ESP 5-1st QUARTER-DISTRICT-SUMMATIVE-ASSESSMENT-TEST

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
DISTRICT 2 OF CONSOLACION
Tayud, Consolacion, Cebu

FIRST QUARTER DISTRICT SUMMATIVE ASSESSMENT IN ESP 5

Pangalan:______________________________________________ Baitang:_________
Petsa:_________ Puntos:__________

Panuto: Basahin ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Malapit na ang pagsusulit , ano ang nararapat mong gawin upang maipasa mo ang lahat ng
asignatura at makakuha ka ng magandang marka?
a. Maglaro ng computer games magdamag
b. Mag-aral ng maigi
c. Manghingi ng tulong sa kaklase sa oras ng pagsusulit
d. Lumiban sa klase dahil hindi ka pa handa sa pagsusulit
2. Sa panahon ngayon, kalimitan sa mga kabataang kagaya mo ay kinahihiligan ang mga gadgets
gaya ng cellphone at panonood ng telebisyon tuwing gabi kaysa mag-aral at magbasa. Paano mo
mapapamahalaan ang iyong sarili sa ganitong sitwasyon?
a. Gamitin ang gadgets upang makapaglibang ang sarili
b. Ipagliban muna ang paggamit ng gadgets kung hindi kinakailangan sa pag-aaral
c. Magkulong sa silid upang makakapanood ng nobela buong magdamag
d. Gumamit ng cellphone kahit nasa loob ng silid-aralan
3. Piliin sa sumusunod ang maaring mangyari kung walang pagkakaisa ang bawat miyembro ng
pangkat.
a. Madaling matapos ang gawain
b. Hindi matatapos ang gawaing ipinagawa ng guro
c. Palaging panalo sa mga patimpalak
d. Bawat miyembro ay makakakuha ng mataas na marka
4. Sumasali si Nene sa pagbuo ng plano kung paano gagawin ang kanilang proyekto. Anong
katangian ang taglay ni Nene?
a. Mapagkumbaba b. Matapat
c.Bukas-loob d. Masigasig
5. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawain bilang kasapi ng pangkat?
a. Dapat ang lider ng pangkat ang laging masusunod.
b. Huwag ipaalam sa pangkat ang kakayahan para hindi mautusan
c. Ibahagi ang opinion sa pangkat
d. Hayaan na lamang ang ibang kasapi ang gagawa sa mga gawain
6. Kabilang ka sa grupong inatasan ng gumawa ng proyekto tungkol sa kabutihang naidudulot
ng pagtutulungan sa komunidad. Bilang kasapi nito, ano ang iyong gagawin?
a. Hindi makialam sa mga gawain
b. Utosan ang nakakatandang kapatid na siya na lamang ang sumali
c. Hayaan ang mga kasapi ng pangkat na sila ang gagawa dahil pagod kana.
d. Pagsikapang makalahok sa gawain upang makakalap ng mga mabuting impormasyon
tungkol dito.
7. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral maliban
sa isa. Tukuyin ito.
a. Maagang tinatapos ang takdang aralin
b. Inuuna ang paglalaro kaysa paggawa ng proyekto
c. Nakikipag-usap sa katabi sa oras ng talakayan ng guro
d. Ipinagawa ang proyekto sa nakakatandang kapatid.
8. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katapatan sa kapwa at sa sarili?
a. Nag-aaral ka ng maabuti dahil alam mong may pagsusulit kinabukasan.
b. Lumiban sa klase dahil nagkasakit ka ngunit ang totoo ay naglaro ka lamang sa bahay.
c. Nangopya ka ng sagot sa kaklase upang makakakuuha ka ng mataas na iskor.
d. Ipagsawalang bahala na lamang ang hindi na intindihan leksiyon.
9. Umiiyak ang isa ninyong kamag-aral dahil nahihirapan siya sa pagsagot ng gawain sa
Matematika. Ikaw at ang kamag-aral mong si Dolly ay mahusay sa asignaturang ito. Ano ang
dapat ninyong gawin?
a. Alukin ng tulong ang kamag-aral sa pagsagot ng gawain
b. Pagtawanan dahil malaki na umiiyak pa sa klase
c. Sabihin sa guro na iyakin siya
d. Huwag itong pansinin
10. Mahusay ka sa pagguhit. Ano ang magagawa mo upang ibahagi sa iba ang iyong talento?
a. Gumuhit nang libre
b. Gumuhit para sa sarili
c. Maging mapili sa mga tuturuang gumuhit
d. Magturo sa mga gustong matutong gumuhit
11. Paano maaaring maipakita at maipadama ang pananalig at pagmamahal sa Diyos ng bawat
