President Ap 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

WEEK 6 - ARALING PANLIPUNAN

Nagsimula ang pamahalaan ng Ikatlong Republika sa taong 1946 at nagtatapos ng taong 1986.

MGA PROGRAMA AT PATAKARAN NG KANYANG


PAMAMAHALA
PANGULONG MANUEL A. ROXAS
(HULYO 4, 1848 - ABRIL 15 , 1948)
Para masolusyunan ang problema hingil sa ekonomiya ng bansa ay isinasagawa ni
pangulong Manuel A. Roxas ang sumusunod:
*Pag sasaayos ng elektripikasyon
*Pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal
*Pagtatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang.
*Paghimok sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa Pilipinas.
*Pagsisiyasat sa mga likas na yaman ng bansa na humantong sa pagmumungkahi na kailangang matatag ng mga
industriyang manganagalaga at lilinang sa mga likas na yaman ng bansa.
Nagtatag din siya ng maraming korporasyon o samahang upang mangalaga sa kapakanan ng mga magsasaka narito
ang sumusunod na korporasyon.
*NARIC – NATIONAL RICE AND CORN CORPORATION
*NACOCO – NATIONAL COCONUT CORPORATION
*NAFCO –NATIONAL ABACA AND OTHER FIBERS CORPORATION
*NTC –NATIONAL TOBACCO CORPORATION
Binuo rin niya RFC o Rehabilatation Finance Corporation o mas kilala ngayong bilang Development Bank of the
Philippines. pinunduhan ng malaking halaga na umaabot sa php 300,000,000 ang samahan upang tulungan ang mga
tao at mga pribadong kompanya para makapagsimula uli at makapagpanibagong buhay pagkatapos ng digmaan sa
pamamagitan ng pagpapautang.

PANGULONG ELPIDIO QUIRINO


(ABRIL 17, 1948 - DISYEMBRE 30, 1953)
Sa panunungkulan ni pangulong Elpidio Quirino ay pinagtuonan niya ng pansin ang pagpapaunlad sa
economiya sa pamamagitan ng industriyalisasyon. Ipinatutupad niya ang mga sumusunod:
1.Pagpapagawa ng mga lansangan para mapabilis ang sistema ng transportasyon lalo na ang farm to
market roads.
2.Pagsasagawa ng linguhang pag-uulat sa taumbayan sa pamamagitan ng radio at pahayagan ukol sa
mga Gawain ng kanyang administrasyon.
3.Pagtatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
4.Pagpapaunlad ng sistema ng patubig sa boung bansa upang matugunan ang panganagailangan ng mga magsasaka
5. Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wages Law para mapabuti ang kalagayan ng mga
manggagawa.
6. Pagtatayo ng mga rural bank para pautangin ng puhunan ang mga magsasaka.
7.Pagtatag ng President’s Action Committee on Social Amelioration o PASCA.
Sa panahon din ng kanyang panunungkulan ay nangyari ang unang pagpupulong ng mga bansang asyano na sa
dinaluhan ng Indonesia, Thailand , Taiwan, Timog Korea , India , Australia at Pilipinas para pag usapan ang
pagsugpo sa paglaganap ng komunismo sa Asya
Inatasan din ni Pangulong Quirino ang kanyang kapatid na si Mahistrado Antonio Quirinona makipag –usap kay
Taruc. Nagkaroon ng negosasyon ang dalawang pangkat at nabuo ang mga sumusunod :
*Pagbibigay ng amnestiya sa mga HUK.
*Pagpawalang bisa sa mga kasunduang nakasaad sa Batas Kalakalang Bell
*Pagsugpo sa mga katiwalian at anomaly sa pamahalaan.
*Pagpapalawig sa demokratikong Kalayaan.
*Pagpapatupad ng repormang panlupa.
Pinili ni Quirino si ramon Magsaysay bilang kalihim ng Tanggulang Pambansa upang sugpuin ang mga HUK sa
pamamagitan ng Programang Economic DevelopmentCorps ( EDCOR) lahat ay nagkusang magbalik ng kanilang
mga armas ay binigyan ng amnestiya at pinagkalooban ng lupang masasaka upang makapamuhay nang tahimik at
mapayapang buhay.

PANGULONG RAMON F. MAGSAYSAY


(DISYEMBRE 30, 1953 - MARSO 17, 1957)

Maraming adhikain ay ipinatupad si Pangulong Ramon F. Magsaysay para makamit ito.


