Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

College Department

Sining ng Pakikipagtalastasan
(GEC 2)
Unang Semestre, S.Y. 2022-2023
MODYUL (MIDTERM)
MGA LAYUNIN:
Inaasahang sa katapusan ng madul na ito ay matatamo mo ang sumusunod na
kasanayang pampagkatuto;
 Naibibigay ang katuturan ng ponolohiya, morpolohiya at sintaksis;
 Nailalahad ang mga kakanyahan ng panghalip, pangngalan, pandiwa iba't ibang aspekto
ng pandiwa, pokus ng pandiwa, kantasan ng pang-uri, uri ng pang-abay, at uri ng
pangungusap.

PONOLOHIYA
 Ponolohiya ang pag-aaral sa iba't-ibang munog at wastong bigkas na ginagamit sa
pagsasalita
 Ang isang tunog na walang kahulugan ay tinatawag na ponema. Ito ang teoretikong yunit
ng tunog na nagbubuklod sa salita
 Sa pagsasama ng mga ponema nabubuo ang isang salita. Nababago ang kahulugan kapag
pinapalitan o inaalis ang mga ponema sa salita.

MORPOLOHIYA O PALABUUAN
 Kung ang ponolohiya ang pag-aaral ng mga tunog na bumubuo sa isang salita, ang
morpolohiya naman ang pagaaral sa kayarian at paghubuo ng mga salita sa isang wika.
 Ang mga pantig ay maaaring pagsamasamahin upang makabuo ng isang morpema. Ito ay
isang kombinasyon ng mga ponema na may kahulugan. Ang ponema ay walang kahulugan
at representasyon lamang ng tunog.
✓ Mga Anyo ng Morpema
Ang morpema ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan at hindi na maaari
pang mahati. Ito ay maaaring binubuo ng:
 ponema
 panlapi
 salitang-ugat
✓ Pagbabagong Morpoponemiko
Ito ang pagbabago sa anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran o mga katabing
ponemang sinusundan o sumusunod dito. May dalawang uri ng asimilasyon:
Asimilasyong parsyal- ito ang pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/ na nagiging /n/ o/m/ o
nanatiling /ng/ dahil sa kasunod na tunog

/ng/> /m/
pang + paaralan > pampaaralan
pang + bayan > pambayan

“’Committed to your
SISTECH Bldg., Corner Alvarez & Gov. Gaffud St., brighter future through
Villasis, Santiago City, Philippines quality education”’
Tele. Fax. No. (078) 305-0849  Email: sistech_santiago@yahoo.com
College Department

/ng/> /n/
pang + dikdik > pandikdik
pang + taksi > pantaksi
Asimilasvong ganap
pang + palo > pamalo
pang + tali > panali
pang + kuha > panguha
Metatesis - may mga salitang nagkakaroon ng pagkakapalit ng posisyon ng dalawang ponema.
/l/
-in- + lipad > nilipad
/y/
-in- + yaya > niyaya
Pagkakaltas ng ponema- nawawala ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat sa paghuhulapi
rito.
takip + -an > takpan
bukas + -an > buksan
SINTAKSIS O PALAUGNAYAN
Sintaksis ang pag-aaral sa iba't-ibang kaayusan ng mga salita sa loob ng pangungusap.
 Ang kombinasyon ng mga salita upang makabuo ng mga parirala (phrase) at ang
pagsasama-sama ng mga nasabing phrase upang makabuo naman ng pangungusap
(sentence) ay tinatawag na syntax.

Bahagi ng Pangungusap
Ang pangungusap ay lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa. Mayroon itong:
 Simuno (subject) o paksa- ang bahaging pinag-uusapan.
 Panaguri (predicate) ang naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
Uri ng Pangungusap
Ayon sa gamit ng pangugusap na may paksa:
 Paturol o pasalaysay - nagsasaad ng katotohanan o isang pangyayari.
 Pautos- nagbibigay ng utos o kahilingan
 Patanong- naghahayag ng isang katanungan o pag-uusisa.
 Padamdam- nagpapakita ng matinding damdamin.
Bahagi ng Pananalita
 Mga nominal-panawag sa tao, hayop, bagay, pook, kalagayan, o pangyayarı.
Pangngalan (noun)
Panghalip (pronoun)
Pandiwa (verb)- nagpapakita ng kilos
 Mga panuring - ginagamit na panuring o nagsasaad ng katangian
Pang-uri (adjective)
Pang-abay (adverb)
PANGNGALAN
Tumutukoy ito sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, kalagayan, o pangyayari Mauuri ang
pangngalan ayon sa katangian:

