Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Humigit kumulang isang daan at labing limang taon na ang nakararaan mula ng makalaya tayo mula sa

pananakop ng Espanya. 115 taon iyon na niyakap natin at patuloy na binibigyan pa ng mga bagong
kasaysayan matapos ang mga pangyayaring iyon. Napakarami na nga nating natutuhan. Marami mang
malulungkot pero alam nating marami din namang masasaya at tagumpay. Katulad ng People Power
Revolution o EDSA I noong 1986, EDSA II at EDSA III noong 2001. Lahat ng mga kaganapang ito ay bunga
ng ating karapatan at kalayaan. Karapatan na isinasakilos sa tuwing alam nating may pang-aapi o
kamalian, at kalayaan para makipaglaban.

Ang kalayaan sa bansa ay ginugunita tuwing sasabit ika-12 ng Hunyo, hindi lang bilang isang selebrasyon
kundi isa ring pag-gunita sa kung paano, sino, kailan o bakit malaya tayo ngayon. Ganoon din ang
pagpapaalala na ang kasarinlan ay hindi lang basta payak na kalayaan lamang kundi isang
responsibilidad. Kaya kung mapapansin n’yo sa tuwing magkakaroon ng programa sa Quirino
Grandstand sa Luneta hindi nawawala ang magigiting nating sundalo sa parada.

Noong bata pa ako, akala ko kapag sinabing tiriteryo kalupaan at ang hangganan lamang nito ang pinag-
uusapan at pinagtatalunan. Dahil kung titignan mo nga naman ang pisikal na anyo ng mundo, mahigit
ika-apat na bahagi lang ng kabuuan nito ang kalupaan. Kaya iniisip ko noon, marahil iyon ang dahilan
kung bakit sila nagsasakupan. Nakalimutan ko may likas-yaman nga din pala sa Karagatan.

You might also like