Professional Documents
Culture Documents
1
1
FILIPINO 8
Seksyon: Petsa:
St. Raphael November 25, 2021
St. Gabriel November 23, 2021
I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;
a) Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa napanood na
sarsuwela.
b) natutukoy ang mga pangunahing katangian ng isang sarsuwela;
c) Naipaliliwanag ang kahalagahan ng sarsuwela sa kulturang Pilipino; at
d) Naibabahagi ang mga aspekto ng kulturang Pilipinong masasalamin sa
sarsuwela.
Gawain : Pakinggan ang awit na “Bayan Ko” mula sa Sarsuwelang Walang Sugat
A. Pagganyak Itanong:
Ano-ano ang mga pinagdaanan ng bayan na inilalarawan sa awit?
Ano-anong mga damdamin o emosyon ang nanaig sa awit?
Ano ang mga hamon na hinarap ng inyong pangkat sa pagbabahagi
ng inyong interpretasyon para sa awit?
Ano-anong mga katangian ng mga awit ang maaaring makapagpadali
o makapagpahirap na bigyan ito ng interpretasyon?
B. Paglalahad ng Sarsuwela
aralin Pagsusuri ng Sarsuwela
C. Pagtatalakay
Paglaganap ng Sarsuwela
Lumaganap nang tuluyan ang sarsuwelang Tagalog sa pangunguna ni
Severino Reyes na kilala sa tawag na Lola Basyang. Ang naisulat niyang
dula na Walang Sugat ang kaniyang naging tuntungang bato patungo sa
katanyagan. Siya ay tinaguriang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”
samantalang si Atang Dela Rama naman ang tinaguriang “Reyna ng
Sarsuwela sa Pilipinas.” Ito ang naging hudyat ng lubos na pananaig ng
sarsuwela bilang bagong pambansang teatro
Layunin ng Sarsuwela
Ang sarsuwela ay isinasagawa hindi lamang para magbigay-aliw sa mga
manonood. Narito ang ilan pa sa mga layunin ng sarsuwela:
Magbigay-aliw sa mga manonood sapagkat pumupukaw ng interes sa
isipan ng mga Pilipino.
Magpakita ng tunay na nangyayari sa buhay ng tao o lipunan.
Magsalamin ng ating kultura at paniniwala.
Magpahayag ng mga damdaming nakapaloob sa mga dula o sarsuwela.
Magkintal ng aral o mensahe sa mga manonood.
Elemento ng Sarswela
Iskrip o nakasulat na dula
Gumaganap o aktor
Tanghalan
Tagadirehe o direktor
Manonood
Eksena at tagpo
Pagsusuri ng Sarsuwela
D. Paglalapat
E. Paglalahat
Ang sarsuwelang Tagalog ay ipinalaganap ni Severino Reyesna kilala sa tawag
na Lola Basyang. Ang naisulat niyang dula naWalang Sugat ang kaniyang
naging tuntungang bato patungo sakatanyagan.
Si Severino Reyes ay ang tinaguriang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”
samantalang at si Atang Dela Rama naman ang tinaguriang “Reyna ng
Sarsuwela sa Pilipinas.”
Sa pagsusuri ng isang dula ay nangangailangan na may malawakna kaalaman sa
mga elemento at sangkap, may matalas na pandinig, at may kritikal at
mapanuring pag-iisip sa bawat pangyayari o tagpong isinasabuhay ng dula.
IV. PAGTATAYA A. Tukuyin kung tama o mali ang pahayag o salitang may salungguhit sa bawat
bilang. Kung TAMA, isulat ang salitang sarsuwela sa patlang, samantalang kung
MALI ay isulat ang wastong salita o pahayag na aangkop sa pangungusap.
__________1. Ang sarsuwela ay isang uri ng dula na binibigkas lamang sa
entablado.
__________2. Si Severino Reyes ay tinaguriang “Ama ng Sarsuwelang
Tagalog”
__________3. Dinala ni Alejandro Abadilla ang sarsuwela sa Pilipinas.
__________4. Si Atang de la Rama ang tinaguriang namang Reyna ng
Sarsuwela
dahil sa kaniyang mga nilabasang pagtatanghal ng sarsuwela.
__________5. Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang dumating ang mga
k-drama sa ating bansa.
V. TAKDANG ARALIN Panoorin ang mala-sarsuwelang pelikulang “Ang Larawan”. Itala ang mga
pagpapahalagangPilipinong ipinakita dito.