Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

LAPU-LAPU CITY COLLEGE

COLLEGE OF EDUCATION
Don B. Benedicto Road,
Gun-ob, Lapu-Lapu City 6015

GE 11 Masining na
Pagpapahayag
Unang Quarter Modyul para sa Mag-aaral

Inihanda ni:

Portia B Neri
Tagapagturo ng Kurso

   

Panimula

1
Ang modyul na ito ay nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa kritikal na pagbasa at lohikal na
pagsulat sa Filipino bilang kasangkapan sa pagkatuto at pagpapahayag sa iba’t ibang larangan ng
pag-aaral. Sa pamamagitan ng iba’t ibang istratehiya sa makabuluhang pagbabasa, inaasahang
malilinang ang kakayahan ng mga estudyante tungo sa masining na pagsasagawa ng mga
pananaliksik tungkol sa paksang kanilang napili. Inilakip din ang mga paksang tutulong sa paghubog
ng kanilang pagpapahalaga gaya ng nilalayon sa misyon at bisyon ng paaralan lalung-lalo na yaong
may kinalaman sa pagpapahalaga sa kababaihan, wastong pangangalaga sa ating kalikasan, pagbuo
ng kultura ng kapayapaan at katarungan

Maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo ang modyul na ito. Magiging madali at
matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mga tuntunin sa ibaba na magsisilbing
gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaing mabuti.

1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan.

2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang
masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito.

3. Maging matapat ka lamang sa pagsasagot.Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang
nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa
iyo.

4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay
nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging
madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.

5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin.

6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko
katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.

Kabanata 1 Ang Kalikasan at mga Simulain ng


2 Retorika Layunin
I. LAYUNIN SA PAGKATUTO

A. Nabibigyan ng kahulugan ang retorika ;

B. Nakikilala ang mga teorista at siyentista na nagbigay kahulugan sa


retorika;

C. Naipaliliwanag ang kalikasan at simulain ng retorika ;

D. Nailalahad ang kasaysayan ng retorika ; .

E. Natutukoy ang mga katangian ng retorika ; at

F. Naikokontrast ang retorika sa sopistri.

II. KINALABASAN NG KURSO at KARANASAN sa PAG-AARAL

Introduksyon

Angat sa isang indibidwal na magaling magsalita at magsulat. May adbentahe siya sa taong
walang ganitong kakayahan. Ang mga iskl na ito, kasama ang galing sa paggamit ng teknolohiya ang
kinakailangan sa panahong kasalukuyan.

Kailangan ito ng isang mag-aaral at propesyonal sa kanyang pakikipagtunggali sa buhay. Kung


baga sa itinatakda ng kasalukuyang kalakaran sa mundo, kompetitib siya.

Isang rekwayrment sa paghahanap ng trabaho ngayon ang kailangan sa pagsasalita at


pagsulat. Mga iskils na hinahanap ng pamunuan ng kompanya sa kanilang mga tauhan; kaya,
kailangang mapagaling ng mga pamantasan ang mga mag-aaral sa dalawang kasanayang ito.
Kailangang lumikha ng mga magagaling na mag-aaral na mahusay sa mga larangang nabanggit.
Nguni't paano malilikha ang ganitong mag-aaral?

Napaghuhusay ng mga pamantasan ang kakayahan ng mag aaral sa patnubay ng mga


dalubguro na nagbibigay ng mga pagsasanay at mga gawain na makapagpapadalisay,
makapagpapahinog at makapagpapagaling sa kanilang mana o angking talino. Hinihayat ng mga
guro ang kanilang mga mag- aaral na itaas ang kanilang 'self-esteem" pagtitiwala sa sarili na kaya
nilang gawin o maabot ang kanilang minimithi kung pagsisikapan at ito'y peuunlarin.

Sa loob ng klasrum, nadedebelop ang kanyang kakayahan. Napayayabong ang kanyang


kaalaman. Nahihitik ang kanyang kaisipan. Naprapraktis ang kanyang munting kakayahan upang
umunlad at lumago at magamit niya sa pagtahak ng buhay. Dito niya natatagpuan ang sarili na
nangungusap, nangangatwiran, nagtatanong at humihingi ng paliwanag.

Nagpapahayag siya ng saloobin, ng damdamin at mga kaaralang natamo mula nang


magsimulang makipamuhay at mag-aral. Nangungusap siya at nakikipagtagisan ng talino sa mga
kanyang kapwa.

Nguni't paano siya nakapagpapahayag?

3
Paano nagiging mabisa ang kanyang pagpapahayag? Paano tinatanggap ang kanyang
sinasabi? Paano niya nakukuha ang respeto ng kanyang awdyens? Ano ang kanyang maaaring
gawin?

Dahil marunong siyang mangusap, pinag-iibayo niya ang kakayahan niya sa retorika ang
sining ng mabisang pagpapahayag pasulat o pasalita man. Pinaghuhusay niya ang kakayahang ito
upang maangkin ang galing sa pagsulat.

Nakasusulat siya ng mahuhusay na komposisyon maayos, malinaw, may kaisahan, masining


at mabisa. Nakapagsasalita siya nang tuluy-tuloy gamit ang mga salitang pinili at akma sa
mensaheng nais iparating. May lalim at sustansya ang kanyang mga sinasabi. Dama ng tagapakinig
ang sinseridad ng kaniyang ipinahahayag. Nakapagrereleyt sila sa kanyang sinasabi.

Depinisyon ng Retorika

Ang Retorika ay sining ng mabisang pagpapahayag. Masining ang pahayag kung ang daloy ng
mga pangungusap ay mabisa, malinaw, kaakit-akit, tiyak at epektibo. Sangkap ang tamang
gramatika/balarila, angkop na mga salita/leksikon at wastong panuntunan/tuntunin ng wika ginamit
pagpapahayag, pasulat o pasalita.

