Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN

FILIPINO 8
Seksyon: Petsa:
St. Raphael November 18, 2021
St. Gabriel November 16, 2021
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;
A. LAYUNIN a) Natutukoy ang mga hudyat ng pagsang-ayon sa paghahayag ng opinyon;
b) Nagagamit sa pagpapahayag ng opinyon ang mga hudyat ng pagsang-ayon
at pagsalungat
c) Naisasaalang-alang ang pagkakaiba ng mga pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng opinyon; at
d) Nakasusulat ng isang sulatin na nagpapahayag ng opinyon at katwiran
tungkol sa isang paksa
a. Paksa : Dahil sa Teknolohiya, Kalikasa’y Nasisira (Balagtasan)
B. PAKSANG b. Kagamitan: Powerpoint presentation
ARALIN c. Sanggunian : Quipper

Panimulang Gawain:
C. PAMAMARAAN: Panalangin
Pagtala ng lumiban sa klase

Ipagawa: Ano ang Masasabi Mo?


A. Pagganyak

Itanong:
● Ano ang makikita sa editorial cartoon?
● Ano ang masasabi mo sa larawan?
● Ano ang epekto ng maling pagtatapon ng basura?

 Mga Hudyat ng Pagsang-ayon at Pagsalungat


B. Paglalahad ng  Pagbibigay ng Opinyon at Katuwiran
aralin

C. Pagtatalakay Mga Hudyat ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

1. Pahayag sa Pagsang-ayon
Sa paggamit nito, nangangahulugang tinatanggap, pumapayag at nakikiisa
sa isang pahayag o ideyang binitiwan ng mambabalagtas. Sumasang-ayon
ka sa opinyon at saloobin niya at ang ilang hudyat na salita o pariralang
ginagamit sa pagsang-ayon ay kabilang sa pang-abay na panang-ayon
katulad ng sumusunod:

• Lubos akong nananalig sa iyong tinuran na marapat na igalang ang ating


kalikasan.
• Sang-ayon akosa iyong opinyon.
• Bilib ako sa iyong sinabi, lubos na kahang-hanga ang iyong mga
ipinahayag.
• Kaisa ako sa bahaging iyan, talagang nakasisira ng kalikasan ang
makabagong teknolohiya.
• Iyan din ang palagay ko, mayroon din namang magandang epekto ang
mga
teknolohiya ngunit mas malaki ang pinsalang dulot nito sa ating kalikasan.

2. Pahayag sa Pagsalungat
Ginagamit ito tuwing hindi sumasang-ayon at mayroong pagtutol,
pagtanggi pagtaliwas o pagkontra sa isang pahayag o ideyang binitawan ng
mambabalagtas. Sa pagpapahayag nito, ginagamit ang pang-abay na
pananggi tulad ng sumusunod:
• Hindi ako naniniwala riyan sapagkat tandaan natin na ang mga
teknolohiya ang nagpapadali sa ating mga gawain.
• Ikinalulungkot ko ang iyong katwiran ay hindi maganda sapagkat hindi
mo
binigyang-pansin ang magandang naidudulot nito sa atin.
• Ayaw ko ang pahayag na patungkol sa pagkasira ng kalikasan dahil sa
teknolohiya sapagkat naniniwala akong ang dahilan ay ang kawalan ng
disiplina

Pagbibigay ng Opinyon at Katuwiran

MGA DAHILAN NG PANGANGATUWIRAN


1. Upang mabigyang-linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. Upang maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban
sa
mambabalagtas
3. Makapagbahagi ng kaalaman sa ibang tao
4. Makapagpahayag ng saloobin o opinion
Sa pagbibigay ng opinyon at pangangatwiran, mahalagang matutuhan natin
ang wastong gamit ng mga salita upang maging kapani-paniwala o kahika-
hikayat ang pagpapahayag. Tandaan natin na sa anumang paraan ng
pakikipagtalastasan maging ito man ay balagtasan o anumang pakikipag-
usap, kinakailangan na maiparating natin ang atig katwiran o panig sa isang
paksa sa paraang nauunawaan at nakapanghihikayat. Marapat na huwag
nating kalimutan ang mga paraan ng pagbibigay katwiran at paglalahad ng
opinyon ngunit huwag rin kaliligtaan ang maging magalang sa lahat ng
pagkakataon.

D. Paglalapat

E. Paglalahat  Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong


mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan
upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.
 Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring
napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa
ibang lugar samantalang ang opinion naman ay isang pananaw ng isang tao
o pangkat na maaaring totoo subalit maaaring pasubalian ng iba higit na sa
balagtasan.
 May dalawang uri ng pangangatwiran: pabuod at pasaklaw.
IV. PAGTATAYA Basahin ang sumusunod na opinyon. Isulat ang M kung ang pahayag sa
pagbibigay ng opinyon ay MATATAG at N naman kung ang pahayag sa
pagbibigay ng opinyon at NEUTRAL.
1. Lubos kong pinaniniwalaan na balang araw ay babalik ang ganda at linis
ng Manila Bay.
2. Kung hindi ako nagkakamali ay sinisimulan na nilang bungkalin ang
burak dito.
3. Sigurado akong hahangaan tayo ng buong mundo rito.
4. Kaya kung ako tatanungin, mas mainam na simulan na rin ng iba pa na
makipagtulungan sa paglilinis ng ating kailkasan.
5. Sa totoo lang kung lahat tayo ay nagtutulungan, marahil ay matagal nang
maunlad ang ating bansa.
6. Sa akin kasing pananaw, mas madaling umunlad ang isang bansa kung
tulong-tulong at disiplinado ang mga mamamayan nito.
7. Labis akong naninindigan na uunlad tayo balang araw.
8. Talagang kailangan lang natin magtiyaga at magsimula sa malilliit na
hakbang tungo sa kaunlaran.
9. Sa totoo lang maraming Pilipino ang mahuhusay sa iba’t ibang larangan.
10. Sigurado akong kahit saan tayo mapadpad makakaya nating mabuhay.
V. TAKDANG ARALIN

Learner’s level of Perfomance: St. Gabriel


St. Rapahel

Inihanda ni : Jova Bhon C. Bautista


Guro sa Filipino

You might also like