Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangngalan (noun) - Ang pangngalan ay salita o isang bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng

tao, bagay, hayop, lugar o pook at pangyayari. Ito rin ay maaring nagpapakilala ng isang kaisipan o
konsepto.

Halimbawa:

Pambalana (common noun) Pantangi (proper noun)


- pangkalahatan - tiyak
sabon Safeguard
shampoo Palmolive
sapatos Adidas
kainan Jollibee
aso Brownie
bata Anna

Halimbawa sa Pangungusap:

Ang aking guro ay mabait.

Ang kwento ni Lola Basyang ay maganda.

Uuwi kami sa probinsya.

Mapagmahal ang mga magulang.

Ako ay nakatira sa Pilipinas.

Panghalip (pronoun) -  ay ang salitang humahalili o pamalitsa ngalan o pangngalan na nagamit na sa
parehong pangungusap o kasunod napangungusap.

Mga uri ng panghalip:

1. Panghalip na panao (Personal Pronoun) – Ito ay panghalili sa ngalan ng tao

Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kata, mo, siya, kanila, at kanya.

Halimbawa sa Pangungusap: Akin ang tuwalyang pula

Binili ko sombrero sa mall

2. Panghalip na pananong (Interrogative Pronoun) – mula sa salitang “tanong”, kaya’t may


pangkahulugang “pantanong”.

Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin at alin-alin.

Halimbawa sa Pangungusap: ano ang pangalan mo?

Sinu-sino ang nakakita?

3. Panghalip na panaklaw (Indefinite Pronoun) – mula sa salitang “saklaw”, kaya’t may pahiwatig na
“pangsaklaw” o “pangsakop”, literal na “panghalip na walang katiyakan o hindi tiyak”.
Halimbawa: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, at pawing.

Halimbawa sa Pangungusap: Hindi lahat ng matalino ay mayaman.

Alinman sa mga prutas ay maari mong kainin.

4. Panghalip na pamatlig – Ang panghalip pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na
itinuturo o inihihiminaton.

Halimbawa: ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon, ganito, ganyan, dito, diyan, doon, narito, nariyan, at
naroon

Halimbawa sa Pangungusap: Ang paying na ito ay kay Sandara

Ang Pitaka ni Paula ay narito

References:

https://noypi.com.ph/uri-ng-pangngalan/

https://www.academia.edu/16621613/Pangngalan

You might also like