Sa Retorika, ang pagpapahayag ay naglilitaw ng kagandahan, ng kahulugan, ng kariktan at ng


kawastuhan. Sa mga maririkit na pananalita (tama, angkop. mabisa) naipahahayag ang damdamin.
Ang kabisaan ng pangungusap ay tumatalab... tumatagos... nakapanghihikayat! Kakaiba sa
ordinaryong sulatin na ating sinusulat at ipinahahayag nang pasulat at pasalita.

Gamit ang Retorika sa paglalarawan, paglalahad, pagsasalaysay, at pangangatwiran.

Para kay Plato, "ang retorika ay sining ng pagwawagi ng kaluluwa sa pamamagitan ng


diskors/diskurso." Ang kakayahang magsalita ng isang tao ay nakagdudulot sa kanya ng kasiyahan at
tagumpay sa pakikipagkapwa

Sinabi naman ni Cicero na "ang retorika ay isang mataas na sining na binubuo ng: invention
(invention); dispositio (argument); elocutio (style); memorya (memory); at pronunciation (delivery)".

Si Quintillan ay nagwikang, "ang retorika ay ang sining ng pagpapahayag nang mahusay."

Samantala, noong 1800, si Richard Whately, isang obispo at manunulat ay nagsabing "ang
retorika ay isang pampublikong komunikasyon kung saan ang gumagamit at nakaiintindi nito ay
nagkakamit ng resulta".

4
Winika ng bantog na si Francis Bacon ay nagsabing "ang retorika ay aplikasyon ng rason sa
imahinasyon at pagpapatuloy ng "will".

Para kay Kenneth Burke, "ang retorika ay nakaugat sa essensyal na fanksyon ng wika - fanksyon
na realistiko at patuloy; ito ay paggamit ng wika bilang simbolong nagpapakilos sa tao na
tumutugon sa mga simbolo. Kung saan may panghihikayat, naroon ang retorika; at kung saan may
retorika, mayroong kahulugan."

Idinugtong ni Kenneth Burke na "ang retorika ay paggamit ng mga simbolo upang makuha ang
kooperasyon ng mga taong tumutugon sa mga simbolo".

Katulad ng winika ni Burke ang sinabi nina Sonja at Karen Foss. Ayon sa kanila, "ang retorika ay
aksyon na nagagawa ng tao kapag gumagamit ng simbolo sa pakikipag-usap sa isa't isa".

Hindi rin malayo ang sinabi ni Bazerman Charles tungkol sa retorika na, "ito ay pag-aaral kung
paano ginagamit ng tao ang wika at ibang simbolo upang matamo ang kanilang mga gol at
maisagawa ang kanilang mga pantaong gawain. Isang praktikal na pag-aaral."

Tinuran ni Andrea Lunsford, na "ang retorika ay sining, pagsasanay at pag-aaral ng pantaong


komunikasyon". Katulad din ito ng ipinahayag ni Hill, A.S. na "ang retorika ay sining ng mahusay
na komunikasyon gamit ang wika."

Ayon kay Trudgill, "ang wika'y di lamang gamit sa pakikipagtalastasan o pagbibigay informasyon,
manapa'y ginagamit upang mapanatili ang magandang ugnayan, pagkakaisa at pagkakaunawaan ng
mga mambabasa. Sa larangan ng wika at sa pagsulat ng isang may kasanayan, di karaniwang
pagpapahayag ang mabubuo.

Sa aklat nina Austero, Bandril at De Castro (1999) binanggit nila na ang “retorika ay mabisang
pagppahayag ng damdamin at kaisipan na taglay ang kariktan sa wastong paggamit ng wika,
pasalita o pasulat man. Angkin ng retorika ang dlwang nagbibigay ng kahulugan, lalim, kabuluhan at
kariktan”.

Ayon kay Dr. Ofelia Silapan at Prop. Ligaya Rubin (1999), "ang kalinawan, kawastuan at
katiyakan sa pagsusulat at pagsasalita ay natutupad kung sapat ang talasalitaan nagagamit at
nagagawa niyang maiangkop ang mga salitang ito pagpapahayag." Sa lawak ng talasalitaan ng
manunulat, nagagamit niyang maiangkop ang mga salitang ito sa anumang isinusulat o siansabi”.

5
Para kay Prop. Rubin (1987), "ang retorika ay sining ng maganda at kaakit-akit na pagpapahayag.
Halos ganito rin ang tinuran ni G. Tumangan nang sabihin niyang "ang retorika ay tumutukoy sa
kaakit-akit at magandang pagsasalita at pagsulat kung saan pinag-aaralan dito ang ukol sa mga
tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag". Hindi rin hiwalay dito ang sinabi ni
Badayos (2001) na "ang retorika ay susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit,
kaiga-igaya at efektibong pagsasalita at pagsulat".

Sinabi ni Pagkalinawan (2004), na "ang wika ay salamin ng kaisipan at saloobin ng tao. Sa


pagpapahayag ng tao, pasulat man o pasalita, wika ang gamit. Piling mga salita ang dapat at yaong
malapit sa kalooban ng manunulat. Nararapat ang piniling mga salita upang matamo ang indayog at
ganda sa pagpapahayag dahil hango ito sa karanasan ng manunulat".

Binanggit ni Badayos (1999), na "ang paggamit ng mga tayutay ay nagsisilbing panghimok sa mga
mag-aaral sa pagbibigay ng masining na paghahambing ng mga bagay o pangyayari. Tayutay ang
kadalasang gamit upang mapaganda ang anumang pahayag, pasulat man o pasalita dahil itinatago
nito ang tunay na diwa ng salita/pahayag".