isa sa atin?
a. Pag-iwas sa tuwing kakailanganin ang iyong tulong
b. Pagmamalasakit sa kalagayan ng kapuwa at pagbibigay pag-asa sa kanila
c. Pagtangging lumahok sa mga programang makatutulong sa kapuwa dahil sa pagod
d. Pagsasawalang-bahala sa mga kakailanganin ng kapuwa na kaya mong tugunan
12. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagnanampalataya sa Diyos?
a. Pagtulong sa kapuwa na may hinihintay na kapalit
b. Pagsasalita nang masakit sa mga taong nakagalit
c. Pagkalimot sa mga taong nakatulong sa iyong tagumpay sa buhay
d. Pagkakaroon ng oras para magdasal at magpasalamat sa mga biyaya.
13.Habang naglalakad pauwi si Alden, Nakita niya ang mga kaibigan na nakikipag-away sa mga
taga ibang barangay. Ano ang dapat niyang gawin para matulungan ang kaniyang mga kaibigan?
a. Hayaan na lamang sila dahil baka mapasama pa siya sa away nila
b. Hanapin ang mga magulang ng kalaro at isumbong ang nangyayari
c. Uuwi na lamang at ikukuwento sa magulang ang nangyari sa mga kaibigan
d. Tumawag ng maaaring umawat at magpaliwanag na mali ang kanilang ginagawa
14. Lahat ng tao ay may angking talento, ang kailangan lang ay tuklasin at patuloy na linangin
ito upang maging mas lalong mahusay. Piliin ang hindi tumutukoy sa wastong paglinang ng
angking talento.
a. Maging kontento sa alam na angking talento
b. Maging mapanagutan sa pagpapakita ng talento
c. Maging gawi ang pagbabahagi ng angking talento
d. Maging mapagpakumbaba sa mga papuri dahil sa angking talento
15. Nangangalap ng bagong miyembro ang Earthsaver’s Club. Anong katangian ang dapat
mayroon ka uang maging miyembro ng samahang ito?
a. tamad b. aktibo
c. pabaya d. walang pakialam
16. Pinakinggang Mabuti ni Adam ang magkabilang panig ng kasunduan bago siya magpasiya
ng dapat gawin. Anong katangian ang ipinakita ni Adam sa naganap na pagyayari?
a. Mapanuring pag-iisip b. Pagkabukas-isipan
c. Pagkamahinahon d. Pagkamatapat
17. Sa pagbabasa mo tungkol sa mga napapanahong isyu, may nabasa kang bagong salita na
hindi mo naintindihan. Ano ang gagawin mo para malaman ang kahulugan ng salita at
mapaunlad ang iyong kaalaman?
a. Ipagsasawalang bahala
b. Tatawagan ang iyong kamag-aral
c. Hahanapin sa diksiyonaryo ang kahulugan nito
d. Hihintayin ang mga magulang para magtanong
18. Sa isang pangkat, hindi maiwasan ang pagtutunggali ng mga ugali at opinion. Kung ikaw ay
lider ng pangkat, anong kailangan mong gawin upang maalis sa mga miyembro mo ang mga
negatibong ugali na hindi nakatutulong sa tagumpay ng inyong pangkat?
a. Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao
b. Ipaalam sa kanilang mga magulang ang sitwasyon
c. Kausapin sila at ipaunawa ang halaga ng pagkakaisa ninyo sa pangkat
d. Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain.
19. Pagkatapos ninyong pag-aralan ang tungkol sa kooperasyon at pagkamahinahon ng isang
pangkat, hinati ng inyong guro ang klase sa dalawang pangkat para sa isang gawain. Napansin
mong hindi magkasundo sa isang desisyon ang dalawa mong kamag-aral. Ano ang dapat mong
gawin para masunod ang napag-aralan ninyo tungkol sa kooperasyon at pagkamahinahon?
a. Sabihin sa guro na ilipat na lang ang isa sa kanila sa ibang pangkat
b. Huwag na lamang silang intindihin at ibang miyembro na lang ang kausapin
c. Hayaan silang hindi magkasundo, ikaw pa rin naman ang masusunod bilang lider
d. Ipaliwanag sa kanila na kailangan ninyong magkaisa upang matapos ang inyong
gawain.
20. Sinabi ng inyong guro na maghanda at magbalik-aral dahil magkaroon kayo ng pagsusulit
kinabukasan. Anong katangian ang kailangan mong taglayin para makapasa sa pagsusulit?
a. Mahinahon b. Malinis
c. Masikap d. Mapagpasensiya
21. Napansin ni Jarred na pumapasok sa klase na hindi gumagawa ng takdang-arali ang ilan sa
