Juan Ponce Enrile: Talambuhay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Juan Ponce Enrile

Talambuhay
Si Juan Ponce Enrile ay ipinanganak noong 14 Pebrero 1924, sa bayan ng Gonzaga
sa Cagayan. Bininyagan siya sa pangalang Juanito Furagganan, dala ang apelyido ng
kaniyang ina. Upang magkaroon ng mas magandang oportunidad, umalis si Enrile sa
Gonzaga, Cagayan at nagtungo sa poblasiyon upang doon mag-aral at
maghanapbuhay bilang maninilbi sa kamag-anak ng kaniyang ina. Hindi naglaon ay
lumipat siya sa Aparri at pumasok sa Cagayan Valley Institute.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay umanib sa mga gerilya.
Nahuli siya, ikinulong, at pinahirapan, ngunit nakatakas siya at nang patapos na ang
himagsikan ay nagsilbi sa U.S. Quartermaster depot sa Aparri, Cagayan. Habang ang
himagsikan ay laganap, ang kaniyang mga kapatid na babae ay lumikas patungong
Aparri at nalaman ang tungkol sa kaniya. Pagkatapos ng himagsikan, nakilala ni Enrile
ang kaniyang ama sa opisina nito sa Binondo, Maynila
Dinala ni Don Alfonso si Enrile sa kaniyang tahanan sa Malabon. Binigyan ni Don
Alfonso si Juanito ng bagong pangalan, Juan Ponce Enrile. Nag- aral muli si Enrile ng
hay-iskul sa St. James Academy sa Malabon.
Noong 1947, pumasok si Enrile sa Ateneo de Manila at nagtapos bilang cum laude at
may digri na Associate in Arts. Sa Unibersidad ng Pilipinas, nagtapos siya bilang cum
laude at salutatorian sa UP Law Class 1953. Pumasa siya sa Bar Examinations at
nakuha ang ika-11 puwesto na may 91.71 porsiyento at nakakuha ng perpektong
puntos sa commercial law.
Inalok siya ng tulong pinansiyal ng Harvard University at doon ay nagpakadalubhasa sa
Batas at may espesiyalidad sa taxation at corporate law.
Pagbalik sa Filipinas, sumapi siya sa Ponce Enrile, Siguion Reyna, Montecillo, Bello
Law Office at doon ay lumitaw siya bilang pinakamagaling na abogado. Wala siyang
kasong hinawakan na natalo.
Noong 1966, hinirang siyang katuwang na kalihim ng Pananalapi, at umaktong
tagapangulo ng Monetary Board. Mula 1968 hanggang 1970 ay naging kalihim siya ng
Hustisya. Naging ministro siya ng Pambansang Tanggulan noong 1970, posisyong
hinawakan niya nang mahigit-kumulang sa 17 taon na nagwakas noong 1986.
Inihalal siyang kinatawan ng Cagayan noong 1978. Nanalo siya ng hanggang sa
ikalawang termino noong 1984.
Dahil sa pagkakapatay kay Benigno Aquino Jr., hindi na nasikmura pa ni Enrile ang
diktatura ni Marcos at pumanig na sa bayan. Kasama si Fidel V. Ramos, ang Ikalawang
Hepe de Estado Mayor noong panahon na iyon, pinamunuan nila ang makasaysayang
Aklasang Bayan sa EDSA, sa tulong ng pananawagan ni Kardenal Jaime L. Sin sa mga
libo-libong mamamayan na tumugon sa panawagan.
Nagdagsaan ang mga ito sa dalawang kampo ng militar. Apat na araw pinalibutan ng
mga tao ang mga kampo na kinaroroonan ni Enrile at ng kaniyang mga kasama upang
mapigil ang paglalaban ng puwersa ng mga rebeldeng militar at ng mga loyalista ni
Marcos.
Nailuklok si Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas at kaniyang hinirang si Enrile
bilang kalihim ng Pambansang Tanggulan. Nagbitiw siya sa tungkulin makalipas ang
anim na buwan dahil sa pagkakaroon ng suliranin sa bagong administrasyon.
Noong 1987 ay tumakbo siya at nanalo bilang natatanging senador ng oposisyon.
Bilang Minority Floor Leader, kasapi siya ng lahat ng komite sa Senado. Kasapi rin siya
sa Electoral Tribunal at ng Komisyon ng Paghirang.
Maraming boto ang nakuha niya noong kumandidato siya bilang kinatawan ng kaniyang
lalawigan noong 11 Mayo 1992, at sumapi siya sa partidong liberal na partido rin dati ng
kaniyang ama.
Noong eleksiyon ng Mayo 1995, muli siyang tumakbo at nanalo bilang senador sa ilalim
ng Koalisyon ng Lakas. Muli siyang naging kasapi ng Komisyon ng Paghirang,
tagapangulo ng komite ng Ways and Means ng Senado, at ng Komite sa Government
Corporations and Public Enterprises. Bilang Senador, pinamunuan niya ang
pagsasabatas ng Comprehensive Tax Reform Program na ipinasa bilang batas sa
katawagang Batas Republika Bilang: 8424. Ilang termino siyang nagsilbi sa Senado:
mula 1987 hanggang 1992, mula 1995 hanggang 2001, at mula 2004 hanggang 2016.

You might also like