Ayon kay Sebastian sa panulat nina Tanawan et al (2003), ipinahayag nila na ang "retorika ay
tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa at maayos na pagpapahayag. Ang kawastuan at
kalinawan ng pahayag ay nakikita't nag-iibayo kung kasabay nito ang wastong pananalita at tamang
gramatika"

Ang Kasaysayan ng Retorika

Maraming dantaon na ang nakararaan, noong 5 B.C., ang bayan ng Syracuse, sa bansang
Gresya ay dumanas ng maraming kaguluhan. Ang kanilang lipunan ay nabalot ng sigalot at alitan
dahil sa walang batas na nakapangyayari upang mag-ayos ng kanilang bayan. Maging ang
pagmamay-ari ng lupa ay naging malaking suliranin. Ang isang lupain na pag-aari na ng isang tao ay
maaari pang angkinin ng ibang tao. Kaya nga, naging malaking usapin sa korte ng Syracuse kung
sino ang tunay na may-ari ng lupain.

Sa korte ay nagtuos ang mga taong nagsasabing "siya" ang tunay na may-ari ng lupa.
Kailangang ipresenta nila ang kanilang mga argumento sa harap ng hukuman. At upang maipanalo
ang kanilang kaso, nangailangan sila ng serbisyo ng isang tao na magaling magsalita upang turuan
sila sa paghahanda ng kanilang argumento sa pag-angkin ng lupain.

Sa paniwala ni Corax, isang guro, kailangang maturuan ang tao na maipagtanggol ang
kaniyang pag-angkin (claim) sa lupain, kaya, nagtayo siya ng isang paaralan. Ipinangako niya sa
mga tao na tuturuan sila na maipanalo ang kanilang mga kaso sa paaralang itinayo niya. Nagturo
ng "public speaking" si Corax at siya'y nagtagumpay. Sa gayo’y, maraming tao ang nagkainteres at
nag-enrol sa kanyang paaralan.

6
Subalit sa di inaasahang pangyayari, nagamit din ang retorika sa panlilisya sa katotohanan
(to deceive). Katulad ng pangyayari kay Corax at sa kanyang mag-aaral na si Tisias. Pumasok si
Tisias sa paaralan ni Corax. Nakinig siyang mabuti sa leksyon ng kanyang gurong si Corax. Nang
matapos ang kanyang kurso, ayaw niyang bayaran ang kanyang guro, kaya dinala ni Corax ang kaso
sa husgado. Ang sabi ni Corax, “simple” lang ang kaso.Ang mag-aaral kong ito ay naturuan ko at
nabigyan ng instruksyon, samakatwid, dapat niya akong bayaran ngunit ayaw niyang magbayad.”

"Kagagalang na hukom," ang sagot ni Tisias, ipinangako ni G. Corax na kailangan kong


ipaglaban ang kaso ko sa korte. Kung nagawa po ng aking guro na ako'y turuan nang mabuti,
samakatwid , dapat kong maipanalo ang kasong ito, kung yan po ang mangyayari , hindi ko siya
dapat bayaran dahil ako ang nanalo. Samantala, kung ako naman ay matalo, lalong hindi ako
kailangang magbayad dahil hindi niya ako napagaling, hindi niya nagampanan ang kanyang trabaho,
di niya ako naturuan". Sa ganitong pangyayari, wala akong dapat bayaran."

Ang pangyayaring ito ay nagpakita ng tunggalian sa pagitan ni Corax na kumakatawan sa

mga taong naghahanap ng katarungan at ni Tisias na kumakatawan sa naglilisya ng katotohanan at


kung walang huwes ... huwes na dirinig ng kanilang mga kaso, maaaring mauwi sa kaguluhan ang
buong bayan ng Syracuse.

Samakatwid, ang kagalingan sa pangangatwiran ay nagpapakita ng talas ng isip at

angking talino ng tao. Sumasalamin din ito sa kanyang natamong karunungan na matagal na
pinanday ng panahon sa pagdukal niya ng katotohanan.

Kapag napaghusay ng tao ang kanyang talino sa pagsasalita at pagsulat, malayo ang
kanyang mararating, kasi, hindi ordinary ang kanyang pagiging masining.

Kahalagahan ng Retorika

 Sa Pasalitang Pagpapahayag

1. Nagagawa ng tagapagsalita na magsaliksik bago magsalita, kaya,lumalawak ang

kanyang kabatiran at napapaunlad niya ang kanyang kaisipan.

2. Walang nararamdamang kabagutan ang tagapakinig dahil napupukaw ang kanilang

interes/kawilihan dulot ng kasiningan sa pagpapahayag.

3. Pinapag-isip ang tagapakinig. Hindi lang basta sila nakikinig.

7
4. Ramdam ng tagapakinig ang kanilang napapakinggan; nadarama, tumitimo sa damdamin,
nakikipagsimpatiya, nakarereleyt ang mambabasa sa kanilang binabasa.

5. Nagiging maharaya, mabulaklak ang pananalita dahil napipili at napag-aaralan ang mga
salitang gagamitin

6. Nalalantad ang talino at kagalingan ng tagapagsalita- ang pagiging malikhain niya bilang
mambibigkas.

7. Isang maganda at malusog na ehersisyo ng utak ang nagagawa ng tagapagsalita.

 Sa Pasulat na Pagpapahayag

1. Nagkakaroon ng pagkakataong makapagbasa ng maraming artikulo na


mapaghahanguan ng mga ideya at informasyon.

2. Napaghuhusay ang kakayahan sa pagsulat dahil sa palagiang pagsusulat ng iba't ibang


uri ng artikulo.

3. Nakikipagpalitan ng kaisipan/ ideya sa iba para sa pagpapayaman/pagtatamo ng higit na


karunungan.

