Professional Documents
Culture Documents
Kasidhian NG Pang-Uri Hand Out
Kasidhian NG Pang-Uri Hand Out
Hal. Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat sila ang
sentro ng teknolohiya.
Magsing-(magkasing-/magkasim)-ang pinagtutulad ay napipisan sa paksa ng
pangungusap.
hal.Ang dalawang bansa ay magkasingyaman.
Ga-/gangga-nangangahulugan ng gaya,tulad,paris
Hal.Gamundo ang pagpapahalaga nila sa kalayaan sa wika at relihiyon upang
magkaroon ng pagkakaisa.
B.Paghahambing na di-magkatulad
Nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait,pagtanggi,o pagsalungat sa pinatutunayang
pangungusap.
Hambingang Palamang
may mahigit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambing.Naipapakita ito sa tulong ng mga salitang lalo,higit,di-hamak,mas
at iba pa.
Lalo-Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan
kung ang sinasamang pang-uri ay nagpapahayag ng
kalakhan ,kataasan,kalabisan,o kahigitan.Muli katuwang nito ang kaysa
kaysa sa/kay.
Hal.Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.
Lalo- nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na
katangian.Sinusundan ito ng katuwang na panghambing na kaysa kay kung
ngalang tao ang pinaghahambing,kaysa o kaysa sa kung ngalang bagay o
pangyayari.
Hambingang Pasahol
-may mahigit na negatibong katangian ang pinaghahambingan sa bagay na
inihahambing.Ginagamit ang mga salitang di-gaano,di-gasino,di-totoo.
Di-gasino
tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao .Sinusundan
ito ng alinman sa mga katagang naghahambing,kabilang ang gaya,tulad,para o
paris na sinusundan ng panandang ni.
Di Gaano
Tulad ng/-tulad din ng di gasino subalit sa mga hambingang bagay lamang
ginagamit.
Di totoo
Nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri.Nagagamit itong
pamalit sa di gasino at di gaano
Higit/ mas
-tulad ng kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan kung
ginagamit ito sa paghahambing.
Hal.Higit na malinis ang isa sa isa.
Labis-tulad din ng higit o mas
Hal.Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.
Di-hamak-kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri.
Hal.Di hamak na mapuputi ang Singaporean sa mga Hindu.
3.PASUKDOL-
NASA PINAKADULONG DIGRI NG KAANTASAN ANG PASUKDOL.ITO AY
MAAARING POSITIBO O NEGATIBO.ANG PAGLALARAWAN AY MASIDHI
KUNG KAYA MAAARING GUMAMIT NG MGA KATAGANG
SOBRA,UBOD,TUNAY,TALAGA,SAKSAKAN,HARI NG______, AT KUNG
MINSA’Y PAG-UULIT NG PANG-URI.
Hal.Pinakamabisang paraan upang ipaglaban ang Karapatan ng kababaihan ay
magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa kanilang karapatan