“’Committed to your
SISTECH Bldg., Corner Alvarez & Gov. Gaffud St., brighter future through
Villasis, Santiago City, Philippines quality education”’
Tele. Fax. No. (078) 305-0849  Email: sistech_santiago@yahoo.com
College Department

 Pantangi- nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, atbp


upang hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba.
Mga Halimbawa:
Gregorio del Pilar Luneta Park
Rodrigo Duterte SISTECH College of Santiago City, Inc
Bench Jollibee
Bruno(aso)
 Pambalana- nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa karaniwan o pangkalahatang
ngalan ng tao, atbp.
Mga Halimbawa:
Damit
Guro
Bayani
Pook-Pasyalan
Parke
Aso
Paaralan

PANGHALIP
Ito ay salitang panghalili sa pangngalan. Mga uri ng panghalip:
 Panao- panghalili sa ngalan ng tao. Ipinapalit ito sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong
kausap, o sa taong pinag-uusapan. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip panao ay mga
salitang ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, mo, siya, kanila, at kanya.
Mga Halimbawa:
 Maraming magagandang tanawin sa ating bansa.
 Siya ang naglakas loob tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.
 Pamatlig- humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pang itinuturo. Ito ay inihahalili rin sa
pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap, o nag-uusap.
 May apat na uri ang panghalip pamatlig. Ito ay ang mga sumusunod:

A. Pronominal
Ang mga halimbawa nito ay ang ito, nito, iyan, niyan, diyan, iyon roon at doon.
Halimbawa Doon nakatira si Aling Perla
B. Panawag Pansin
Ang mga halimbawa nito ay ang eto, heto, ayan o haya, at ayun o hayun
Halimbawa Ayan ang regalo ko sa iyo
C. Patulad
Ang mga halimbawa nito ay ang ganito, ganyan o ganyan, at ganoon o gayon
Halimbawa: Ganyan ang aklat na nais kong basahin.
 Paari- gumagamit ng mga panguring paari sa unahan ng pangngalan. Salitang ipinapalit
sa pangngalan ng taong nagmamay-ari ng bagay. Ang mga salitang halimbawa nito sa
isahan ay akin, iyo at kanya. Sa maramihan naman ay ang atin, amin, inyo at kanila. Ito ay

“’Committed to your
SISTECH Bldg., Corner Alvarez & Gov. Gaffud St., brighter future through
Villasis, Santiago City, Philippines quality education”’
Tele. Fax. No. (078) 305-0849  Email: sistech_santiago@yahoo.com
College Department

laging nakikita sa bahaging panaguri o pagkatapos ng panandang "ay" at sa unahan ng


pangungusap kung walang "ay”.
Mga Halimbawa ng Panghalip na Paari (isahan)
 Ang lumang aklat ay akin.
 Kanya ang nakita mong baunan ng pagkain.
Mga Halimbawa ng Panghalip na Paari (maramihan)
 Kanila ang lupaing natatanaw mo.
 Ang inyong proyekto upang tumulong sa kapwa ay maganda.
 Pananong- Maaari itong isahan o maramihan na ginagamit sa pagtatanong tungkol sa
bagay, tao, hayop, pook, gawain, katangian, panahon at iba pa. Ang mga halimbawa ng
salitang pananong sa isahan ay ang ano, sino, nino, alin ilan, magkano gaano at kanino. Sa
maramihan naman ay ang mga salitang and sinu-sino, nino, alin, alin, magkano, gaano at
kanino.
Mga halimbawa (lsahan)
 Sino ang kumuha ng pera?
 Ano ang pangalan mo?
Mga halimbawa (maramihan)
 Ano-ano ang kinain mo kanina?
 Sinu-sino ang tumulong sa inyo?

 Panaklaw - Salitang panghalili pamalit sa panggalan na sumasaklaw sa kaisahan, dami,


bilang, o kalahatan Mula ito sa salitang "saklaw" kaya't may pahiwatig na pangsaklaw o
pingsakop. Tumutukoy ito sa isang pangalan na di tiyak o walang katiyakan kung sino o
ano ito Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang lahat, madla
sinuman, bawat isa, alinman, anuman, saanman at ilan.
Mga Halimbawa:
 Ang sinumang hindi sumunod sa utos ay parusahan.
 Bawat isa ay may tatanggaping tulong mula sa gobyerno.
 Lahat ng tao at hayop ay bigyang buhay ng Diyos.
 Saanman kayo magpunta ay mahahanap pa rin kayo.
 Ilan lang ang nakatapos ng pag-aaral.