4. Nakapaglalaan ng oras sa panonood ng telebisyon, ng mga pelikula, ng mga panooring


pang-entablado at iba pang mapaghahanguan ng informasyon.

5. Nakapaglalakbay ang diwa at nagiging sensitibo sa pag-obserba ng paligid.

6. Nakapangangalap ng maraming imformasyon na naiimbak sa isipan at nagagamit sa


pagsulat.

7. Nakapagkikritik ng mga sulatin at nagagamit na modelo ang mga piyesa at obrang nabasa
o lekturang napakinggan

8
Katangian ng Masining na Pahayag

Mahalagang maeksamen ang mga isteytment/pangungusap nang may pag-iingat. Ito ay


magbubukas ng daan upang makita ang mga kamalian , magmagsasaalang-alang sa kawastuhan at
mag-aanyaya sa kritikal na pag-iisip.

Ang manunulat ay bumubuo ng teksto na kailangang tumayo sa ganang sarili -- malinaw,


sapat, buo.

Sa simula'y nagbibigay ng informasyon ang manunulat,hanggang sa unti-unting


makadidiskubre/makadedebelop ng sariling ideya. Gamit ang talino, siya'y sumusulat nang lohikal,
supisyente, akyureyt na informasyon na magagamit ng tagabasa sa maraming pagkakataon.

Sa pamantasan, lagi nang kasangkot ang pagsulat sa pag- aaral. Walang batang hindi
nagsulat sa panahon ng kanyang pamamalagi sa loob ng klasrum. Sa mga komposisyon- sanaysay ,
kwento, tula, teknikal report, korespondensya at iba pa, natatasa ng guro ang talino ng bata.

Samantala, ang pagsasalita ay mahalagang gawain sa araw-araw. Ang kasanayan/kagalingan


sa pagsasalita ay malaking adbentahe sa paghahanap ng trabaho, sa pag- iimpluwensiya ng tao at
pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Kaya, mahalagang pagtuunan ng pansin ang pagdebelop ng kasanayan sa pagsasalita at


pagsulat nang masining. Ang gramatika at retorika ang magiging daan.

Dapat magtaglay ng katangian ang sulatin o pahayag upang maging kaaya-aya, kaakit-akit,
mabisa at masining sa paningin ng babasa at tagapakinig.

1. Taglay ang kalinawan sa diwa ng isinulat o ipinahayag sa tulong ng mga angkop at piling
salita

2. Tamang gramatika ay nasunod o nagamit.

3. Kawili-will ang sinasabi o ipinahahayag, walang pagkabagot, kapana-panabik at maririkit


ang pananalita, at may lalim ang talinghaga.

4. Ramdam ng tagabasa o tagapakinig ang sabstans ng pahayag

5. Naiiba ang istilo sa iba pang panulat.

9
Paglaganap ng Retorika
Sa Gresya, nagsimula ang retorika sa mga paaralan ng mga Sophista. Kalaunan ay naituro sa
Emperyo ng Roma, sa Gitnang Taon bilang isa sa tatlong orihinal na malayang sining kasama ng
lohika (logic) at gramar.

Mahalaga ang retorika sa mga Griyego sapagka't sila ay isang demokratikong bansa noon
kung saan ang mga lider ay nagkukumpitensya sa suporta ng mamamayan. Ang labanan ay wala na
sa arena o lugar ng tunggalian kungdi nasa pasalita/oral na pagpapalitan ng salita/ideya.

Rhetor ang tawag sa mga orador (mananalumpati/ mambibigkas ng Gresya. Madalas silang
matatagpuan na humaharap sa husgado, sa asembleyang pampolitika at mga pampublikong
pagtitipon na nagpapahayag ng mga argumento o pananalita na may kasiningan at may
panghihikayat gamit ang wika.

Sa kasaysayan ng Europa, ginamit ng mga rhetor ang retorika sa mga pampublikong


pagtitipon upang mangatwiran, manghikayat, pumurl at tumuligsa. Lumaganap ang paggamit nito sa
mga demokratikong lipunan o grupo ng mga tao na kalayaang magsalita, mag-organisa at
mamulitika.

Base sa klasikong paniniwala hinggil sa retorika, ito ay panghihikayat na nakadepende sa


komunikasyon.

Pagkatapos ni Corax, sumunod sa kanyang mga yapak sina Isocrates at Aristotle. Isang
influwensyal na guro sa Athena si Isocrates noong 400 B.C. Sinasabing napaghusay niyang ganap
na naghanda siya ng sampung taon para sa isang pahayag sa ang kanyang talino sa retorika kaya
may pangyayaring nagsasaad na naghanda siya ng sampung taon para sa isang pahayag sa festival
ng Olympics.

Retorika VS. Sophistri


Ang pagpapahayag upang baligtarin ang katotohanan, iligaw ang isyu at lituhin ang
tagapakinig ay nangyayari. Ang mga salita ay maaaring magbigay-linaw, manghikayat o manlito.

Sa matandang Gresya, ang beheybyor na ito na kinukunsiderang lihis sa katotohanan at hindi


maganda ay tinatawag na sophistri. Isang leksyon ang pangyayari sa pagitan nina Corax at Tisias
para sa mga nagtatangkang itago ang katotohanan. Tandaan ang pagpapahayag ay lagi nang
kakambal ng responsibilidad.

