Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

“Ramayana”

Ang Ramayana ay isang tula mula sa India na pinangungunahan ng karakter ni


Rama na isang prinsipe mula sa Kaharian ng Kosala.

Si Haring Dashartha ang hari ng Ayodha ay may tatlong asawa, sila ay sina
Kaushalya, Kaikeyi at Sumitra. Matagal na panahon na hindi siya nagkaroon ng
anak mula sa tatlo niyang asawa ngunit dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng
anak ay nagsagawa siya ng ritwal ng sakripisyo sa apoy na tinatawag na PUTRA-
KAMESHTI YAGYA. At nagkaroon na nga ng bunga ang kanyang sakripisyo. Sa
kaniya kanyang asawa ay nagkaroon siya ng mga anak: Mula kay Kaushalya si
Rama, mula kay Kaikeyi si Bharata, at mula naman kay Sumitra sina Lakshmana at
Shatrughna.

Ang magkakapatid na ito ay bumuo sa VISHNU na tinaguriang kataas taasang


trinidad (Supreme Trinity) na nakatakdang gumapi sa demonyong si Ravana na
siyang nagbibigay ng kapighatian sa mga diyos.

At nang si Rama ay labing anim na taong gulang na ay dumulog kay Haring


Dasharatha si Vishwamitra, isa sa mga pinakamatalinong tao sa Ayodhya, dahil sa
mga demonyong gumugulo sa kanilang ritwal na pagsasakripisyo sa mga diyos.
Napili si Rama na sinundan ng kanyang kapatid na si Lakshmana at binigyan sila
ng mga gamit pandigma mula kay Vishwamitra at tinuruan sila kung paano magapi
ang mga demonyo.

Sa kabilang banda, isang babaeng napakaganda at kaakit akit na ampon ni Haring


Janaka ng Mithila na si Sita. Sinabi ng hari na kung sinuman ang makabuhat at
humawak sa napakabigat na pana ay itatakda niyang ipakasal kay Sita. Nagawa ni
Rama ang hamon kaya lahat ng anak nina Haring Dashartha at Janaka ay
itinakdang ipakasal sa isa't isa. Ipinakasal si Rama kay Sita, si Lakshmana kay
Urmila, si Bharata kay Mandavi at Shatrughna kay Shrutakirti.

Matapos ang labindalawang taong pagsasama ni Rama at Sita, naghangad si


Haring Dashartha na hirangin si Rama bilang tagapagmana ng trono niya bilang
hari ng Ayodhya. Ngunit dahil sa inggit at selos ni Kaikeyi na isa sa mga asawa ng
hari na naudyukan ng isa sa mga alipin niyang si Manthara para ipaalala ang isang
matagal nang pangako ng hari na tutuparin para sa kanya. Hiniling ni Kaikeyi na
ipatapon si Rama sa ilang sa loob ng labing apat na taon dahil sa kagustuhang sa
anak niyang si Bharata ipasa ang trono ng hari. Hindi man nagustuhan ng hari ang
hiling ng kanyang asawa ngunit tinupad niya ito dahil sa isang pangako. Tinanggap
ni Rama ng maayos ang utos ng hari at sumama sa kanya ang asawang si Sita at
kapatid na si Lakshmana. Sa pag alis ni Rama ay namatay si haring Dasharatha
dahil hindi niya kinaya ang lungkot at pighati sa sinapit ng kanyang anak na si
Rama.

Sa pagbisita ni Bharata sa isang tiyuhin isang araw ay nalaman niya ang ginawa ng
kanyang ina at hindi niya nagustuhan ang nangyari kaya pinuntahan niya si Rama
sa kagubatan upang kumbinsihin na bumalik na at akuin ang naiwang pwesto ng
kanilang ama. Ngunit sa kagustuhan ni Rama na sundin ang kanilang ama ay hindi
siya pumayag na bumalik.

Lumipas ang labintatlong taon ng pagkakatapon kay Rama sa ilang at sa huling


taon ay nagtayo sila ng mga maliliit na bahay sa gilid ng ilog ng Godavari. Sa
kagubatan ng Panchavati ay binisita sila ng isang babaeng demonyong
nagngangalang Rakshasa na sinubukang akitin ang magkapatid ngunit nang nabigo
siyang tuksuhin ang mga ito ay sinubukan niyang patayin si Sita. Pinutol ni
Lakshmana ang kanyang ilong at tainga dahil dito. Nang malaman ng kapatid na
lalaki na si Khara ang sinapit ni Rakshasa ay tinawag niya ang kanyang mga
alagad na demonyo para umatake sa dalawang prinsipe.

Nang malaman ni Ravana ang pag atake ng mga kampon niyang demonyo sa
magkapatid ay ginamit niya ang isang anyo ng gintong usa na pumukaw sa
atensyon ni Sita at ipinahuli ito sa kanyang asawa na si Rama, kaya naiwan si
Lakshmana para bantayan si Sita. Isang araw may narinig si Sita na sigaw ng
panghoy ni Rama na humihingi ng tulong kaya kinumbinsi niya si Lakshmana na
iwan siya para sagipin si Rama. Kalaunan ay nabihag ni Ravana si Sita at ipinipilit
na pakasalan siya ng babae ngunit dahil sa sobrang pagmamahal niya sa asawang si
Rama ay hindi siya pumapayag. Nang malaman nina Rama at Lakshmana ang
nangyari kay Sita mula sa isang buwitreng si Jatayu ay sinimulan na nilang
magklakbay para iligtas ang asawa.

Sa paglalakbay ni Rama at Lakshmana sa pagliligtas kay Sita ay nagkaroon sila ng


kakamping nagngangalang Hanuman. Gumawa ng paraan si Hanuman para
tulungan si Rama na makuha si Sita mula sa kapangyarihan ni Ravana at siya ay
nagtagumpay sa planong pabagsakin si Ravana at nakuha ni Rama si Sita.

You might also like