Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MASUSING BANGHAY-ARALIN

ARALING PANLIPUNAN 10

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman

-Ang mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap


at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao
bilang kasapi ng pamayanan.

B. Pamantayan sa Paganap

-Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan
sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay
at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

-*Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT


(Lesbian , Gay , Bi – sexual , Transgender)

D. Mga Layunin ng Pag-aaral


1. Natutukoy ang mga katangian at halimbawa ng diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at
LGBTQIA+.
2. Nakapagbibigay ng sariling pananaw o opinyon sa diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan
at LGBTQIA+. 
3. Naibabahagi ang pamaraan sa pagkakaroon ng pagkapantay-pantay na lipunan.
II. Nilalaman
Paksa: Diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan at LGBTQIA+
Sanggunian: Araling Panlipunan 10: Quarter 3: Modyul 2: Diskriminasyon sa Kababaihan,
Kalalakihan at LGBTQIA+. pahina 5-8. Jens Micah de Guzman.
Kagamitan: Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. BALIK ARAL

Magandang araw sa inyo Grade 10(Seksyon)!


Magandang araw po Ginoo, ikinagagalak po
namin kayong makita muli.
Okay, maaari na kayong umupo.

Kahapon ay ating tinalakay ang tungkol sa gampanin


ng kasarian o gender role sa iba’t- ibang bansa. Sa
araling iyon, ano ang inyong natutunan?
Sir, aming natutunan na maraming pangyayari
na tumutukoy sa gampanin ng kasarian o
gender role.
Mahusay! Ano pa ang inyong natutunan?
Sa bansang China ay nagkaroon sila ng lotus
binding para maipakita ang kanilang katayuan
sa buhay.
Tama. Sino pa makapagbibigay ng kanilang napag-
aralan?
Ang bansang Saudi Arabia sir ay hindi
pinapayagan ang mga kababaihan na
magmaneho ng sasakyan.
Magaling. Ano pa?
Sir, sa bansang Africa mayroon silang
ginagawang pagtutuli sa kababaihan at
tinatawag itong female genital mutilation o
FGM.
Mayroon pa ba kayong maidadagdag?
Sir, sa Africa din ay mayroong breast flattening
kung saan flinaflat ang dibdib ng kababaihan.
Magaling! Mukhang marami kayong natutunan mula
sa nakalipas na aralin. Mayroon pa ba kayong
maidaragdag o katanungan?
Wala na po Sir!
Kung wala na ay sisimulan na natin ang ating bagong
aralin.

B. PAGGANYAK

May ipaparinig akong awitin sa inyo na pinamagatang


“Sirena” ni Gloc-9. Inaasahang masasagot ninyo sa
pagtatapos ng awitin ang katanungan:

1. Ano ang mensaheng nais iparating ng awitin?


2. Paano inilalarawan ang kalagayan ng LGBT sa
napakinggang awitin?
3. Bakit ninyo nasabi na mali ang pagtrato sa
LGBTQIA+ ng awitin?

Handa na ba?
Handa na po Sir!
Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib
Simula pa nang bata pa ako
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya parang lahat ay nalilito
Magaling sa Chinese garter at piko
Mga labi ko'y pulang-pula
Sa bubble gum na sinapa
Palakad-lakad sa harapan ng salamin
Sinasabi sa sarili, "Ano'ng panama nila?"
Habang kumekembot ang bewang
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama na tila 'di natutuwa
Sa t'wing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan
Sa paglipas ng panahon ay 'di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal, parang pilik-matang
kulot
Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Ngayong napakinggan ninyo ang awitin, ano sa tingin


nyo ang mensaheng gustong iparating ng awitin?
Ang nais pong iparating ng awitin ay ituloy
lamang natin ang ating nais na maging
kasarian lalo’t higit na wala naman tayong
tinatapakan o sinasaktang tao.
Magaling! Paano naman inilalarawan ang kalagayan
ng LGBTQIA+ sa awitin?
Hindi po makatarungan ang kalagayan ng LGBT
sa awitin.
Mahusay!

Bakit niyo naman nasabi na mali ang pagtrato sa


LGBTQIA+ sa awitin?
Mali ang pagtrato sa LGBTQIA+ sa awitin, dahil
sa mga pananakit na nararanasan ng tao mula
sa mga taong nakapaligid sa kanya.
C. PAGLALAHAD

Bago tumungo sa ating aralin, magbibigay ng munting


gawain upang matukoy ang ating aralin sa araw na
ito. Ako ay magpapakita ng mga larawan at ibigay
niyo kung tungkol saan ang larawan.

Mula sa larawan na nakapakita sa screen, may ideya


na ba kayo kung ano ang paksa ng ating aralin
ngayong araw?
Ang paksa ngayong araw ay patungkol sa
diskriminasyon.
Tama! Partikular na anong uri ng diskriminasyon?
Diskriminasyon sa kasarian po.
Magaling! Ang tatalakayin natin ngayon ay
diskriminasyon sa mga hindi lamang sa LGBTQIA+,
maging sa mga kababaihan at kalalakihan.

