AP10LAS Q3Wk3edited

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 10

Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan


Kwarter 3 Linggo 3 Aralin 3

Pangalan: ______________________Taon at Seksyon__________


Petsa____________
I. PANIMULANG KONSEPTO
Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa
kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng mga kababaihan sa larangan
ng politika, negosyo, media, akademya at iba pang larangan ay nanatiling biktima pa
rin sila ng diskriminasyon at karahasan. Maging ang mga kalalakihan ay biktima din
nito. Tinawag ni Hilary Clinton (2011) na “invisible minority” ang mga LGBT, ang
kanilang kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot.
Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at
pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at maging sa
kasaysayan.
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng United Nations Office of the High Commissioner
for Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may mga LGBT (bata at matanda) na
nakaranas nang di-pantay na pagtingin at pagtrato sa kanilang kapwa, pamilya,
komunidad at pamahalaan.
Ang layunin ng araling ito ay nakatuon sa mga isyung kinakaharap ng lipunan na
may kaugnayan sa mga LGBT, sa mga babae at mga lalaki. Bagamat may CEDAW
o Convention on the Elimination of all Forms of Discriminations Against Women
(1979) na ang mga babae, may ilang mga bansa at insidente pa rin ng hindi pantay
na pagtingin at pagtrato sa mga babae.
II. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. Nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT


(Lesbian, Gay , Bi-sexual, Transgender) MELCS

 Nakikilala ang mga personalidad na may malaking ambag sa


mundo ng kalalakihan, kababaihan at LGBT.
 Nasusuri ang mga diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at
LGBT (Lesbian, Gay , Bi-sexual, Transgender)
 Naipagmamalaki ang mga kilalang personalidad ng kababaihan,
kalalakihan at LGBT sa sariling komunidad.

II. MGA GAWAIN
Gawain I. “Sino Ako?”
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na personalidad. Punan ang chart ng
tamang datos hinggil sa kanilang mga mahahalagang nagawa. Nasa loob ng kahon
ang mga pagpipiliang sagot.
Ellen Degeneres Danton Remoto Charo Santos Concio
gay “Maalaala Mo Kaya” Lesbian
“The Most Prominent Open Gay on American Television”
Nagtatag ng LADLAD Transgender Kauna-unahang
transgender na naging miyembro ng Kongreso

Personalidad Oryentasyong Sekswal Mga Nagawa/Ambag


1. lesbian Host ng “Ellen Degeneres”
Talk Show
Charo Santos-Concio babae 2.
Tim Cook 3. Ang CEO ng Apple Inc.
4. 5 Nagtatag ng LADLAD-
isang pamayanan ng mga
LGBT
Anderson Cooper 6. 7.
Geraldine Roman 8. 9.
Gawain 2. “Iwas-Diskriminasyon”
A. Basahin ang talambuhay ni Malala Yousafzai at ang laban sa Edukasyon ng
Kababaihan sa Pakistan at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
Si Malala Yousafzai, o mas kilala bilang Malala sa nakararami, ay isang
batang babae na pinaglalaban ang mga karapatan ng mga kababaihan lalong-lalo
na ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay na pagtatamo ng edukasyon. Siya
ay ipinanganak noong July 12, 1997 sa siyudad ng Mingora, Pakistan. Isa itong
tanyag at napakagandang lugar ng Mingora noong kabataan ni Malala. Ngunit,
lahat ng ito’y nagbago nang pinamahalaan ito ng mga Taliban o isang grupo ng
Islam na naglalayong palakasin ang kontrol ng Islam sa mga bansa kabilang na
ang Pakistan.

Si Malala ay nag-aral sa Khushal Girls High School, paaralan na itinatag ng


kaniyang amang si Ziauddin Yosafzai na isang guro at aktibista. Ang kaniyang
ama ang isa sa mga unang naghimok kay Malala na sumunod sa kaniyang landas.
Matapos pamahalaan ng mga Taliban ang kanilang lugar, mahigpit na mga batas
na ang kanilang ipinatupad. Kasama sa mga ito ang pambobomba ng kanilang
lugar, pagwasak ng mga paaralang nakalaan sa mga babae at pagbawal sa mga
kababaihang magkaroon ng papel sa kanilang lipunan. Samakatuwid, naging
mapanganib ang kanilang bayan kaya’t pinili ng pamilya ni Malala na lumikas na
lamang para sa kanilang kaligtasan. Sila rin naman’y bumalik nang nabawasan na
ang mga tensyon at panganib sa Mingora.

Pagkaraan ng kanilang pagbalik, sinama si Malala ng kaniyang ama sa isang


local na kapisanan ng mga mamamahayag upang magbigay siya ng kaniyang
unang talumpati na inilathala sa buong Pakistan na pinamagatang “How Dare the
Taliban Take Away my Basic Right to Education? Ito ay isang protesta laban sa
pagsasara ng mga paaralan sa kanilang bayan.

