Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
DISTRICT OF SALAY
SALAY CENTRAL SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
SECOND QUARTER EXAMINATION

Pangalan: ___________________________________________________ Marka: _____________________


Guro: ______________________________________________________

Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng tsek ( / ) kung ito ay nagpapakita ng pagtupad sa pangako o kasunduan;
ekis ( X ) naman kung hindi.
_____ 1. Nagdriwang ng ika- 12 kaarawan si Martha. Hindi nakadalo ang kanyang kaibigang si Alicia dahil nakalimutan niya ito.
_____ 2. Bagama’t hirap sa buhay, pinilit pa rin ni Mang Berto na bumili ng masarap na pagkain bilang pasalubong kay
Anthony gaya ng pangako niya sa anak.
_____ 3. Hindi na nakikipag-away si Solomon ayon sa napag-usapang kasunduan nilang magkaibigan.
_____ 4. Nasabi sa sarili ni Imelda na makikiisa siya sa mga gawain sa bahay bilang usapan nilang magkapatid.
_____ 5. Humiram ng laruan si Andres sa kapitbahay na si Chester. Hindi niya ito isinauli.
_____ 6. Sumama si Jessie sa mga kaibigan dahil napagkasunduan nilang bisitahin ang isa pa nilang kaklase.
_____ 7. Nakalimutan ni Aimee na i-text ang nanay pagkarating sa training venue tulad ng ipinangako niya.
_____ 8. Nagalit si Beth sa kaibigan dahil hindi ito pumunta sa pinagkasunduan nilang palaraun.
_____ 9. Nagtatampo si Rye sa kanyang tatay dahil hindi umuwi sa araw na ipinangako nito.
_____ 10. Tuwang-tuwa si Michelle dahil ibinili siya ng kanyang nanay ng ipinangakong laruan na pinakapangarap niya.
Lagyan ng tsek ( / ) ang pangungusap kung ito ay nagpapakita ng pagiging responsable at ekis ( X ) naman kung nagpapakita
ito ng pagiging iresponsable.
___1. Pagsasawalang kibo upang makalimutan ang hindi natupad na pangako.
___2. Pagtupad sa anumang kasunduan sa tahanan man o sa paaralan.
___3. Paghahanap ng dahilan upang matakasan ang ipinangako sa kaibigan.
___4. Pagbibigay ng pangako kahit na alam na hindi ito kayang tuparin.
___5. Pagtatago ng sikreto sa kaibigan upang hindi masaktan ang kaniyang damdamin.
___6. Paghingi ng paumanhin sa mga pagkakataong hindi natutupad ang ipinangako.
___7. Pagpapasa ng mga proyekto sa itinakdang oras.
___8. Pagsasabi ng totoo sa lahat ng oras kahit ito pa ay makasakit sa damdamin ng iyong kaibigan.
___9. Sinusubukan ang lahat ng paraan upang tuparin ang pinangako.
___10. Pag-iwas sa pagbibigay ng pangakong hindi kayang tuparin.
Sagutin ng Tama o Mali.
____ 1. Sa pakikipag-usap sa iba iwasan ang panghuhusga.
____ 2. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi o “uniqueness” ng bawat isa.
____ 3. Sigawan ang mga kausap na may ibang ideya.
____ 4. Dapat tanggapin ang pagkakaiba ng opinyon ng bawat tao.
____ 5. Iwasang magbigay ng mungkahi na nakakasakit sa damdamin ng iba.
____ 6. Sinasabi ang totoo kahit alam mong nababahala ang iyong kapwa.
____ 7. Ginagawa ang lahat upang matupad ang ipinangako sa kapwa.
____ 8. Nagbabayad ng utang sa itinakdang araw.
____ 9. Nagsasabi ng mga salitang makaaapekto sa mga miyembro ng pamilya.
____ 10. Tumutupad sa mga tungkulin bilang isang mamamayang Pilipino na pangalagaan ang ating kapaligiran.
Panuto: Isulat ang M kung ang gawain ay nagpapakita ng pagiging matapat at HM naman kung hindi matapat.

_____ 1. Hindi pagsasalita ng anumang bagay na kasinungalingan tungkol sa kapwa.

_____ 2. Pagtatago ng katotohanan dahil alam mong ika’y mapapagalitan.

_____ 3. Paghiram at pagkuha ng mga gamit na hindi nagpapaalam sa tunay na may-ari.

_____ 4. Inaamin ang iyong pagkakamali kahit alam mo na ikaw ay pagagalitan.

_____ 5. Sinasabi ang totoong nangyari kahit may posibilidad na ika’y mapapahamak.

_____ 6. Hindi pagsauli ng sobrang sukli sa tindera upang ipambili ng makakain.

_____ 7. Iniwasan ang pagkopya ng sagot sa kaklase sa panahon ng pagsusulit.

_____ 8. Pagkalat ng mali at masamang impormasyon sa kapwa na hindi naman totoo.

_____ 9. Paggawa at pagsagot ng kusa sa takdang araling ibinigay ng guro.

_____ 10. Pagsauli ng napulot na pera o bagay sa tunay na may-ari nito.

Panuto: Isulat ang T sa patlang kung ang pahayag sa bawat bilang ay tama at M naman kung mali.

_____ 1. Ang pagiging matapat ay ang paggawa ng tama.

_____ 2. Ikaw ay matapat kung ikaw ay nagsasabi at kumikilos ng totoo at tunay.

_____ 3. Hindi magiging maunlad ang pamayanan kung may katapatan ang bawat isa.

_____ 4. Magiging maayos ang iyong pamumuhay kung ipaiiral mo ang iyong pagiging matapat.

_____ 5. Susuklian ka ng katapatan ng iyong kapwa kung ikaw ay hindi tapat sa kanila.

_____ 6. Makakamit mo ang tunay na kaligayahan kung ikaw ay magsisinungaling.

_____ 7. Ang pagkamatapat ay nagiging daan sa matibay na relasyon ng bawat isa.

_____ 8. Hindi magiging payapa ang iyong pamumuhay kung palagi ka na lang magsasabi

ng totoo.

_____ 9. Iginagalang mo ang iyong kapwa kung ikaw ay naging matapat sa kaniya.

_____ 10. Minamahal at iginagalang tayo ng ating kapwa kung tayo ay magiging tapat sa kanila.

You might also like