Sa kasalukuyan, ang retorika ay nagagamit ng ilan sa di magandang gawain. Isang


halimbawa ang mga usapin sa husgado kung saan ang magagaling magsalita ay napapanigan
(ngunit hindi lahat) sa pagrerepresenta ng kanilang mga argumento. Ang mga salita ay nagwawagi
laban sa katotohanan. Ganito rin ang nangyari noon kay Socrates ayon kay Plato. Isang kabiguan
para kay Plato, na sa palagay niya, dahil sa sophistri, napilitang inumin ng kanyang gurong si
Socrates ang lason (hamlock) na taliwas sa kanyang mga itinuro na ang katotohanan ay nagwawagi
at natututunan. Para kay Plato, si Socrates ay isang martir para sa katotohanan, kaya inatake niya
ang sophistri bilang isang uri ng retorika. Ang kanyang pagbatikos sa sophistri ay ipinasa niya sa
kanyang mag-aaral na si Aristotle na nagdebelop ng sariling tatak "brand" ng retorika na naaayon
sa lohika.

10
Sa makabagong panahon, inihahalintulad ang retorika sa "trickery" (maaaring paglilisya sa
katotohanan; pagbaligtad/pagtugis sa argumento ng kalaban) upang maipanalo ang katwiran sa
pamamagitan ng mahusay na paggamit ng wika. Sa ngayon, ang retorika ay ginagamit sa
pagresolba ng anumang suliranin. Ang pinakamahusay magbigay ng katwiran ang lagi nang panalo
sa usapang pasalita. Ang mga Rhetor ngayon ay nagbibigay ng mga argumento sa pamamagitan
ng paggamit ng mahuhusay na pananalita upang sila'y paniwalaan at makahikayat.

Ethos, Logos at Pathos


Para kay Aristotle, ang retorika ay isang pantaong sining (human art) o iskil (techne). Isa
itong paraan o sining sa pagsasalita, isang diskoberi na nagbibigay ng emphasis sa
lohikal/rason/katwiran (logos)na prinoproseso (istilo at deliveri) kakambal ang emosyonal (pathos)
at ang pagtingin sa karakter (ethos) ng tagapagsalita.

Binanggit niya ang tatlong (3) mahahalagang sangkap ng mabisang


pagpapahayag:

1. Ethos kung paanong ang "karakter" o "kredibilidad" ng tagapagsalita ay nakaiimpluwensiya sa


tagapakinig/awdyens para ikunsidera na kapani-paniwala ang kanyang sinasabi.

Kung ang tagapagsalita ay kilala bilang isang atoriti sa paksang kanyang tinatalakay

Halimbawa:

 Al Gore ay isang awtoriti sa Global Warming dahil sa kanyang pag-aaral sa nasabing paksa
na prinesenta . sa mundo.

 Kapag personal na kakilala ng tagapagsalita ang taong tinutukoy niya sa kanyang panayam
(speech) o lektyur

Halimbawa: .

 Pagpapakilala ng kaibigan sa kaibigan

 Mataas na tao na kakilala ng isang mataas na tao (Senador sa Senador)

 Titser- tagapayo sa kanyang mag-aaral na valedictorian

11
Kapag binanggit ng tagapagsalita ang pangalan ng tao/bagay na totoong kilala sa larangang
kanyang tinatalakay.

Halimbawa: .

 Mahatma Gandhi ang nagpasimuno ng “civil disobedience."

 Si Dr. Christian Barnard ang kauna-unahang nagsagawa ng "heart transplant." .

 Ang "Nobel Peace Prize" ay pamosong gawad na kumikilala sa natatanging ambag ng tao sa
mundo.

 Ang Gawad Kalinga ay isang organisasyong kapuri-puri ang adhikain

2.Pathos ang paggamit ng emosyon ng tagapagsalita upang mahikayat ang tagapakinig/ awdyens
na mabago ang kanilang disisyon. Nang-aakit ang kanyang pananalita gamit ang emosyon.
Nagagawa ito sa pamamagitan nang paggamit ng metapora, amplifikasyon ng boses, pagkukuwento
pagrerepresenta ng paksa na nang-aakit ng damdamin ng kausap .

Ang apela sa emosyon ay naglalayong akitin ang tagapakinig o mambabasa na sang-ayunan


ang sinasabi ng manunulat o tagapagsalita. Sa pag-antig ng damdamin, nakukuhang mapalapit
masapol ang kalooban ng awdyens. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng tinig, salita, kilos
na naaayon sa hinihingi ng pagkakataon. Sa pagbigkas, (baba, taas ng tono) at pagpili ng salita
(empatik, may elemento ng emosyonal, diplomasya, pagkamagalang o pagpapakumbaba, paghamon
(challenged) sa awdyens. Nagagawang pakilusin ang sensibilidad, utak, pisikal at emosyonal na
komponent ng tao. Ika nga'y, kuhang-kuha ang mga tagapakinig na walang kakurap- kurap na
nakikinig sa kanyang sinasabi o kaya'y kritikal na nagsusuri sa kanilang binabasa.

12
Tingnan ang paggamit ng emosyon sa mga sumusunod na pahayag

Walang kailangang mamatay sa gitna o wakas man ng sang-araw na pagpapakasakit,


ang mga susunod na salin ng lahi, sa pagdarasal nila sa harap n ating mga puntod, ay
maghahandog sa atin ng luha ng pagmamahal at pagpapasalamat at hindi ng masaklap
na pagsisisi.

Apolinario Mabini

"Ang buhay ay di tulad ng panandaliang sindi kandila. Ito ay isang sulo na gusto kong
hawakan pagdingasin nang maliwanag na maliwanag bago ko ipasa sa susunod na
henerasyon."

Salin mula kay G

-George Bernard Shaw

"Ang tunggalian sa buhay ay hindi para lang sa malakas at mabilis, manapa'y sa taong
naniniwalang kaya niya!

-Napoleon Hill

"Ang layunin ng buhay ay tumulong sa iba, ngunit kung di mo ito magawa, huwag mo
silang saktan."

-Mother Teresa

"Kung anuman ang inaani mo ngayon ay resulta ng iyong mga ipinundar."

