Ang Pagpasan Sa Ating Krus

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG PAGPASAN SA ATING KRUS

LUCAS 14:25-27

Sumama kay Jesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang
sinabi, “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa
at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. Ang hindi
magpasan ng sarili niyang krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.

1. ANG BIGAT NG KRUS


- Ang krus na pinasan ni Jesus ay pinaniniwalaang tumitimbang ng 300 lbs na binuhat
sa layong 1 ½ kilometro mula sa palasyo ni Herod hanggang Golgotha
- Ang pagpasan ng krus hanggang sa maipako si Jesus ay parte ng parusang pinataw sa
kanya.
- Tayo ay inaatasan na kung nais natin na sumunod kay Kristo, kailangan nating itakwil
ang ating sarili, PASANIN ANG KRUS at sumunod sa Kanya

2. ANG PAGPASAN SA ATING KRUS


- Lahat tayo ay may kanya-kanyang krus ng bubuhatin bilang isang Kristiyano. Ang
pahayag ni Jesus na ang sinumang susunod sa Kanya ay dapat pumasan ng kaniyang
krus ay isang madiin na metapora na nagsasabing kung nais natin na sumunod sa
Kanya ay dapat handa tayo hanggang sa punto ng kamatayan
- Ngunit ano nga ba talaga ang epekto ng pagpasan natin sa krus? Bakit natin ito
kailangang gawin? Ang pagpasan natin ng krus ay eksklusibo lamang para sa mga
kristiyanong nagnanais na sumunod kay Kristo. ISANG BAGAY LAMANG ANG
MALINAW, ANG TOTOONG SUMUSUNOD KAY JESUS AY PUMAPASAN
NG KANYANG KRUS.
- Ano ang mararanasan natin sa pagpasan nito? PAGHIHIRAP at PAGUUSIG.
a. Tingnan natin ang Buhay ni Pablo at Pedro sa kanilang pagpasan ng Krus. Ano-
ano ba ang mga naranasan nila na paghihirap?
 Tunay na dakila ang testimonya ng buhay ni Apostol Pablo, mula sa pagiging
mang-uusig ng mga kristiyano, siya ay binago at ginamit sa pagpapahayag,
pagsusulat at pagkakatatag ng mga iglesya, pinakita ni Pablo ang pagkilos ng
Panginoon sa mga gawang ito. Ngunit hindi maikakaila na ang buhay niya ay
dumaan sa napakatinding pagsubok upang maipahayag lamang sa mga tao ang
pag-ibig ng Diyos.
 Sa kanyang pagpapahayag sa Damascus, ang mga hudyo ay nagalit sa kanya
na umabot ang kanyang pagtakas sa pamamagitan ng pagbaba sa kanya sa city
wall gamit ang isang basket
 Dahil sa hindi pagtanggap ng mga hudyo sa mensahe ng Diyos na
pinapahayag ni Pablo, makailang beses siyang NAKULONG,
INAPI/BINUGBOG, INUSIG SA LAHAT NG PINUNTAHAN NIYA,
BINATO AT HINILA PALABAS SA PAG-AAKALANG PATAY NA
SIYA
 Sa kanyang pamamahayag sa Antioch, nagsimula ang pag-uusig sa kanya ng
mga Hudyo at pinalayas sila sa rehiyon.

Ayon sa mga Bible Scholars at eksperto, si Pablo ay pinatawan ng pagkapugot
ng ulo sa ilalim ng paghahari ni Nero
b. Ano naman ang buhay ni Pedro
 Inaresto ng tatlong beses dahil sa pagpapahayag patungkol sa Panginoon Jesu-
Cristo
 Ipinako sa krus ng pabaliktad at kalauna’y namatay
- Sa mga nakita nating halimbawa, sila ba ay tumigil magpahayag? Tayo, ano ba ang
mga pagdurusang naranasan natin bunga ng sa pagsunod natin kay Kristo?

3. ANG PANGAKO NG PAGHIHIRAP AT GINHAWA


- Ang buhay ng kristiyano (lalo sa pagsunod sa Diyos) ay walang suffering free
guarantee. Madalas ginagamit ang mensahe o turo na kapag ikaw ay kristiyano na,
wala ka nang mararanasan na hirap. Ito ay ipinapahayag upang maka-akit lamang ng
mga tao at ang maaaring maging resulta nito ay mababaw na pagsunod o pagkilala sa
Diyos
- Sa kabilang banda, ginamit ng Jesus ang katagang pasanin ang kanyang krus upang
ipakita na hindi madali ang sumunod sa kanya. Lalo na kung hindi natin buong
isusuko ang buhay natin sa kanya para lamang sa pagsunod. Makailang beses din na
ipinakita sa Biblia na tayo bilang mga tagasunod ni Kristo, ay siguradong
makakaranas ng mga paghihirap dahil sa pagsamba natin sa Kanya:
a. Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang manalig sa kanya, kundi ang
magtiis din naman alang-alang kay Cristo. (Filipos 1:29)
b. At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't
ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas. (Mateo 10:22)
- Ngunit ang ating pagtitiis dahil sa pagdurusa ay hindi mananatili magpakailanman
dahil ito ay may katapusan at hinihikayat tayo na laging alalahanin ang sulat na ito
mula sa Apostol Pedro:

- 12 
Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong
dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan. 13 Sa halip, magalak kayo sa inyong
pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong kagalakan
kapag nahayag na ang kanyang kaluwalhatian. 14 Pinagpala kayo kung kayo'y
kinukutya dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kaluwalhatian, ang
Espiritu ng Diyos. 15 Huwag nawang mangyaring magdusa ang sinuman sa inyo dahil
siya'y mamamatay-tao, magnanakaw, salarin o pakialamero. 16 Ngunit kung kayo'y
magdusa dahil sa pagiging Cristiano, huwag ninyong ikahiya ito; sa halip,
magpasalamat kayo sa Diyos sapagkat taglay ninyo ang pangalan ni Cristo.
17 
Dumating na ang panahon ng paghuhukom, at ito'y magsisimula sa sambahayan ng
Diyos. At kung sa atin ito magsisimula, ano kaya ang magiging wakas ng mga hindi
sumusunod sa Magandang Balita ng Diyos? 18 Tulad ng sinasabi ng kasulatan, “Kung
ang taong matuwid ay napakahirap maligtas, ano kaya ang kahihinatnan ng mga
makasalanan at hindi kumikilala sa Diyos?” 19  Kaya nga, ang mga nagdurusa ayon
sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Lumikha, at magpatuloy sa paggawa
ng mabuti. Ang Diyos ay laging tapat sa kanyang pangako.
Pagtatapos:

Maaaring marami na sa atin ang pamilyar na sa mensaheng ito tungkol sa pagsunod kay Kristo.
Ngunit minsan bang natanong na natin ang ating sarili, “Ano na nga ba ang mga dinanas ko
buhat nang ako ay nagdesisyon na sumunod sa Kanya? Binuhat ko na ba ang aking krus? Gaano
ba kabigat ito?”

Maaaring marami din sa atin ang bumubuhat na ng krus. Nakaranas na ng iba’t-ibang pag-uusig
mula sa mga tao, iniwan dahil sa pananampalataya, minaliit at kinukutya dahil sa pagbabago ng
buhay. Ang salita ng Diyos ay sigurado, sa ating pagsunod sa Kanya, hindi Niya tayo
pababayaan ni iiwan man.

Ikaw? Binuhat mo na ba ang iyong krus?

You might also like