Abs Trak

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ABSTRAK

PARADERO,CHRISCIAN MARFIL. 2022.Kahusayan sa Gramatika at Bokabularyo:


Ang kaugnayan nito sa Oral na Komunikasyon. BSE Tesis. Kolehiyo ng
Edukasyon, Sining at Agham.Pamantasan ng Katimugang Mindanao Kampus sa
Lungsod ng Kidapawan, Sudapin, Lungsod ng Kidapawan. 60 pp.

Tagapayo: BONIFACIA A. ALOJIPAN,EdD

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang Makabuluhang


kaugnayan sa Kahusayan sa Gramatika at Bokabularyo sa Oral na Komunikasyon.
Gumamit ang mananaliksik ng Palarawang Korelasyon. Random sampling ang ginamit
sa pagpili ng mga respondente na tatlumpu’t lima (35) mag-aaral ng baitang 11 at 12
ng Magpet National High School, Poblacion Magpet. Ang mga nakalap na datos ay
binilang, itinala, sinuri at binigyan ng katumbas na interpretasyon upang matukoy ang
Makabuluhang kaugnayan sa Kahusayan sa Gramatika at Bokabularyo sa Oral na
Komunikasyon. Ang estadistikang ginamit ay weighted mean. Batay sa resulta, walang
makabuluhang ugnayan ang gramatika at bokabularyo sa oral na komunikasyon ng
mga mag-aaral. Ang kabuuang sagot ng mga mag-aaral sa antas ng kahusayan sa
gramatika ay may mean na labingsiyam na punto dalawampu't dalawa at may
deskriptib balyu na katamtaman na kaalaman sa gramatika. Ang kabuuang sagot
naman sa antas ng kahusayan sa bokabularyo ay may mean na labinlima na punto
dalawangdaan at walumpu'tanim na may deskriptib balyu na katamtamang kaalaman
sa bokabularyo. Ang kabuuang sagot ng mga mag-aaral sa antas ng kahusayan sa oral
na komunikasyon ay may kabuuang mean na dalawang punto pitumpu't lima at may
deskriptib balyu na katamtaman na kaalaman sa oral na komunikasyon.

Susing Salita: Gramatika,Bokabularyo at Oral na Komunikasyon

You might also like