-James Lee Valentine

12.Logos ito ay ang paggamit ng katwiran/rason (maging ito ay sa paraang induktibo o deduktibo)
upang bumuo ng mga argumento . Ang apela sa logos (logos appeal) ay maaaring maipakita sa
paggamit ng istadistika/istatistiks, matematika, lohika (logic) at objektiviti.

Ang tradisyonal na lohika - lohika ng siyentista, hukom at mga pilosopo ay matagal na nating
ginagamit at tinatanggap sapagka't nababatay sa mga panuntunan ng lohika (silohistic na forma),
pinatitibay ng mga datos na nakalap (siyentipikong pamamaraan) at nagpapakita ng rason base sa
legalidad bukod pa sa intensibong pagririserts at pag-eksamen ng mga proposisyon. Lahat ay
dumaraan sa mapanuring pag-iisip at talino ng tao.

13
Halimbawa:

Nang itinatayo ang plantang nukleyar sa Bataan, natural may mga kasangkot
politiko, siyentista, inhinyero, proponent, gobyerno. Hanggang ngayon di pa
napapakinabangan. Bakit? Mapanganib daw, delikado, ayaw ng taong bayan at kung
anu-anong rason. Subali't naitayo at pinagkagastusan. Hindi kaya ito pinag-aralang
mabuti bago itinayo? Paano kung may masama ngang efekto o kaya'y may mangyaring
di mabuti? Sino ang sisisihin ang politiko, siyentista, inhinyero, gobyerno, taong bayan?

Ang apelang ito ay tumutulong sa pagkilatis ng "tayo" ng manunulat, tagapagsalita,


tagapakinig at mambabasa sa tama o mali, sa kanyang valyu, pananagutan at prinsipyo. Tumatasa
rin ito sa kanyang talino.

Ano ang "tayo" ng kapwa mambabasa at manulat sa mga sensitibong isyu tulad ng: rasismo,
third sex, paggamit ng condom, free sex, aborsyon, pornograpiya, euthanasia. Magkaiba ba?
Nagsasalungatan? Kung ganito, paano idedebelop ang paksa upang umapela sa mga di sumasang-
ayon?

Ang apelang lohikal ay nagpapagana ng utak upang makumbinsi ang mambabasa o


tagapakinig na paniwalaan ang sinasabi dahil sa mahusay na pangangatwiran gamit ang
pamamaraang induktibo o deduktibo.

Induktibo – nagsisimula sa maliliit informasyon hanggang sa marating ang kongklusyon.

Halimbawa:

Bunga ng pagkapunit ng ozone layer, ng pagkatunaw ng yelo sa North Pole at


dahil sa polusyon ng hangin - ang karbon na ibinubuga ng mga sasakyan, ang usok ng
mga pabriko, ang pagkasunog ng mga puno sa maraming panig ng mundo, nadarama
na natin ang global warming.

Deduktibo - nagsisimula sa panlahat (general) na isteytment at mula rito ay kumukuha ng


ispesipikong isteytment.

Halimbawa:

Ang global warming ay nararanasan na sa maraming panig ng mundo dahil sa


pabagu-bagong klima ng panahon.

14
Binanggit din ni Aristotle ang tatlong (3) genre ng retorika: o nito mga

 Forensic (kilala bilang judisyal o panghukuman) konsern nito ang pagdetermina ng katotohanan
kasinungalingan hinggil sa nakaraang pangyayari. Na- eestablis dito ang isyu ng "guilt" dahil sa
dokumentong nakuha na sumasailalim sa siyentipikong pagsusuri.

 Deliberative (kilala bilang politikal o pampulitika) konsern nito ang pagdetermina kung ang
isang aksyon ay isasagawa pa o hindi na sa hinaharap.

 Epideictic (kilala bilang seremonyal) konsern nito ang pagpaparangal (praise) pagtugis,
pagtuligsa o pagpaparatang (blame), pagpapakita ng valyu, (tama o mali)

Katangian ng Retorika

Ayon kay Roderick P. Hart (1997), ang retorika ay may katangiang sumusunod:

1. Ang retorika ay nagbibigay ngalan/katawagan

Ang mga nilikha (tao at hayop) at mga nalikhang (bagay, institusyon, lugar, pangyayari) ay
ipinanganak at lumitaw sa mundo nang walang ngalan. Ang retorika'y katuwang sa pagbibigay
ngalan sa kanila. Pinayabong pa ang kanilang ngalan para sa higit na pagkakakilanlan/pagkilala.

Halimbawa: Manny Pacquiao TV Patrol

Miss Universe CNN

SM Mall of Asia Charice Pempengco


Jollibee Red Ribbon
Mang Inasal Datu Put
Acer Computer Lungsod ng Davao
Edsa Revolution Katipunan

15
2. Ang retorika ay nagbibigay lakas/ kapangyarihan

Ang kapangyarihang panlipunan ay karaniwang nakukuha sa galing ng pagsasalita sa harap


ng publiko. Ang mga politiko, pastor, negosyante, titser, at iba pang maykapangyarihan o awtoridad
ay nakaiimpluwensiya) nakapanghihikayat ng tao. Sa totoo lang, hindi lahat ng tao ay kayang gawin
ito. Sa pamamagitan ng kanilang mga talumpati, sermon, "sales talk", lektyur ay napasusunod,
napahahanga at napakikilos nila ang kanilang awdyens. Hindi lubos na makikinig ang isang mag
aaral kung hindi magaling ang lektura ng isang tagapagsalita o tagapanayam. Ang isang
komentarista ay nakakakuha ng tagapakinig dahil sa husay ng kanyang pananalita.