kaniyang mga kamag-aral. Nag-aalala siya para sa kanila at gusto niyang tulunga sila. Anong
katangian ang nais ipakita ni Jarred?
a. Mahinahon b. Mapagkawanggawa
c. Mapagmalasakit d. Masipag
22. Isinumbong pa rin ni Jane ang matalik na kaibigan niyang si Mae sa kanilang guro dahil sa
maling nagawa niya kahit alam niyang pagagalitan ito ng kanilang guro. Anong katangian ang
ipinakita ni Jane?
a. Mahinahon b. Mapagmahal sa katotohanan
c. Mapagpasensiya d. Pagkabukas-isipan
23. Isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa katotohanan ay ang pagsasauli ng sobrang
sukli. Ano ang gagawin mo kapag hindi ka nasuklian ng tama sa dyip na sinasakyan mo?
a. Sigawan ang drayber upang mapahiya ito
b. Mahinahon na sabihin sa drayber na kulang pa ang iyong sukli
c. Hayaan na lamang dahil hindi naman malaking halaga ang sukli
d. Ikuwento sa iyong katabi ang nangyari para ito ang magsabi sa drayber
24. Matiyagang ginawa ni Roy ang kaniyang tungkulin bilang lider ng kanilang pangkat.
Tinulungan niya ang kanyang mga kamag-aral sa mga dapat gawin upang matapos agad ang
kanilang gawain. Sinuri rin niya kung tama o mali ang kanilang gawa. Anong katangian mayron
si Roy?
a. Mahinahon b. Mapagkumbaba
c. Matiisin d. Matiyaga
25. May gustong imungkahi si Ana na maaaring makatulong at ikagaganda ng gawain sa
kanilang pangkat ngunit nahihiya siya dahil baka pagtawanan lang siya ng kaniyang mga kamag-
aral. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Tumiwalag sa pangkat b. Makinig na lang sa lider ng pangkat
c. Maglakas loob na sabihin sa pangkat d. Sabihin ang kaniyang mungkahi sa guro
26. Nalaman mong may malaking problema ang iyong kaibigan at nahihirapan siyang lutasin ito
ng mag-isa. Ano ang dapat mong gawin upang matulungan ang iyong kaibigan?
a. Huwag siyang tanungin tungkol sa kaniyang problema
b. Kausapin siya at tanungin kung ano ang maitutulong mo
c. Ipaalam sa inyong guro upang siya ang kumausap sa iyong kaibigan
d. Sabihin ito sa kaniyang magulang upang sila ang tumulong sa kaniya
27. Nagkaroon ng isang malubhang karamdaman si Peng. Araw-araw ay binibisita siya ng
kaniyang mga kaibigan at mga kamag-aral upang mapasaya nila siya. Anong katangian ang
ipinakita ng mga kaibigan at kamag-aral ni Peng?
a. Mapagbigay b. Mapagmalasakit
c. Masunurin d. Maunawain
28. Mula sa malayong probinsiya si Kaloy. Maitim ang kulay ng kaniyang balat at kulot ang
buhok. Bagong lipat lang siya sa inyong paaralan at kung minsan ay nakikita mong tinutukso
siya ng iba mong kamag-aral. Ano ang iyong gagawin?
a. Hayaan lang ang ginagawang panunukso sa kaniya ng inyong kamag-aral
b. Ipanalangin na lang na magbago ang sitwasyon ni Kaloy sa inyong paaralan
c. Ipadama kay Kaloy na hindi ka katulad ng inyong kamag-aral na nanunukso sa kaniya.
d. Ipaalam sa inyong guro ang ginagawang pangungutya kay Kaloy upang matuulungan
siya.
29. Upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo, nagboluntaryo sina Marie at Grace na
tumulong sa pagbibigay ng relief goods sa mga tao. Anong katangian ang ipinakita ng dalawang
bata?
a. Mapagbigay b. Mapagkawanggawa
c. Mapagmalasakit c. Matulungin
30. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng hindi mabuting kaugalian sa paggamit ng internet at
media?
a. Pagsasaliksik tungkol sa kanilang takdang-aralin
b. Paglalaro ng computer games kasama ang mga kaibigan
c. Pakikipagkuwentohan sa nakatandang kapatid na nasa ibang bansa
d. Panonood ng mahalagang balita ukol sa kalagayan ng panahon.
SUSI SA PAGWAWASTO
1. B 16. A
2. B 17. C
3. B 18. C
4. B 19. D
5. C 20. C
6. D 21. C
7. A 22. B
8. A 23. B
9. A 24. D
10. D 25. C
11. B 26. B
12. D 27. B
13. D 28. D
14. A 29. B
15. B 30. B

You might also like