Ipinatupad niya ang mga sumusunod:
1.Pinagtibay niya Land Tenure Reform Law kung saan itinadhana ang paghahati –hati ng
malaking asyendang bibilhin ng pamahalaan upang maipahagi nang hulugan sa mga kasama.
2.Pagpapatayo ng mga poso ( Artesian Wells) at patubig upang mapabilis ang pag unlad ng mga
baryo.
3.Pagpapagawa ng mga daan at tulay upang mailapit at maidugtong ang mga baryo sa poblasyon
o kabayanan.
4.Paglulunsad ng pananaliksik tungkol sa makabagong sistema ng pagsasaka at bagong uri ng
binhi tulad ng Masagana.
5.Pagpapatayo ng Agricultural Credit and Corporative Financing Administration (ACCFA) para matulungan ang mga
magsasaka sa pagbili ng kanilang ani.
6.Pagpapatayo ng Frmers Cooperative Marketing Association ( FACOMA) kung sariling kalabaw sa pagsasaka at iba
pang kagamitan.
7.Pag –oorganisa ng mga kapulungan pambaryo ng mga sanggunian sa pagsasaka at mga samahang 4-H na may
kinalaman sa paghahalaman.
*Itinatag din niya ang ang Presidential Complaints and Action Committe (PCAC).
* Sa loob ng isang taong ay humigit kumulang sa 60,000 ang karaingan ang napaabot sa kanya sa pamamagitan ng
PCAC.
ISA SA KANGYANG KONTRIBUSYON SA KAGALINGAN NG PANLIPUNAN AT PAMPOLITIKA
*Pinagtibay niya nag batas na kilala sa Security Act (Batas sa Katatagang Panlipunan).
*Ipinagpatuloy din niya ang paglunsad ng (EDCOR) nong siya ya kalihim pa lamang sa Tanggulang Pambansa.

PANGULONG CARLOS P. GARCIA


(MARSO 17, 1957 – DISYEMBRE 30, 1961)
MGA KONTRIBUSYON PANGULONG CARLOS P. GARCIA NA NAKAPAGDUDULOT
NG KAULARAN SA LIPUNAN AT BANSA

Sa kanyang panahon ay ipinatupad niya ang Patakarang Pilipino Muna sa bansa sa bias ng
Resolusyon Blg 204 na nagsaad ng tiwaling pakikitungo ng mga dayuhan sa mga
Pilipino.Binigyan pansin din niya pag papaunlad ng antsa ng pamumuhay ng mga mamamayan
kaya inilunsad niya ang mga sumusunod.
1.Austerity Program - layunin ng kanyang panunungkulan na bigyan ng maayos at matipid na pamumuhay ang mga
Pilipino: Ang pamahalaan ay maging matalino at masinop sa paggasta at higit na maayos ang paglunsad at paggawa
ng pamumuhunang kapaki-pakinabang sa sambayanan.
2.Pag papairal ng Pilipino First Policy. Ito ay nagbibigay ng prioridad sa mga Pilipino para paunlarin ang kayamanan
ng bansa kaya hinkayat niya ang mga mamamayan na tangkilikin ang produktong sariling atin.
3.Filipino Retailer’s Fund Act (1955) na nagpapautang sa mga Pilipino.
4.NAMARCO (National Marketing Corporation ) na nagtutustos sa maliit na Pilipinong mangangalakal.
MARAMING DIN SIYANG NAGAWANG KAGALINGANG PANLIPUNAN AT PAMPOLITIKA
Sa kasigagigan ni Pangulong ni Carlos P. Gacia ay nagkaroon ng pagbabago sa kasunduan pamamalakad ng base-
military sa bansa.
1.Pagtataas ng bandila ng Pilipinas kasama ang bandila ng Estados Unidos sa lahat ng base- military sa bansa simula
Mayo 1, 2957
2.Pag- alis ng mga karapatan ng mga Amerikano sa pag control sa Olongapo.
3. Pagtakda ng limitasyon sa mga instalayong militar ng bansang Amerika sa ating bansa kabilang ang Clark Air
Base Camp John Hay at Subic Naval Base
Pinalawig din ni Pangulong Carlos P. Gracia ang pakikipag-ugnayang panlabas na sinimulan ni Pangulon Ramon F.
Magsaysay. Pinairal nia muli ang patakarang “ Asya Para sa mga Asyano” kalakip nito ang pagtutol niya sa
paglaganap ng komunismo. Nabuo rin sa kangyang panunungkulan ang (ASA) Association of Southeast Asia noong
Hulyo 1961 na naglalayong pag –isahin ant buklurin ang mga kaanib ng bansa sa magtulungan sa pangkabuhayan at
pangkultura.Binigyang halaga niya ang Kulturang Pilipino sa pamamagitan ng taunang pag daraos ng Republic
Cultural Heritage Awards .Nagpapadala rin ng mga cultural troupe sa ibang bansa upang palakasin ang turismo sa
bansa.