Ang binanggit na pananalita ni Martin Luther King noong Agosto 28, 1963 sa Lincoln Memorial
sa Washington D.C. ay isang mabuting halimbawa ng kapangyarihang ibinigay ng pananalitang ito
upang papag-isipin at pakilusin ang tao sa kanyang sinabi...

"Huwag tayong lupigin ng kawalang pag-asa. Sinasabi ko ngayon sa inyo mga kaibigan.

At kahit na tayo'y nahaharap sa mga paghihirap ngayon at bukas, mayroon akong panaginip.
At ang panaginip kong ito'y nakaugat sa panaginip ng mga Amerikano.

Panaginip kong, isang araw ang bansang ito'y titindig at bubuhayin ang kanyang credo.. na
ang lahat ng tao'y isinilang na pantay pantay.

Nanaginip ako na isang araw, sa lupaing pula ng Georgia, ang mga anak ng mga dating
alipin, at ang mga anak ng mga dating aliping nagmamay-ari ay makauupo nang sama-sama hapag
ng pagkakapatiran.

Mayroon akong panaginip na isang araw ang estado ng Mississippi, kung saan malalim ang
kawalan ng hustisya at opresyon ay magiging oasis ng kalayaan at hustisya.

Mayroon akong panaginip, na ang aking apat na anak ay mabubuhay sa isang bansang hindi
sila kukutyain dahil sa kanilang kulay, sa halip ang titingnan ay ang kanilang karakter.

Isang araw ay nangangarap ako na dito sa Alabama, ang mga itim na batang lalaki at babae
ay magkasamang maghahawak -kamay ng mga puting batang lalaki at babae"

Mayroon akong panaginip!"

Martin Luther King

16
3. Ang retorika ay nakapagpapalawak ng ating mundo

Hindi lang natin tinitingnan ang mundo sa ating perspektiba. Tinatanaw natin ang mundo
nang mas malaki - hindi lang munti at maliliit (micro) na ideya mula sa ating sarili ang ating iniisip.
Hindi lang sarili natin ang ating pinakikinggan, nagsusuri tayo at nagiging kritikal sa mga bagay-
bagay at pangyayari sa mundo.

Nangangatwiran na tayo. May talim na rin ang ating mga sinasabi. May sabstans na ang
ating mga pahayag. Mula sa simple, naging kompleks ang ating mga pangungusap. May ngipin na
ang ating mga binibitiwang salita Nagbago na nga tayo. Hindi na lang basta tumatango.
Nagtatanong at nag-aanalisa na

4. Ang retoriko ay kumukuha ng atensyon ng tagapakinig

Upang makuhang buung-buo ang atensyon ng tagapakinig, pinupuno ng tagapagsalita ang


ating utak ng mga informasyon hanggang sa pansamantala nating nalimutan ang ating gawain, ang
ibang tao at mga bagay na importante sa atin. Nakokontrol ang diskusyon, napipili ang gustong pag-
usapan hangga't maaari. Sumasakay lang ang tagapakinig sinasabi ng tagapagsalita. Pinag-iisip tayo
sa paksa (hindi iyon ... huwag 'yon ang ating pag-usapan dapat ay ito) o kaya ay (dito, huwag
doon ... ngayon, di kahapon).

5. Ang retorika ay nagpapaluwag ng daan para sa komunikasyon

May mga bagay na di natin masabi nang diretsahan kaya gumagamit tayo ng retorika. Ayaw
nating makapanakit kaya umiiwas tayong magpahayag nang walang pagsasaalang-alang sa akmang
pagpili ng salita. Sa retorika'y nadaragdagan ang ating bokabularyo. Naoorganisa natin ang ating
pangungusap, napagaganda nito ang ating pahayag - makinis, mabisa, masining. Ang mambibigkas,
rhetor, mananalumpati, tagapagpahayag/ tagapagsalita at manunulat ay lagi nang may awdyens,
dahil dito, ang komunikasyon ay laging bukas.

17
Elemento ng Retorika

Hindi magiging ganap ang pagpapahayag kapag kulang o "absent" ang ilan sa mga
kinikilalang elemento ng retorika

1. Paksa

Paano pinipili ang paksa? Paano pinagpapasiyahan ang gagamiting paksa? Para sa ilan,
may kahirapang humanap ng paksa. Hindi ito madaling gawin. Para sa mga awtor,
iminumungkahi ang pagtitipon ng mga "keyword" o susing salita upang makalikha/makapag-
isip ng paksa. Ang mga susing salita ay maaaring hinggil sa mga bagay na kawili-wili para sa
manunulat gawin.

2. Kaayusan at Debelopment ng mga Bahagi

2.1. May introduksyon na binubuo ng:

*Pambungad na Pahayag o Tesis Isteytment

*Sumusuportang Ideya

2.2 Ang katawan na maayos na natalakay dahil masinop na inihanay ang mga detalye sa pagdebelop
ng paksa. Hindi kailangang mabitin ang mambabasa dahil kulang ang datos/informasyon o may
nawawalang bahagi ng sulatin. Kailangang makumpleto ang ideyang gustong ipahayag.

2.2. May kongklusyon na nagbubuod sa paksa

 Nagbabalik-tanaw sa tesis isteytment

 Nag-uulit ng mga susing pahayag

 Nagbibigay ng pangwakas na pahayag. Maaaring magbigay ng hamon o "challenge" para sa


mambabasa.

