Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PAGBASA AT PAGSULAT NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK
TEKSTONG IMPORMATIBO

Cyberbullying

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambu-bully ang
nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o
pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-
usapan, larawan, video, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira
at walang basehang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang
tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito;
at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga
ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito.Naririto ang ilan sa mga
epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na
gamut, pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan,
pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng
harapang bullying. Ayon sa ulat sa Googe Trends, ang ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan
may pinakamaraming naghahanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas.
Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isa nang realidad sa ating bansa. Bagama’t sa
kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying, sa bansang
Amerika ay lumalabas na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas ng
cyberbullying noong 2010 at 2011 at noong 2013, tumaas sa 15% ang mga magaaral sa Grade 9
hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying. (Halaw mula sa Pinagyamang PLUMA, p.16-17)

GAWAIN 1 TEKSTONG IMPORMATIBO

Layag - Diwa Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. (F11PS-IIIf-92)

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong: Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang cyberbullying?

2. Paano ito naiiba sa pambu-bully nang harapan?

3. Paano nakaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?


4. Anu- anong katangian ng tekstong binasa ang magpapatunay na ito nga ay isang tekstong
impormatibo? 5. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo?

6. Bakit mahalaga ang malawak na pang-unawa ng tekstong impormatibo?

7. Mahalaga ba ang malawak na karanasan upang makabuo o makaunawa ng isang mahusay na tekstong
impormatibo? Ipaliwanag.

GAWAIN 2 Natutukoy ang paksang tinalakay sa tekstong binasa.Tukuyin kung anong uri ng
tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa ng mga tauhan sa bawat sitwasyon sa ibaba.
Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon.
GAWAIN 3 TEKSTONG DESKRIPTIBO
A. Paglalarawan ng Tauhan
Noo’y nasa katamtamang gulang na si Ineng na wika nga sa mga ngayon ay
“pinamimitakan na ng araw”. Ang gulang na iyan ay lalong kilala sa tawag na “dalaginding”
ng ating matatanda. Bagama’t hindi gaanong kagandahan, si Ineng ay kinagigilawan naming
lubos, palibhasa’y nakatatawag ng loob sa lahat ang pungay ng kanyang mata, ang kulay na
kayumangging kaligatan, ang magandang tabas ng mukha, na sa bilugang pisngi’y may
biloy na sa kanyang pagngiti’y binubukalan man din ng pag-ibig, ang malagong buhok na sa
karaniwang pusod na pahulog sa batok, na sa kinis ay nakikipag-agawan sa
nagmamanibalang na mangga, saka ang mga labi’t ngiping nagkakatugunan sa pag-aalay
ng luwalhati’t pangarap.
Mula sa “Ang Dalaginding”
ni Inigo Ed. Regalado
1. Ano ang masasabi mo sa paglalarawan para kay Ineng?
2. Anong damdamin ang naantig sa iyo ng paglalarawan sa tauhan?
3. Masasabi bang epektibo ang pagkakalarawan sa tauhang ito? Bakit?
4. Kung ikaw ang maglalarawan sa iyong sariling tauhan, paano mo ito
gagawain?

B. Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon

1. Bakit mahalagang mailarawan nang mabisa ang damdamin o emosyon ng


tauhan?

2. Anong damdamin ang umiral sa “Dayuhan”? Paano ito napalabas ng mayakda?

3. Kung ikaw ang susulat ng sarili mong akda, anong damdamin ang nanaisin
mong mapalabas? Sa paanong paraan mo mailalarawan ang damdaming ito?
B. Paglalarawan sa Tagpuan

C. Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay


GAWAIN 4 TEKSTONG PERSUWEYSIB
Paglinang sa Pag-unawa: Pagbasa ng isang Tekstong Persuweysib

Para sa mahal kong kababayang kabataan sa Pilipinas. Ako si Mary Jane, isa akong biktima ng
ipinagbabawal na gamot, dahil sa kagustuhan kong mabago ang buhay ng aking pamilya, naniwala ako sa
isang tao na bibigyan niya ako ng trabaho sa ibang bansa bilang katulong, at dahil sa kabaitan niya sa
akin hindi ako naghinala na may masama siyang balak sa akin. Nakuhanan ng drugs ang dala-dala kong
bag na binili ng kaibigan kong nagsama sa akin sa ibang bansa at hinuli ako ng pulis at hinatulan ng
kamatayan.

Sa limang taon ng pananatili ko sa loob ng kulungan marami akong nalaman, araw-araw kong
kasama ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot, karamihan sa kanila ay mga kabataan at
dahil sa maling pakikihalubilo o pakikipagbarkada sa mga taong gumagawa ng ipinagbabawal na gawain,
marami ang nagiging biktima at nalilihis ng landas. Karamihan sa kanila ay itinatakwil ng kanilang
pamilya, napapariwara, at nasisira ang pag-aaral. Meron ding nagkakasakit dahil sa ipinagbabawal na
gamut at marami na rin akong nakitang namatay dahil sa sobrang paggamit ng drugs. Huwag ninyong
sayangin ang inyong buhay, huwag na huwag kayong gagamit ng ipinagbabawal na gamot o
magbebenta, walang idudulot na mabuti sa inyo at masisira pa ang inyong buhay.

Naniniwala ako hindi ninyo paggamit ng drugs o masasangkot sa ano mang klase ng iligal na
trabaho, may magandang kinabukasan na naghihintay sa inyo. Huwag kayong makalimot sa Panginoong
Diyos, siya ang maggabay sa inyo para hindi malihis sa tamang landas. Kayong mga kabataan ang pag-asa
ng ating bayan at magiging bayani ng ating bansa. Patnubayan nawa kayo ng poong Maykapal at
palaging mapasainyo ang pagpapala ng Panginoong diyos magpakailanaman. Amen. God Bless Us. Mary
Jane Liham ni Mary Jane Veloso, isang Pilipinang nasa deathrow sa Indonesia, para sa mga kabataang
Pilipino. Pinatili ang porma ng sulat ngunit itinama ang baybay ng ilang salita. Mula sa
http:/www.gmanetwork.com/news/story/476718/news/pinoyabroad/look-inHandwritten-letter-mary-
jane-veloso-tells-youth-to-stay-away-from-drugs

Pag-usapan Natin: Sagutin ang bawat sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo sa
bawat katanungan.

1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito?


2. Sino ang sumulat ng liham? Ano ang kaniyang katauhan?
3. Paano ginamit ang mga elementong pathos at logos sa kaniyang liham?

4. Masasabi bang isa itong mabisang tekstong nanghihikayat? Bakit?

5. Paano maiuugnay ang kabuuang mensahe ng binasang teksto sa iyong sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at sa daigdig?

GAWAIN 5 Pagbuo ng Taglines sa bawat produkto: Mag-isip ng mga produkto at gawan ito ng taglines
para mahikayat ang tagapakinig/mamimili. Paalala lamang huwag nang gayahin ang mga naibigay na
halimbawa sa ating aralin. (Maaaring gumuhit o gumupit ng larawan)
PRODUKTO TAGLINES

GAWAIN 6

You might also like