D. PAGTATALAKAY

Maaari bang basahin ang nasa slide.


Ang diskriminasyon ay ang hindi patas o hindi
makatuwirang pagtingin o pagtrato sa isang
tao o sa isang grupo ng mga tao dahi sa
kanilang anyo, lahi, paniniwala o relihiyon,
kasarian, gender o seksuwalidad, at iba pa.
Maraming salamat!

Ang diskriminasyon ay anumang pag-uuri, eksklusyon


o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga
karapatan at kalayaan.

Mayroon ba kayong maidaragdag tungkol sa


diskriminasyon?
Para sa akin sir, ang diskriminasyon sir isang
uri ng paninirang tao na kung saan ay
nakakaranas sila ng maling pagtrato.
Mahusay! At salamat sa iyong kasagutan.

Ito rin ay nagdudulot ng negatibo at hindi


makatarungang pagtrato sa mga tao dahil sa
pagkakaiba ng kanilang katangian tulad halimbawa ng
lahi, edad, kasarian, kapansanan o paniniwala.

Sa inyong palagay ano ang gender discrimination?


Sir, para sa akin ang gender discrimination ay
ang pagkakait ng opurtunidad sa isang tao
dahil sa kasarian.
Tama!
Ngayon ating talakayin ang Diskriminasyon sa
Kababaihan at LGBTQIA+.

DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN AT LGBTQIA+

Maaari bang pakibasa ang nasa slide.


Ang diskriminasyon sa kasarian (gender
discrimination), na kilala rin bilang
diskriminasyong seksuwal (sexual
discrimination), ay anumang aksyon na
nagkakait ng mga oportunidad, prebelihiyo, o
gantimpala sa isang tao (isang grupo) dahil sa
kasarian.
Maraming salamat!
Ang diskriminasyon sa kasarian ay isang uri ng
pagkakait ng bagay o prebelihiyo sa isang tao dahil
lamang sa kasarian.
Ngayon pakibasa naman ngayon ang nasa slide.
Sinasabi ng UN Declaration on the Elimination
of Violence Against Women (DEVAW) na: “Ang
karahasan laban sa kababaihan ay
isang patunay na hindi pantay ang turing noon
pa man sa pagitan ng kalalakihan
at kababaihan”, at “isa sa mga mapanganib na
pamamaraan sa lipunan ang
karahasan laban sa kababaihan kung saan
sapilitang nalalagay sa mas mababang
posisyon ang babae kaysa sa mga lalaki.”
Salamat sa iyo.
Maaari ba ninyong o sino may gustong bumasa sa
opinyon ni Hillary Clinton tungkol sa LGBTQIA+.
Tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible
minority” ang mga LGBTQIA+, sapagkat ang
kanilang mga kuwento ay itinago, inilihim at
marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot.
Salamat!
Patunay lamang na ang diskriminasyon sa LGBTQIA+
ay marahas at walang nakakarinig sa mga hinaing nila
kaya’t tinawag ang LGBTQIA+ bilang invisible minority
ni Hillary Clinton.
Karugtong ng tungkol sa LGBTQIA+. Maaari bang
pakibasa. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng United
Nations Office of the High Commissioner for
Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may
mga LGBTQIA+ (bata at matanda) na
nakaranas nang di-pantay na pagtingin at
pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya,
komunidad at pamahalaan.

Salamat!

Diskriminasyon sa Kalalakihan

Habang ang karamihan sa mga paratang ay ukol sa


diskriminasyon ay nagsasabing ang isang babae (o
kababaihan) o LGBTQIA+ ay dinidiskrimina pabor sa
isang lalaki (o kalalakihan), mayroon ding mga kaso
kung saan sinabi ng kalalakihan na sila ay
nadiskrimina batay sa kasarian.
Maaari bang pakibasa ang nasa screen? Ayon sa isang survey na isinagawa sa limang
bansa(Bulgaria, Cyprus, Denmark, France, at
UK), malaking bilang ng kalalakihan ang
nakararanas ng diskriminasyon sa kasarian sa
lugar ng trabaho, lalo na sa mga lugar na mas
nakararami ang mga babae kumpara sa mga
lalaking manggagawa, tulad ng sa mga
serbisyong nauugnay sa kalusugan (health-
related services)

Salamat.
Ano ang inyong masasabi sa mga kinakaharap ng
kalalakihan sa limang bansa? Sir, sila ay nakakaranas ng diskriminasyon na
nauugnay sa kalusugan.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng


“saliwang diskriminasyon” na may kinalaman sa
diskriminasyon laban sa mga lalaki:
Maaari bang pakibasa ang mga sumusunod na
halimbawa? 1. Ang paggawa ng mga desisyon ukol sa hiring
ng isang kumpanya na pabor sa kababaihan o
miyembro ng LGBTQIA+ sa kabila ng
nakahihigit na karanasan o kakayahan sa
trabaho ng isang lalaking aplikante.
2. Ang pagkakaloob ng promosyon sa
kababaihan o mga miyembro ng komunidad
ng LGBTQIA+ dahil sa kanilang kasarian, kahit
na may mas kuwalipikado o mas matagal na sa
trabaho na kalalakihan.

