Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Persuasive

Sa mabilis na paglipas ng panahon ay kasabay ang pagsibol ng iba’t-ibang bagay na nauuso saating
henerasyon. Isa na rito ang pagiging partikular ng madla sa kasuotan na kanilang idinadala sa araw- araw
na pamumuhay. Sa ating kasuotan ay kadalasang makikita kung ano tayo bilang tao. Ito ay ang mag-iiwan
sa bawat taong nakasasalubong natin kung sino tayo. Mula sa pagiging dalagang Filipina, ang mga
Pilipinong kababaihan ngayon ay mistulang naimpluwensiyahan ng mga banyaga pagdating sa pananamit
o fashion kung ituring. Maninipis at maiikling tela ang kalimitang ginagawa upang pambalot ng katawan
ng bawat isa sa kabataan ngayon. Kung kaya’t sa mga nagdaang taon magpahanggang ngayon,mainit na
pinagdidiskusyunan sa ating bansa ang mga kaso ng rape lalong lalo na sa mga kabataan. Lumalabas na
ang pangunahing sanhi kung bakit talamak ang ganito kaso ay ang damit na isinuot ng mga biktima bago
mangyari ang insedente.

Matagal nang usap-usapan ang isyung ito ngunit nitong mga nakaraang taon, naging mas mainit na
kontrobersiya ang kasong pambabastos o catcalling at panggagahasa. Dahil sa pagsibol ng paggamit ng
social media ay mas naging madali para sa bawat indibiduwal, lalaki man o babae ang maglabas ng kani-
kanilang pahayag tungkol sa nasabing isyu. Sabin i Orlie Jacob sa kanyang blog, taong 2014, kaya raw
nababastos ang mga kababaihan ay dahil sa nagsusuot sila ng mga maiikling damit. Binanggit din niya na
kung nais ng mga babae na respetuhin sila ng mga lalaki ay dapat igalang muna nila ang kanilang mga
sarili. Tinukoy niya rin na kapag magsusuot daw ng mga maiikli at maninipis na damit ay dapat ihanda ng
mga kababaihan ang sarili na mabastos. Samo’t sari ang reaksyong natanggap ng blogger na ito. May
mga sumang-ayon at di-sumang-ayon.

Noong ika-22 ng Marso, 2018 ay naglabas ng isang post ang Delta Pi Omicron Sorority, isang sorority
na itinatag noong 1966 sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Kanilang ipinahayag ang iba’t ibang isyu
tungkol sa mga karapatan ng kababaihan at isa na rito ang pambabastos o catcalling. Sinimulan nila ang
post na ito sa pahayag na “Kaya ka nababastos dahil sa suot mo e. Baka naman gusto mo din
mapansin.”. Pinaliwanag nila rito na hindi kasalanan ng mga babae ang pambabastos sa kanila. Minsan,
nasa pag-uugali na ng ibang lalaki ito. Hinikayat din nila ang mga kapwa babae na huwag tanggapin
bilang papuri ang isang catcall at isiping karapatan ng lahat ang pantay na kalayaan at respeto. Marami
ang sumuporta sa pahayag ng Delta Pi Omicron Sorority at ang ilan ay nagbahagi ng kanilang karanasan.
Sa mga komento ay mayroong isang nagpaalala kung ano ang sinapit ni Maria Clara sa kwentong El
Filibusterismo na kung saan siya ay ginahasa ni Padre Salvi. Sa haba ng kaniyang saya, siya pa ay
binaboy at ginahasa.

Marami pa ang karanasan at kaso ang lumabas tungkol sa sexual harassment at panggagahasa ngunit mas
nag-ingay ang karamihan nang may naglabas ng kasong tungkol sa isang apat na buwang gulang na
sanggol mula sa Cebu City ang nagahasa noong taong 2017. Dahil ditto, mas marami ang nagbigay ng
pahayag na wala sa suot at maski edad ng isang babae ang pambabastos ng ibang kalalakihan.
PADAGDAG NA HAHAHA WALA NA AKO MAISIP

You might also like