Professional Documents
Culture Documents
Pagbasa11 Kwarter3 Mod1 v1
Pagbasa11 Kwarter3 Mod1 v1
Pagbasa11 Kwarter3 Mod1 v1
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik - Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Kwarter – Modyul 1: Tekstong Impormatibo
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon.
Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino;
Celieto B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov,ph
Ikatlong Kwarter - Modyul 1
Tekstong Impormatibo
Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga ay
matamis”, kaya hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng
pagbahagi ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na malulumbay o
mawawalan ka ng dahilan upang matuto ngunit pakatandaan na ang iyong
pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng kasaganahan.
Halina’t matuto!
Mga May-akda
1
ALAMIN
2
SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA
3
YUGTO NG PAGKATUTO
BALIKAN
4
TUKLASIN
5
SURIIN
TEKSTONG IMPORMATIBO
➢ Layunin ng may-akda
Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong
impormatibo: mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang
mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating
mundo, o mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto o hayop
at iba pang nabubuhay.
➢ Pangunahing Ideya
Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong
impormatibo ang pangunahing ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng
paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na organizational markers
na nakatutulong upang agad na makita at malaman ng mga mambabasa ang
pangunahing ideya ng babasahin.
➢ Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga
detalye. Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang
pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
➢ Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga
bagay na binibigyang-diin:
Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon
Halimbawa:
Paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang
higit na mapalalim ang pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong
impormatibo.
6
Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
Ito ay ang paggamit ng mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin,
nakahilis, nakasalungguhit o paglagay ng “panipi” upang higit na madaling
makita ang mga salitang binibigyang- diin sa babasahin.
➢ Pag-uulat pang-impormasyon
Ang uri ng tekstong impormatibong ito ay naglalahad ang mahahalagang
kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay
gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
Halimbawa:
Teknolohiya, Global Warming, Cyberbullying
➢ Pagpapaliwanag
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o
bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo.
Gawain 1
7
PAGYAMANIN
CYBERBULLYING
Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung
saan may pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong
2013 ay ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isang
makatotohanang pangyayari sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang
opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying. Sa bansang Amerika
ay naitala na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas
ng cyberbullying noong 2010 at 2011. Samantalang noong 2013, tumaas sa 15%
ang mga mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.
Gawain 2
8
Gawain 3
9
Gawain 4
aklat tungkol sa mga natatangi at kagila-gilalas na mga tunay na pangyayari aklat tungkol sa paborito mong isport
aklat tungkol sa pagbuo ng paborito mong craft o libangan bagong nobela
isang magasin
.
Anong mga aklat ang magbibigay ng makabuluhang impormasyon? Sa anong uri ng tekstong
impormatibo nabibilang ang aklat na ito? Bakit?
10
ISAISIP
ISAGAWA
Gawain 5
1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at
bakit nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may
pamagat na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding tag-init at
napakalakas na bagyong nagreresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni
Rodel na magkaroon ng mas maraming impormasyon ukol dito kaya’t hawak
niya ngayon ang tekstong may pamagat na “Mga Epekto ng Global Warming
sa Kapaligiran.”
11
3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop.
Iba’t iba rin ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni
Donna ang istorya sa likod ng pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng
Pilipinas - Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang
balitang ito: “51st International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong
Enero 24-31, 2016.”
5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa
pahayagang hawak niya. Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang
Ms. Universe 2015.”
Gawain 6
12
Gawain 7
TAYAHIN
PANGHULING PAGTATAYA
13
13. Layunin ng tekstong impormatibo ang magbigay o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng mga
hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay,
heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
14. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o
balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian
tulad ng encyclopedia at sa ibat’ ibang websites sa internet.
15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo.
KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 8
Binabati kita! Natapos mo nang gawin ang Modyul 1. Sa kabuuan, napagtanto mo na ang tek
14
SUSI SA PAGWAWASTO
15
TALASANGGUNIAN
MGA AKLAT
INTERNET
https://www.sunstar.com.ph/article/404657
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo/
https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-impormatibo-193940830
https://www.academia.edu/33824138/Tekstongimpormatibo_Para_sa_iyong_Kaala
man
16
For inquires or feedback, please write or call: Department of Education – (Bureau/Office) (Office Address)
Telefax:
Email Address