PANGULONG DIOSDADO P. MACAPAGAL

DIYEMBRE 30, 1961 - DISYEMBRE 30 , 1965


Narito ang mga sumusunod na kontribusyon sapanahon panunungkulan ni Pangulong
Diosdado P. Macapagal na nakapagdududlot ng kaunlaran sa lipunan at bansa. Sa
panahon panunungkulan ni Pangulong Diosdado P. Macapagal ay inilhad niya ang
kangyang patakaran at programa nagdudulot ng kaunlaran sa lipunan at bansa
1 .Paglutas sa mga suliranin may kaugnayansakawalan ng hanapbuhay ng maraming
Pilipino.
2. Pagtiyak na magkaroon ng sapat na pagkain ang boung bansa sa pamamagitan ng pagpapalaki ng produksiyun.
3. Pag-akay sa mga Pilipino,sa pamamagitang ng pagiging huwaran sa pamumuhay ng payak at walang halong
karangyaan.
4. Pagkaroon ng malinis at matapat na pangasiwaan.
Bukod sa program ay marami pa siya mga naiambag tulad ng sumusunod
*Pagkaroon ng pagbabago ang mga Lupang Sakahan ( Agricultural Land Reform Code) noong Agosto 8, 1963 ay
pinagtibay ng kongreso.kung saan isisnasaad na uupahan nalang ang lupa sa halagang 25% ng ani.Kasama sa mga
sumusunod na pagbabago Ang sumusunod
1.Pagpapahalaga sa karangalan ng maliit na magsasaka at pagliligtas sa masamang kinagawian na pinairal sa mga
sakahan.
2.Pagbigay ng pagkakataon sa mga lupang sakahang makapagbibigay ng malaking kita at produksiyon sa bansa.
3.Pagpapairal ng patas at walang kinikilingang mga batas para sa lahat kinalaman sa paggawa.
4.Pagpapairal sa sistemang nagbibigay ng sapat na pagkakataon sa mga magsasaka na gawin silang higit na
nagsasarili at higit na may pananagutan sa mga lupang kanilang sinaskahan.
Maliban dito ay mayroon din siyang nagawa gaya ng sumusunod
*Pagpapalaganap ng Wikang Filipino.
*Pagbabagosaaraw ng kalayaanmulaHulyo 4 saHulyo 12
*Pagtatag ng MAPHILINDO

PANGULONG FERDINAND E. MARCOS


(DISYEMBRE 30, 1965 – PEBRERO 25, 1986)

Dahil sa suliraning pangkabuhayan at pampolitika ay nagpapatupad ng maraming programa


pangkaunlaran si Pangulong Ferdinand E. Marcos. Inilunsad niya ang malawakang programang pang
empraestruktura.Nagpagawa siya ng mga tulay , kalye ,paaralan irigasyon at marami pang iba.Dahil
ditto nabuhay muli ang pag-asa ng mga mamamayan na mahahango ang bansa sa kahirapan dahil sa
unang taon pa lamang ng panunungkulan ni Pangulong Marcos ay nagkaroon ng malaking pagbabago
ang nangyari sa bansa.Narito ang ilan sa mga sumusunod:
1.Pagpalaki ng produksiyun ng bigas at maisdahilsapaggamit ng modernongparaan ng irrigasyon at pagsasaka.
2.Pagbaba ng bilang ng kriminalidad.
3.Pagbaba ng mgakatiwalian ng pamahalaan.
4.Pagpapalawak at higitnapagpapabuti ng mgaprogramasasarepormasalupa.
5.Pagpapalaganap ng mgapaglilingkodnapangkalusugansamgapook rural.
6.Paglulunsad ng LuntiangHimagsikan(Green Revolution)Pagtugonsapangangailangan ng pagkain.
7.Pagtugon sagawaing cultural ng bansasapamamagitan ng pagtatag ng Cultural Central of the Philippines.
8.Pagpapalawak ng ngpakikipag-ugnayangpandaigdigan ng Pilipinas.
PAKIKIPAG-UGNAYANG PANLABAS
Nakiisa rin si Marcos sa pagtatag ng ASEAN O Association of Southeast Asian Nations Noong Agosto 8,1967 .Ang
mga layunin ng samahan na ito a nakapaloob sa pahayag ng ASEAN, Narito ang sumusunod:
1.Pagsulong sa kaunlarang pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura ng rehiyon.
2.Pagtaguyod at pagtutulungan sa mga kasamang bansa sa larangan ng lipunan kabuhayan.
3.Pagtataguyod sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon sa pagpapatupad ng batas at katarungan.
4.Pagtutulungan sa pagpapaunlad ng kasanayan ng kani-kanilang mga nasasakupan sa larangan ng
edukasyon ,propesyon at teknikal na kaalaman.
5.Pagpapasigla sa pag-aaral ng kasaysayan at kultura ng mga bansa sa Timog- Silangang Asya.

You might also like