PANG-URI
Ang mga pang-uri ay salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip,
ito ay nagsasaad ng uri o katangian.

Kaantasan ng Pang-uri
May tatlong (3) antas o kaantasan ng pang-uri ang lantay, pahambing at pasukdol.

 LANTAY na PANG-URI.
Naglalarawan ito ng isa o payak na pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.

Mga halimbawa:

“’Committed to your
SISTECH Bldg., Corner Alvarez & Gov. Gaffud St., brighter future through
Villasis, Santiago City, Philippines quality education”’
Tele. Fax. No. (078) 305-0849  Email: sistech_santiago@yahoo.com
College Department

1 Ang damit na suot mo ay kupas na.


2. Maganda ang lugar na pinuntahan namin.
3. Maputi ang kasisilang na sanggol.

 PAHAMBING na PANG-URI. Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o


panghalip.
A. Pahambing na Magkatulad
Ipinakikilala nito ang magkapantay na katangian ng dalawang bagay na pinaghahambingan.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-ga-sing-kasing- magsing-magkasing
Mga halimbawa:
1. Magkasingbait kayo ni Remy.
2. Singlakas ni Jeric si Samson.
B. Pahambing na Di-Magkatulad
Ipinakikilala nito ang di-magkapantay o di-patas na paghahambing. Maaari itong nagbibigay ng
diwa ng pagtanggi o pagsalungat.

Pahambing na Palamang- ito ay may katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan. Ginagamitan


ito ng mga salitang higit, mas, di-hamak, at lalo. Tinutulungan din ito ng mga salitang kaysa o kay.

Pahambing na Pasahol- ito ay may katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan.


Tinutulungan ito ng mga salitang di-gaano, di-tulad ni o di-tulad ng di-masyado, at maraming
pang iba.
Mga Halimbawa:
1. Si Laura ay di-hamak na mas maganda kaysa kay Leonora.
2. Ang buhok ni Charity ay mas mahaba kaysa kay Angel.
3. Di-gaanong mataas ang gusali sa Laguna kaysa sa Makati
C. Pasukdol na Pang-uri
May katangian itong namumukod o nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan Maaari itong
negatibo o positibo, Masidhi ang paglalarawan dito kaya maaaring gumagamit ng mga salitang
sobra, ubod, pinaka, tunay, talaga at saksakan.
Mga Halimbawa:
1. Sobrang talino ng batang ito.
2. Si Terry ang pinakamalakas kumain sa amin.
3. Pinakamabit sa magkakapatid si Baste.
4. Ubod ng ganda ang dalagang si Ara.
PANDIWA
Ang pandiwa ay isang salita o bahagi ng salita na nagsasaad ng kilos o galaw pangyayari o
katayuan ng isang tao, hayop, o bagay. Ito ay binubuo ng salitang ugat at panlapi.

 ASPEKTO NG PANDIWA May apat (4) na aspekto ang pandiwa.


1. Perpektibo (Naganap na o Pangnagdaan)
Ang kilos o galaw ay nagawa na, tapos na o nakalipas na. Ginagamitan ito ng mga panlaping na,
nag um, at in.
Mga Halimbawa:

“’Committed to your
SISTECH Bldg., Corner Alvarez & Gov. Gaffud St., brighter future through
Villasis, Santiago City, Philippines quality education”’
Tele. Fax. No. (078) 305-0849  Email: sistech_santiago@yahoo.com
College Department