18
3. Estilo

Ano ang istilo ng manunulat sa kanyang pagsulat? Anong uri ng sulatin ang kanyang
sinusulat? Bakit kailangan niyang magkaroon ng sariling tatak? Elitista ba ang kanyang
lenggwahe o pangmasa? Ano ang gamit ng kanyang lenggwahe? Ano ang forma ng kanyang
sulatin? Gender sensitive ba? Mabangis ba, may ngipin o walang talim ang kanyang
pananalita? Naiintindihan ba sa unang pagbasa ang kanyang gustong ipahayag? Anong basa
mo sa kanyang sulatin sosyo, kultural, politikal, ekonomik ba ang tema? Pansinin ninyo ang
mga manunulat sa dyaryo. Ano ang kanilang mga estilo? May bigat ba o ordinaryo lang
sumulat? Ano ang sariling pagkakakilanlan sa kanila dahil sa kanilang panulat? Paano
nagkakaiba-iba ang mga kolumnista, editor, nobelista, kwentista sa kanilang panulat sasagot
dito. Mababaw lamang ba?

Mabigat? Nangangailangan ng matamang pagsusuri o analisa? Alin ang ipagpapatuloy at


tatapusin mong basahin?

Sa pagsulat, ang estilo ay tumutukoy sa kung paano hinuhulma ang ideya, kung paanong inaayos
ng manunulat ang mga pangungusap gayon din pagdebelop ng mga ang talataan at matawag na
kanyang kanya, tatak niyal!

Sa American Heritage Dictionary, tinukoy ang estilo bilang paraan kung paanong sinasabi o
ginagawa ang isang bagay sa pagsulat, ang estilo nangangahulugan ng "paano sinasabi ang isang
bagay- ang paraan kung paano inaayos ang salita at pangungusap, at sabstans ng mensaheng
gustong iparating; samakatwid, ang estilo ay paraan kung paano isinusulat ang komposisyon.

Sangkot sa estilo ang diksyon, istruktura ng pangungusap, tono, higit sa lahat, ang lenggwah

Simple, kompleks na pangungusap na maraming sugnay ba ang gamit? Magaan bang basahin?
Tuluy- tuloy lang, ba? Konberseysyonal at parang nakikipag- usap lang kahit nakalimbag ang
teksto? Libre ba sa balbal at kolokyalismo?

19
4. Tono

Ito ang tinig ng manunulat na nadarama kapag binabasa ang kanyang sulatin. Umaapela ba sa
damdamin o informativ lang? Formal ba o informal ang tono? Obhektibo ba o nagbibigay lang ng
informasyon? Subhektibo gustong maimpluwensiyahan ang mambabasa dahil ito'y personal, afektiv
at sariling opinyon ng manunulat?. "Light", "humorous", "heavy", malungkot, may galit, masaya,
seryoso, satirikal? Tingnan ang halimbawa ng isang personal, afektiv at at subhektibong pahayag.

Halimbawa:

"Galit ako sa mundo sapagka't lahat ng aking ginawa'y laging mali para sa iba. Hindi ko na
alam kung paano sila masisiyahan. Ayaw ko nang mabigol"

"Napakahirap kumuha ng US Visa. Kahit may dala kang rekwayrment, hindi ka pa rin
sigurado kung ikaw ay papasa. Sa interbyu pa lang, marami nang bumabagsak Bakit nga kaya
maraming Pilipinong nagkakandarapang pumunta sa Amerika? Maganda nga ba ang "future" sa big
Apple?

Katulad ng pagsasalita, may mga taong nagagalit kapag kinakausap sila sa tonong di nila
gusto, gayun din sa pagsulat, may mga materyal (akda/komposisyon) na ayaw basahin, kagyat
lang kung basahin o kaya ay ayaw tapusin. Ano ang rason? Mabigat, walang laman (sabstans).
Walang bagong informasyon, di gusto ang tono, nababagot ang mambabasa, at iba pa.

5. Malinis na Paglilipat ng Mensahe

Dahil sa may paksang pangungusap at sumusuportang pangungusap


nagkakaroon ng ugnayan/koneksyon ang pangungusap sa sinundan at susundang
pangungusap, at naiiwasan ang pagtalon/pagsanib ng ideya sa kung anu-anong mga
ideya lamang na walang kinalaman sa paksa. Ang lahat ng mga ideyang nailagak sa
isipan ay umiikot sa paksang pangungusap at ito'y napagtatagni-tagni nang maayos
dahil sa mga transisyonal na mga salita at parirala.

6. Interaksyong "Shared Knowledge"

Madaling bumibilib ang mambabasa manunulat kapag nakapagrereleyt ang


tagabasa sa kanyang binabasa. Kung nakaranas ng kahirapan ang tagabasa o
tagapakinig, madali niyang madarama ang damdamin ng awtor o tagapagsalita. Sa
mga awdyens na di nakaranas ng snow o winter, mahirap mapasok ang kalooban ng
tagabasa o tagapakinig bagama't sa pamamagitan ng mahusay na paggamit ng mga
salita, sila ay makapagpipinta ng mga mental na imahe. Sa "shared knowledge"
nakapag-lidentifay ang mambabasa sa mga sinasabi ng awtor kung kilala niya ang
lipunan, grupo, kultura, wika na binabanggit sa akda o komposisyon. Kapag may
shared knowledge, mas madali ang unawaan sa pagitan ng manunulat at mambabasa,
tagapagsalita at tagapakinig.

20
Ang mga pangyayari sa buhay na kapwa naranasan ng manunulat at
mambabasa, ng tagapagsalita at tagapakinig ay nagpapadali sa unawaan ng dalawa.
Ang "rapport" ay madaling naeestablis. Ang kanilang mga utak ay parang nag-uusap.
Nadarama nila ang isa't isa. Ang kanilang damdamin ay nagsasanib. Sa "shared
knowledge" madali ang pagkatuto at pag- uunawaan.

V.SANGGUNIAN
 Austero,Cecilia et al. (2013) Retorika Manila, Rajah Publishing House.
 Astorga, Eriberto Jr. Retorika , Masining na Pagpapahayag, Intramuros Manila, Mindshpers Co,
Inc,

21

You might also like