ANG DAAN TUNGO SA KAPATAWARAN - Outline

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG DAAN TUNGO SA KAPATAWARAN

2 Cronica 7:13-16

Nang matapos ni Solomon ang pagpapatayo ng templo ng PANGINOON at ng


11 

kanyang palasyo. Natapos niya ang lahat ng binalak niya para rito. 12 At isang
gabi, nagpakita sa kanya ang PANGINOON at sinabi, “Narinig ko ang panalangin
mo at pinili ko ang templong ito na lugar para pag-aalayan ng mga handog.

“Halimbawang hindi ko paulanin, o kaya namaʼy magpadala ako ng mga


13 

balang sa lupa na kakain ng mga tanim, o magpadala ako ng salot sa aking mga
mamamayan; 14 at kung ang mga mamamayan ko na aking tinawag ay
magpakumbaba, manalangin, dumulog sa akin, at tumalikod sa ginagawa nilang
kasamaan, diringgin ko sila mula sa langit at patatawarin ang kanilang
kasalanan, at pagpapalain ko ulit pagpapalain ang kanilang lupain. 15 Papansinin
ko sila at pakikinggan ang kanilang mga panalangin sa lugar na ito, 16 dahil ang
templong ito ay pinili kong isang lugar kung saan pararangalan ako
magpakailanman. Iingatan ko ito at laging aalagaan.

I. MANUMBALIK SA ATING DIYOS (v.12-14a)


- Ang Panawagan ng Diyos (v.13-14a)
26 
“Kung hindi nʼyo pauulanin, dahil nagkasala ang inyong mga
mamamayan sa inyo, at kung manalangin po silang nakaharap sa
templong ito at magpuri sa inyo, at magsisi sa kanilang mga kasalanan
dahil pinarusahan nʼyo sila, 27 dinggin nʼyo po sila riyan sa langit.
Patawarin nʼyo po sila na inyong mga lingkod, ang inyong mga
mamamayang Israelita. Turuan nʼyo po sila ng matuwid na pamumuhay,
at padalhan ng ulan ang lupain na inyong ibinigay sa kanila bilang pag-
aari.
2Cronica 6:26-27
14 
at kung ang mga mamamayan ko na aking tinawag ay magpakumbaba,
manalangin, dumulog sa akin, at tumalikod sa ginagawa nilang
kasamaan, diringgin ko sila mula sa langit at patatawarin ang kanilang
kasalanan, at pagpapalain ko ulit pagpapalain ang kanilang lupain. 
2Cronica 7:14
 Daan Tungo sa Kapatawaran:
a. Magpakumbaba (pag-amin na tayo ay makasalanan)
b. Manalangin (paglapit sa Diyos)
c. Siyasatin (pagtuon ng atensyon sa nais o kalooban ng Diyos)
d. Tumalikod sa Maling Gawain (Mga bagay na ginagawa natin na hindi nais
ng Diyos)

II. ANG PANGAKONG KAAKIBAT NG KAPATAWARAN (v.14b-16)


- Diringgin at Pagagalingin! (v.14-15)

Kung ihahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay matapat at
matuwid na magpapatawad at maglilinis sa atin sa lahat ng ating
kalikuan.
1Juan 1:9
12 
Ito ay sapagkat ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid.
Ang kaniyang tainga ay dumirinig ng kanilang panalangin. Ngunit ang
mukha ng Panginoon ay laban sa mga gumagawa ng masama.
1Pedro 3:12
- Tayo ay Pinili (v.16)
16 
Hindi nʼyo ba alam na kayoʼy templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios
ay naninirahan sa inyo?
1Corinto 3:16

Ngunit kayo ay isang lahing hinirang, makaharing pagkasaserdote,
isang bansang banal at taong pag-aari ng Diyos. Ito ay upang ipahayag
ninyo ang kaniyang kadakilaan na siya rin naman ang tumawag sa inyo
mula sa kadiliman patungo sa kaniyang kamangha-manghang
kaliwanagan.
1Pedro 2:9
a. Gawin ang Dakilang Tagubilin (Mateo 28:18-20)

At lumapit si Jesus at nagsalita sa kanila, na sinasabi: Lahat ng


18 

kapamahalaan ay ibinigay sa akin sa langit at sa lupa. 19 Humayo nga


kayo. Gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, inyong
bawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na
Espiritu. 20 Turuan ninyo sila na ganapin ang lahat ng mga bagay na
aking iniutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga
araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito. Siya nawa!

b. Maglingkod sa iglesya (Galatia 5:13-14)


13 
Ngayon mga kapatid, tinawag kayo ng Diyos upang kayo ay maging
malaya. Huwag lamang ninyong gamitin ang inyong kalayaan na
maging pagkakataon para sa makalamang pita. Sa halip, sa
pamamagitan ng pag-ibig ay maglingkod kayo sa isa’t isa. 14 Ito ay
sapagkat sa isang salita ay natupad ang buong kasulatan: Ibigin mo
ang iyong kapwagaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

c. Paglingkuran ang Panginoon (Deuteronomio 13:4)


Ang PANGINOON ninyong Dios lang ang dapat ninyong sundin at

igalang. Tuparin ninyo ang kanyang mga utos at sundin nʼyo siya;
paglingkuran siya at manatili kayo sa kanya.
16 
dahil ang templong ito ay pinili kong isang lugar kung saan pararangalan ako
magpakailanman. Iingatan ko ito at laging aalagaan.
2 Cronica 7:16

You might also like