1. Inayos ko na ang mga gamit na nagkalat dahil sa baha.


2. Tapos na akong kumain.
3. Nagpunta ako sa simbahan
2. Imperpektibo (Nagaganap o Pangkasalukuyan)
Ang kilos o galaw ay kasalukuyang ginagawa, ginaganap o nangyayari. Ito ay ginagamitan ng mga
panlaping na, nag, um at in.
Mga Halimbawa:
1. Ang sanggol ay mahimbing na natutulog.
2. Nag-aaral ako nang mabuti.
3. Kontemplatibo (Magaganap o Panghinaharap)
Ang kilos ay hindi pa nagagawa, nagaganap o gagawin pa lamang Ginagamitan ito ng mga
panlaping ma at mag.
Mga halimbawa:
1. Matutulog ako ng maaga mamayang gabi.
2. Maglalaba ako mamaya pag-uwi ko galing sa eskwelahan.
3. Maliligo kami sa ilog.
4. Perpektibong Katatapos (Kagaganap)
Ang aspektong ito ng pandiwa ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa.
Nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig-patinig o
patinig ng salitang ugat.
Mga Halimbawa:
1. Katatapos ko lamang kumain.
2. Kagagaling ko lang sa paaralan.
3. Kabibili ko lang ng ulam sa karinderya.
 POKUS NG PANDIWA
Pokus ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa paksa o simuno ng pangungusap. Ito ay naipapakita
sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
1. Aktor-pokus (pokus sa tagaganap)
Ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos sa pangungusap Sinasagot nito ang tanong na
"Sino"? Ginagamitan ito ng mga panlaping mag-um-mang-ma-maka-makapag-,maki-o magpa-,
Mga Halimbawa:
1. Maglilinis ng silid-aklatan si Jeremy bukas:
2. Maliligo raw sa ilog si Mang Basilip mamaya.
2. Pokus sa Layon
Sa pokus na ito, ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na
"ano"? Ginagamitan ito ng mga panlaping-in-i-ipa-ma, na-, o-an
Mga Halimbawa:
1. Itago mo ang pera.
2. Nakita ni Mel ang nawawalang aso
3. Nasira mo ang mga props para sa play.

3. Lokatibong Pokus (Pokus sa Kaganapan)

“’Committed to your
SISTECH Bldg., Corner Alvarez & Gov. Gaffud St., brighter future through
Villasis, Santiago City, Philippines quality education”’
Tele. Fax. No. (078) 305-0849  Email: sistech_santiago@yahoo.com
College Department

Ang paksa o simuno ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap. Sinasagot nito ang
tanong na "saan"? Ginagamitan ito ng mga panlaping pag--an, -an/-han, ma-/-an, pang-/-an,
mapag-/-an, pinag/an, o man
Mga halimbawa:
1. Pinagdausan ng binyag ang bagong simbahan.
2. Pinagtaniman ko ng gulay ang malawak na bukid ni Tatay.
4. Benepaktibong pokus/ pokus sa pinaglalaanan (pokus sa tagatanggap)
Ang simuno o paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap. Sinasagot nito ang
tanong na "para kanino Ginagamitan ito ng mga i-,-in, ipang-, o ipag-.
Mga Halimbawa:
1. Ibinili ni Selya ng pasalubong si Lolo.
2. Kami ay ipinagluto ni Tiyo ng pagkain.
3. Tinabi niya ang pantalon ni Pablo
5. Instrumentong Pokus (Pokus sa gamit)
Ang simuno o paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa sa pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?" Ginagamitan
ito ng mga panlaping ipang- o mapang-.
Mga Halimbawa:
1. Ang mahabang stik ang ipinanungkit niya ng bayabas
2. Ipinampunas ni carla sa mukha ang regalo kong panyo.
6. Kosatibong Pokus (Pokus sa sanhi)
Ang simuno o paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Sinasagot
ng taong "bakit? Ginagamitan ito ng mga panlaping I,-ika-, o ikina-.
Mga halimbawa:
1. Ikinatuwa namin ang pagpunta sa parke kahapon.
2. Ikinalungkot ng lahat ang pagkalubog sa baha ng probinsya ng Isabela at Cagayan.
7. Pokus sa Direksyon
Ang simuno o paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot
ito sa tanong na "tungo saan o kanino?" Ginagamitan ito ng mga panlaping-an-han-in, o-hin.
Mga halimbawa:
1. Sinulatan niya ang kanyang nobyo
2. Pinuntahan ni Jerry ang hardware para mamili ng mga kagamitan.
PANG-ABAY
Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay.
 Pamanahon. Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan maganap o
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa sa pangungusap. May tatlong uri ang pang-
abay na pamanahon ang may pananda, ang walang pananda, at ang nagsasaad ng dalas.

A. Pamanahong may pananda


Ito ay ginagamitan ng mga, panandang nang sa, noon, kung, kapag, tuwing buhat, mula, umpisa,
o hanggang.
Mga halimbawa:
Iba ang panahon noon.

“’Committed to your
SISTECH Bldg., Corner Alvarez & Gov. Gaffud St., brighter future through
Villasis, Santiago City, Philippines quality education”’
Tele. Fax. No. (078) 305-0849  Email: sistech_santiago@yahoo.com
College Department

Naaalala ko ang aking kamusmusan tuwing umuuwi ako sa probinsya.


Kapag Mayo ay dinadalaw ko ang aking Lola.

