang sa lipunan upang mapapayag ang
mga nasa mababang antas sa lipunan, para sumunod sa mga gawain, serbisyo o mga gusto
nilang iutos. At ang pang huli at may pinakamalaking pagkakaiba sa uri ng lipunan ay ang
tao laban sa mga humanoid o Na’vi sa mundong pandora. Sila ay triple ang laki kumpara sa
tao, na may asul na balat at namumuhay sa pamamagitan ng kanilang koneksyon sa
kalikasan. Samantalang ang mga tao ay namumuhay na nakadepende sa teknolohiya at ang
mga tao ito ay sakim at may masamang balak sa likas yaman na mayroon sa pandora na
nais minahin ang Unobtanium na may halagang 20 million dollar ang bawal kilo nito.

PAANO NAG-TUNGGALIAN ANG MGA


URING PANLIPUNAN SA PELIKULA?

Ipinakita dito sa pelikula na ang mga tao,


gamit ang mga armas at makabagong
teknolohiyang pagdigma ay nilusob nila ang
pinamumugaran ng mga Na’vi para angkinin
ang anumang bagay na kanilang
mapakikinabangan kahit mayroong ibang
buhay na nagmamay ari nito. Hindi nag
padaig ang mga Na’vi na ang gamit lamang
ay pana habang ang iba ay nakasakay sa
kabayo o sa nalipad na ibon upang maprotektahan nila ang kanilang tahanan at ang
kanilang henerasyon. Nilabanan nila ang mga tao sa pangunguna ng Avatar na si jake. Siya
ang bidang tao sa pamamagitan ng DNA at koneksyon sa utak ay makokontrol ang isang
katawan ginawa ng mga scientist na katulad ng sa Na’vi. Bago mag simula ang digmaan,
napagtipon tipon niya ang lahat ng tribo ng Na’vi sa pamamagitan ng pagiging “TORUK
MATO”. Nagawa niyang makasakay at makontrol ang pinakamalaki at malakas na TORUK na
nilalang sa pandora na ayon sa mga Na’vi na ang huling nakasakay sa halimaw na iyon ang
ang lolo ng lolo ni neytiri anak ng pinuno ng na’vi.

SINO ANG NANG-API AT INAPI; NAG-SAMANTALA AT


PINAG-SALAMTALAHAN?

Ang mga nang-aapi ay mga tao na


pinamumunuan ni colonel miles rick at
ang mga inaapi o pinagsamantalahan
ay ang mga Na’vi na siyang
nagmamay-ari at nakatira sa lupang
nais sakupin at minahin ng mga tao.
Pakikipagdigma at gumamit ng haras
ang mga tao para mapalayas at takutin
ang mga na’vi.

PAANO INILARAWAN ANG MGA KARAKTER: BIDA BA


O KONTRABIDA ANG NANG-API, NAGSAMANTALA O
PINAGSAMANTALAHAN?

Ang kontra-bida ay ang mga nang-api, ito yung mga tao na gumagamit ng dahas upang
angkinin ang lupain ng Na’vi, pero hindi lahat ng tao ay masama katulad ni jake na sumanib
sa mga na’vi dahil naiintindihan niya ang mga ito at siya din ang tumulong na iligtas ang
pandora at maliban sa kanya marami din taong tumulong iligtas ang pandora at ang
tribong na’vi. Isang pang halimbawa ng pagiging kontrabida sa pelikulang ito ay ang
pag-sira ng mga tao sa kanilang sariling kalikasan.

PAANO BUMANGON MULA SA KAAPIHAN O


SITWASYONG MAPAGSAMANTALA ANG MGA
KARAKTER?

Noong una, ang mga Na'vi ay


lubhang napanghinaan ng loob
dahil ang mga tao ay may
malaking kalamangan sa kanilang
teknolohiya. Nanalangin sila sa
kanilang Diyos na si Eywa, at sa
pamamagitan ni Jake, na pinili ni
Eywa dahil sa kanyang malinis na
puso at walang takot, nagkaroon
ng lakas ng loob ang Na'vi. Nagbibigay ito sa kanila ng kalamangan sa labanan, ngunit nang
maraming Na'vi ang nasugatan at napatay ng mga tao, pinakinggan ni Eywa ang mga
panalangin ni Jake. Pinahintulutan nito ang Na'vi na itaboy ang mga tao pabalik sa Earth.
Ang mabubuti lamang ang pinayagang manatili.
PAANO NAGSAMANTALA SA IBA ANG ILANG
KARAKTER?

Gumamit ang tao ng teknolohiya para takutin ang Na'vi, at bilang resulta, marami sa kanila
ang namatay. Sinamantala nila ang likas na kapaligiran ng Na'vi, na nagdulot sa kanila ng
pinsala.

ALING URI ANG NAGTAGUMPAY SA HULI?

Sa pamamagitan ng pagtutulungan, nagawa ng mga Na'vi na manalo sa digmaan laban sa


mga tao sa kabila ng kanilang mas malakas gawa ng kanilang teknolohiya. Ito ay dahil sa
tulong ng kanilang Diyos na si Eywa.

You might also like