E. PAGLALAHAT

Ngayong natapos na natin ang ating aralin sa araw na


ito, Diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan, at
LGBTQIA+. Ako ay magbibigay ng isang katanungan
upang makita kung kayo ay may natutunan.

Ano ang tawag sa hindi patas na pagtrato sa isang


tao?
Diskriminasyon sir.
Ano ba ang Gender Discrimination?
Ang gender discrimination ay anumang
aksiyon na nagkakait ng opurtunidad dahil sa
kasarian.
Bilang isang mag-aaral, ano ang inyong mga tungkulin
upang maiwasan ang diskriminasyon sa kasarian?
Sir para sa akin para maiwasan ang
diskriminasyon sa kasarian ay bibigyan ko ng
diin upang maipaalam sa mga tao ang tungkol
sa mga batas na pumipigil sa diskriminasyon.

Sir, pwede rin akong tumulong sa


pamamaraan ng pag-intindi sa mga ibang
kasarian.
Magaling! Salamat sa inyong mga kasagutan.
Kung gayon, bilang isang mag-aaral, mayroong
pangyayari na kung saan mayroon kayong kaklaseng
kinukutya dahil sa kanilang kasarian, ano ang inyong
gagawin?
Sir, Ipagtatanggol ko sya.
Sa paanong paraan?
Ipagtatanggol ko sya sa paraan ng
pakikipagusap ng hindi umaabot sa masamang
usapan.
Magaling. Salamat sa iyong kasagutan.
Dapat nating bigyang pansin at isa-alang-alang ang
kanilang nararamdaman.

F. PAGSASANAY

Panuto: Suriin ang pahayag. Isulat sa bukod na


sagutang papel ang TAMA kung ito ay nagpapahayag
ng katotohanan at MALI naman kung ito ay walang
katotohanan.

1.Ang diskriminasyon batay sa gender (o sex) ay isang


paglabag sa mga karapatang sibil.
TAMA
2.Ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identify
and Expression) Equality Bill ay naglalayong
mawakasan ang diskriminasyon sa LGBT community.
TAMA
3.Kapag ang kasarian ay ginawang kadahilanan sa iba
pang mga benepisyo at pribilehiyo, iyon ay
maituturing na diskriminasyon sa kasarian.
TAMA
4.Tinawag ni Michelle Obama na “invisible minority”
ang LGBTQIA+
MALI
5.Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya,
mga kaibigan at mga kakilala ang iyong oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay isang
uri ng diskriminasyon.
TAMA
G. PAGPAPAHALAGA
Sa iyong sariling pananaw, Ano ang magagawa mo
para magkaroon ng pagkakaroon ng pagkakapantay-
pantay na pagtingin sa lipunan?
Bilang isang mag-aaral, magagawa ko po itong
masugpo at maiwasan sa pamamagitan ng
paghahayag ng mga adbokasiya “halimbawa,
maaari kong gamitin ang social media at ang
impluwensya ko bilang tao.
Tama, karagdagang katanungan, paano natin
maipapakita ang pagkakapantay-pantay ng bawat
kasarian?
Maipapakita ang pagkakapantay-pantay sa
bawat indibidwal sa paraang pagpapakita ng
respeto sa lahat at pagkakaroon ng pantay
pantay na pagtrato.
Mahusay, ako’y nasisiyahan sa mga sagot ninyo dahil
naipapahayag ninyo ang inyong mga ideya at opinion
patungkol sa mga diskriminasyon na kinakaharap ng
kababaihan, kalalakihan, at LGBTQIA!

Kung ganoon ay mayroon pa ba kayong mga


katanungan patungkol sa ating aralin?
Wala na po Ginoo!

IV.EBALWASYON

PANUTO: Magtala ng mga napapanahong isyu patungkol sa diskriminasyon sa kababaihan,


kalalakihan, at LGBT. At ipaliwanag kung ano ang maari mong gawin bilang isang mag-aaral.

V. KASUNDUAN

Magsaliksik at basahin ang mga dahilan ng diskriminasyon, at ito’y ating matatalakay sa


susunod na araw.
Inihanda ni:

RHONEAL JOHN B. ORPILLA


Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin ni:

STEPHANIE MAY V. OBRERO


Gurong Tagapagsanay

You might also like