B. Pamanahong Walang Pananda


Ito ay ginagamitan ng mga panandang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, atbp.
Mga halimbawa:
Pupunta kami bukas sa palengke.
Kunin mo mamaya ang telang ipinatago ko sa'yo.
Sandali na lang at magsisimula na ang palabas.
C. Pamanahong Nagsasaad ng Dalas.
Ito ay ginagamitan og mga salitang nagsasaad ug dalas Halimbawa nito ay ang inga salitang araw-
araw, taun-taon, tuwing, oras-oras, Iinggo-linggo, atbp.
Mga halimbawa: Oras-oras ay inaabangan mo ang pagbabalik niya.
Linggo-linggo kami naliligo sa talon.
Tuwing Byernes ay maaga akong gumigising.
 Panlunan. Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook o lugar na pinangyarihan o
pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Ilan sa mga panandang ginagamit dito ay ang sa-, kina,
o kay.
Sa- ginagamit kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang
panghalip.
Kay o Kina- ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantang na pangalan ng
isang tao mga salitang sa, kina, o kay.
Mga halimbawa:
May nakita akong masarap na ulam sa karinderya.
Ang aking bahay ay malapit sa simbahan.
Pupunta ako kina Mang Tomas bukas.
Maraming nais maging iskolar sa UP.
 Pamaraan. Ang pang-abay na pararaan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap
o magaga ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa Ginagamitan ito ng mga panandang nang,
na, o –ng.
Mga halimbawa:
Sumigaw ako nang malakas.
Kumain kami nang mabilis.
Niyakap m Nanay ang aming bunso nang mahigpit.
Umalis tayo nang maaga.
 Pang-agam Ang pang-abay na pang-agam ay nagbabadya ng di-katiyakan o pag-
aalinlangan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamitan ito ng mga pariralang marahil,
siguro, tila, baka, wari, o parang.
Mga halimbawa:
Marami na marahil ang nakaaalam ng sikreto niya.
Siguro ay bukas na tayo umalis.
Ang sabi ni Jose ay baka di tayo matuloy dahil umuulan.
Umuulan kaya marahil walang namimili sa palengke.

“’Committed to your
SISTECH Bldg., Corner Alvarez & Gov. Gaffud St., brighter future through
Villasis, Santiago City, Philippines quality education”’
Tele. Fax. No. (078) 305-0849  Email: sistech_santiago@yahoo.com
College Department

 Ingklitik o Kataga. Ang pang-abay na ingklitik ay mga kataga na karaniwang nakikita


pagkatapos ng unang salita sa pangungusap. Ang mga ito ay ang man, kasi, sana, nang,
kaya, yata, tuloy, lamang/lang. din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman, at daw/raw.
Mga halimbawa:
Bakit daw ngayon ka lang?
Saan pa kayo pupunta?
Siya naman ang pag-igibin mo ng tubig.
Paano kaya kung wala na si Inday?
 Pamitagan. Ito ay nagsasad ng paggalang. Ginagamitan ito ng mga salitang po, opo, ho, o
oho.
Mga halimbawa:
Saan po kayo pupunta?
Opo, maliligo na po ako.
Bakit ho kayo bumalik?
Ang kinakain ko po ay prutas at gulay.
Mahilig po akong sumayaw.
 Panulad. Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang mga bagay. Ito ay ginagamitan ng
salitang kaysa.
Mga halimbawa:
Mahusay umawit si Jona kaysa kay Kyla.
Mas gusto kong magbasa kaysa maglaro.
Ang gusto ko ay kumain kaysa matulog.
 Pananggi Nagsasaad ito ng pagtanggi o pagtutol. Ito ay ginagamitan ng mga pariralang
hindi, di at ayaw.
Mga halimbawa:
Ayaw kong sumama sa inyo.
Di na ako pupunta sa palaruan bukas.
Hindi kita mahal.
Ayaw ko na sa'yo.
 Panggano o Pampanukat. Nagsasaad ang pang-abay na pananggano ng timbang, bigat o
sukat. Ito ay sumasagot sa tanong sa gaano o magkano.
Mga halimbawa:
Nadagdagan ang timbang ko ng tatlong kilo.
Uminom ka ng dalawang basong tubig kada umaga.
 Panang-ayon. Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang oo,
opo, tunay, sadya, syempre.
Mga halimbawa:
Oo, sasama ako sa inyo bukas.
Tunay ngang tama ang iyong hinala sa kanya.
Oo, ibibili kita og pasalubong pag-uwi ko.
Sadya namang walang galang ang batang si Ramon.

