Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

RADYO EXPRESS BALITA SCRIPT

Anchor 1: Radyo Express Balita!


(intro sfx)
(background music)
Anchor 1: Magandang umaga Pilipinas, narito na ang mga nagbabagang balita sa mga
oras na ito.
(transition sfx)
Anchor 1: FIL-AM TRANSGENDER, NATAGPUANG PATAY SA NEW YORK CITY
(transition sfx)
Anchor 2: Edson Jamisula, pinagsuot daw ng helmet ng pulis habang nakapiit dahil
inuuntog nito ang kanyang ulo
(transition sfx)
Anchor 1: Dating PBA Commissioner Noli Eala, nabigla sa balita tungkol kay LA
Tenorio.
(transition sfx)
Anchor 2: Hit seryeng ‘Maria Clara at Ibarra’, mapapanood na sa Netflix sa Abril 14
(transition sfx)
Anchor 1: Binabantayang LPA, nakapasok na sa PAR
(transition sfx)
Anchor 2: Mga anak ng mga beteranong aktress na sina Caridad Sanchez at Gloria
Romero naglabas ng pahayag kaugnay ng fraud claims
(transition sfx)
Anchor 1: Ito ang Radyo Express Balita!
Anchor 2: Unang-una
Anchor 1: Bagong- bago
Anchor 2: Sa inyong mga radyo!
(Background music)
Anchor 1:Sa buong pwersa ng Santa News Information Center
(boom sfx)
(background music)
Anchor 2: STEM 3.00!
(w/ glitch sfx)
Anchor 1: Daluyan ng tapat at totoong isyu ng bayan!
(boom sfx)
Anchor 2: Mula sa Iligan Computer Institute (ICI), maghahatid sa inyo ng mga
nagababagang balita saan mang sulok ng bansa!
(boom sfx)
Anchor 1: STEM 3.00!
Anchor 2: Pinatapang, pinalawak, pinalakas!
Anchor 1 and 2: Ang Radyo Express Balita!
(boom sfx)
Anchor 1: FIL-AM TRANSGENDER, NATAGPUANG PATAY SA NEW YORK CITY
(Intro music)
(background music)
Anchor 1: Para sa detalye ng mga nagbabagang balita, title sa international news. At
para sa karagdagang detalye live mula riyan sa New York City si _______________.
(Transition sfx)
International Anchor: Natagpuang patay ang isang Fil-Am transgender sa isang hotel
sa New York City. Kinilala ng Philippine Consulate General sa New York ang biktima na
si Rodolfo Mañacap, Jr. na una nang napaulat na nawawala ng ilang araw na. Ayon sa
mga otoridad, walang senyales ng trauma sa katawan ng nasabing Fil-Am transgender,
na kilala rin bilang si Olivia Snow. Inaasikaso na ng Office of the Chief Medical
Examiner ang pag-autopsy sa labi nito. Tiniyak naman ni Philippine Consul General
Senen Mangalile ang patuloy na pakikipag ugnayan sa mga otoridad sa New York
kaugnay sa kaso ni Mañacap para sa Radyo Express Balita!
Anchor 2: Samantala, Edson Jamisula, pinagsuot daw ng helmet ng pulis habang
nakapiit dahil inuuntog nito ang kanyang ulo
(transition sfx)
Local News Anchor: Ayon sa pulis na si PMSgt. Paulo Engbino, hindi pa rin
nakakausap nang maayos si Edson Jamisula. Kapag tinatanong umano ito ay
nakatingin lang at hindi nagsasalita simula nang mahuli ito. Hindi din daw ito kumakain
at natutulog kaya ayon sa pulis ay nangayayat ito. Pinagsuot din daw nila ng helmet
ang suspek dahil inuuntog nito ang kanyang ulo sa pader at sa rehas para sa Radyo
Express Balita!
Anchor 1: Sa balitang sports naman, Dating PBA Commissioner Noli Eala, nabigla sa
balita tungkol kay LA Tenorio Radyo Express ___________ para sa detalye
(transition sfx)
Sports Anchor: Nabigla ang dating PBA Commissioner at dating Philippine Sports
Commission Chairman na si Noli Eala sa balitang may Stage 3 colon cancer ang
Barangay Ginebra player na si LA Tenorio nitong Martes, Marso 21.
Sa isang tweet, ibinahagi ni Eala na nabigla at nalungkot siya sa balita.
“I am deeply shocked and saddened about the news on LA Tenorio. Our family’s
prayers are with you @LA_Tenorio,” aniya.“Claiming your full recovery. Remember God
does not give us any burdens that we cannot carry. Ad majorem dei gloriam,” dagdag
pa niya.
Anchor 1: Magbabalik ang balitaan pagkatapos ng paalalang ito.
(Background music increseases then fade)
(Transition to infomercial music)
-Infomercial

Anchor 1: RADYO EXPRESS BALITA!


(toot sfx)
Anchor 1: Balik sa mga balita, Hit seryeng ‘Maria Clara at Ibarra’, mapapanood na sa
Netflix sa Abril 14 Radyo Express _____________
(transition sfx)
Lifestyle News Anchor: Inanunsyo ng GMA Network nitong Huwebes, Marso 9, ang
‘exciting’ na balita lalo na sa #FiLay fans kung saan mapapanood na umano ang
historical fantasy series na ‘Maria Clara at Ibarra’ sa giant streaming platform na Netflix
sa darating na Abril 14. Sa direksyon ni Zig Dulay, itinampok ng nasabing hit serye ang
mga nobela ng pambansang bayaning si Jose Rizal na ‘Noli Me Tangere’ at ‘El
Filibusterismo’. Upang mas maging konektado umano sa younger generation ang
naturang mga nobela, binigyan ng makabagong ‘magic’ ang serye kung saan umikot ang
istorya sa isang Gen Z nursing student na si ‘Klay’ na hindi maintindihan kung anong
konekta ng pangarap niyang maging nurse ang pag-aaral ng buhay at mga akda ni Rizal.
Dahil dito, pinahiraman si Klay ng kaniyang propesor ng kopya ng nobela ni Rizal na
lingid sa kaniyang kaalaman ay magiging daan na pala upang mapasok niya ang mundo
ng nobela at makilala ang magiging pag-ibig ng buhay niya –si Fidel.
“Join Klay as she takes lessons from the past to shape her future in Maria Clara and
Ibarra, streaming on Netflix starting April 14, 2023,” anang GMA Network.
Pinagbibidahan ang nasabing hit serye nina Barbie Forteza bilang Klay, Julie Anne San
Jose bilang Maria Clara, David Licauco bilang Fidel, at Dennis Trillo bilang Ibarra.
Magmula nang umere sa free TV noong Oktubre hanggang sa finale episode nito noong
Pebrero, umani ng sari-saring papuri ang serye dahil sa husay ng produksyon at layunin
nitong buhayin muli nasyonalismo ng mga manonood para sa Radyo Express!

Anchor 1:

You might also like