Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Filipino (Ingles na pagbigkas: /ˌfɪlɪˈpiːnoʊ/;[2] Wikang Filipino, [wɪˈkɐŋ ˌfiːliˈpiːno]), ay ang

pambansang wika ng Pilipinas. Itinalaga ang Filipino kasama ang Ingles, bilang isang opisyal na wika ng
bansa.[3] Isa itong pamantayang uri ng wikang Tagalog,[4] isang pang-rehiyong wikang Austronesyo na
malawak na sinasalita sa Pilipinas. Nasa 24 milyon katao o mga nasa sangkapat ng populasyon ng
Pilipinas noong 2018 ang nagsasalita ng Tagalog bilang unang wika,[5] habang nasa 45 milyong katao
naman ang nagsasalita ng Tagalog bilang ikalawang wika sang-ayon noong 2013.[1] Isa ang Tagalog
sa185 mga wika sa Pilipinas na tinukoy sa Ethnologue.[6] Sa pagka-opisyal, binibigyan kahulugan ang
Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang "ang katutubong diyalektong sinasalita at sinusulat,
sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Rehiyong Kapital, at sa mga ibang sentrong urbano ng
kapuluan."[7] Noong 2000, higit sa 90% ng populasyon ang nakakapagsasalita ng Tagalog, tinatayang
nasa 80% ang nakakapagsalita ng Filipino at 60% ang nakakapagsalita ng Ingles.[8]

You might also like