Gawain 1
Panuto: Sumulat ng dalawang halimbawa ng pangungusap ayon sa gamit (10 na puntos)

“’Committed to your
SISTECH Bldg., Corner Alvarez & Gov. Gaffud St., brighter future through
Villasis, Santiago City, Philippines quality education”’
Tele. Fax. No. (078) 305-0849  Email: sistech_santiago@yahoo.com
College Department

1. Pasalaysay: 3. Patanong: 5. Pakiusap:


2. Pautos: 4. Padamdam:

Gawain 2

Panuto: Isulat kung anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa mga salita (10 na
puntos)
1 panglagay-panlagay 6. Takipan-takpan
2. pangpalo-pampalo - pamalo: 7. Linipad-nilipad:
3. pangsukat-pangsukat-pamukat. 8. Singtindi-sintindi.
4. yinakap-niyakap: 9. Linayo-nilayo:
5. sakitan-saktan: 10. Pangpunas-pampunas-pamunas:

Gawain 3

Panuto: Salungguhitan ang panghalip na ginamit at isulat kung anong uri ng panghalip ang
ginamit sa mga pangungusap. (20 na puntos)
1. Ako ay Pilipino. 6. lyon ang nawawalang gamit ni Mike
2. Saan ka pupunta? 7. Ganyan ang sapatos na nais kong bilhin.
3. Akin ang lapis na ito. 8. Sa amin ang proyektong ipinakilala sa mga bisita
4. Sa kanya ang payong na ito. 9 Ilan lang ang nakatapos ng takdang aralin.
5.Sinu-sino ang tauhan sa kwento? 10. Bawat isa ay may regalong matatanggap.
Gawain 4

Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit B. Pahambing ang tatlong antas ng pang-uri (10 na
puntos)
A. Lantay B. Pahambing c. Pasukdol
1. 4. 7. 10.
2. 5. 8.
3. 6. 9.

Gawain 5
Panuto: Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat sa ang titik A, B, o C kung
saan:
A = Aspektong Pangnagdaan/Naganap/Perpektibo,
B=Aspektong Pangkasalukuyan/Nagaganap/Imperpektibo at
C=Aspektong Panghinaharap/Magaganap/Kontemplatibo
1. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay.
2. linom ako ng gamot para gumaling ako.
3. Si Ate Minda ang naglinis ng kusina.
4. Tahimik na nagbabasa ang mga mag-aaral.
5. Gagamit ako ng diksiyonaryo para malaman ko ang kahulugan ng bawat salita.
6. Yayakapin ko nang mahigpit si Nanay pag-uwi ko.
7. Ang mga mag-aaral ay nanunuod ng palabas sa telebisyon.

“’Committed to your
SISTECH Bldg., Corner Alvarez & Gov. Gaffud St., brighter future through
Villasis, Santiago City, Philippines quality education”’
Tele. Fax. No. (078) 305-0849  Email: sistech_santiago@yahoo.com
College Department

8. Makikita ko pa kaya ang pitaka kong nawala.


9. Manonood kami ng sine pagkatapos ng pagsusulit.
10. Iginuhit niya ang aking larawan.

Gawain 6
Kumpletuhin: Sa araling ito, mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga bahagi ng pananalita
upang sa pakikipagtalastasan ay _____________________________________________________

Maikling Pagsusulit

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong o pahayag at isulat ang tamang
sagot sa patlang.
_____1. Ito ay isang tunog na walang kahulugan.
_____2. Ito ang mga pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay
_____3. Ito ay lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa
_____4. Tumutukoy ito sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, kalagayan, o pangyayari ng
kahulugan.
_____5. Nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa karaniwan o pangkalahatang ngalan ng tao
at iba pa.
_____6. Mga salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip, ay
nagsasaad ng uri o katangian.
_____7. Pang-abay na ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay.
_____8. Ang pang-abay na ito nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa sa pangungusap.
_____9. Ang pang-abay na ito ay tumutukoy sa pook o lugar na pinangyarihan, pinangyayarihan,
o pangyayarihan ng kales as pandiwa.
_____10. Ito ang pagaaral sa kayarian at pagbubuo ng mga salita sa isang wika.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

MARIBETH D. UCOL, Lpt. AMELIA J. BANIQUED, MSIT


Tagapagturo Dekana

“’Committed to your
SISTECH Bldg., Corner Alvarez & Gov. Gaffud St., brighter future through
Villasis, Santiago City, Philippines quality education”’
Tele. Fax. No. (078) 305-0849  Email: sistech_santiago@yahoo.com

You might also like