Pagkaraan ay lumapit ang BBC sa ama ni Malala, umaasang makahanap


ng makakapaglathala kung paano ba mabuhay sa ilalim ng mga Taliban. Gamit
ang pangalang Gul Makai, isinalaysay ni Malala ang kanyang mga karanasan,
habang isinara ng Taliban ang mga paaralan para sa kababaihan sa kanilang
lugar at pasabugin ang higit sa isang daan nito.

Oktubre 2011 nang iminungkahi siyang kandidato ni Desmond Tutu na isang


human rights activist para sa International Children’s Peace Prize. Matapos ang
ilang buwan, pinarangalan siya na Pakistan’s first National Youth Peace Price at di
nagtagal naging National Malala Peace Prize.

Habang pauwi siya galing sa paaralan noong Oktubre 2012 ay nabaril si


Malala sa ulo ng isang miyembro ng Taliban. Siya’y pinalad na makaligtas at
inilipad sa Inglaterra upang dumaan sa isang operasyon. Ang kaganapang ito ay
nabalita at naging sanhi ng iba’t-ibang protesta sa buong mundo. Ito rin ang
nagudyok sa pagpapatibay ng Right to Education Bill ng Pakistan at paglalaan ng
kanilang gobyerno ng pondo para sa edukasyon ng mga kabataan. Sa panahon
din ito naitatag ang Malala Fund na naglalayong suportahan ang edukasyon ng
mga kababaihan sa buong mundo.

Nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral at pagiging aktibista sa Inglaterra


habang siya’y nagpapagaling. Matapos magpagaling, si Malala ay muling lumabas
sa publiko nuong July 2013, kanyang ika-16 na kaarawan. Dito’y nagsalita siya sa
harap ng 500 tao sa United Nations sa New York. Sa taong iyon ay nakatanggap
din siya ng iba’t-ibang mga parangal tulad ng United Nations Human Rights Prize,
pagiging isa sa mga maimpluensiyang tao sa mundo ayon sa TIME magazine at
iba pa. Matapos ay nailimbag din ang kanyang talambuhay na pinamagatang “I am
Malala: The Girl Who Stood Up for Education And Was Shot by the Taliban.”    

Noong 2014, si Malala ay naging pinakabatang nakatanggap ng Liberty


Medal mula sa National Constitution Center sa Philadelphia at ng kilalang Nobel
Peace Prize.

A. Mga Tanong:
1. Sino si Malala Yousafzai?
_____________________________________________________________.
2. Ano ang kanyang ipinaglaban na nagresulta sa pagbaril sa kanya ng mga
Taliban?
____________________________________________________________
3. Makatwiran ba ang ipinaglaban ni Malala? Bakit?
____________________________________________________________
4. Bakit mahalagang mabigyan ng edukasyon ang mga kababaihan?

B. Sa loob ng talahanayan, isulat ang mga diskriminasyong nararanasan ng


iba’t-ibang kasarian at kung paano ka makakatulong para maiwasan ang
diskriminasyong iyon.
KASARIAN DISKRIMINASYONG PARAAN PARA
NARARANASAN MAIWASAN
1. Lalaki

2. Babae

3. Lesbian
4. Gay

5. Transgender

Gawain 3. I-BIDA MO!

Panuto: Kapanayamin ang kilalang personalidad (lalaki, babae, LGBT) sa


inyong komunidad na naging matagumpay sa gitna ng diskriminasyong naranasan.
Gumawa ng BOOKLET na naglalaman ng kanilang larawan at maikling deskripsiyon
ng kanilang buhay at kanilang karanasan. Ilagay ang iyong larawan sa huling pahina
at ibigay ang iyong paninindigan upang maiwasan ang diskriminasyon.

Rubrik sa Pagwawasto: Ang mga mag-aaral ay mamarkahan sa pamamagitang ng


sumusunod na criteria:
Nilalaman 10
Kaugnayan sa Tema 10
Pagkamalikhain 5
Kabuuan 25

V. ANSWER KEY/SUSI SA PAGWAWASTO


GAWAIN 1: Sino Ako
1. Ellen Degeneres 6. gay
2. “Maalaala Mo Kaya” 7. The Most Prominent Open Gay on American Television
3. gay 8. Transgender
4. Danton Remoto 9. Unang transgender na naging miyembro ng kongreso
5. gay 10.
GAWAIN 2: “Iwas-Diskriminasyon”
Maaring magkaiba-iba ng sagot.

VI. Sanggunian
 https://www.youtube.com/watch?v=_jELOD5BJUc
 https://mylifemystory27.wordpress.com/67-2/
 https://www.scribd.com/document/413019449/Kontemporaryong-Isyu

Inihanda ni:

JOY D. DEAŃO
Teacher I/ OPS

You might also like