Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Konklusyon at Rekomendasyon

konklusyon: Bilang konklusyon, napatunayan ng mga mananaliksik na

malaki ang kakayanan ng mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya,

patunay rito ang mga pagkilala at paghihikayat ng pamahalaan na

malinang pa ang mga kakayanang ito. Tunay nga na ang mga

teknolohiyang ito ay nakatulong sa pangaraw-araw na buhay ng mga

Pilipino. Hindi lamang dito sa Pilipinas nakilala ang mga

teknolohiyang ito kundi sa iba pang mga bansa.

Rekomendasyon. Ang Pilipino ay natural ng mahilig sa makabagong

teknolohiya. Ngunit ano nga ba ang naging malaking papel ng mga

Pilipino rito at ano ano ang mga epekto ng mga nagawang

teknolohiya. Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang

datos nabuo ng mga mananliksik ang rekomendasyong ito. Nararapat

lamang na maglaan ng pondo ang pamahalaan sa pagpapalaganap ng

mga nasabing teknolohiya para sa ikauunlad ng bansa. Ang mga

sumusunod ay iminumungkahi ng mga mananaliksik batay sa

kinalabasan ng pananaliksik 1. Mas mainam ang paghahanap ng mga

impormsyon mula sa mga libro upang maiwasan ang makakuha ng mga

maling impormasyon at mas lalong maintindihan ang nais isaliksik.

2. Bawasan ang oras ng paggamit ng mga gadyets upang hindi ito

makaapekto at makasira sa ating kalusugan, lalong lalo n asa

ating mga mata. 3. Alamin ang limitasyon sa paggamit ng mga


makabagong teknolohiya upang maiwasan ang adiksyon, pagiging

tamad, at mabawasan ang distraksyon sa pag – aaral. 4. Gamitin

ang mga teknolohiyang ito sa paraang makatutulong sa pagpapabilis

ng paggawa ng mga gawaing pampaaralan upang makatipid sa oras. 5.

Ang mga teknolohiyang ito ay mainam sa paghanap ng mga produktong

nais bilihin sa malalayong lugar, tulad na lamang ng mga libro,

kung saan makakatipid sa paggastos ng pamasahe. Sa pag-unlad ng

teknolohiya ay may kaakibat itong POSITIBO at NEGATIBONG EPEKTO

sa ating pamumuhay. EPEKTO SA MGA GURO Makikita na malaki ang

tulong na naibabahagi ng teknolohiya sa pag–unlad ng edukasyon.

Ngunit dapat nating tandaan kung paano ito gamitin ng wasto.

Huwag abusuhin ang mga teknolohiyang ito sapagkat maaaring

makapagdulot ito ng mga epektong makakasama sa ating mga sarili.

Hindi naman lahat negatibo ang ang epekto ng makabagong

teknolohiyang ating tinatamasa. Sa paggamit ng mga makabagong

teknolohiya sa paaralan, kinakailangan ng disiplina sa sarili

upang mas maging epektibo ang mga ito sa pag–aaral. Gamitin ang

mga ito sa teknolohiya sa wastong paraan na magiging gabay sa

pagpapaunlad ng kaisipan na makatutulong ng malaki sa pag-aaral

at pagtuturo. Huwag itong abusuhin upang huwag magdulot ng

masamang epekto sa pag–aaral. Nakadepende sa tao kung pano niya

ito tratratuhin at kung paano siya mag papaapekto sa modernong

henerasyong ating tinatamasa.

You might also like